You are on page 1of 36

MGA NASYONALISTA SA TIMOG AT

KANLURANG ASYA

JHON LEO ELIAZAL DOROON


GAWAIN 1:
Panuto: Hanapin ang mga letra na pinahihiwatig ng
bawat numero at bubuin ang salita
___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
14 1 19 25 15 14 1 12 9 19 20 1

Mga pagpipilian:
A B C D E F G H I J K L M N O P
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16

Q R S T U V W X Y Z
17 18 19 20 21 22 23 24 25 26
1.Siya ang namuno sa Muslim League noong 1905.
MGA PAGPIPILIAN:
• Mohandas Karamchad Gandhi
• Mohamed Ali Jinnah
• Mohammed Ali Jinnah
• Ibn Saud
• Ayatollah Rouhollah Mousari Khomeini
1.Siya ang namuno sa Muslim League noong 1905.

Mohamed Ali
Jinnah
2. Kauna-unahang hari ng Saudi Arabia at nagbigay
pahintulot sa isang kompanya ng Estados Unidos na
magkaroon ng oil concession sa Saudi Arabia.
MGA PAGPIPILIAN:
• Mohandas Karamchad Gandhi
• Mohamed Ali Jinnah
• Mohammed Ali Jinnah
• Ibn Saud
• Ayatollah Rouhollah Mousari Khomeini
2. Kauna-unahang hari ng Saudi Arabia at nagbigay
pahintulot sa isang kompanya ng Estados Unidos na
magkaroon ng oil concession sa Saudi Arabia.

Ibn Saud
3.Gumawa ng makasaysayang pagtatalumpati noong Hunyo 3, 1963 laban sa Shah ng Iran sa pagsuporta nito sa
Israel.
MGA PAGPIPILIAN:
• Mohandas Karamchad Gandhi
• Mohamed Ali Jinnah
• Mohammed Ali Jinnah
• Ibn Saud
• Ayatollah Rouhollah Mousari Khomeini
3.Gumawa ng makasaysayang pagtatalumpati noong Hunyo 3, 1963 laban sa Shah ng Iran sa pagsuporta nito sa
Israel.

Ayatollah
Rouhollah Mousari
Khomeini
4. Ang nagbigay- daan sa pagtatamo ng kalayaan ng Turkey.
MGA PAGPIPILIAN:
• Mohandas Karamchad Gandhi
• Mohamed Ali Jinnah
• Mustafa Kemal Ataturk
• Ibn Saud
• Ayatollah Rouhollah Mousari Khomeini
4. Ang nagbigay- daan sa pagtatamo ng kalayaan ng Turkey.

Mustafa Kemal
Ataturk
5.Tinuruan niya ang mamamayan na humingi ng kalayaan na hindi gumagamit ng karahasan.
MGA PAGPIPILIAN:
• Mohandas Karamchad Gandhi
• Mohamed Ali Jinnah
• Mohammed Ali Jinnah
• Ibn Saud
• Ayatollah Rouhollah Mousari Khomeini
5.Tinuruan niya ang mamamayan na humingi ng kalayaan na hindi gumagamit ng karahasan.

Mohandas
Karamchad
Gandhi
• 1. Ano ang unang pumapasok sa
inyong utak kapag narinig ninyo ang
salitang lider?
• 2. Ano-ano ba ang mga katangiang
dapat taglayin ng isang lider?

• 3. Sino-sino ang mga lider na inyong


tinitingala? Bakit?
Mohandas Gandhi

• ang nangunang lider nasyonalista sa India para


makamit ang kanilang kalayaan. Nakilala siya
bilang Mahatma, na nangangahulugang “Dakilang
Kaluluwa” dahil sa kaniyang mapayapang
pamamaraan ng paghingi ng kalayaan o nonviolent
means mula sa mga mananakop na Ingles.
Mohandas Gandhi

• Isa siya sa nanguna sa pagsulong para tutulan ang


pamamahala ng mga Ingles sa kanilang bansa.
Mga pamamaraang ginamit ni Mohandas Gandhi
upang makamit ang kalayaan ng India mula sa
pananakop ng mga Ingles:
1. Ahimsa - puwersa o lakas ng kaluluwa upang
labanan ang puwersa ng armas.
2. Paggamit ng dasal, meditasyon, at pag-
aayuno upang mailabas ang katotohanan o
Satyagraha.
3. Pagboykot sa lahat ng mga produktong
Ingles.
4. Civil disobedience – hindi pagsunod sa
pamahalaan.
5. Pag-aayuno o hunger strike.
Mohamed Ali Jinnah
• Nakilala siya bilang “Ama ng Pakistan”, isang
abogado at pandaigdigang lider. Siya ay
naganyak ng kaibigan ng kanyang ama na isang
dayuhan na si Sir Frederick Leigh Craft na
mag aral sa London. Kabilang siya sa Khoja
Muslim sect.
• Siya ang namuno sa Muslim league noong
1905 na ang layunin ay magkaroon ng hiwalay
na estado para sa mga Muslim.
Mohamed Ali Jinnah

• Namuno siya upang ang Pakistan ay lumaya mula


sa India. Ang Pakistan ay lumaya noong Agosto
14, 1947.
• Tinanghal na kauna-unahang Gobernador
Heneral o Prime Minister ng Pakistan.
Mustafa Kemal Ataturk

• Ang namuno sa pagkamit ng Kalayaan ng Turkey


• Naging tagapagsalita ng Grand National
Assembly ng Turkey na nagbigay daan upang
mapakilos ang mga Turkong militar na hingin ang
kalayaan ng bansang Turkey.
Mustafa Kemal Ataturk

• Hindi pumayag na hatiin ang Imperyong Ottoman


sa pagitan ng Italy at France na naging susi sa
Battle of Tobruk, isang pagkilos na naganap
noong Disyembre 1911, na kung saan 200 Turko at
Arabong militar ang lumaban.
Mustafa Kemal Ataturk

• May 2000 Italyano ang naitaboy, at 200 ang nahuli


at napatay, pero mga Italyano pa din ang nanalo sa
labanan. -nagbigay daan sa kalayaan ng Turkey
Ayatollah Rouhollah Mousari Khomeini

• namuno sa pagbatikos sa karahasang ginagawa sa


mga mamamayan ng Iran at pangangalaga ng
Shah sa interes ng mga dayuhan at ibinalik niya
ang mga paniniwala at tradisyong Islam na
naisantabi dahil sa modernisasyon sa panahon
ng pamumuno ni Mohammed Reza Pahlavi.
Ayatollah Rouhollah Mousari Khomeini

• Gumawa ng isang makasaysayang pagtatalumpati


noong Hunyo 3, 1963 laban sa Shah ng Iran dahil
sa patuloy nitong pagsuporta sa pakikialam ng
bansang Israel na naging dahilan para sila ay
arestuhin at ikulong na nagresulta sa kaguluhan sa
bansa.
Ayatollah Rouhollah Mousari Khomeini

• Itinapon siya sa ibang bansa dahil sa pagsusulat


at pangangaral laban sa pamunuang mayroon ang
kaniyang bansa.
• Nakabalik sa bansang Irang pagkatapos na
mabuwag ang pamahalaan ng Iran at mapatalsik
ang Shah sa pamamagitan ng Rebolusyong
Islamic noong 1979 .
Ibn Saud

• ang kauna-unahang hari ng Saudi Arabia.


• Idineklarang hari ang kanyang sarili ng
mapabagsak niya si Husayn noong 1924-1925.
• taong 1932, pinangalanan ni Ibn Saud na Saudi
Arabia ang kaniyang kaharian.
Ibn Saud

• Matagumpay na nahimok ang mga Nomadikong


tribo o pangkat-etniko na iwasan ang gawaing
panggugulo at paghihiganti.
• nawala ang nakawan at pangingikil sa kanyang
pamumuno na kadalasang nangyayari sa mga
dumadalo ng pilgrimage sa Mecca at Medina.
Ibn Saud

• binigyan ng pahintulot ang isang kompanya ng


Estados Unidos noong 1936 at 1939 na
magkaroon ng oil concession sa Saudi Arabia.
• nanatiling neutral noong panahon ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
• Hindi nakialam sa Digmaang Arab Israel noong
1948.
Gabay na tanong:

• Bakit kailangang malaman kung sino-sino ang


nasyonalista sa Timog-at Kanlurang Asya ?

• Sila ba ay nakikita parin natin sa kasalukuyang


panahon? Sino-sino sila?
• Anong gawain ng isang karaniwang
mamamayan na katulad mo ang maaaring
magpamalas ng pagmamahal sa bansa sa
kasalukuyang panahon? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
• Sino-sino ang mga nasyonalista sa Timog at
Kanlurang Asya?

• Ano ang kanilang ambag at paraan ng


pagpapakita ng nasyonalismo?
TAKDANG ARALIN:
• Panuto:
Magsaliksik patungkol sa mga
pangyayari sa Una at Pangalawang
Digmaang pandaigdig. Tukuyin kung
ano ang epekto nito sa mamamayan.

You might also like