You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
Schools Division of San Carlos City
Coliling National High School
Coliling, San Carlos City, Pangasinan

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Grade 9


Quarter 3

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standards):
Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa mga pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang
ekonomiya bilang kabahagi ng pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran,
B. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standards):
Nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong ang pangunahing kaalaman tungkol sa
pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto/ Most Essential Learning Competencies:
MELC : Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng patakarang piskal (AP9MAK-IIIh-)
a. Nasusuri ang badyet at ang kalakaran ng paggasta ng pamahalaan
b. Naipapaliwanag ang paggasta ng pamahalaan ayon sa Expenditure Program
c. Nakagagawa ng pie-graph tungkol sa pambansang badyet.

II. NILALAMAN:
Paksang Aralin: PAMBANSANG BADYET AT PAGGASTA NG PAMAHALAN
Sanggunian:
1. Ekonomiks 9
Mga Pahina ng Gabay ng Guro: pahina 322-326
Mga Pahina ng Gabay ng Pang Mag-aaral: pahina 324-328
2. Quarter 3 ADM Modules :
Mga Kagamitang Pangturo: Laptop, TV
Stratehiya: Malayang Talakayan
Integrasyong Pagpapahalaga: Masinop,Makatao at Makabansa
III. PAMAMARAAN:
A. Paunang Gawain
- Pagdarasal
- Pagtatala ng Liban

B. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin (Subukin):


Gawain 1: Hula-rawan
Panuto: Hulaan ang larawan at ibahagi sa klase kung saan tungkol ito.
C. Pagganyak:
Gawain 2: Suriin mo ako!
Panuto: Ilarawan at sagutan.

Badyet ng Pamilya sa Isang Buwan


Transportasyon
5%
Ipon Pagkain
10% 35%
kuryente
20%

Edukasyon
30%

D. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


1. Ilarawan ang nasa pigura.
2. Batay sa larawan , alin ang may pinakamalaking badyet?
3. Kung ikaw ang magbabadyet paano mo ito hahatiin?

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


1. Ano ang pambansang Badyet?
2. Kailan nagkakaroon ng budget deficit ang pamahalaan?
3. Ano ang mga paraan ng paghahanda ng badyet?
4. Paano ang alokasyon ng Badyet ayon sa sector sa taong 2012?
5. Bakit mahalaga ang expenditure program sa paggasta ng pamahalaan?

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na pamumuhay


Gawain 3: Halina at mag sagot!
Panuto: Suriin at sagutan ang pamprosesong tanong.

Pamprosesong tanong:
1.Batay sa Expenditure Program ng pamahalaan mula 2010-2012, alin ang pinakamalaking
pinaggastusan
sa mga nagdaang taon?
2.Sa palagay mo, makatarungan ba na paglaanan ito ng malaking badyet? Bakit
3.Kung ikaw ang magiging Presidente ng bansa, ano ang paglalaanan mo ng mas malaking badyet?
Ipaliwanag.
F. Paglalahat.
Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba upang maibuod mo ang iyong mga natutunan sa
araling ito.
1. Ano ang pambansang badyet?
2. Magbigay ng hakbang sa paghahanda ng badyet.
3.Sa iyong palagay para saan ang expenditure program?
4. Nakakatulong ba ang pag aalokasyong ng badyet sa pamahalaan?

IV-Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang. Isulat ang tamang sagot sa papel.
1.Ito ay kabuuang planong maaring pagkagastusan ng pamahalaan sa loob ng isang taon?
a. badyet c. Pambansang badyet
b. Pera d. Paggasta ng Pamahalaan
2.Kailan nagkakaroon ng budget deficit?
a.Kapag mas maliit ang paggasta c.Kapag di ginasta
b.Kapag mas malaki ang paggasta d.Wala sa nabanggit
3. Ito ay tumutukoy sa ceiling o pinakamataas na gastusing nararapat upang matugunan ang
obligasyon ng pamamahala sa loob ng isang taon?
a.Expedable proram c.Eksena program
b. Experiential program d. Expenditure program
4.Paunang bayad ng gobyerno para sa mga utang nito?
a. Current Operating Expenditures c.Capital Outlays
b.Net Lending d. Badyet
5. Mas malaki ang halaga ng salapi ang pumapasok sa kaban ng bayan kaysa lumalabas. Ang
sitwasyong ito ay?
a. Budget Surplus c.Budget
b.Budget Deficit d.Lahat ng nabanggit
Mga Kasagutan:
1.C
2. B
3.D
4.B
5.A

V. Takdang Aralin:
Gawain 4: Gawa tayo ng Tina-Pie
Panuto: Gumawa ng ilustrasyong naka-pie graph sa isang maikling bond paper. Ibahagi ito sa
susunod na klase.
 Tanggulang Bansa
 Social Service
 Kalusugan
 Agrikultura
 Repormang Agraryo
 Edukasyon

VI. Puna:

Inihanda ni: Iniwasto ni:

Myra M. Paulo Gng. Geraldine DV. Masangcay


(Practice Teacher) (Teacher III)

You might also like