You are on page 1of 5

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon V
Sangay ng Camarines Sur
RODRIGUEZ N ATIONAL HIGH SCHOOL
Cadlan, Pili, Camarines Sur
Filipino 8 PUNTOS:

IKALAWANG PANAHUNANG PAGSUSLIT sy 2022-2023


Pangalan:_____________________________________________Baitang at Seksyon:______________
I. MELCs: Naibibigay ang denotatibo at konotatibong kahulugan, kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng malalalim na
salitang ginamit sa akda F8PT-IIe-f-25
PAGPIPILI: Basahin at unawain ang pahayag. Tukuyin ang Denotatibong Kahulugan, Konotatibong Kahulugan,
Kasingkahulugan at Kasalungat ng mga nakasalungguhit na salita.
1. Sa kulturang Filipino, itinuturing ang Ama bilang haligi ng tahanan dahil madalas siya ang nagtatrabaho
at kumikita upang may panggastos ang buong mag-anak.
a. Nagsisilbing poste at isang balangkas ng bahay o gusali.
b. May ginagampanang importanteng papel sa pag-alaga at sa pagpapaunlad ng kalusugan ng bawat
pamilya.
c. Karaniwang inaasahang susuporta sa pamilya, at tutugon sa lahat ng mga pangangailan sa tahanan.
2. Bilang isang anak, tungkulin niyang tulungan ang mga magulang sa paggawa ng mga gawaing-bahay
upang maging magaan ang kanilang pamumuhay.
a. Supling na maaaring may kaugnayan sa mga magulang. 
b. Hindi pa isinisílang o bagong sílang na tao.
c. Tumutukoy sa babae o lalaki na may parehong hene sa magulang.
3. Mahalagang aspeto ng pamumuhay ang pagkakaroon ng kahiramang-suklay upang may nakasasangga sa
oras ng pangangailangan at maging kapaki-pakinabang na miyembro ng lipunan.
a. Kapangkat o kagrupo
b. Tunay na kaibigan
c. Mapagkakatiwalaang tao
4. Hiyas kung maituturing sa buhay ng isang mag-aaral ang palagiang pagbabalanse ng mga gawaing
akademiko at gawaing extra-curricular upang hindi mapabayaan ang alinman sa dalawa.
a. Dapat na tandaan
b. Mahalagang punto
c. Isinasaisip
5. Matataas ang nakuhang marka ni Sarah sa ikalawang markahan, kaya naman siya ay tumatangis sa
nararamdamang tuwa dahil ang pangyayaring ito ay magandang balita sa kanyang pamilya.
a. Bugso ng pakiramdam
b. Labis na pag-iyak
c. Sobrang pagkatuwa
6. Marami ang natutuhan ni Pedro sa mga aralin sa ikalawang markahan kaya naman makabuluhan para sa
kaniya ang pakikinig nang mabuti sa loob ng klase.
a. Mahalaga
b. Makatutulong
c. Makahulugan
7. Naging kalmado si Reigan bilang mag-aaral, madalang siyang magbigay ng takdang-aralin at malimit
siyang tahimik sa mga pangkatang gawain kaya naman pinapalakpakan niya ang sarili sa sukdulang
pagdadalamhati sa mababang marka na nakuha.
a. Realisasyon ng maling pag-uugali
b. Pagbati sa sarili dahil sa ipinakitang kilos
c. Pagpalakpak dahil sa tuwang naramdaman
8. Labis ang pagluha ni Carmen sa narinig na imbitasyon ng Tagapayo ng klase, para sa kaniyang
karangalan na makasama ang kaniyang anak na si Shiela sa mga mag-aaral na may karangalan.
a. Realisasyon ng maling pag-uugali
b. Pagbati sa sarili dahil sa ipinakitang kilos
c. Pagpalakpak dahil sa tuwang naramdaman
II. Nabubuo ang mga makabuluhang tanong batay sa napakinggang palitan ng katuwiran F8PN-IIc-d-24
PAGTATAMBAL: Basahin at unawain ang mga tanong sa Hanay A at itambal sa Uri ng Tanong sa Hanay
B. Isulat ang letra ng sagot sa patlang.

9. Pinag-aralan mo bang mabuti at binalikang pag-aralan ang mga aralin sa a. Tanong na “Oo” o “Hindi”
ikalawang markahan bilang paghahanda sa pagsusulit?
10. Anong taon binuksan sa publiko ang paaralang Rodriguez National High b. Tanong na ang Sagot ay
School? Dalawang Pagpipilian
11. Maaari mo bang ipaliwanag ang dahilan ng kahirapan sa pagbabaybay ng c. Tanong tungkol sa mga tao,
Wikang Filipino ng mga mag-aaral na kabilang sa henerasyon Gen-Z? bagay, lunan o pangyayari
12. Bilang isang mag-aaral na ipinagdiriwang ang teknolohiya sa pagpapadali at
pagpapataas ng antas ng pagkatuto, ano kaya ang hatid nito sa inyo: d. Tanong na Bakit
Adbentahe o Disadbentahe?
e. Tanong na Pagtitimbang
13. Kung ikaw ang tatanungin, ano nga ba ang epekto ng teknolohiya sa
pagbabaybay ng mga salita sa wikang Filipino?
f. Tanong na humihingi ng
14. Isa ka rin ba sa mga mag-aaral na itinataguyod ang Wikang Filipino sa palagay
pamamagitan ng paggamit nito sa pagpapaliwanag at pagsusulat ng sariling
opinyon?
15. Upang maging matagumpay na mag-aaral, alin nga ba ang dapat unahin:
ang kasipagan sa paggawa ng mga gawain sa loob ng silid-aralan, ang
pagiging aktibo sa talakayan sa loob ng klase o ang pag-aaral nang mabuti
tuwing may ibibigay na mga pagsusulit ang guro?
16. Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng ulan?
17. Mayroon ka rin bang libangan tuwing wala kang ginagawa?

III. MELCs : Napipili ang mga pangunahin at pantulong na kaisipang nakasaad sa binasa F8PB-IIa-b-24
PAGTUTUKOY: Basahin at unawain ang teksto. Tukuyin ang Pangunahing Kaisipan at Pantulong na Kaisipan.

Tuwing umaga, tanghali at gabi ay madalas na magsaing ang pamilyang Pilipino. Narito ang mga
hakbang sa pagsasaing ng kanin. Una, magtakal ng isa hanggang dalawang basong bigas at ilagay sa Rice
cooker. Pangalawa, banlawan ang bigas tatlo hanggang apat na beses at maglagay ng malinis na tubig sa
kasukat na bigas. Pangatlo, bago ilagay sa pag sasaingan,punasan ang ilalim. Panghuli, isaksak ang Rice
cooker at takpan.
Pinaghanguan: http://g11pietypangkatbargyumentatibo.blogspot.com/2017/02/panuto-sa-pagsasaing-ng-kanin-1.html

Isulat ang sagot sa patlang.


Pangunahing Kaisipan: 18. ___________________________________________________________________
Pantulong na Kaisipan:
19.

20.

21.

22.

“Mandatory Drug Test sa mga Guro at Estudyante sa mga Pampublikong Paaralan”


Ni: Rona Jean M. Diaz

Napaulat na sa marami ng pahayagan sa buong bansa na pumapasok na sa mga paaralan ang mga Drug
Pushers upang hikayatin ang mga mag-aaral na sumubok ng ilegal na droga at minsan pa umano ay
mismong estudyante ang ginagawang drug courier at runner ng mga sindikato ng ilegal na droga, dahil
ang mga menor de edad ay hindi maaaring gawing criminally liable sa ilalim ng Juvenille Law.
Dahil sa pangyayaring ito, maraming sektor ang sumang-ayon na ipatupad sa bawat
pampublikong paaralan sa Pilipinas ang Mandatory Drug Test sa mga guro at estudyante upang tuluyan ng
mailayo ang mga learning institution sa masamang epekto ng ilegal na droga. Ako, bilang isang kabataan,
sumasang-ayon ako dahil para ito sa kapakanan ng bawat kabataan at mamamayan ng Pilipinas.
May iilang sektor na nagsasabi na kabawasan lamang ito sa pera ng bayan. Mali ang kanilang
pananaw, sa halip na gastusin sa mga proyektong hindi matapos-tapos, gatusin na lamang ito sa pagpugso
ng ilegal na droga. Marapat lamang na simulan ito sa paaralan upang maraming kabataan ang mabigyan
ng atensyon ng ating gobyerno.
Habang maaga pa simulan na, isipin natin na ‘pag ang isang mangga ang nabulok sa loob ng
kahon ay maapektuhan ang iba pang mangga paglumaon. Hindi ito kabawasan, layunin lamang ng
gobyerno na ilayo ang kabataan sa droga at sisimulan ito sa paaralan.
Pinaghanguan: http://g11pietypangkatbargyumentatibo.blogspot.com/2017/02/mandatory-drug-test-sa-mga-guro-at.html

Pangunahing Kaisipan: (23) ________________________________________________________________


Pantulong na Kaisipan:
24. Tuluyan ng mailayo ang mga learning institution sa masamang epekto ng ilegal na droga
25. .
.
26. .

27.

28.

Ibalik ang Death Penalty


ALBRAN C. PORRAS

Droga, gun-for-hire killings, pagpatay, pangagahasa, child prostitution, kidnapping, terorismo at


corruption. Iilan lamang ito sa lumalaking krimen sa ating bansa. Subalit lahat ng krimen na ito ay may
iiang solusyon, ang pagbabalik ng death penalty sa Pilipinas. Ayon sa aking obserbasyon dapat lamang
itong ibalk dahil hindi natatakot ang mga kriminal sa ating batas ngayon, dumadami na sila at
nagkukulang na ang mga pasilidad kung saan sila ikukulong. Nagiging headquarters na lamang ng mga
kriminal ang kulungan, hindi naman lahat ng kriminal ay nagdurusa sa kaniang krimen na ginawa, at may
mga kriminal na hindi titigil sa paggawa ng kasamaan. Habang nabubuhay ay patuloy pa rin silang lilikha
ng krimen at uusbong naman ang mga bagong kriminal.

Death penalty lamang ang solusyon dito dahil ayon sa aking nabasa na artikulo binabago ng tiyak na
kamatayan ang perspektibo ng isang tao. Nagsisi, nagiging banal ito, tinatanggap ang nagawang
pagkakamali, at hinahanda ang kanyang sarili sa pagpanaw. Dahil ang mga kriminal ay wlang malasakit
sa mga tao, may malasakit lamang sila sa kanilang sarili nilang buhay. Kaya tanging death penalty lamang
ang makakapigil sa kanila na gumawa ng krimen, dahil alam nila na kamatyan ang magiging parusa sa
kanila. Ayon sa artikulo na aking nabasa na dapat din syempreng repasuhin agad ang judiciary system
upang magkaroon ng mabilis, malinis at pantay na paglilitis sa mga krimen. Kaya dapat lamang itong
ibalik upang mapigilan at masugpo ang krimen sa ating lipunan.
Pinagkuhanan: http://g11pietypangkatbargyumentatibo.blogspot.com/2017/02/ibalikang-death-penalty-droga-gun-for.html

Pangunahing Kaisipan: (29)____________________________________________________


Pantulong na Kaisipan:
30.

31.

32.
33.
34. Kaya dapat lamang itong ibalik upang mapigilan at masugpo ang krimen sa ating lipunan.
IV. MELCs Naihahambing ang anyo ng Pangngalan sa binasang akda F8PB-IIi-j-28
PAGPUPUNO: Punuin ng wastong Pangngalan ang patlang. Gamitin ang klu na nasa panaklong. Piliin ang
sagot sa
kahon.
mag-aaral isang Dr. Jose Rizal WATTPAD klase
naranasan kabataan tayong bayani bayan
ukol talino oras

Ako Bilang Isang Mag-aaral

Ang pagiging 35____________ (Kailanan ng Pangngalan) mag-aaral ay may malaking parte sa ating
36____________ (Uri ng Pangngalan). Marami 37_________(Kailanan ng Pangngalan) tungkulin na kailangan
magampanan upang maging isang mabuting 38.___________(Kayarian ng Pangngalan) . May mga tanong tayo
minsan na bakit nga ba natin kailangan mag-aral? Ano ba ang dahilan kung bakit kailangan natin magsumikap sa pag-
aaral?
Sabi nga ng ating pambansang 39__________ (Uri ng Pangngalan) na si 40.______________(Uri ng
Pangngalan) “Ang kabataan ang pag-asa ng 41.____________ (Uri ng Pangngalan).”Halos karamihan sa atin ay
naranasan o nararanasan ang pagiging isang mag-aaral o estudyante, ngunit kapag tinanong natin ang bawat isa sa atin
kung ano nga ba talaga ang buhay ng isang mag-aaral may magsasabing madali lang o kaya naman na mahirap daw
ito, ang iba naman ay ito daw ang kanilang masayang yugto bilang isang kabataan at pagiging isang mag-aaral.
Kung hihimayin naman natin ang kanilang sariling depinisyon 42.___________(Kayarian ng Pangngalan) sa pagiging
isang mag-aaral dito ay lalabas na ito ay nakabatay sakung ano man ang kanilang 43. ______________(maylapi) sa
pagiging isang mag-aaral, maganda man ito o hindi.
Kung ako naman ang tatanungin ang pagiging isang mag-aaral o estudyanteay mahirap sapagkat dito natin
mararanasan ang hindi pagtulog o kulang sa tulog matapos mo lang ang iyong proyekto o kung hindi naman ay ang
hindi mapigilang pagbabasa ng 44. ________________ (Uri ng Pangngalan) sa gabi kahit na alam mo na may
pagsusulit kayo kinabukasan, hindi mapigilangang paggamit ng social media tulad ng Facebook, Twitter at Instagram
kahit na nagtuturo na sa harap ang iyong kaklase o ang iyong guro.
Mararanasan mo rin ang masungitan ng iyong guro dahil sa iyong pinapakita na ugali o ang pagiging tamad sa
45._______________(Kailanan ng Pangngalan) at higit sa lahat bilang isang mag-aaral mahirap tanggapin na ika’y
bagsak sa isang asignatura kahit na binuhos mo na ang iyong diskarte, tiyaga at talino para lamang maabot mo ang
kagustuhang pumasa sa asiignaturang iyon.

Pinagkuhanan: https://www.coursehero.com/file/105859592/sanaysaydocx/

V. MELCs: Nagagamit ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag (pag-iisa-isa, paghahambing, at iba pa) sa pagsulat ng sanaysay
F8WG-IIf-g-27
PANUTO: Basahin at unawain ang paksa. Gumawa ng maikling sanaysay gamit ang Panimula, Katawan at
Konklusyon. Maaaring gumamit ng karagdagang papel. PAKSA: DALAWANG NATUTUHAN KO SA
ASIGNATURANG FILIPINO
_____________________________________
(Pamagat)
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

You might also like