You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Schools Division Office of Gapan City
Juan R. Liwag Memorial High School

October 18-21, 2022


Banghay-Aralin sa Ekonomiks 9
PAGKONSUMO

I.Layunin
Sa modyul na ito ay inaasahang maisasagawa ang kasanayan:
Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa pagkonsumo.
Inaasahan ang mag-aaral na:
1. Nakapagpapaliwanag sa konsepto ng pagkonsumo.
2. Naiisa-isa ang mga salik ng pagkonsumo.
3. Napapahalagahan ang kaugnayan ng mga salik na ito sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay.

II. Nilalaman
A. PAKSA: Salik na nakakaapekto sa pagkonsumo
B. Modyul 4: Unang Markahan – Salik ng Pagkonsumo
C. Kagamitan: mga larawan, manila paper at powerpoint presentation
D. Sanggunian: Ekonomiks Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral pp. 62 – 63
Araling Panlipunan Modyul 4 Unang Markahan pp. 6 – 7

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Balitaan: Pagbibigay balita ng mga mag-aaral ukol sa napapanahong pangyayari sa loob at
labas ng bansa.
3. Balik-aral: Pagpapakita sa mga mag-aaral ng isang karikatura. Ano ang kahulugan at
konsepto ng pagkonsumo?

B. Pagganyak
Gawain 1: MARKET BASKET
Piliin ang mga bagay na maaaring bilhin. Ipaliwanag ang sagot:
1. Pagkain 3. Sasakyan 5. Damit 7. Cellphone 9. Sapatos - Jordan

Address: Bayanihan, Gapan City


Telephone No.: (044) 958-8492
Email: neshs_jrlmhs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division Office of Gapan City
Juan R. Liwag Memorial High School

2. tubig 4. Tirahan 6. Fastfood 8. Laptop 10. starbucks


C. Paglinang ng Aralin

Papangkatin ang mga mag-aaral. Maghahanda ng presentasyon ang bawat pangkat ayon sa
sitwasyon kaugnay ng mga salik na nakakapaekto sa pagkonsumo.
Pangkat I – Mga Inaasahan- Sale at Kalamidad/Bagyo (News Casting)
Pangkat II – Pagbabago ng Presyo (Role Playing)
Pangkat III – Kita at Pagkakautang (Story Board)
Pangkat IV –Demonstration Effect –Anunsyo (Slideshow)

Magpapakita ng isang graphic organizer tungkol sa Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo


kung kinakailangan.

Pamprosesong Tanong:
1. Anu-ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo?
2. Paano nakakaapekto ang bawat salik sa pagkonsumo ng tao?
*Rubrics para sa Presentasyon ng Gawain

Pamantayan Deskripsyon Puntos


Nilalaman Naipakita ang paksang inilalahad 10 puntos
Paglalahad Maayos at malinaw ang presentasyon 5 puntos
Kagalingan Kahusayan sa pagbuo ng presentasyon 5 puntos
Kagamitan Gumamit na angkop na props, visual atbp. 5 puntos
KABUUAN 25 puntos

D. Pangwawakas na Gawain
a. Pagbubuod: Bakit nagkakaiba ng paraan at dahilan ng pagkonsumo ang tao?
b. Pagpapahalaga: Sa panahon ng Kapaskuhan, anong salik ang higit na nakakaapekto sa
pagkonsumo ng iyong pamilya? Ipaliwanag.
c. Paglalapat: Isulat ang (+) kung may positibong epekto ang bawat sitwasyon sa
pagkonsumo ng tao at (–) kung negatibo.
1. Pagkakatanggal sa trabaho
2. Natapos ang utang sa Bumbay
3. Christmas bonus na parating
4. Buy one, Take one promo
5. Anunsyo sa telebisyon

Address: Bayanihan, Gapan City


Telephone No.: (044) 958-8492
Email: neshs_jrlmhs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division Office of Gapan City
Juan R. Liwag Memorial High School

IV. Ebalwasyon
Panuto: Suriin ang pahayag. Isulat ang tamang sagot.
1. Alin sa mga salik ng pagkonsumo ang HINDI kabilang?
a. kita b. presyo c. edukasyon d. demonstration effect
2. Alin sa mga salik ng pagkonsumo ang higit na nagiging motibasyon natin sa pagbili?
a. kita b. presyo c. utang d. panahon
3. Nakadepende sa salik na ito ang dami ng ating mabibibili. Anong salik ng pagkonsumo ang
siyang nagdidikta sa paraan ng ating pamimili?
a. kita b. utang c. panahon d. demonstration effect
4. Aling salik ng pagkonsumo ang higit na nakakaapekto sa tuwing mapapabili tayo ng marami
dahil sa sale?
a. kita b. panahon o inaasahan c. presyo d. utang o mga obligasyon
5. Marami sa atin ang nagnanais maging protektado laban sa sakit, kaya naman, sa panahong ito
ng pandemya mas madami din ang bumibili ng mga pangangailangang may kaugnayan dito tulad
ng face mask at alcohol. Alin sa mga salik ang nakakaapekto sa ating pagkonsumo na ito?
a. demonstration effect b. kita c. panahon o inaasahan d. utang o mga obligasyon

SAGOT: 1. C 2. B 3. A 4. B 5. C

V. Takdang Aralin
Basahin ang susunod na aralin – Ang Pamantayan sa Pamimili.
Gabay na Tanong:
a. Ano ang ibig sabihin ng matalinong mamimili?
b. Ano ang mga pamantayan sa pamimili?

Address: Bayanihan, Gapan City


Telephone No.: (044) 958-8492
Email: neshs_jrlmhs@yahoo.com

You might also like