You are on page 1of 4

R epublic of the P hilippines

D epartment of Education
REGION IX, ZAMBOANGA PENINSULA
Division of Zamboanga Sibugay
SIAY NATIONAL HIGH SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9


Paaralan DALAMA NATIONAL HIGH SCHOOL Antas Baitang 9
Guro RAQUEL D. PEREZ Asignatura Araling Panlipunan 9
Petsa/Oras NOV. 2023 – 3:00-4:00 Markahan Ikalawang Markahan
LINGGO
I. LAYUNIN:
1.Naipapaliwang ang ibig sabihin Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap
2. Nakakabuo ng isang slogan/signage para sa pagkakaroon ng ng isang matalinong desisyon;
3. Napapahalagahan ang mga salik na nakakaapekto sa demand sa pangaraw-araw na pamumuhay..
A. Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag-aaral ay may pag -unawa sa mga pangunahing kaalaman sa ugnayan ng pwersa ng
demand at suplay, at sa sistema ng pamilihan bilang batayan ng matalinong pagdedesisyon ng
sambahayan at bahay - kalakal tungo sa pambansang kaunlaran

B. Pamantayang Pagganap:
Ang mag-aaral ay na kritikal nakapagsusuri sa mga pangunahing kaalaman sa ugnayan ng pwersa
ng demand at suplay, at sistema ng pamilihan bilang batayan ng matalinong pagdedesisyon ng
sambahayan at bahay - kalakal tungo sa pambansang kaunlaran.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto:


*Natatalakay ang konsepto at salik na nakaaapekto sa demand sa pang araw-araw na pamumuhay

4. NILALAMAN
Paksa: Mga Salik ng Demand
III. KAGAMITANG PANTURO:
A. Sanggunian
Pahina sa TG:
Pahina sa LM:
Karagdagang Kagamitan LR portal:
B. IBA PANG KAGAMITANG PANTURO:
Laptop, monitor, Visual Aid

IV. PAMAMARAAN
A. SIKAP :(read aloud)
- “The Sick Lion”

B. Balik aral / Pagsisimula ng bagong Aralin:


-Ano ang ibig sabihin ng Badwagon effect?
C. Paghahabi sa layunin ng aralin:
Gawain 1: JUMBLE LETTERS

1. A K Y O S N L A O – ang tawag sa pamamaraan ng paglalaan ng takdang dami ng


pinagkukunangyaman ayon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao?
2. S O N G O Y E - Ito ay tumutukoy sa anumang gawaing pang-ekonomiya na ang layunin ay magkamit
ng kita o tubo
3. T R I D I S B U S O Y N - ang katawagan sa pamamaraan ng pagbabahagi ng kabuuang yaman o kita
ng lipunan sa bawat indibidwal o sa mga salik ng produksiyon tulad ng lupa, paggawa, kapital at
entrepreneurship?
D.Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin:
Sagot:
1. Alokasyon
2. Negosyo
3. Distribusyon
Pamprosesong tanong:
1. Anong salita ang nabuo mula sa unang hanay pababa?
2. Ano ang iyong paunang pagkaunawa sa salitang demand?
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng kasanayan #1
Dahil sa krisis na nararanasan natin ngayon, naging mas maingat tayo sa ating mga desisyon kung ano
ang dapat nating bilhin. Napahalagahan ang tamang paggasta at pagkonsumo upang maging matatag ang
presyo sa pamilihan. Maliban sa presyo, mahalagang matutunan natin ang iba pang salik ng demand
upang maging matalinong mamimili.
SALIK NG DEMAND:
1. KITA
2. PANLASA
3. DAMI NG MAMIMILI
4. PRESYO NG PAGKAUGNAY SA PAGKONSUMO
5. INAASAHAN NG MGA MAMIMILI SA PRESYO SA HINAHARAP

F.Paglinang sa kabihasaan:
Gawin: Panuto: Tukuyin kung anong salik na nakakaapekto sa demand ang isinasaad ng mga
pahayag.

Sagot:
1. KITA
2. DAMI NG MAMIMILI
3. INAASAHAN NG MGA MAMIMILI SA PRESYO SA HINAHARAP
4. PANLASA
5. PRESYO NG PAGKAUGNAY SA PAGKONSUMO
F. Paglalapat ng aralin sa araw-araw na buhay:
Gawain: Sa Kanan o sa Kaliwa?
• Gamit ang mga sitwasyong nakalahad sa talahanayan, suriin at ipaliwanag ang maaring maging epekto o
kahihinatnan ng demand sa produkto. Gumuhit ng graph na lilipat sa kanan kung dadami ang demand at
graph na lilipat sa kaliwa kung bababa ang demand.

Sagot:

I.Paglalahat ng Aralin
 Paano naka apekto ang dami ng mamimili sa demand ng isang produkto?
 Paano nakakaapekto ang presyo ng pagkaugnay sa pagkonsumo ?

J. Pagtataya ng Aralin:
1. Sa panahon ngayon ng pandemic, nangangamba ang mga tao na maubusan ng produkto
para sa kaligtasang pangkalusugan. Ano ang mangyayari sa demand ng face mask?
A. Mananatili ang pangangailangan ng face mask.
B. Bababa ang pangangailangan ng face mask.
C. Tataas ang pangangailangan ng face mask.
D. Regular ang pangangailangan ng face mask.
2. Bumaba ang benta ng tindahan ni Cesar simula ng Quarantine. Bakit naapektuhan ang
kanyang benta?
A. Dahil marami na ang nagsulputang bagong tindahan
B. Dahil marami ang nawalan ng trabaho
C. Dahil bawal na lumabas
D. Dahil lumipat ang kanyang mga suki sa ibang tindahan
3. Isa sa mga salik ng demand ay ang dami ng mamimili. Kung kayo ay may negosyong pater,
ano ang gagawin mo para dumami ang benta ninyo?
A. Tataasan ko ang presyo ng pater
B. Kumbinsihin ko ang mga kaklase na bumili
C. Mamimigay ako ng libreng sample
D. Iimbetahan ko ang aking mga kaibigan at kaklase sa amingtindahan
4. Para makatipid, bumili si Samuel ng tsokolate para sa kanyang nobya kahit sa susunod na
linggo pa ang araw ng mga puso. Bakit nagdesisyon si Samuel na gawin ito?
A. Dahil sa dami ng mamimili
B. Dahil sa kanyang panlasa
C. Dahil sa inaasahang niyang kiita
D. Dahil sa inaasahang pagtaas ng presyo nito
5.Nagkakaubusan na ng suplay ng Japanese Siomai kaya tumaas ang demand ng Pork Siomai.
Ano ang tawag sa produktong kwek-kwek?
A. Pamalit B. Komplemetaryo C. Temporaryo D. Maliit
Sagot:
1. C
2. C
3. D
4. D
5. A

K. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin at remediation:

Inihanda ni:
RAQUEL D. PEREZ
Arpan Teacher

Iniwasto at Binigyang pansin ni:


HAIJIN S. SADDAE
School Head

You might also like