You are on page 1of 9

9

Learning Activity Sheet


sa
Araling Panlipunan
Quarter 1, MELC 2 - Week 1-3
Kahalagahan ng Ekonomiks sa
Pang-araw-araw na Pamumuhay

PAG-AARI NG PAMAHALAAN
HINDI IPINAGBIBILI

DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL


Araling Panlipunan 9
Learning Activity Sheet (LAS) #2: Kahalagahan ng Ekonomiks sa Panh-araw-
araw na pamumuhay
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas Ng Kagawaran ng Edukasyon,


Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Sangay ng Negros Occidental

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Araling Panlipunan 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag


upang magamit ng mga Paaralan sa Sangay ng Negros Occidental.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Sangay ng Negros Occidental.
Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Araling Panlipunan 9
Writer/Developer: Ariadne M. Sabellano, Resenita C. Pactol, Coney Vee
Alinsa Manilyn D. Aballe
Enhancer : Bea F. Castañeda
Editor : Evita H. Agravante
Tagasuri : Marlyn V. Anida
Tagalapat : Othelo M. Beating
Management Team:
Ramir B. Uytico, EdD., CESO IV – Regl. Director
Pedro T. Escobarte, Jr. PhD. CESO V – OIC-Regl. Director
Elena P. Gonzaga, Regl. Chief - CLMD
Donald T. Genine, Regl. EPS - LRMS
Meriam T. Lima, Regl. EPS – Araling Panlipunan
Marsette D. Sabbaluca, CESO VI – SDS
Lynee A. Peñaflor, ASDS
Salvacion J. Senayo, OIC-ASDS
Zaldy H. Reliquias, PhD., Chief-CID
Raulito D. Dinaga, Div. EPS-LRMS
Marlyn V. Anida, Div. EPS-Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon,


Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Sangay ng Negros Occidental
Office Address: Cottage Road, Bacolod City
Telefax: (034) 435–3960 / (034) 709–0138
E-mail Address: negros.occidental001@deped.gov.ph

ii
Website: www.depednegrosoccidental.weebly.com

Pambungad na Mensahe

MABUHAY!

Ang Araling Panlipunan 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa


pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng SDO-Negros Occidental sa
pakikipagtulungan ng Kagawaran gn Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas
at sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda
ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga
mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng
Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na


mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon
sa kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng
isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang
isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Araling Panlipunan 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo


upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng
edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-
kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang
komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa
mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan
ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Araling Panlipunan 9 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang


matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa
iyong paaralan.

Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at


makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti
ang mga panuto ng bawat gawain.

iii
Quarter 1 - Week 2-3
LEARNING ACTIVITY SHEETS (LAS) No. 2
Pangalan: ________________________________ Petsa: _______________
Grado at Seksiyon: _________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 9

Kahalagahan ng Ekonomiks sa Panh-araw-araw na pamumuhay

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat


pamilya at lipunan. (AP9MKE-Ia-2)

II. Panimula

TRADE-OFF - ang pagpili o OPPORTUNITY COST - ay tumutukoy


pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit sa halaga ng bagay o ng best
ng ibang bagay alternative na handang ipagpalit sa
bawat paggawa ng desisyon

MAHALAGANG KONSEPTO SA
EKONOMIKS PARA SA MATALINONG
PAGDEDESISYON

INCENTIVES - ang pag-aalok ng mas MARGINAL THINKING - Ang ibig sabihin nito
mura at magandang serbisyo at ay sinusuri ng isang indibidwal ang
pagbibigay ng mas maraming karagdagang halaga, maging ito man ay gastos
pakinabang o pakinabang na makukuha mula sa gagawing
desisyon

4
KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS
Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sapagkat makatutulong ito sa mabuting
pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon. Malaki ang maitutulong nito sa iyo bilang
mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.

BILANG BAHAGI NG BILANG KASAPI NG PAMILYA BILANG MAG-AARAL


LIPUNAN
- Maaari mo ding magamit Maaa--Maaaring maging higit na
-Magagamit mo ang ang kaalaman sa matalino, mapanuri, at
kaalaman sa ekonomiks ekonomiks sa pag-unawa mapagtanong sa mga
upang maunawaan ang sa mga desisyon mula sa nangyayari sa iyong
mga napapanahong isyu mga pamimilian na kapaligiran tulad ng
na may kaugnayan sa mayroon ang pamilyang epekto ng lockdown at
mahahalagang usaping iyong kinabibilangan. Sa pagpapatupad ng “NO
ekonomiko ng bansa mga isyu tungkol sa, pag- FACE TO FACE CLASS”
tulad na lang ng epekto aaral, pagkita, paglilibang, dahil sa pandemyang
ng pandemyang hatid ng paggasta, at pagtugon sa kinakaharap sa
COVID19 sa ekonomiya pangangailangan at COVID19. Maaari din
ng bansa . Maaari mo kagustuhan dahil sa itong humubog sa iyong
ding maunawaan ang kinakaharap na pandemya pag-unawa, ugali, at
mga batas at programang dulot ng COVID19 ay gawi sa pamaraang
ipinatutupad ng maaari mong magamit ang makatutulong sa iyong
pamahalaan na may kaalaman sa alokasyon at pagdedesisyon para sa
kaugnayan sa pamamahala. Ang iyong kinabukasan at
pagpapaunlad ng kaalaman ay makatutulong paghahanapbuhay sa
ekonomiya. upang makapagbigay ka hinaharap.
ng makatuwirang opinyon
tungkol sa mahahalagang
pagdedesisyon ng iyong
pamilya.

III. Sanggunian

 ADM/Modyul sa Ekonomiks
 EKONOMIKS: Araling Panlipunan Modyul para sa mga Mag-aaral

IV. Mga Gawain


A. Pangkalahatang Panuto
Basahing mabuti ang Learning Activity Sheet upang masagutan ang mga
sumusunod na gawain.

B. Pagsasanay/ Aktibidad
Gawain 1: Which is which?
Panuto: Suriin ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan kung ano
ang pipiliin mo sa Option A at B. Isulat sa ikatlong kolum ang iyong desisyon at sa
ikaapat na kolum ang dahilan ng iyong naging pasya. Ilagay sa sagutang papel ang
iyong sagot.

5
Option A Option B Desisyon Dahilan

Pagbabasa ng Modules
sa iba’t ibang asignatura Pagbabasa ng Wattpad o Comics
(subjects)
Pagsagot ng mga gawain mula
Paglalaro ng ML/COD
sa Modules ayon sa schedule
Pagbabad sa Social Pananaliksik sa internet (Google
Media sites (Facebook, o Yahoo sites) sa pagsagot ng
Tiktok) sa oras ng klase takdang aralin o project

Gawain 2: Word Web


Panuto: Isa-isahin ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks batay sa gampanin
ng isang tao. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Kahalagahan ng Pag - aaral


ng Ekono miks

Bilang Mag -aaral Bilang Miyembro Bilang


ng Pamilya Mamamayan ng
_________________
Lipunan
_________________ _________________
_________________ _________________ _________________
_________________ _________________ _________________
_________________ _________________ _________________

Gawain 3: Ipaliwanag Mo!


Panuto: Pag-isipan ang sitwasyon: Ipaliwanag ang iyong sagot sa isang sanaysay
gamit ang iyong kaalaman sa mga konsepto, kahulugan at kahalagahan ng
ekonomiks. Isulat ang sanaysay sa isang buong papel.

6
Pag-isipan ang sitwasyon: Ikaw ay sinabihan
ng iyong mga magulang na hindi ka na nila
kayang pag-aralin pa sa kolehiyo. Ano ang
gagawin mo? Titigil ka na lang ba sa pag-aaral
at maghanap ng trabaho o gagawa ka ng
paraan para makapag-aral sa kolehiyo?

C. Pamprosesong Tanong
1. Bakit kailangang isaalang-alang ang mga pagpipilian sa paggawa ng desisyo
__________________________________________________________________
2. Ano ang naging batayan mo sa iyong ginawang desisyon? Naging makatuwiran ka
ba sa iyong pasya?
__________________________________________________________________
3. Ano ang kahalagahan ng Ekonomiks?
__________________________________________________________________

D. Rubrik sa Pagpupuntos

Rubrik sa Pagbibigay Ng Marka


KRITERYA 20 15 10 5
Kaalaman saAng Ang mga Hindi lahat ng Ang pangunahing
Paksa pangunahing pangunahing pangunahing kaalaman ay hindi
kaalaman ay kaalaman ay kaalaman ay nailahad at natalakay.
nailahad at nailahad subalit nailahad
naibigay ang hindi wasto ang
kahalagahan. ilan.
Organisasyo Organisado Organisado ang Hindi Hindi organisado ang
n ang mga paksa subalit masyadong paksa at
paksa at hindi maayos organisado ang presentasyon
maayos ang ang paksa at
presentasyon. presentasyon. presentasyon.

V. Repleksyon/Pagninilay
Bilang isang mag-aaral, paano nakatutulong ang konsepto at kahalagahan ng ekonomiks
sa kinakaharap na pandemya sa kasalukuyan?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

7
VI. Susi sa Pagwawasto

Gawain 2
Gawain 1 Bilang bahagi ng lipunan, magagamit mo ang
kaalaman sa ekonomiks upang maunawaan ang mga
Magkakaroon ng napapanahong isyu na may kaugnayan sa mahahalagang
iba’t ibang sagot usaping ekonomiko ng bansa. Maaari mo ding maunawaan
ang mag-aaral ang mga batas at programang ipinatutupad ng pamahalaan na
may kaugnayan sa pagpapaunlad ng ekonomiya.
Bilang kasapi ng pamilya, maaari mo ding magamit
ang kaalaman sa ekonomiks sa pag-unawa sa mga desisyon
mula sa mga pamimilian na mayroon ang pamilyang iyong
kinabibilangan. Sa mga isyu tungkol sa pag-aaral, pagkita,
paglilibang, paggasta, at pagtugon sa pangangailangan at
kagustuhan ay maaari mong magamit ang kaalaman sa
alokasyon at pamamahala.
Bilang isang mag-aaral ay maaaring maging higit na
matalino, mapanuri, at mapagtanong sa mga nangyayari sa
iyong kapaligiran. Maaari din itong humubog sa iyong pag-
unawa, ugali, at gawi sa pamaraang makatutulong sa iyong
pagdedesisyon para sa kinabukasan at paghahanapbuhay sa
hinaharap.

Inihanda ni:

BEA F. CASTAÑEDA, T-I


Valladolid National High School

8
9

You might also like