You are on page 1of 7

Maribeth A.Marce Almira L.

Watin
Gurong Nagsasanay Gurong Tagapagsanay

Banghay Aralin
Filipino 9

KASANAYAN SA PAGKATUTO
a.Nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon,panlunan,at pamamaraan sa pagbuo
ng alamat.F9WG-IIIf-55

I. LAYUNIN
a.Nakilala ang mga pang-abay ng pamanahon,panlunan,at pamaraan.
b.Nabibigyang kahulugan ang salitang pang-abay at ang uri nito.
c.Natutukoy ang pang-abay sa loob ng pangungusap
d.Nakakasalaysay ng sariling karanasan gamit ang pang-abay.
e.Nakakasulat ng sariling alamat gamit ang pang˗abay.

II. PAKSANG ARALIN


a. Paksa˸
Pang-abay na Pamanahon,Panlunan.at Pamaraan
b. Sanggunian:
Self-Learning Kit sa FILIPINO 9
c. Kagamitan˸
Modyul,Biswal at Powerpoint

III. PAMAMARAAN
A.Panimulang Gawain
a. Pagbati
b. Panalangin
c. Pagtala ng lumiban
d. Pagbabalik Aral
B. Pagganyak
Panuto˸Papangkatin ng guro ang mga mag ˗aaral sa apat na pangkat.Bibigyan ng guro
ang bawat pangkat ng mga pangungusap at ito ay kanilang isagawa sa harapan at
ipapahula ito sa kanilang mga ka grupo.

MGA PANGUNGUSAP˸
MABAGAL LUMAKAD ANG MATANDA.
MALAKAS UMIYAK ANG BATA.
MASARAP KUMAIN NG ICE CREAM NGAYON.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang nabubuo sa inyong isipan tungkol sa mga pangungusap na inyong
nahulaan?
2. Base sa ginawa niyong laro,ano ang napansin niyo na mga salita?
3. May napansin ba kayo sa mga salitang inilarawan sa pangungusap?
4. Tingnan niyo ang pangungusap,ano ang napansin niyo na naglalarawan sa mga
pangyayari?
5. Paano inilararawan ang mga salitang kilos sa pangungusap?

C .Paglalahad
Ipapahula ng guro kung ano ang paksang tatalakayin ngayon.
D. Pagtatalakay
Magtatalakay ang guro sa pang-abay at mga uri nito.

PANG-ABAY
Ang pang-abay ay mga salitang nagbibigay-turing sa isang pandiwa,pang-uri at kapwa
pang-abay.
Pang-abay na nagbibigay-turing sa Pandiwa
Hal.Maagang gumising ang ina dahil sa ingay ng kapitbahay.

Pang-abay na nagbibigay-turing sa Pang-uri


Hal.Tunay na maganda at matalino si Ana.

Pang-abay na nagbibigay-turing sa kapwa Pang-abay


Hal.Tunay na mabagal lumakad ang matandang babae

URI NG PANG-ABAY
1.Pamanahon-nagsasaad ng panahon kung kalian ginawa,ginagawa, at gagawin ang
kilos.Sumagot sa tanong na kalian
Hal. Isang taong nawala sa buhay ng asawa at ina ang tunay na Brahman.

2.Panlunan-nagsasaad ng pook,lunan o lugar na pinangyarihan ng kilos.


Hal.Nanirahan sa isang dampa ang binatang Brahman at ang kaniyang ina.

3.Pamaraan-nagsasaad kung paano ginanap ang kilos.Sumasagot sa tanong na paano


Hal.Malungkot na umalis ang Brahman sa kanilang tahanan
E. Pagsasanay
Panuto˸Salungguhitan ang pang-abay sa bawat pangungusap.5puntos
1.Nagbakasyon ang mag-anak sa Tagaytay.
2.Babalik na sila sa isang lingo.
3.Magkikita kami ng aking pinsan sa restoran.
4.Masayang ikinuwento ni Lisa ang kanyang mga naging karanasan.
5.Tahimik naman akong nakinig sa kanyang kwento.
Panuto˸Tukuyin kung ang mga salitang may salungguhit ay pang-abay na
PANLUNAN,PAMARAAN at PAMANAHON.Isulat ang sagot sa patlang bago ang
bilang.10puntos

ˍˍˍˍˍ1.Maagang pumasok si Noel.


ˍˍˍˍˍ2.Sinagot nang mabilis ni Angel ang bugtong ng guro.
ˍˍˍˍˍ3.Tuwing hapon naglalaro ng bugtungan ang mga magkaibigan.
ˍˍˍˍˍ4.Dadalaw kami sa bahay ni Lola Nena.
ˍˍˍˍˍ5.Masayang nagbugtungan ang mga magkaklse.
ˍˍˍˍˍ6.Susunduin ko si Nanay sa istasyon ng bus.
ˍˍˍˍˍ7.Malakas sumigaw ang bata.
ˍˍˍˍˍ8.Si Angela ay magaling sumayaw.
ˍˍˍˍˍ9.Gising na si nanay tuwing madaling araw.
ˍˍˍˍ10.Ang mga mag-aaral ay pumapasok sa paaralan araw-araw.
F. Aplikasyon
PANGKATANG GAWAIN
Panuto˸Papapangkatin ang mga mag˗aaral sa apat na pangkat.Bawat pangkat ay
susulat ng alamat na nagsasaad ng pang-abay na pamaraan,panlunan at pang-abay
na pamanahon.20puntos

G. Pagpapahalaga
Panuto˸Magsalaysay ng isang karanasan sa isang pagdiriwang na hindi mo malilimutan
tulad ng pasko,pista,kaarawan,at iba pa.Gumamit ng pang-abay sa pagsalaysay at
salungguhitan ito.Isulat sa isang buong papel.20puntos

IV. Ebalwasyon o Pagtataya


A Panuto˸Kilalanin ang pang˗abay sa bawat pangungusap.Isulat ang titik ng tamang
sagot.
1.Matiyagang nakinig ang raha sa kanyang istorya at pagkaraan ay nag˗utos iyon na
paharapin sa kanya ang dalawang lalaki.
a.dalawang lalaki
b.matiyaga
c.nakinig
d.paharapin
2.Hindi na nga napigil ni Mela ang asawa na magtrabaho sa lungsod.
a.asawa
b.magtrabaho
c.napigil
d.sa lungsod
3.Kinabukasan ay nagtungo muli ang Brahman upang kausapin ang raha.
a.Brahman
b.kausapin
c.kinabukasan
d.nagtungo
4.Ngayong ubos na ang salapi at ginto sa kanilang banga ay gusto uli ng lalaking
umalis at makipagsapalaran upang magkaroon pa ng maraming kayamanan.Alin sa
pangungusap ang may pang˗abay na pamanahon?
a.maraming kayamanan
b.ngayon at sa banga
c.salapi at ginto
d.umalis at makipagsapalaran
5.ˮIkaw kaya mong pumasok sa bote?ˮang tanong ng bata.ˮOo naman,manood
kayo,ˮang masayang sabi ng espiritu.
a.espiritu
b.manood kayo
c.masaya
d.pumasok
6.ˮAng tunay ko palang kayamanan ay ang aking pamilya,ˮhabang mahigpit na niyakap
ang asawa at ina.Paano niyakap ang asawa at ina?
a.kayamanan
b.mahigpit
c.pamilya
d.ina
7.Siya ngayon ay nagkaroon ng isang maganda at mapagmahal na asawa.
a.asawa
b.mapagmahal
c.nagkaroon
d.ngayon
8.Nang matapos na ang istorya ay maingat na binuhat ng mga anghel ang trono at
lumipad,pataas nang pataas sa kalawakan at tuluyang naglaho.Ano ang pang˗abay sa
ibaba ang sasagot sa tanong na kailan.
a.lumipad
b.maingat
c.matapos
d.naglaho
9.Matapang na hinarap ng mga Pilipino ang mga suliraning dulot ng pandemya.
a.pandemya
b.matapang
c.pilipino
d.dulot
10.Kinaumagahan,isang magandang balita ang narinig ng mga mamayan.Alin sa
pangungusap ang may pang˗abay na pamanahon?
a.maganda
b.kinaumagahan
c.mamayan
d.narinig

V. Takdang Aralin
Panuto:Magsulat ng teg˗dadalawang pangungusap sa bawat pang˗abay at salungguhitan ang
ginamit na pang˗abay.

You might also like