You are on page 1of 5

Grade 9 Daily Paaralan Magpet National High School Baitang/ IX-Amber

Lesson Plan Antas IX-Amethyst


(Pang-araw- Guro Jhon Leo Eliazal Doroon Asignatura Araling Panlipunan
araw na Tala sa Petsa/ Pebrero 20, 2024 / Martes Markahan Ikatlong Markahan
Pagtuturo) Oras (7:30-8:30) (2:00-3:00)

I. Layunin
A. Pamantayang Ang mag-aaral ay naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa mga
Pangnilalaman: pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi
sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong
Pagganap: ang pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay
nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran.
C. Mga kasanayan Natatalakay ang konsepto, dahilan, epekto at pagtugon sa implasyon
sa Pagkatuto
(isulat ang code
ng bawat
kasanayan)
a. Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng implasyon.
b. Nakagagawa ng malikhaing dula tungkol sa dahilan at bunga ng
Implasyon.
c. Napapahalagahan ang konsepto ng Implasyon tungo sa maayos na
ekonomiya.
II. Nilalaman Aralin IV: Implasyon (Mga dahilan at bunga ng Implasyon)
III. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay Pag-unlad: 9 Ekonomiks (Manwal ng Guro). Pp.124-127
ng Guro
2. Mga pahina sa Ekonomiks 9. Pp. 309-310
kagamitang pang-mag-
aaral
3. Mga pahina sa
Textbook
4. Karagdagang MELCs
kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resources
B. Iba pang kagamitang Laptop, Tebebisyon
Panturo
IV. Pamamaraa (Panimulang gawain: Panalangin, Pamukaw-sigla, Pagbati, Pagtala ng mga
n lumiban sa klase, Panuntunan sa Klase)
A. Balik-aral sa Panuto: Suriin ang mga pangungusap at punan ang mga patlang.
nakaraang aralin at/o
pagsisimula ng bagong 1. Ito ay ang pagtaas ng mga presyo ng bilihin?
aralin I__P__AS__ __N

2. Ano ang karaniwang ginagamit sa pagsukat ng Implasyon?


C__I
B. Paghahabi sa layunin  Ipapabasa sa mga mag-aaral ang mga layunin sa klase.
ng aralin Gawain 1: Alamin natin!
Suriin ang mga larawan at sabihin kung ano ang ipinahihiwatig ng mga ito.
Ano kaya ang ating tatalakayin ngayong araw?
C. Pag-uugnay ng mga Gawain 2:
halimbawa sa bagong Panuto: Basahin at suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung
aralin ito ba ay Dahilan ng Implasyon o Bunga ng Implasyon.

1. Dumarami ang mga produktong hindi na kayang bilhin ng mga


mamamayan. Bunga ng Implasyon
2. Pagkaubos o pagkulang ng mga materyales dahil sa pagpapadala nito sa
ibang bansa. Dahilan ng Implasyon
3. Maraming mga mag-aaral ang hindi kayang pag -aralin nga kanilang
mga magulang. Bunga ng Implasyon

D. Pagtatalakay ng Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat. Ang bawat pangkat ay kailangang
bagong konsepto at gumawa ng maikling dula tungkol sa Dahilan at Bunga ng Implasyon.
paglalahad ng bagong Pagkatapos, kailangang itanghal sa klase ang maikling dula. Bibigyan
kasanayan #1 lamang ng 10-minuto sa paggawa at pag-ensayo ng dula.
Pamantayan sa Pangkatang Gawain
Mga Batayan 5 puntos 3 puntos 1 puntos
Kaangkupan Buong husay at May isang sagot Kalahati o halos
angkop ang sagot na hindi angkop lahat ng sagot
sa hinihingi ayon ayon sa ay hindi angkop
sa gawain. hinihingi. ayon sa
hinihingi.
Presentasyon Buong husay na Naipaliwang at Di-gaanong
naipaliwanag at naiulat ang naipaliwanag
naiulat ang gawain sa klase. ang gawain sa
Gawain sa klase. klase.
Kooperasyon Naipapamalas ng Naipapamalas Naipapamalas
lahat ng miyembro ng halos lahat ng iilang
ang pagkakaisa sa ng miyembro miyembro ng
paggawa ng ang pagkakaisa pangkat ang
gawain. sa paggawa ng pagkakaisa sa
gawain. paggawa ng
gawain.
Takdang oras Natapos ang Natapos ang Hindi natapos
gawain ng buong gawain ngunit ang gawain.
husay sa loob ng lampas sa oras.
itinakdang oras.
Kabuuan 20 puntos
E. Pagtatalakay ng Ano ang dahilan ng Implasyon:
bagong konsepto at  Demand Pull
paglalahad ng bagong -nagkakaroon ng paglaki sa paggasta ng mga sektor ng ekonomiya
kasanayan #2 ngunit hindi nasasabayan ang pagtaas ng produksiyon. Ito ay nagpapakita
lamang ng pagtaas ng demand at pagkulang sa supply. Dito na papasok ang
Shortage.
 Cost Push
-ito ay nagaganap kapag nagkakaroon ng pagtaas ng gastusin sa
produksyon.
Ano ang dahilan at bunga ng Implasyon?

1. Pagtaas ng suplay ng salapi


-tataas ang demand o paggasta kaya mahahatak ang presyo paitaas.
2. Pagdepende sa Importasyon para sa mga hilaw na sangkap
-pagtaas ng presyo ng mga materyales na inaangkat. Ang mga produktong
umaasa sa mga importasyon ng hilaw na sangkap ay nagiging sanhi ng
pagtaas ng presyo.
3. Pagtaas ng palitan ng Piso sa Dolyar
-dahil sa kakulangan ng pumapasok na dolyar, bumababa ang halaga ng
piso. Ito ay nagbubunga ng pagtaas ng presyo.
4. Kalagayan ng pagluluwas (Export)
-kapag ang supply sa lokal na pamilihan ay nagkulang dahil ang produkto
ay iniluluwas, magiging mataas ang presyo ng produkto.
5. Monopolyo o Kartel
-ito ang isang sistemang nakakapagkontrol ng presyo at dami ng
produkto.
Ito ang nagiging dahilan upang tumaas ang posibiliidad sa pagtaas ng
presyo.
6. Pambayad -Utang
-sa halip na magamit sa produksiyon ang bahagi ng pambansang badyet,
ito ay napupunta lamang sa pagbabayad ng utang.

1. Ano ang implasyon?


2. Ano-ano ang mga Bunga ng Implasyon?
3. Mayroong anim na dahilan ng Implasyon. Ano-ano ang mga ito?
F. Paglinang sa 1. Bakit kailangang malaman natin ang dahilan ng Implasyon? Gayundin sa
Kabihasaan (Tungo sa Bunga nito?
Formative Assessment)
2. Magbigay ng paraan upang maiwasan o mapaliit ang pagtaas ng
Implasyon sa ating bansa .
G. Paglalapat ng aralin 1. Batay sa ating tinalakay, paano mo maipapakita ang pagtulong upang ang
sa pang-araw-araw na Implasyon sa ating bansa ay hindi na tumaas?
buhay
H. Paglalahat ng aralin 1. Ano ang ibat-ibang dahilan at bunga ng implasyon?
2. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa
Implasyon? Dapat ba natin itong pag-aralan? Bakit?
I. Pagtataya ng aralin Pagtataya I
Panuto: suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Tukuyin sa mga ito kung
ito ang dahilan ng implasyon (DI) o bunga ng implasyon (BI). Isulat
ang DI o BI sa kuwaderno.

1. Mataas na interes ang pinapataw sa mga utang. BI


2. Paghingi ng karagdagang sahod ng mga manggagawa. BI
3. Mas malaki ang gastusin sa military kaysa sa agrikultura. DI
4. Mataas na halaga ng mga materyales na kailangan sa produksiyon. DI
5. Maraming produkto ang hindi kayang bilhin ng mga mamamayan. BI

J. Karagdagang gawain Takdang-aralin


para sa takdang-aralin
at remediation Panuto: Magsaliksik patungkol sa mga epekto ng implasyon sa mga
mamamayan. Pumili ng dalawang halimbawa ng mga
tao/korporasyon nakikinabang sa implasyon at dalawang
halimbawang mga tao/korporasyon nalulugi dahil sa implasyon.
Isulat sa papel na kalahating pahalang.
V. REMARKS
VI. Mga Tala
A. Bilang ng mga mag-
aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan ng
iba pang gawain sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang
remediation? bilang ng
mga mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D.Bilang ng mga mag-
aaral na nagpatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong nga
lubos?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng
aking punong guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa kapwa ko
guro?

Inihanda ni: Sinuri ni:

JHON LEO ELIAZAL DOROON MEARY JOY S. MONTALBAN


Pre-Service Teacher Cooperating Teacher

Pinagtibay:

JOCELYN S. LOBATON, MT II OSCAR G. DAHAN


Academic Coordinator Head Teacher III

Inaprubahan ni:
JASPER L. LOBATON, EdD
Principal III

You might also like