You are on page 1of 6

Grade 9 Daily Paaralan Magpet National High School Baitang/ IX-Amber

Lesson Plan Antas


(Pang-araw- Guro Jhon Leo Eliazal Doroon Asignatura Araling Panlipunan
araw na Tala sa Petsa/ Marso 11, 2024 / Lunes Markahan Ikatlong Markahan
Pagtuturo) Oras (7:30-9:30)

I. Layunin
A. Pamantayang Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa mga pangunahing
Pangnilalaman: kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa
pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang
kaunalaran.
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong
Pagganap: ang pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay
nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran.
C. Mga kasanayan Natatalakay at napapaliwanag ang konsepto,layunin,at kalakaran ng
sa Pagkatuto patakarang piskal.
(isulat ang code
ng bawat
kasanayan)
a. Nasusuri ang layunin ng patakarang piskal.
b. Nakagagawa ng pag-uulat patungkol sa pagbabadyet.
c. Napapahalagahan ang papel na ginagampanan ng pamahalaan kaugnay ng
patakarang piskal na pinapatupad nito.
II. Nilalaman Aralin V: Patakarang Piskal (Pambansang Budget at mga Uri ng Buwis)
III. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay Pag-unlad: 9 Ekonomiks (Manwal ng Guro). Pp.124-127
ng Guro
2. Mga pahina sa Pag-unlad: 9 Ekonomiks (Batayang aklat sa Araling Panlipunan)
kagamitang pang-mag- Pp. 222
aaral
3. Mga pahina sa
Textbook
4. Karagdagang MELCs at Pag-unlad: 9 Ekonomiks (Manwal ng Guro)
kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resources
B. Iba pang kagamitang Laptop, Tebebisyon
Panturo
IV. Pamamaraa (Panimulang gawain: Panalangin, Pamukaw-sigla, Pagbati, Pagtala ng mga
n lumiban sa klase, Panuntunan sa Klase)
A. Balik-aral sa 1. Ano ang tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at
nakaraang aralin at/o pagbubuwis ng pamahalaan?
pagsisimula ng bagong
aralin 2. Ano ang dalawang uri ng Patakarang piskal?

3. Ano ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o Pork Barrel?

B. Paghahabi sa layunin Gawain 1: Ating Sagutan!


ng aralin Panuto: Suriin ang mga pangungausap at tukuyin kung ito ba ay TAMA o
MALI. Dapat ito ay iyong ipakita sa pamamagitan ng iyong facial
expression. Ipakita ang masayang mukha kung ito’y tama at malungkot na
mukha kung ito’y mali.
1. Ang Pangulo ang nagsusumite ng badyet sa Kongreso. Tama

2. Ang Budget Deficit ang tawag sa plano ng pamahalaan kung saan at


paano gagastusin ang kita nito. Mali

3. Ang External Deficit ay ang pangungutang ng pamahalaan sa labas ng


bansa. Tama

C. Pag-uugnay ng mga Gawain 2: Alamin natin!


halimbawa sa bagong Suriin ang mga larawan at sabihin kung ano ang ipinahihiwatig ng mga ito
aralin at punan ang mga letra sa patlang.

P __ __ B A __ S __ __ G B __ D __ __ T

Ano kaya ang ating tatalakayin ngayong araw?


 Ipapabasa ang layunin sa klase
D. Pagtatalakay ng Gawain 3: Budget Niyo! I-Report Niyo!
bagong konsepto at Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat. Ang bawat pangkat ay kailangang
paglalahad ng bagong gumawa ng pagbabadyet patungkol sa isang buwang pangangailangan ng
kasanayan #1 isang pamilya at ito ay irereport. Gamitin ang Pie Graph para sa aktibidad.
Bibigyan lamang ng 10-minuto sa paggawa at pag-ensayo ng dula.

Pamantayan sa Pangkatang Gawain


Mga Batayan 5 puntos 3 puntos 1 puntos
Kaangkupan Buong husay at May isang sagot Kalahati o halos
angkop ang sagot na hindi angkop lahat ng sagot
sa hinihingi ayon ayon sa ay hindi angkop
sa gawain. hinihingi. ayon sa
hinihingi.
Presentasyon Buong husay na Naipaliwang at Di-gaanong
naipaliwanag at naiulat ang naipaliwanag
naiulat ang gawain sa klase. ang gawain sa
Gawain sa klase. klase.
Kooperasyon Naipapamalas ng Naipapamalas Naipapamalas
lahat ng miyembro ng halos lahat ng iilang
ang pagkakaisa sa ng miyembro miyembro ng
paggawa ng ang pagkakaisa pangkat ang
gawain. sa paggawa ng pagkakaisa sa
gawain. paggawa ng
gawain.
Takdang oras Natapos ang Natapos ang Hindi natapos
gawain ng buong gawain ngunit ang gawain.
husay sa loob ng lampas sa oras.
itinakdang oras.
Kabuuan 20 puntos
E. Pagtatalakay ng Ano ang pambansang badyet?
bagong konsepto at Ito ang kita ng pamahalaan na ginagamit upang mapabuti ang kalidad ng
paglalahad ng bagong pamumuhay ng mga mamamayan sa pamamagitan ng kanilang ginagastos
kasanayan #2 sa ibat-ibang proyekto at programa nito sa loob ng isang taon.

Ano ang Budget Deficit?


- kapag mas malaki ang paggasta ng pamahalaan kaysa sa pondo nito.
Nangangahulugan na mas malaking halaga ng salapi kaysa sa pumapasok sa
kaban ng bayan

Ano ang Budget Surplus?


- kung mas maliit ang naman ang paggasta sa pondo ng pamahalaan.
Nangunguhulugan ito na mas malaking halaga ng salapi ang pumapasok sa
kaban ng bayan kaysa lumalabas.

Dapat tandaan!
Paghahanda ng Pambansang Badyet
1. Nagpapalabas ng budget call ang Depertment of Budget and
Management sa lahat ng ahensiyang pambansa. Nakasaad dito ang
hangganan ng pambansang badyet kabilang dito ang kabuuang
paggasta, tamang dapat pagtuunan ng badyet, ang inaasahang
malikom na buwis at iba pang kita upang matustusan ang paggasta.

2. Hinihikayat ang partisipasyon ng mga civil society organization at


iba pang stakeholder sa pagbuo ng badyet ng mga ahensiya ng
pambansang pamahalaan. Ito ang tinutukoy na participatory o
bottom-up budgetting.

3. Ipagtatanggol ng bawat ahensiya ang kanilang panukalang badyet


sa DBM. Pag-aaralan ng DBM ang mga mungkahing badyet at
maghahain ng kaukulang rekomendasyon.

4. Ang rekomendasyon ng DBM ay pag-aralan ng isang executive


review board na binubuo ng kalihim ng DBM at mga nakatataas na
opisyal ng pamahalaan.

5. Bubuuin ang National Expenditure Program ng DBM bilang


panukalang pambansang badyet ayon sa napagkasunduan ng
executive review board.

6. Ihaharap sa pangulo ng bansa ang NEP upang malinang.

7. Titipunin ang mga dokumentong bubuo sa President’s Budget,


kabilang na dito ang NEP, at ito ay isusumite sa Kongreso bilang
sang General Appropriations Bill upang aprubahan bilang isang
ganap na batas.

Ano ang Expenditure Program?


-ito tumutukoy sa ceiling o pinakamataas na gastusing nararapat upang
matugunan ang mga panangutan o obligasyon ng pamamahala sa loob ng
isang taon.

Ito ay suportado ng mga sumusunod:


1. Current Operating Expenditures
2. Capital Outlays
3. Net Lending
Saan kaya nagmumula ang pinakamalaking kita ng pamahalaan?
-ang buwis ang pinakamalaking pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan na
tumutukoy sa sapilitang kontribusyon na kinokolekta mula sa mamamayan.
-ang tinatanggap na kita ng pamahalaan ay tinatawag na revenue.
-kabilang sa mga serbisyong pinagkaloob ng pamahalaan ay ang paggawa
ng mga imprastraktura, libreng Edukasyon, pagpapanatili ng kapayapaan at
kaayusa, at pagtulong sa mga mahihirap na mamamayan.

Ano ang ibat-ibang uri ng buwis?

 Ayon sa layunin
1. Para Kumita (Revenue Regeneration)
2. Para magregularisa (Regulatory)
3. Para magsilbing proteksiyon (Protection)
 Ayon sa kung sino ang apektado
1. Tuwiran (Direct)
2. Hindi Tuwiran (Indirect)
 Ayon sa porsiyentong ipinapataw
1. Proporsiyonal (Proporsyonal)
2. Progresibo (Progressive)
3. Regrisibo (Regressive)

1. Ano ang pamabansang badyet?


2. Paano nagkakaroon ng budget deficit?
3. Mayroong tatlong uri ng buwis, ano-ano ang mga ito?

F. Paglinang sa 1. Bakit kailangang malaman ang budget ng ating pamahalaan para


Kabihasaan (Tungo sa mamamayan?
Formative Assessment)
2. Kailangan ba itong pag-aralan sa ating panahon ngayon? Ibigay ang
dahilan.

G. Paglalapat ng aralin 1. Batay sa ating tinalakay, paano mo maba-budget ang iyong pera sa loob
sa pang-araw-araw na ng isang buwang pangangailangan? Ano-ano ang mga aspeto na iyong
buhay binasehan?

H. Paglalahat ng aralin 1. Ano ang pambansang budget? Kailangan ba ito?

2. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman tungkol mga uri ng


buwis? Bakit?

I. Pagtataya ng aralin Pagtataya


Panuto: Suriin ang mga sumusunod na mga pangungusap at piliin ang
tamang sagot.

1. Saan nagmumula ang pinakamalaking kita ng pamahalaan?


A. Buwis
B. Budget Deficit
C. Budget Surplus
D. Capital Outlays
2. Ito ay buwis na pinapataw sa mga indibidwal o bahay-kalakal?
A. Excise Tax
B. Income Tax
C. Value-added Tax
D. Withholding Tax
3. Ito tumutukoy sa ceiling o pinakamataas na gastusing nararapat upang
matugunan ang mga panangutan o obligasyon ng pamamahala sa loob ng
isang taon?
A. Buwis
B. Budget Deficit
C. Budget Surplus
D. Expenditure Program
4. Ito ay kapag mas malaki ang paggasta ng pamahalaan kaysa sa pondo
nito. Nangangahulugan na mas malaking halaga ng salapi kaysa sa
pumapasok sa kaban ng bayan?
A. Budget Deficit
B. Budget Surplus
C. Expenditure Program
D. Pambansang Budget
5. Ito ang kita ng pamahalaan na ginagamit upang mapabuti ang kalidad ng
pamumuhay ng mga mamamayan sa pamamagitan ng kanilang ginagastos
sa ibat-ibang proyekto at programa nito sa loob ng isang taon.
A. Budget Deficit
B. Budget Surplus
C. Expenditure Program
D. Pambansang Budget

J. Karagdagang gawain Takdang-aralin


para sa takdang-aralin
at remediation BAON MO! I-BUDGET MO!

Panuto: Gumawa ng Budget Plan patungkol sa inyong isang


linggong baon sa paraalan. Ilagay kung ano ang pinagkakagastuhan ng
inyong budget. Ang datos ay dapat nakalagay sa Pie Graph. Ipasa sa
susunod na talakayan. (20 puntos).

V. REMARKS

VI. Mga Tala

A. Bilang ng mga mag-


aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan ng
iba pang gawain sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang
remediation? bilang ng
mga mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D.Bilang ng mga mag-
aaral na nagpatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong nga
lubos?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng
aking punong guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa kapwa ko
guro?

Inihanda ni: Sinuri ni:

JHON LEO ELIAZAL DOROON MEARY JOY S. MONTALBAN


Pre-Service Teacher Cooperating Teacher

Pinagtibay:

JOCELYN S. LOBATON, MT II OSCAR G. DAHAN


Academic Coordinator Head Teacher III

Inaprubahan ni:

JASPER L. LOBATON, EdD


Principal III

You might also like