You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE
Bacungan 1 District

LEARNING ACTIVITY SHEET (1)


ARALING PANLIPUNAN 9
Quarter 1/Week1.
Name: ____________________________ Score: ________
Subject: Araling Panlipunan Teacher: Primitivo F. Enderes

Type of Activity:

Concept Notes Individual Formative Others


Laboratory Pair/Group Summative ________
_________________________________________________________________________________________________
Lesson/ Topic: Kahulugan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay

Learning Target (s): 1. Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-ara na pamumuhay bilang isang
mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan. (AP9MKA – Ia – 1)

Suriin

KAHULUGAN NG EKONOMIKS

Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila
walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman. Ito
ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia na nagmula naman sa dalawang salita: ang oikos ay
nangangahulugang bahay at nomos na pamamahala (Viloria, 2000).
Matapos mong ma-organisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa kahulugan at kahalagahan
ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na buhay, ihanda ang iyong sarili sa susunod na bahagi ng aralin upang
higit mong maunawaan nang mas malalim ang konsepto ng ekonomiks.
Samantala, ang pamayanan katulad ng sambahayan, ay gumaganap din ng iba’t ibang desisyon. Ang
pamayanan ay kailangang gumawa ng desisyon kung ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin, paano
gagawin, para kanino, at gaano karami ang gagawin. Lumalabas ang mga batayang katanungang nabanggit
dahilan sa suliranin sa kakapusan. May kakapusan dahil may limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman at
walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Dahil sa kakapusan, kailangan ng
mekanismo ng pamamahagi ng limitadong pinagkukunang-yaman.
Ang kakapusan ay kaakibat na ng buhay dahil may limitasyon ang kakayahan ng tao at may
limitasyon din ang iba pang pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas at kapital. Ang yamang likas ay
maaaring maubos at hindi na mapalitan sa paglipas ng panahon. Samantala, ang yamang kapital tulad ng
makinarya, gusali, at kagamitan sa paglikha ng produkto ay may limitasyon din ang dami ng maaaring
malikha. Sa gayon, kailangang magdesisyon ang pamayanan batay sa apat na pangunahing katanungang
pang-ekonomiya na kapaki-pakinabang sa lahat.

Gawain 2: Baitang ng Pag-unlad


Panuto: Isulat sa loob ng talahanayan ang pauna mong kaalaman kung ano ang kahulugan ng ekonomiks sa
pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral, kasapi ng pamilya at lipunan.

Ano ang kahulugan ng ekonomiks sa iyong pang-araw-araw na


pamumuhay bilang isang mag-aaral, kasapi ng pamilya at lipunan
______
15
INITIAL NA KAALAMAN

__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

Rubrics sa pamantayan ng Pagmamarka

Kriterya Napakalinaw ang Pagkabuo Lubhang malinaw ang Hindi malinaw ang
(15 puntos) pagkabuo (10 puntos) pagkakabuo (5puntos)
Nilalaman
Mensahe
Pagkakabuo

Katapusang Gawain: Pagtataya


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan.
Isulat ang sagot sa bahaging ibinigay.
______ 1. Ang salitang ekonomiks ay galling sa salitang oikos at nomos, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay ________
A. pamamahala ng negosyo C. pamamahala ng tahanan
B. pakikipagkalakalan D. pagtitipid
_____ 2. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:
A. Pinag-aralan ditto kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang material na
pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.
B. Nagbibigay ito ng suhestiyon upang maging mapayapa an gating mdaigdig
C. Pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao
D. Pinag-aralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita n gating kapwa tao
______ 3. May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang HINDI kasama sa pangkat?
A. Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?
B. Paano lilikhain ang kailangang produkto at serbisyo?
C. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
D. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?
______ 4. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas, yamang tao, at
yamang kapital. Nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito dahil _______
A. Limitado ang mga pinagkukunang yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
B. Sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang-yaman
C. Sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ibinebenta sa pamilihan
D. Likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang-yaman ng bansa

______ 5. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?
A. dinadaluhang okasyon C. opportunity cost ng desisyon
B. kagustuhang desisyon D. tradisyon ng pamilya

Prepared by:
PRIMITIVO F. ENDERES
Subject Teacher
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE
Bacungan 1 District

LEARNING ACTIVITY SHEET


ARALING PANLIPUNAN 9
Quarter 1/Week2.
Name: ____________________________ Score: ________
Subject: Araling Panlipunan Teacher: Primitivo F. Enderes

Type of Activity:

Concept Notes Individual Formative Others


Laboratory Pair/Group Summative ________
_________________________________________________________________________________________________
Lesson/ Topic: Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay

Learning Target (s): 1. Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na


pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan. AP9MKE-Ia-2

Gawain 1: Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na
tumutukoy sa tamang kasagutan. Isulat ang sagot sa bahaging ibinigay.

_______ 1. Maraming tao ang naapektuhan ang kanilang kabuhayan dahil sa krisis dulot ng
pandemya sa COVID-19. Bilang mag-aaral, paano mo matutulungan ang iyong pamilya
sa pagharap ng krisis sa ekonomiya?
A. Ikaw ay magtatrabaho upang madagdagan ang kita ng iyong pamilya.
B. Maging masinop sa paggasta ng iyong pera at bilhin lamang ang pangunahing
pangangailangan.
C. Hindi makikialam sa magiging desisyon ng iyong mga magulang sa usapin sa pera.
D. Pag-aaral lamang ang iyong aasikasuhin dahil hindi mo naman responsibilidad ang
paghahanapbuhay sa kasalukuyan.
_______ 2 Sa pag-aaral ng Ekonomiks, pangunahing batayan nito ang suliranin ng kakapusan.
Bakit nararanasan natin ang kakapusan?
A. Ito ay dahil sa hindi tamang paggamit ng likas na yaman.
B. Ito ay dahil sa masyadong malaki ang populasyon at konti lang ang pinagkukunang-
yaman.
C. Ito ay dahil sa mapaminsalang kalamidad na nararanasan.
D. Ito ay dahil sa walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao kahit
limitado ang pinagkukunang-yaman.
_______ 3. Mas pinili ni Fiona na mag-aral ng kanyang leksiyon sa Ekonomiks kaysa sa manood ng
K-drama ng mga oras na iyon. Anong salik ng matalinong pagdedesisyon ang tumutukoy
sa sitwasyon?
A. Incentives B. marginal thinking
C. opportunity cost D. trade-off
________4. Ngayong nasa Grade 9 na si Mergie ay lalo pa siyang ginanahang mag-aral ng mabuti
upang makakuha ng average grade na 90 pataas dahil sa pangakong mamahaling
cellphone ng kanyang mga magulang. Aling salik ng matalinong pagdedesisyon ang inilalarawan
sa sitwasyon?
A. Incentives B. marginal thinking
C. opportunity cost D. trade-off
________5. Nakaugalian na ni Ardie na pag-isipan muna nang mabuti ang pagdesisyon sa isang
bagay kung ito ba may pakinabang sa kanya o wala. Ang ginagawa ni Ardie ay isang
halimbawa ng anong konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
A. Incentives B. marginal thinking
C. opportunity cost D. trade-off
Suriin

KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS

Mahalaga ang pag-aaral ng Ekonomiks sapagkat makatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng
matalinong desisyon. Malaki ang maitutulong nito sa iyo bilang mag-aaral at maging sa mga kasapi ng pamilya at
lipunan. Maaari mo ring magamit ang kaalaman sa Ekonomiks sa pag-unawa sa mga desisyon mula sa mga pamimilian
na mayroon ang pamilyang iyong kinabibilangan. Ang mga kaalaman sa konsepto ng trade-off, opportunity cost,
incentives, at marginal thinking ay makatutulong sa matalinong pagdedesisyon upang maging rasyonal ang bawat isa sa pagbuo ng
desisyon. Sa paggawa ng matalinong pagdedesisyon, nagaganap ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
Ito ay tinatawag na trade off. Ang trade-off ay mahalaga sapagkat sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpipilian sa
pagbuo ng pinakamainam na pasya. Halimbawa, mag-aaral ka ba o maglalaro?

Sa ginagawang pagsasakriprisyo ay may opportunity cost. Ang opportunity cost ay tumutukoy sa


halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. Subalit minsan,
kahit nakabuo na ng desisyon ay hindi pa rin maiiwasang magbago ng isip sa bandang huli. Ito ay dahilan sa
mga insentibo na iniaalok ng mga lumilikha ng produkto at serbisyo. Ang incentives ay tumutukoy sa
pakinabang na makukuha o matatanggap mo kung pipiliin mo ang isang bagay.
Ang marginal thinking naman ay ang pagsuri ng isang indibidwal sa karagdagang halaga, maging ito man ay
gastos o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon. Sa mga isyu tungkol sa pag-aaral, pagkita,
paglilibang, paggasta, at pagtugon sa pangangailangan at kagustuhan ay maaari mong magamit ang
kaalaman sa alokasyon at pamamahala.

Pagyamanin

Gawain 2: Flow Chart


Panuto: Isa-isahin ang kahalagahan ng pag-aaral ng Ekonomiks batay sa gampanin ng isang tao. Isulat ang sagot
sa loob ng chart.
_________
15

Kahalagahan ng Pag-aaral ng Ekonomiks

Bilang Miyembro ng Bilang mamamayan ng Lipunan Bilang Mag-aaral


pamilya

RUBRIK sa Pagmamarka

Kriterya 15 pts. 10 pts 7 pts 5 pts


Kaalaman sa Paksa Ang pangunahing Ang mga Hindi loahat ng Ang pangunahing
kaalaman ay pangunahing pangunahing kaalaman ay hindi
nailahad at kaalamanay kaalaman ay nailahad at
naibigay ang nailahad subalit nailahad natalakay
kahalagahan hindi wasto ang
ilan

Prepare by:
PRIMITIVO F. ENDERES
Subject Teacher
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE
Bacungan 1 District

LEARNING ACTIVITY SHEET


ARALING PANLIPUNAN 9
Quarter 1/Week3
Name: ____________________________ Score: ________
Subject: Araling Panlipunan Teacher: Primitivo F. Enderes

Type of Activity:

Concept Notes Individual Formative Others


Laboratory Pair/Group Summative ________
_________________________________________________________________________________________________
Lesson/ Topic: Iba’t ibang Sistemang Pang-ekonomiya

Learning Target (s): 1. Nasusuri ang iba’t ibang sistemang pang ekonomiya.

Panimulang Gawain: Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na tumutukoy sa tumpak
na kasagutan. Isulat ang sagot sa bahaging ibinigay.
________ 1. Sa Market Economy, ito ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin
karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.
A. likas-yaman B. pamahalaan C. presyo D. prodyuser

_______ 2. Ang sistemang pang-ekonomikong ito ay sumasagot sa unang katanungang pang-


ekonomiko batay sa puwersa ng pamilihan.
A. Traditional Economy B. Market Economy C. Command Economy
D. Mixed Economy

________ 3. Sa Command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at


regulasyon ng:
A. konsyumer B. pamahalaan C. pamilihan D. prodyuser

_________4. Bakit kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng


pinagkukunang- yaman ng bansa?
A. Upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan
mula rito.
B. Upang mas lumaki ang kita ng ekonomiya ng ating bansa at ng mamamayan nito.
C. Mas mapalawig ang yamang-likas ng isang bansa na kagaya ng ating bansa.
D. Nararapat itong bigyang pansin dahil sa katotohanang may
kakapusan na umiiral.

________5. Alin sa sumusunod ang mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya?


A. Mas mapalawig ang kitang pang-ekonomiya ng ating bansa.
B. Makamit ang pinakamataas na kasiyahan at kapakinabangan mula rito.
C. Makaagapay ang lipunan sa mga suliranin at kung paano episyenteng magagamit ang pinagkukunang-
yaman ng bansa.
D. Matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.

Suriin

ANG SISTEMANG PANG- EKONOMIYA


Ang sistemang pang-ekonomiya ay tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang
maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari at paglinang ng pinagkukunang-yaman at
pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan. Mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya na
makaagapay ang lipunan sa mga suliranin ng kakapusan at kung paano epesyenteng magagamit ang mga
pinagkukunang-yaman ng bansa.
Bawat lipunan ay may sinusunod na sistemang pang-ekonomiya upang matugunan ang mga suliraning
nakapaloob sa produksiyon at alokasyon ng mga produkto at serbisyo. Ang sistemang pang-ekonomiya ay
sumasagot sa apat na pangunahing katanun

Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya


Ang sumusunod ay ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa daigdig:
Traditional Economy
Ang unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya ay ang Traditional Economy. Ang kasagutan sa
pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.

Market Economy
Sa Market economy, ang kasagutan sa pangunahing katanungan pang-ekonomiko ay ginagabayan ng
mekanismo ng malayang pamilihan. Sa ganitong Sistema, ang bawat kalahok- konsyumer at prodyuser,
kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang.

Command Economy
Sa Command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng
pamahalaan. Ang pagkontrol ay alinsunod sa isang planong nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya na
pinangangasiwaan mismo ng sentralisadong ahensiya (central planning agencies).

Mixed Economy
Ang Mixed economy ay isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng Market economy at Command
economy. Walang maituturing na isang kahulugan ang Mixed economy. Ito ay kinapapalooban ng
magkaugnay na katangian ng dalawang sistema tulad ng malayang pakikilahok sa mga gawaing
pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan at pagkontrol ng pamahalaan sa ilang gawaing
pangkabuhayan.

Gawain 2: Dialogue Box


Panuto: Punan ng tamang sagot ang usapan ng dalawang tauhan sa bawat kahon.

Ano ba ang katangian ng traditional economy?


__________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

Ano ang kaibahan ng command economy sa


mixed
economy?

__________________________________
_____________________________________
_
_____________________________________
_
_____________________________________
_
_____________________________________
_
_____________________________________
_
_____________________________________
_
Prepared by:
PRIMITIVO F. ENDERES
Subject Teacher

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE
Bacungan 1 District

LEARNING ACTIVITY SHEET


ARALING PANLIPUNAN 9
Quarter 1/Week4
Name: ____________________________ Score: ________
Subject: Araling Panlipunan Teacher: Primitivo F. Enderes

Type of Activity:

Concept Notes Individual Formative Others


Laboratory Pair/Group Summative ________
_________________________________________________________________________________________________
Lesson/ Topic: Mga Salik ng Produksiyon at ang Implikasyon Nito sa Pang-araw-arw na Pamumuhay ng Tao

Learning Target (s): 1. Natatalakay ang mga salik ng produksiyon at ang implikasyon nito sa pang-
araw-araw na pamumuhay.

Panimulang Gawain: Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na tumutukoy sa tumpak
na kasagutan. Isulat ang sagot sa bahaging ibinigay.
_______1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na may naiibang katangian ang
lupa bilang salik ng produksiyon?
A. tinataniman ng mga magsasaka C. itinuturing ito na fixed o takda ang bilang
B. pinapatayuan ng mga imprastraktura D. ito ng mga input sa produksyon
______ 2. Anong proseso ng produksiyon ang nagpapalit-anyo ng produkto?
A. paggamit ng mga hilaw na sangkap
B. pagtayo ng mga pabrika
C. pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output o produkto
D. pagkamalikhain ng mga manggagawa
______ 3. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kabayaran sa paggamit ng capital sa
proseso ng produksiyon?
A. interes B. kita C. pera D. regalo
______ 4. Paano nakatutulong ang paggamit ng makinarya sa produksiyon?
A. maraming hilaw na sangkap ang magagamit
B. maraming output ang mabubuo
C. mas magiging mabilis ang paglikha ng mga produkto
D. matutugunan ang pangangailangan ng mga konsyumer
_____ 5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa katangiang taglay ng isang
entrepreneur?
A. puno ng inobasyon C. may kakayahang magpatupad ng presyo sa pamilihan
B. maging malikhain D. handang makipagsapalaran sa kahihinatnan ng
negosyo

Suriin

MGA SALIK NG PRODUKSIYON


Lupa Bilang Salik ng Produksiyon
Sa ekonomiks, ang lupa ay hindi lamang tumutukoy sa tinataniman ng mga magsasaka o pinagtatayuan ng bahay. Kasama
rin dito ang lahat ng yamang likas sa ibabaw at ilalim nito, pati ang mga yamang tubig, yamang mineral at yamang gubat.

Paggawa Bilang Salik ng Produksiyon


Ang mga likas na yaman at mga hilaw na sangkap ay hindi magiging kapaki-pakinabang kung hindi
gagamitin at gagawing produkto. Nangangahulugan ito na kailangan ang mga manggagawa sa
transpormasyon ng mga hilaw na materyales sa pagbuo ng tapos na produkto o serbisyo. Ang lakas- paggawa
ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksiyon ng kalakal o serbisyo. May dalawang uri ang lakas-
paggawa: ang mga manggagawang may kakayahang mental o silang mga tinatawag na may white-collar
job (white-collar job). Mas ginagamit ng manggagawang may kakayahang mental ang kanilang isip
kaysa sa lakas ng katawan sa paggawa. Halimbawa ng mga ito ay ang mga doctor, abogado, inhinyero, at iba
pa. Ang katawagang white-collar ay unang ipinakilala ni Upton Sinclair, isang Amerikanong manunulat noong
1919.
Kapital Bilang Salik ng Produksiyon
Ang kapital ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto. Mas magiging mabilis ang paggawa kung may mga
makinarya o kasangkapang gagamitin ang mga manggagawa. Ang mga kagamitang ito na gawa ng tao sa paglikha ng panibagong
kalakal ay matatawag na halimbawa ng kapital. Ang kapitaL ay maaari ring iugnay sa salapi at imprastraktura tulad ng mga gusali,
kalsada, tulay pati na ang mga sasakyan.

Entrepreneurship Bilang Salik ng Produksiyon


Itinuturing na pang-apat na salik ng produksiyon ang entrepreneurship. Ito ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng
isang tao na magsimula ng isang negosyo. Ang entrepreneur ang tagapag-ugnay ng naunang mga salik ng produksiyon upang
makabuo ng produkto at serbisyo. Siya rin ang nag-oorganisa, nagkokontrol at nakikipagsapalaran sa mga desisyon sa mga bagay na
maka-aapekto sa produksiyon.

Pagyamanin

Gawain 2: Buuin Natin-Mga Salik ng Produksiyon


Panuto: Sagutin ang graphic organizer tungkol sa mga salik ng produksiyon. Isulat sa loob ng mga
square sa ihaba ang mga salik ng produksiyon at ang kahalagahan nito.

Mga Salik ng
Procuksiyon

Pamprosesong Tanong:
Panuto: Sagutin ang mga pamprosesong tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa ibaba.
( 5 pts. each)

__________
10

1. Bakit mahalaga ang ginagampanan ng bawat salik sa proseso ng produksiyon?


________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, alin sa mga salik ang pinakamahalaga sa proseso ng produksiyon?


Pangatwiran ang sagot.
_________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________.

Prepared by:
PRIMITIVO F. ENDERES
Subject Teacher

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE
Bacungan 1 District

LEARNING ACTIVITY SHEET


ARALING PANLIPUNAN 9
Quarter 1/Week5
Name: ____________________________ Score: ________
Subject: Araling Panlipunan Teacher: Primitivo F. Enderes

Type of Activity:

Concept Notes Individual Formative Others


Laboratory Pair/Group Summative ________
_________________________________________________________________________________________________
Lesson/ Topic: Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo

Learning Target (s):


1. Nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo. (AP9MKE-Ih-18)

Subukin
Panimulang Gawain: Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na
tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat ang sagot sa bahaging ibinigay.

_______1. Bakit nagkakaiba ang paraan at dahilan ng pagkonsumo?


A. maraming kalagayan ang isinasaalang-alang
B. magkakaiba ang katangian ng mga nakakaapekto dito
C. magkakaiba ang pangangailangan ng tao
D. hindi tiyak an gang pangyayari sa lipunan

______ 2. Sa anong salik ng pagkonsumo nakakaapekto ang mga kalamidad? demostration effect
A. demostration effect B kita C. mga inaasahan D. pagkakautang

_____ 3. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad na ang tao ay hindi naapektuhan ng demonstration
effect?
A. hindi sumusunod sa uso C. binibili ang mga napapanahong gamit
B. nahuhumaling sa suot ng mga artista D. suportado ang mga ini-endorso nga
paboritong artista

_______4. Bakit nakakaapekto ang pagkakaroon ng utang sa pagkonsumo ng tao?


A. lumulubo ang kanyang utang kapag hindi nababayaran
B. tumataas ang kanyang kakayahang makabili ng produkto
C. nababawasan ang kanyang kakayahan na makabili ng produkto
D. kakaunti ang naiipon sap era mula sa kita

_______5. Kapag pinag-uusapan ang pagkonsumo, bakit mas mainam na kunti lang ang utang?
A. walang naniningil kapag nakatanggap ng sahod
B. lumalaki ang ipon sa bangko
C. walang utang na kailangang bayaran
D. tumataas ang kakayahang kumonsumo

Suriin

Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo


May iba’t ibang salik na nakaaapekto sa pagkonsumo ng isang tao. Ang pagkakaiba ng mga katangian ng
mga salik na ito ang dahilan kung bakit nagkakaiba din ang paraan ng pagkonsumo ng mga mamamayan. Sa
ibaba ay mababasa ang ilan sa mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo ng isang tao.

Pagbabago ng presyo – may pagkakataon na nagiging motibasyon ang presyo ng produkto o serbisyo
sa pagkonsumo ng isang tao. Kalimitan, mas mataas ang pagkonsumo kung mababa ang presyo samantalang
mababa ang pagkonsumo kapag mataas ang presyo. Kadalasan, mas tinatangkilik ng mga mamimili ang
produkto o serbisyo kapag mura dahil mas marami silang mabibili. Samantala, kaunti naman ang kanilang
binibili kung mataas ang presyo nito.

Kita - nagdidikta rin ang kita paraan ng pagkonsumo ng isang tao. Ayon kay John Maynard Keynes,
isang ekonomistang British, sa kanyang aklat na “The General Theory of Employment, Interest, and Money” na
inilathala noong 1936, malaki ang kaugnayan ng kita ng tao sa kanyang pagkonsumo. Ayon sa kaniya,
habang lumalaki ang kita ng tao ay lumalaki rin ang kaniyang kakayahan na kumonsumo ng mga produkto
at serbisyo. Sa kabilang banda, ang pagbaba ng kita ay nangangahulugan ng pagbaba ng kakayahang
kumonsumo.

Mga Inaasahan - ang mga inaasahang mangyayari sa hinaharap ay nakaaapekto sa


pagkonsumo sa kasalukuyan. Halimbawa, kung inaasahan ng mga tao na magkakaroon ng
kakulangan sa suplay ng produkto dahil sa kalamidad, tataas ang pagkonsumo nito sa
kasalukuyang panahon bilang paghahanda sa pangangailangan sa hinaharap.

Pagkakautang – kapag maraming utang na dapat bayaran ang isang tao, maaaring maglaan siya ng
bahagi ng kaniyang salapi upang ipambayad dito. Ito ay magdudulot ng pagbaba sa kaniyang pagkonsumo
dahil nabawasan ang kaniyang kakayahan na makabili ng produkto o serbisyo. Tataas naman ang
kakayahan niyang kumonsumo kapag kaunti na lamang ang binabayaran niyang utang.

Demonstration Effect – madaling maimpluwensiyahan ang tao ng mga anunsiyo sa radyo,


telebisyon, pahayagan, at maging sa internet at iba pang social media. Ginagaya ng mga tao ang kanilang
nakikita, naririnig, at napapanood sa iba’t ibang uri ng media kaya naman tumataas ang pagkonsumo dahil
sa nasabing salik.

Pagyamanin
Gawain 2. Concept Map: Pagbuo ng Konsepto

Panuto: Ang Concept Map sa susunod na pahina ay nagpapahiwatig sa ugnayan ng


pagkonsumo sa iba’t ibang salik. Batay sa binasang teksto, buuin ang Concept Map
tungkol sa mga salik na ito. Pagkatapos nito ay sagutin ang mga pamprosesong
tanong.

Mga Salik na
Nakakaapekto
sa
Pagkonsumo

Pamprosesong Tanong:
Panuto: Batay sa ginawang gawain, sagutin ang mga pamprosesong tanong sa ibaba
gamit ang sagutang papel.
_______
10
1. Ano-ano ang mga naging batayan mo sa pagbuo sa Concept Map?

_______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
Prepare by:
PRIMITIVO F. ENDERES
Subject Teacher

You might also like