You are on page 1of 7

Grade 9 Daily Paaralan Magpet National High School Baitang/ IX-Amber

Lesson Plan Antas IX-Amethyst


(Pang-araw- Guro Jhon Leo Eliazal Doroon Asignatura Araling Panlipunan
araw na Tala sa Petsa/ Marso 18, 2024 / Martes Markahan Ikatlong Markahan
Pagtuturo) Oras (7:30-8:30) (2:00-3:00)

I. Layunin
A. Pamantayang Ang mag-aaral ay naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa mga
Pangnilalaman: pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi
sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran.
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong
Pagganap: ang pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay
nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran.
C. Mga kasanayan Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng patakarang piskal
sa Pagkatuto
(isulat ang code
ng bawat
kasanayan)
a. Natutukoy ang mga konsepto ng patakarang piskal.
b. Nakagagawa ng maikling dula patungkol sa dalawang uri ng patakarang
piskal.
c. Napapahalagahan ang papel na ginagampanan ng pamahalaan kaugnay ng
mga patakarang piskal na ipinatutupad nito.
II. Nilalaman Aralin V: Patakarang Piskal
III. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay Pag-unlad: 9 Ekonomiks (Manwal ng Guro). Pp.130-131
ng Guro
2. Mga pahina sa Pag-unlad (Ekonomiks 9). Pp. 216-223
kagamitang pang-mag-
aaral
3. Mga pahina sa
Textbook
4. Karagdagang MELCs at Pag-unlad: 9 Ekonomiks (Manwal ng Guro)
kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resources
B. Iba pang kagamitang Laptop, Tebebisyon
Panturo
IV. Pamamaraa (Panimulang gawain: Panalangin, Pamukaw-sigla, Pagbati, Pagtala ng mga
n lumiban sa klase, Panuntunan sa Klase)
A. Balik-aral sa 1. Sino-sino ang mga taong nakikinabang sa Implasyon?
nakaraang aralin at/o - ang mga taong nakikinabang sa Implasyon ay ang mga sumusunod:
pagsisimula ng bagong  Mga Umuutang
aralin  Mga Negosyante
 Mga Speculator

2. Sino-sino naman ang mga nalulugi sa Implasyon?


-ang mga nalulugi sa implasyon ay ang mga sumusunod:
 Mga nagpapautang
 Mga taong may tiyak na kita
 Mga taong nag-iimpok
B. Paghahabi sa layunin Gawain 1: Picture analysis
ng aralin Panuto: Suriin ang nasa larawan at usisaing mabuti kung ano ang
ipinahihiwatig nito.

Gabay na mga tanong:


1. Ano ang nakikita mo sa mga larawan?
2. Ano ang mensaheng nais ipahatid ng unang larawan patungo sa ikatlong
larawan?
3. Paano napangangalagaan ng pamahalaan ang mga buwis na nagmumula
sa mga tao?
4. Sa iyong palagay, kung wala ang kaganapan sa unang larawan ano ang
magaganap sa ikalawa at ikatlong larawan?

Ano kaya ang ating tatalakayin ngayong araw?

C. Pag-uugnay ng mga Gawain 2: Crack The Code!


halimbawa sa bagong Panuto: Hanapin ang mga letra na pinahihiwatig ng bawat numero at
aralin bubuin ang salita

___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
6 9 19 3 1 12 16 15 12 9 3 25

Mga pagpipilian:

A B C D E F G H I J K L M N O P
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16

Q R S T U V W X Y Z
17 18 19 20 21 22 23 24 25 26

 Ipapabasa sa mga mag-aaral ang mga layunin sa klase.


D. Pagtatalakay ng Isa sa mahalagang elemento ng isang bansa ay ang pamahalaan. Ito ang
bagong konsepto at kumakatawan sa isang sektor ng ekonomiya na nagkakaloob ng mga
paglalahad ng bagong pangangailangan ng mga mamamayan.
kasanayan #1
Pamahalaan
- layunin nito na pagkalooban ng pampublikong produkto ang mga
mamamayan, kabilang na dito ang mga paaralan (MNHS), ospital (AMAS
Provincial Hospital), komunikasyon (telebisyon na mga balita),
transportasyon (mga tren), serbisyo ng mga pulis at militar.

Ano ang Publikong Sector?


- ay binubuo ng mga institusyon tulad ng mga ahensiya, sangay, at
kagawaran na nagpapatupad ng mga gawain ng pamahalaan.

Ano ang Patakarang Piskal?


- ito ay tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at
pagbubuwis ng pamahalaan. Sa madaling salita, ito ay tungkol sa polsiya at
pagbabadyet.
- ito ay nauukol sa mga hakbangin, pamamaraan, at pagdedesisyon ng
pamahalaan upang maisagawa at maipatupad ang isang gawaing pang-
ekonomiya.
- ito ay tumutukoy sa paggamit ng pamahalaan sa pagbubuwis at paggasta
upang mabago ang galaw ng ekonomiya (ayon sa aklat nina Balitao et. al
(2014).
- ang pamahalaan ay may malaking papel na ginagampanan upang
mapanatili ang kaayusan ng ekonomiya (ayon kay John Maynard Keynes
(1935).

Ano ang Dalawang Uri ng Patakarang Piskal?

1. EXPANSIONARY FISCAL POLICY


-isinasagawa ng pamahalaan upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya
ng bansa. Ito rin ay karaniwang isinasagawa sa pamamagitan ng paggasta sa
mga proyektong pampamahalaan o pagpapababa ng buwis lalo na kapag
ang pribadong sektor ay mahina o nagbabadyang hihina ang paggasta at
kapag bumababa ang kabuuang output at maging ang pangkalahatang
demand ng sambahayan.

Dahil dito ay maraming mamamayan ang magkakaroon ng maraming


trabaho at mangangahulugan ng mas malaking kita. Sa bahagi ng bahay-
kalakal, tumataas din ang kanilang kita. Ganito rin ang epektong pagbaba
ng buwis. Higit na magiging malaki ang panggastos ng mga sambahayan
dahil sa nadagdag na kita dahil sa bumabang buwis kaya inaasahang tataas
ang kabuuang demand sa pagkonsumo.

2. CONTRACTIONARY FISCAL POLICY


- ito ay ipinapatupad ng pamahalaan kapag nasa bingit ng pagtaas ng
pangkalahatang presyo sa ekonomiya. Ito rin ay tinatakda kapag ang
demand ng sambahayan ay patuloy na tumataas at pati na rin ang pagtaas ng
produksiyon ng mga bahay-kalakal na maaring magdulot ng implasyon. Sa
ganitong pagkakataon, ang pamahalaan ay magbabawas ng gastusin nito
upang mahila ang kabuuang demand. Inaasahang sa pagbagsak ng demand,
hihina ang produksiyon at liliit ang pangkalahatang kita na pipigil sa
pagtaas ng presyo. Sa pamamagitan rin ng pataas ng buwis ng pamahalaan,
mapipilitan ang mga manggagawa na magbawas ng gastusin sa
pagkonsumo dahil bahagi ng kanilang kita ay mapupunta sa pagbayad sa
buwis na makaaapekto sa kabuuang demand sa pamilihan.

Ano ang Pampublikong Pananalapi (Public Finance)?


- ito ay ang pondo na dapat magamit sa mga proyekto at programa ng
pamahalaan para sa kappakinabangan ng mamamayan.
- isa sa pinopondohan nito ay ang Priority Development Assistance Fund
(PDAF) o tinatawag din na Pork Barrel.

Ano ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o Pork Barrel?


- ito ay pondo na laan o ibinibigay para sa mabuting pagpapasya ng mga
miyembro ng kongreso, ito ang mga kogresista at mga senador.
- ito ay dating tinatawag na Countrywide Development Plan (CDP) noong
taong 1990.

Ilan sa mga pinopondohan ng PDAF ay ang mga sumusunod:


 Iprastraktura (paaralan, barangay clinics, gymnasium at iba pa).
 Pagkakaloob ng Scholarship (provincial scholar)
 Proyekto sa kanayunan (housing program, feeding program,
livelihood program at iba pa).

Proseso ng pagbibigay ng pondo para sa PDAF:


Una ay ang paggawa ng kahilingan ng mga senador at kongresista na ibigay
ang kanilang nakalaan na pondo (200M Senador) (70M sa Kongresista),
kasama na dito ang kanilang mga proyektong gustong ipatupad o gagawin.

Pagkatapos ay ang pagdaan nito sa komite ng pananalapi at iindorso naman


ito ng chairman ng komite ng pananalapi sa pangulo ng senado at sa house
speaker na ipapadala naman sa Department of Budget Management, bago
ibigay ang pondo ng DBM ay titignan nito kung mga proyekto ba ay
nakapaloob sa listahan ng mga proeyekto ng pamahalaan. Ibibigay ang
pondo sa kinikilala ng mga mambabatas na gagawa ng proyekto. At kapag
naibigay na ang pondo sa mga ahensiya ay padadalhan na nag Special
Allotment Relaease Order (SARO) ang mga mamababatas.

Ano ang mga Tungkulin ng Pamahalaan?

1. Pagkakaloob ng mga serbisyong panlipunan


- ito ay ang pagbibigay priyoridad sa pagbadyet para sa Edukasyon,
Kapayapaan, Kalusugan, at programang Pangkabuhayan. Bukod sa mga
nabanggit, ang mga mamamayan kay dapat ding pagkalooban ng mga
serbisyo tulad ng Imprastraktura, Pabahay, Transportasyon, at
Komunikasyon at maging ang pagbibigay katarungan sa mga mahihirap at
mga naaapi.

2. Magkaloob ng Pampublikong Produkto


- ang pamahalaan ay gumaganap bilang mamimili at prodyuser. Ito ay
lumilikha at bumibili ng mga produkto at serbisyo para sa kapakanan ng
lahat ng mga mamamayan, mahirap man o mayaman. Halimbawa, ang
pagpapagawa ng mga tulay at kalsada ay hindi para sa mamamayan lamang,
kundi para sa mahirap din. May pagkakataon pa nga na gumagawa at
nagkakaloob ng produkto at serbisyo ang pamahalaan para sa mga
mahihirap na mamamayan dahil ito ay isa sa mahalagang gawain ng
pamahalaan.

3. Magkaroon ng Matatag na Ekonomiya


- ang pamahalaan ay may kinalaman sa bawat galaw ng ekonomiya. Kapag
mahina ang takbo ng ekonomiya ay sinisisi ang pamahalaan, at sinasabi na
dapat gawin ang nitong matatag ang ekonomiya. Dapat sapat and pondo at
kita nito upang maipagkaloob sa mga mamamayan ang mga serbisyong
panlipunan na kanilang kailangan.

Ano ang patakarang piskal?


Ano ang dalawang uri ng patakarang piskal?
Ano naman ang mga tungkulin ng pamahalaan?
Ano ang Priority Development Assistance Fund?
E. Pagtatalakay ng Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat. Ang bawat pangkat ay kailangang
bagong konsepto at gumawa ng maikling dula patungkol sa dalawang uri ng patakarang piskal .
paglalahad ng bagong Bibigayan lamang ang bawat pangkat ng topikong isasadula. Pagkatapos,
kasanayan #2 kailangang itanghal sa klase ang maikling dula. Bibigyan lamang ng limang
minuto sa paggawa at pag-ensayo ng dula.

Pamantayan sa Pangkatang Gawain


Mga Batayan 5 puntos 3 puntos 1 puntos
Kaangkupan Buong husay at May isang Kalahati o halos
angkop ang ipinakita na lahat ng
ipinakita sa hindi angkop ipinakita ay
hinihingi ayon sa ayon sa hindi angkop
gawain. hinihingi. ayon sa
hinihingi.
Presentasyon Buong husay na Naipaliwang at Di-gaanong
naipaliwanag at naisadula ang naipaliwanag
naisadula ang gawain sa klase. ang gawain sa
Gawain sa klase. klase.
Kooperasyon Naipapamalas ng Naipapamalas Naipapamalas
lahat ng miyembro ng halos lahat ng iilang
ang pagkakaisa sa ng miyembro miyembro ng
paggawa ng ang pagkakaisa pangkat ang
gawain. sa paggawa ng pagkakaisa sa
gawain. paggawa ng
gawain.
Takdang oras Natapos ang Natapos ang Hindi natapos
gawain ng buong gawain ngunit ang gawain.
husay sa loob ng lampas sa oras.
itinakdang oras.
Kabuuan 20 puntos
F. Paglinang sa 1. Bakit kailangang malaman kung ano ang patakarang piskal?
Kabihasaan (Tungo sa
Formative Assessment) 2. Para sa inyo, bakit mayroon paring kakulangan sa mga pondo ng goberno
para sa mga mamamayan?

G. Paglalapat ng aralin Kung ikaw ay magiging presidente ng Pilipinas, paano mo


sa pang-araw-araw na mapapangalagaan ang kaayusan at pagkakaroon ng mahusay na kontrol ng
buhay perang inilalabas para sa mamamayan?

H. Paglalahat ng aralin 1. Batay sa ating tinalakay, ano ang patakarang piskal at ang
kapakinabangan nito sa bansa?

4. Ano-ano naman ang mga tungkulin ng pamahalaan?

I. Pagtataya ng aralin Pagtataya


Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin sa kahon ang
tamang sagot sa bawat bilang. Isulat sa isang-kapat na papel ang
letra ng tamang sagot.

MGA PAGPIPILIAN

A. PATAKARANG PISKAL
B. PAMPUBLIKONG PANANALAPI
C. EXPANSIONARY FISCAL POLICY
D. CONTRACTIONARY FISCAL POLICY
E. PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND (PDAF)

1. Ito ay isinasagawa ng pamahalaan upang mapasigla ang matamlay na


ekonomiya ng bansa. C
2. Ito ay tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at
pagbubuwis ng pamahalaan. A
3. Ito ay ipinapatupad ng pamahalaan kapag nasa bingit ng pagtaas ng
pangkalahatang presyo sa ekonomiya. D
4. Ito ay ang pondo na dapat magamit sa mga proyekto at programa ng
pamahalaan para sa kapakinabangan ng mamamayan. B
5. ito ay pondo na laan o ibinibigay para sa mabuting pagpapasya ng mga
miyembro ng kongreso, ito ang mga kogresista at mga senador. E

J. Karagdagang gawain Takdang-aralin


para sa takdang-aralin
at remediation

Magsaliksik patungkol sa mga uri ng buwis at ilagay sa 1/2 crosswise na


papel. Ipasa sa susunod na talakayan.

V. REMARKS

VI. Mga Tala

A. Bilang ng mga mag-


aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan ng
iba pang gawain sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang
remediation? bilang ng
mga mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D.Bilang ng mga mag-
aaral na nagpatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong nga
lubos?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng
aking punong guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa kapwa ko
guro?

Inihanda ni: Sinuri ni:

JHON LEO ELIAZAL DOROON MEARY JOY S. MONTALBAN


Pre-Service Teacher Cooperating Teacher

Pinagtibay:

JOCELYN S. LOBATON, MT II OSCAR G. DAHAN


Academic Coordinator Head Teacher III

Inaprubahan ni:

JASPER L. LOBATON, EdD


Principal III

You might also like