You are on page 1of 2

Department of Education

Region VI – Western Visayas


Division of Negros Occidental
Dictrict of Cauayan II
CALILING NATIONAL HIGH SCHOOL
Caliling, Cauayan, Negros Occidental

FILIPINO 10 GURO: LORENA VICENTE TAFALLA


Unang Markahang Pagsusulit
(S.Y. 2021 – 2022)
______1. Ito ay kuwento tungkol sa Diyos at Diyosa .
a. dagli b. epiko c. alamat d. mitolohiya

_____2. Katutubong panitikan sa Pilipinas sa nagsasalaysay ng kabayanihan at supernatural na mga pangyayari.


a. mito b. epiko c. alamat d. mitolohiya

_____3. Tulang naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay sa bukid.


a. pastoral b. elehiya c. soneto d. dalit

_____4. Mga kuwentong madalas na hango sa bibliya ay umaakay sa matuwid na landas ng buhay.
a. dagli b. nobela c. pabula d. parabola

_____5. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak na paksa.


a. dula b. tula c. sanaysay d. maikling kuwento

_____6. Isang uri ng kuwento na ang higit na binibigyang halaga o ddin ay kilos o galaw, ang pagsasalita
at pangungusap ng isang tauhan.
a. kuwentong makabanghay c. kuwento ng tauhan
b. kuwento ng katutubong kulay d. kuwento ng kababalaghan

_____7. Tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakakahigit
sa karaniwang tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga diyos-diyosa.
a. mitolohiya b. epiko c. alamat d. korido

_____8. Ang pinakamatandang epiko sa mundo at kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan.
a. Ibalon b. Iliad at Odyssey c. Gilgamesh d. Beowulf

_____9. Hayun dahil sa kalokohan mo’y babagsak ka. Ang pangungusap ay nagpapakita ng halimbawa ng
relasyong___________________.
a. layunin at resulta b. paraan at layunin c. paraan at resulta d. sanhi at bunga.

_____10. Siya ang kinikilalang pinakamahusay makisama sa kanilang lugar. ___________ karapat-dapat lamang siya na
mahalal bilang susunod na punong barangay. Ano ang angkop na pang-ugnay na dapat gamitin upang mabuo
ang pangungusap?
a. tiyak b. tuloy c. dahil sa d. kung gayon
_____11. Tumutukoy sa mga salitang nagpapakita ng paglalarawan.
A. pangngalan B. pandiwa C. pang-uri D. pang-abay

_____12. Ang pagbibigay ng hugis, kulay, anyo ay isang paraan ng ___________ ?


A. paglalahad B. paglalarawan C. pagsasalaysay D. pangangatwiran

______13. Elemento ng maikling kuwento na kinapapalooban ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.


A. salaysay B. balangkas C. banghay D. eskeleton

______14. Ang tulang naglalarawan ng pagpapahalaga o pagkamuhi ng makata o may-akda sa isang pook o pangyayari ay
tinatawag na tulang __________.
A. Mapang-aliw B. Mapangganyak C. Mapanglarawan D. Mapanglahad
_____15. Ito ay isang kathang naglalahad ng kuro-kuro o opinyon ng may-akda hinggil sa isang paksa sa maayos at
epektibong pamamaraan.
A. Tula B. Maikling kuwento C. Sanaysay D. Dula

_____16. Ginagamit ito sa pag-uugnay ng dalawang salita, parirala at sugnay sa loob ng pangungusap.
A. Pang-abay B. Pang-uri C. Pangatnig D. Pang-ukol

_____17. Ayon kay Aristotle, ito ay isang masining at makaagham na panggagaya sa kalikasan ng buhay.
A. Dula C. Sanaysay
B. Tula D. Maikling kuwento

_____18. Ito ay akdang tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay, lugar, pangyayari o katawagan na maaaring kathang-isip
lamang o may bahid ng katotohanan.
A. Dula C. Alamat
B. Tula D. Maikling kuwento

_____19. Ang _____ ay bungang-isip na isinatitik. Ito ay buhay, buhay-buhay, pamumuhay at pakikipamuhay ng mga tao.
A. Tula B. Dula C. Panitikan D. Sanaysay

_____20. Isang uri ng dulang nagtataglay ng malulungkot na pangyayari subalit nagwawakas na masaya.
A. Drama B. Melodrama C. Komedya D. Trahedya

_____21. Ang tawag sa mga kataga na nag-uugnay sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari (naratibo) at paglilista ng mga
idea, pangyayari at iba pa sa paglalahad.
A. Transitiona Devices B. Pang-ukol C. Pang-abay D. Pang-angkop

______22. Nagsasaad ito kung kailan ginanap, ginaganap o gaganapin ang pangyayari o kilos. Maaaring may pananda o wala
at nagsasaad ng dalas.

A. Pandiwang Panaganong Paturol C. Pang-abay na Pamanahon


B. Pangatnig at Transitional Devices D. Salitang Naglalarawan

_____23. Tahasang isinasaad ng _____ ang kilos na ipinahahayag nito. Kadalasan ay tuwirang ginagawa o naaapektuhan ng
tagaganap ang ipinahahayag na kilos.
A. Pang-abay na Pamanahon C. Pandiwang Panaganong Paturol
B. Pang-ugnay D. Salitang Naglalarawan

_____24. Anong bahagi ng panalita ang nagsasaad ng kilos o gawa?


A. Pandiwa B. Pangngalan C. Pang-uri D. Pang-abay

_____25. Ano ang akdang pampanitikan na may sukat, tugma at aliw-iw?


A. Dula B. Tula C. Sanaysay D. Salaysay

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>> PAGTATAPOS <<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<

You might also like