You are on page 1of 2

MAHABANG PAGSUSULIT sa FILIPINO 8 blg. 1.

1
Paksa: Karunungang-bayan, Sanhi at Bunga, Opinyon at Katotohanan

I. Basahin at unawain ang tanong sa bawat bilang. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat sa sagutang-
papel.
1. Ano ang katawagan sa bahagi ng katutubong panitikan ng mga Pilipino na nagpapamalas ng
talas at tayog ng kaisipan ng mga ninuno noong unang panahon?
a. Karunungang-bayan
b. Sanhi at Bunga
c. Opinyon at Katotohanan
2. Anong relasyon ang tumutukoy sa pagsasabi ng sariling pananaw o kung hindi naman ay
aktwal na pangyayari?
a. Karunungang-bayan
b. Sanhi at Bunga
c. Opinyon at Katotohanan
3. Anong relasyon ang tumutukoy sa dahilan ng isang pangyayari at ang epekto nito?
a. Karunungang-bayan
b. Sanhi at Bunga
c. Opinyon at Katotohanan
4. Anong salita ang tumutukoy sa paglalahad ng sariling pananaw na nakabatay sa sariling
karanasan?
a. Opinyon
b. Katotohanan
c. Sanhi
5. Anong salita ang tumutukoy sa paglalahad ng mga aktwal na pangyayari at nakabatay sa mga
basehan?
a. Opinyon
b. Katotohanan
c. Sanhi
6. Anong salita ang tumutukoy sa dahilan ng isang sitwasyon o pangyayari?
a. Sanhi
b. Bunga
c. Karunungang-bayan
7. Anong salita ang tumutukoy sa epekto o bunga ng isang sitwasyon o pangyayari?
a. Sanhi
b. Bunga
c. Karunungang-bayan
8. Nirebyu ni Karding ang mga aralin sa Filipino kaya naman ay nakakuha siya ng mataas na
puntos. Ano ang sanhi ng pangyayari?
a. Nirebyu ni Karding ang mga aralin sa Filipino
b. Nakakuha siya ng mataas na puntos.
c. Natuwa ang guro sa galing ni Karding.
9. Madalas na nagsusulat si Diana ng mga aralin sa kanyang kwaderno kaya pagdating ng mga pagsusulit
mayroon siyang ginagamit sa pagrerebyu. Ano ang bunga ng pangyayari?
a. Madalas na nagsusulat si Diana ng mga aralin sa kanyang kwaderno.
b. pagdating ng mga pagsusulit mayroon siyang ginagamit sa pagrerebyu.
c. Natuwa ang guro sa galing ni Diana.
10. Ayon kay Romero (2022), ang Wika ay tinaguriang pambansang sagisag. Anong uri ito ng pahayag?
a. Opinyon
b. Katotohanan
c. Sanhi
II. Basahin at unawain ang mga pahayag. Ilagay ang S kung ang pahayag ay Sanhi at B naman
kung ang pahayag ay Bunga. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
11. Maagang gumugising si Martina araw-araw
12. Kaya naman, hindi siya nahuhuli sa kanyang mga klase.
13. Malusog ang pangangatawan ni Pedro
14. Dahil kumakain siya ng mga masusustansyang pagkain.
15. Marami ang bumibili sa kanyang itinitindang pagkain
16. Mura kasi ito at higit sa lahat ay masarap.
17. Magalang kung magsalita si Anselmo lalo na kapag kausap ay matatanda
18. Tinuruan kasi siya ng kanyang mga magulang kung paano maging magalang.
19. Madalas kung magsalita si Aryana sa klase,
20. Kaya naman mataas din ang kanyang marka sa Filipino.

III. Basahin at unawain ang mga pahayag. Ilagay ang O kung Opinyon at K naman kung
katotohanan.
21. Para sa akin, mainam na makinig nang mabuti sa guro kapag nagsasalita.
22. Sa aking opinyon, kailangang magrebyu ng mga aralin upang may maisagot kapag may
pagsusulit.
23. Batay sa PAG-ASA wala pang nakikitang LPA sa loob ng Philippine Area of
Responsibility.
24. Kung ako ang tatanungin, mas gusto kong nakikinig at nagtatala ng paksa habang ang
guro ay nagtuturo ng mga aralin.
25. Sabi sa iyo eh! Nagbasa ka sana ng iyong aralin para hindi ka ngayon nalilito.
26. Mula sa Bibliya, huwag mo raw gawin sa iba ang mga bagay na ayaw mong mangyari
sa inyo.
27. Ang kulay ng puso ay pula.
28. Ang buhay ay parang gulong, minsan ay nasa itaas, minsan ay nasa ibaba.
29. Batay sa ABS-CBN news, bumababa na ang presyo ng petrolyo.
30. Napakagaling talagang mag-aaral ni Sofia! Malinis ang mga awtput niya.

IV. Basahin at unawain ang mga karunungang-bayan. Ipaliwanag at isulat sa sagutang-papel.

31-35. “ANUMAN ANG TIBAY NG PILING ABAKA, AY WALA RING LAKAS KAPAG
NAG-IISA”

36-40. “PAG MAY HIRAP, MAY GINHAWA”

41-45. “NASA DIYOS ANG AWA, NASA TAO ANG GAWA”

46-50. “HABANG MAIGSI ANG KUMOT, MATUTONG MAMALUKTOT”

inihanda nina:
MA. KRYSTEL JOY G. BONGON
FLORENCE TITO L. KUAN

You might also like