You are on page 1of 4

San Isidro National High School

San Isidro, Sergio Osmena, Zamboanga del Norte


ARALING PANLIPUNAN 7
QUARTER 3 (WEEK 3)

PANGALAN: _________________________________________________________ PETSA: ____________


BAITANG AT SEKSYON: ______________________________________________ ISKOR: ____________
 Nasusuri ang mga salik, pangyayaring at kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Timog at Kanlurang
Asya
ARALIN 3: NASYONALISMO SA ASYA

Ang pananakop, pagpapasailalim sa kapangyarihan at pagsasamantala ng mga bansang Kanluranin sa mga


bansang Asyano, ang nagbigay - daan sa pag-usbong ng nasyonalismo sa Asya.
Nasyonalismo, ano nga ba ang konsepto nito? Ito ay damdaming makabayan na maipakikita sa matinding
pagmamahal at pagpapahalaga sa Inangbayan.

Dalawang Uri ng Nasyonalismo


1. Defensive Nationalism-uri ng nasyonalismo na ipinagtatanggol ang bayan laban sa mga mananakop tulad ng ginawa
ng mga Pilipino laban sa mga Kastila, Amerikano, At Hapon.
2. Aggressive Nationalism- -Ito’y uri ng nasyonalismo na mapusok at layong makapanakop o mapalaki ang teritoryo ng
kanilang bansa tulad na lamang na minsang ginawa ng mga Hapon sa ating bansa.
Manipestasyon Ng Nasyonalismo
Ang pangunahing manipestasyon ng nasyonalismo ay pagkakaisa, makikita sa pagtutulungan, pagkakabuklod sa iisang
kultura, saloobin at hangarin. Maituturing ding manipestasyon ng nasyonalismo ang pagmamahal, pagtangkilik sa
sariling mga produkto, ideya at kultura ng sariling bayan.
Pag-Usbong Ng Nasyonalismo Sa Timog Asya:
Nasyonalismo Sa India  Ang pananakop ng mga Ingles sa India ang nagbigay-daan upang magising ang diwa ng
nasyonalismo rito. May iba’t iba mang wika at relihiyon ang mga ito, sila ay kumilos at nagkaisa upang umunlad at
makabuo ng isang malayang bansa.
Si Mohandas Gandhi ang nangunang lider nasyonalista sa India, ang nagpakita ng mapayapang paraan sa paghingi ng
kalayaan.
Mga Salik Na Nagbibigay Daan Sa Pagusbong Ng Nasyonalismo Sa Timog Asya:
1. Female Infanticide- pagpatay sa mga batang babae upang hindi maging suliranin at pabigat sa mga magulang
pagdating ng panahon na ito’y mag-asawa
2. Suttee O Sati - Ang pagsama ng balong babae sa pagsunog sa labi ng kanyang asawa hanggang mamatay.
3. Rebelyong Sepoy - Ang pag-aalsa ng mga sundalong Indian sa mga Ingles bilang pagtutol sa pagtatangi ng lahi o racial
discrimination.
4. Amritsar Massacre - Nasawi ang 379 katao at 1,200 namang sugatan sa pamamaril ng mga sundalong Ingles habang
nasa isang selebrasyon ang mga ito noong Abril 13, 1919.
Nagkaroon naman ng hiwalay na pagkilos ang mga Indian dahil sa kanilang magkakaibang pananampalataya.
 All Indian National Congress Naitatag ito sa panig ng mga Hindu na ang layunin ay matamo ang kalayaan ng India.
 All Indian Muslim League ▪
Naitatag noong 1906.
▪ Pinangunahan ito ni Ali Jinnah na kung saan ang interes ng mga Muslim ang binigyang pansin.
▪ Layunin ng mga kasapi nito na magkaroon ng hiwalay na estado para sa mga Muslim.
Taong 1935 nang pagkalooban ng mga Ingles ang mga Indian ng pagkakataong mamahala sa India. Subalit hindi sila
nasiyahan sa pagbabagong ito kung kaya’t nagpatuloy sa paghingi ng kalayaan hanggang sa ito ay nakamtan noong
Agosto 15, 1947. Lumaya ito sa kamay ng mga Ingles at pinamunuan ni Jawaharlal Nehru. Nabaril at napatay si Gandhi
noon Enero 30, 1948 na hindi nagtagumpay sa kaniyang adhikain na mapagkasundo ang mga Hindu at Muslim.
Kaalinsabay nito ang pagsilang ng bansang PAKISTAN na nabigyan din ng kalayaan sa ilalim naman ng pamumuno ni
Mohammed Ali Jinnah.
 Nasyonalismo Sa Kanlurang Asya
 Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay hindi katulad ng nasyonalismong naipakita ng mga bansa sa Timog Asya.
 Hindi agad naipakita ng mga bansa sa Kanlurang Asya ang nasyonalismo dahil karamihan sa mga bansa dito ay
hawak ng dating malakas at matatag na imperyong Ottoman, bago pa man masakop ng mga Kanluraning bansa
noong 1918. Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay pinasimulan ng mga Arabo, Iranian, at mga Turko bago pa
man ang Unang Digmaang pandaigdig.
 Ang Kuwait ang isa sa mga bansa na unang lumaya sa Kanlurang Asya noong 1759.
 Natamo naman ng Lebanon ang kanyang kalayaan mula sa imperyong Ottoman noong 1770, at noong 1926 ito
ay naging ganap na republika sa ilalim ng mandato ng bansang France.
 Isa ang bansang TURKEY, na humingi ng kalayaan sa pamumuno ni Mustafa Kemal na nagsulong sa pagkakaroon
ng isang republika.
 Sa pamamagitan ng Kasunduang Lausanne noong 1923 naisilang ang Republika ng Turkey.
 Taong 1926 din ipinahayag ni Abdul ang sarili bilang hari ng Al Hijaz, matapos niyang malipol ang lahat ng
teritoryo ay pinangalanan niya itong Saudi Arabia.
Mga Salik Na Nagbibigay Daan Sa Pag-Usbong Ng Nasyonalismo Sa Kanlurang Asya:
1. Holocaust- ito ang sistematiko at malawakang pagpatay ng mga Nazi German sa mga Jew o Israelite.
2. Sistemang Mandato - nangangahulugan ito na ang isang bansa na naghahanda upang maging isang malaya at
nagsasariling bansa ay ipapasailalim muna sa patnubay ng isang bansang Europeo.
3. Zionism- Ang pag-uwi sa lupain ng Palestine ng mga Jew mula sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Mga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya
Sa pagpapakita ng nasyonalismo sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya, nakilala ang mga lider nasyonalista na
nagsilbing inspirasyon ng mga Asyano sa kanilang pamumuhay.

Kilalanin Natin Ang Mga Nasabing Lider Ng Nasyonalista.


1. Mohandas Karamchad Gandhi
Isang Hindu na nakapag-aral sa isang pamantasan sa England. Nakapagtrabaho sa South
Africa. Siya ang namuno upang ipaglaban ang hinaing ng mga Indian laban sa mga
mananakop na Ingles. inspirasyon ng marami dahil sa kaniyang katangi-tanging tahimik na
pamamaraan ng pagtutol upang matamo ng India ang Kalayaan. Nakilala siya bilang
Mahatma o “Dakilang Kaluluwa”. Tinuruan niya ang mga mamamayan na humingi ng
kalayaan na hindi gagamit ng karahasan, dahil naniniwala si Gandhi sa Ahimsa (lakas ng
kaluluwa) at Satyagraha sa pakikipaglaban. Hindi rin niya sinang-ayunan ang pagtatangi sa
untouchables at sati na para sa mga kababaihan. Ipinakilala rin ni Gandhi ang paraang civil
disobedience kung saan ay hinikayat niya ang mga Indian na gumawa ng pagboykot o hindi pagbili sa mga kalakal o
produktong Ingles lalo na ang telang negosyo ng mga ito. Isinagawa rin niya ang pag -aayuno o hunger strike upang
makuha ang atensiyon ng mga Ingles at upang mabigyan ng agarang pansin ang kanilang kahilingang lumaya. Labas
masok man sa piitan ay hindi pa rin siya natakot. Sa halip ay nagpatuloy pa rin si Gandhi sa kaniyang mapayapang
pakikibaka hanggang sa makamit ng mga Indian ang kanilang kalayaan. Nakamit ng India ang kanilang kalayaan noong
Agosto 15, 1947 sa pamumuno ni Jawaharlal Nehru. Nabaril at napatay si Gandhi noong Enero 30, 1948 na hindi
nagtagumpay sa kanyang adhikain na mapagkasundo ang mga Hindu at Muslim.
2. Mohamed Ali Jinnah  Nakilala siya bilang “Ama ng Pakistan”, isang abogado at pandaigdigang lider. Ipinanganak
noong Disyembre 25, 1876, sa Karachi, Pakistan. Ang kaniyang mga magulang ay sina Jinnahbha
Poonja at Mithibai. namuno sa Muslim League noong 1905. Layunin ng samahan ang magkaroon
ng hiwalay na estado para sa mga Muslim. Namuno siya upang ang Pakistan ay lumaya mula sa
India. Noong Agosto 14, 1947 nang ipinagkaloob ang kalayaan ng Pakistan. Si Mohamed Ali
Jinnah ang itinanghal na kauna - unahang gobernador heneral ng Pakistan. Namatay si Mohamed
Ali Jinnah noong Setyembre 11, 1948.

3. Mustafa Kemal Ataturk  Siya ang nagbigay-daan sa kalayaan ng TURKEY sa kabila na ang bansang ito ay binalak
paghati-hatian ng mga Kanluraning bansa tulad ng France, Great Britain, Greece, at Armenia.
Tumawag ng halalang pambansa at hiwalay na parliament at dito nagsilbi bilang tagapagsalita.
Noong Hulyo 24, 1923, Ang Grand National Assembly kasama ang mga Kanluranin ay lumagda sa
isang kasunduan na tinawag na Treaty of Luasanne na kumikilala ng kalayaan ng Turkey. ang
unang nahalal na pinuno ng Bagong Republika. Tinawag siyang Ataturk na nangangahulugang Ama
ng mga Turko.

4. Ayatollah Rouhollah Mousari Khomeini  kinilala bilang isa sa mga malupit na lider noong ika-
20 siglo sa bansang Iran. kasama sa mga pagkilos at pagbatikos sa mga karahasang isinasagawa
ng kanilang Shah sa mamamayan. Binatikos niya ang tahasang pagpanig at pangangalaga ng Shah
sa interes ng mga dayuhan tulad ng United States. Si Ayatollah rin ay gumawa ng makasaysayang pagtatalumpati noong
Hunyo 3, 1963 laban sa patuloy na pagkiling ng Shah ng Iran sa mga makadayuhang pakikialam at pagsuporta nito sa
Israel. Sa pamamagitan ng gawaing ito ay naaresto at nakulong si Ayalollah na umani ng malawakang pagsuporta ng
mga mamamayan na naging sanhi ng kaguluhan sa bansa. Naranasan din ni Ayatollah ang maipatapon sa ibang bansa
tulad ng Turkey at Iraq noong Nobyembre 1964, dahil sa pagsusulat at pangangaral laban sa pamunuang mayroon ang
kaniyang bansa. Pagkatapos mabuwag ang pamahalaan ng Iran sa pamamagitan ng Rebolusyong Islamic (Islamic
Revolution) noong 1979 at mapatalsik ang Shah muling bumalik si Ayatollah sa Iran na muling tinanggap ng mga
mamamayan. Namatay si Ayatollah noong Hunyo 3, 1989 sa gulang na 70 taon.
5. Ibn Saud  Kauna-unahang hari ng Saudi Arabia. Isinilang noong Nobyembre 24,1880 sa Riyadh, anak ni Abdul
Rahman Bin Faisal. Ang kaniyang pamilya ay kabilang sa mga pinunong tradisyunal ng kilusang
wahhabi ng Islam (ultra orthodox). Nagpangalan ng Saudi Arabia sa kanyang bansa naging
neutral sa panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig. Pinatunayan na ang pagmimina ng
langis sa bansa ang pinakamayaman sa daigdig na nakatulong upang ito ay magkaroon ng
pambansang pag-unlad. Minsang nakulong sa Kuwait ang kaniyang pamilya. Taong 1902 nang
muling mapasakamay nila ang Riyadh, samantalang taong 1912 naman nang masakop niya ang
Najd at dito ay bumuo ng pangkat ng mga bihasang sundalo. Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, sinikap ng mga
Ingles na mapalapit sa kaniya, ngunit di ito nagtagumpay sa halip ay pinaboran ang kaniyang katunggali na si Husayn Ibn
Ali ng Hejaz. Taong 1924-1925 napabagsak ni Ibn Saud si Husayn at iprinoklama ang kaniyang sarili bilang hari ng Hejaz at
Nejd. Pagkatapos matipon ang halos kabuuan ng Tangway Arabia taong 1932 binigyan ni Ibn Saud ang kaniyang kaharian
ng bagong pangalan bilang Saudi Arabia.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong na may kaugnayan sa mga sinaunang kabihasnan
sa Asya.Bilugan ang titik na tumutugon sa tamang sagot.

1. Aling pangyayari ang pumukaw sa damdaming nasyonalismo ng bansang India?


A. Pagbagsak ng kolonyalismo ng mga Turko.
B. Pagpapatupad ng economic embargo ng mga Ingles
C. Pagkakapatay kay Mohandas Gandhi
D. Pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga Indian

2. Ano ang naging epekto ng kolonyalismo sa mga rehiyon ng Asya?


A. Naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ng mga Asyano upang ibangon ang kaularan ng bansa
B. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa naisin ng mga dayuhang bansa
C. Natutuhan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain
D. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan.

3. Isinusulong naman ni Mahatma Gandhi ang kaniyang pananaw na ang pinuno ng bansa ang siyang dapat magpakita ng
pagpapahalaga sa moralidad. Ang pagpapahalaga na sinasabi ni Gandhi ay ang:
A. Maging tapat sa mamamayan at sa konstitusyon
B. Mabuting relasyon sa karatig-bansa
C. Pagkakaroon ng isang asawa at isang pamilya
D. Maging bukas o transparent sa lahat ng kaniyang gawain sa tulong sa bayan.

4. Sa pakikipagsapalaran nakamtan ng India ang kasarinlan. Anong uri ng nasyonalismo ang isinagawa ni Gandhi laban sa
pananakop ng Great Britain?
A. Aggressive B. Defensive C. Passive D. Radikal

5. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay daan ito para ang mga Asyano ay matutong:
A. Pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin
B. Pagiging mapagmahal sa kapwa
C. Makisalamuha sa mga mananakop
D. Maging laging handa sa panganib

6. Ano ang ang ipinahihiwatig ng tagumpay ng kampanya ni Mohandas Gandhi sa kolonyalismo ng mga Ingles sa India?
A. Mahusay na rebolusyonaryong lider si Mohandas Gandhi
B. Maaaring labanan ang kolonyalismo sa mapayapang paraan
C. Ang pang-aapi ng mga kolonyalisa ay may katapusan
D. Naging simbolo si Mohandas Gandhi ng pagkakaisa ng mamamayan sa India.

7. Alin sa sumusunod ang maituturing na magandang dulot ng pananakop ng mga Ingles sa pangangalaga ng karapatang
pantao ng mga India lalo na ng kababaihan?
A. Pag-unlad ng komunikasyon at transportasyon sa India
B. Pagkakaroon ng pagkakataong makapag-aral ang mamamayan ng India
C. Pagbabawal sa ilang matatandang kaugaliang India tulad ng sati at female infanticide
D. Pagbabawal sa matatandang kaugaliang tulad ng foot binding at concubinage.

8. Sino ang bumatikos sa tahasang pagpanig at pangangalaga ng SHAH sa interes ng mga dayuhan tulad ng United
States?
A. Ayatollah Mousari Khomeini B. Mohamed Ali Jinnah
C. Mohandas Karamchad Gandhi D. Mustafa Kemal Ataturk

9. Siya ang Itinanghal na kaunaunahang gobernador heneral ng Pakistan.


A. Ayatollah Mousari Khomeini B. Mohamed Ali Jinnah
C. Mohandas Karamchad Gandhi D. Mustafa Kemal Ataturk

10. Siya ang nangunang Lider Nasyonalista sa India.


A. Ayatollah Mousari Khomeini B. Mohamed Ali Jinnah
C. Mohandas Karamchad Gandhi D. Mustafa Kemal Ataturk

PANUTO: Kilalanin ang mga Lider ng Nasyonalista. Isulat ang pangalan ng mga tao na nasa larawan.

Alang sa mga pangutana mahitungod sa modyol


pede ko ninyo kontakon pinaagi sa;
Cp #: 09074035754
Messenger – Chito Noval Razonado Pacete
Email – chitonovalrazonadopacete@gmail.com

CHITO R. PACETE
Substitute Teacher

You might also like