You are on page 1of 9

1

Aralin
Pagsasabi ng Paraan, Panahon at Lugar ng Pagsasagawa ng Kilos

Mga Inaasahan

Ang modyul na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral na nasa


ikalawang baitang. Layunin ng modyul na ito na malinang ang iyong
kaalaman sa pagsasabi ng paraan, panahon at lugar ng pagsasagawa
ng kilos o gawain sa tahanan, paaralan at pamayanan.

Sa pagtatapos ng aralin ay inaasahan na mauunawaan mo nang lubos ang


kasanayang:
Nasasabi ang paraan, panahon at lugar ng pagsasagawa ng kilos o
gawain sa tahanan, paaralan at pamayanan(F2WG=IIj-6)

Sasagutan mo ang mga pagsasanay at gawain sa nakalaang sagutang papel.

Paunang Pagsubok

Basahin at unawain ang pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Uuwi kami ng Tarlac sa Hulyo. Anong pang-abay na pamanahon


ang ginamit sa pangungusap?
A. Tarlac B. uuwi C. Hulyo
2. Dahan-dahang inilapag ni Carlo ang bata sa kama. Ano ang
pang-abay na pamaraan sa pangungusap?
A. inilapag B. dahan-dahan C. bata
3. Naglaro ang mga bata sa plasa. Anong pang-abay na panlunan
ang ginamit sa pangungusap?
A. plasa B. naglaro C. mga bata

Modyul sa Filipino 2
Ikaapat na Markahan: Ikaapat na Linggo
4. Araw-araw nagsisimba ang lola ko sa Baclaran. Ano ang pang-
abay na pamanahon ang ginamit sa pangungusap?
A. nagsisimba B. araw-araw C. Baclaran
5. Tahimik na nagsasagot ng pagsusulit si Erma. Ano ang pang-abay
na pamaraan sa pangungusap?
A. tahimik B. nagsasagot C. pagsusulit

Mahusay! Ngayon naman ay sagutin mo ang kasunod na


pagsasanay bilang balik-aral sa ating nakaraang aralin.

Balik-Tanaw

Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa bawat


pangungusap. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Nagbunga ng tagumpay ang kaniyang pagpupunyagi.


A. pagsawalang bahala B. pagsisikap C. pagbibiro
2. Malimit magbasa ng pahayagan ang ama ni Ruby.
A. madalas B. madalang C. bihira
3. Laging bukas ang palad ng pamilya Cruz sa mga
nangangailangan.
A. sakim B. mapagbigay C. madamot
4. Mayroong paninindigan si Ginoong Lee kaya maraming galit sa
kaniya.
A. kagustuhan B. hangarin C. prinsipyo
5. Nakursunadahan ni Razel ang manika sa tindahan.
A. inayawan B. nagustuhan C. sinira

Pagpapakilala ng Aralin

May inihanda akong kuwento para sa iyo. Basahin mo ito at unawain.


Ang Aso ni Carlo

Si Bambi ang alagang aso ni Carlo. Araw-araw siyang naiiwan sa


bahay. Mahusay magbantay ng bahay si Bambi. Agad siyang lumalapit
sa pinto kapag may naririnig siyang kaluskos. Kapag hindi niya kilala ang
tao matapang niya itong tinatahulan at minsan nanghahabol pa. Dahil
dito maraming takot kay Bambi.
Mahal na mahal ni Carlo si Bambi. Hinahaplos niya ng dahan-
dahan ito bago siya pumasok sa trabaho. Tuwang-tuwa namang
iwinawagwag ni Bambi ang kaniyang buntot. Tuwing araw ng Linggo
ipinapasyal niya ito sa parke.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Anong hayop ang alaga ni Carlo?
A. pusa B. aso C. ibon
2. Bakit maraming natatakot kay Bambi?
A. nanghahabol ito B. naninipa ito C. nanunuka ito
3. Paano hinahaplos ni Carlo ang alagang aso?
A. binabatak B. dahan-dahan C. hinahablot
4. Kailan niya ito ipinapasyal?
A. araw-araw B. gabi-gabi C. tuwing araw ng Linggo
5. Saan ipinapasyal ni Carlo si Bambi?
A. sa parke B. sa mall C. sa kapitbahay
6. Halimbawa ikaw ay may alagang hayop paano mo maipakikita ang
pagmamahal sa kaniya?
A. Papakainin, papainumin, at paliliguan ko siya.
B. Hahayaan ko siyang matulog sa labas.
C. Papaluin ko siya ng tsinelas.

Basahin:
 Dahan-dahan hinaplos ni Carlo ang alagang aso na si Bambi
bago pumasok sa trabaho.
Ano ang salitang kilos sa pangungusap? Sagot: hinaplos
Paano isinagawa ang kilos? Sagot: dahan-dahan

Ang salitang dahan-dahan ay halimbawa ng Pang-abay na


Pamaraan
 Pang-abay na pamaraan- ay sumasagot sa tanong na
Paano

 Tuwing araw ng Linggo ipinapasyal ni Carlo si Bambi sa parke.


Ano ang salitang kilos sa pangungusap? Sagot: ipinasyal
Kailan isinagawa ang kilos? Sagot: tuwing araw ng Linggo

Ang salitang tuwing araw ng Linggo ay halimbawa ng Pang-abay na


Pamanahon

 Pang-abay na Pamanahon – ay sumasagot sa tanong na


Kailan

 Ipinapasyal ni Carlo si Bambi sa parke.

Ano ang salitang kilos sa pangungusap? Sagot: ipinasyal


Saan naganap ang kilos? Sagot: parke

Ang salitang parke ay halimbawa ng Pang-abay na Panlunan.

 Pang-abay na Panlunan – ay sumasagot sa tanong na


Saan.

Mga Gawain

Gawain 1.1
Tingnan ang mga larawan, saang lugar ang tinutukoy nito. Isulat sa patlang
ang letra ng tamang sagot.

1. Ang mga bata ay


naglalaro sa
_.

A. kalsada
B. palaruan
C. dalampasigan
2. Papunta ang mag-anak na Sanchez sa .
A. mall
B. palengke
C. simbahan

3. Si Aling Doray ay nagtatanim ng palay sa .


A. bakuran
B. bukid
C. hardin

4. Nagluluto si Mang Simon sa


.
A. kusina
B. kuwarto
C. sala

5. Papasok na sa _ si Ben.
A. ospital
B. opisina
C. paaralan

Gawain 1.2
Isulat kung pang abay na pamanahon, pamaraan at panlunan ang
salitang may salungguhit.

1. Pupunta kami sa Tagaytay ngayong Linggo.


2. Magaling sumayaw si Rosa.
3. Malumanay magsalita si Pedro.
4. Tuwing hapon naglalakad si Aling Mercy galing
sa trabaho.
_ 5. Pumapasok si Mang Kanor sa isang pabrika.

Napakahusay ng iyong ipinakitang interes sa ating aralin! Ngayon gusto kong


tandaan mo ang sumusunod na kaalaman na hango sa araling ating tinalakay.
Tandaan

Ang Pang-abay ay bahagi ng pananalitang naglalarawan sa kilos o


pandiwa. Ito ay mga salitang nagsasabi kung paano, saan at kailan
ginawa, ginagawa o gagawin ang isang kilos. Ito ay may tatlong
pangunahing uri:
Pang-abay na Pamamaraan - ito ay nagsasaad ng paraan ng
pagkaganap ng kilos. Sumasagot sa tanong na Paano.
Pang-abay na Pamanahon – ito ay nagsasabi kung kailan ginagawa o
gagawin ang kilos o kailan naganap, ginaganap o gaganapin ang
pangyayari. Sumasagot sa tanong na Kailan
Pang-abay na Panlunan ay tumutukoy sa pook o lugar na
pinangyarihan ng kilos o gawa. Sumasagot sa tanong na Saan.

May ilang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang magamit mo ang iyong mga
natutuhan.

Pag-alam sa mga Natutuhan

A. Isulat ang angkop na pang-abay na pamaraan, pamanahon o


panlunan para makabuo ng pangungusap,
1. _ tumakbo si Roy kaya siya ang panalo sa laro.
A. Mabilis B. Mabagal C. Katamtaman
2. _ kumakain ng hapunan ang pamilya.
A. Tuwing umaga B. Tuwing Tanghali C. Tuwing gabi
3. Dahil araw ng Sabado, mamamalengke si Aling Beth sa _.
A. palengke ng Sangandaan
B. ospital ng Caloocan
C. simbahan ng San Roque
4. akong pumapasok sa paaralan noong
walang pandemya.
A. Araw-araw B. Gabi-gabi C. Tuwing Linggo
5. na natutulog ang sanggol sa kuna.
A. Pakanta-kanta B. Mahimbing C. Pasipol-sipol
7

Pangwakas na Pagsusulit

A. Isulat sa sagutang papel ang pang-abay na makikita sa bawat


pangungusap at lagyan kung ito ay pamaraan, pamanahon o panlunan.
_ 1. Bibisita sila Mang Baste kasama ang kaniyang pamilya sa
Tagaytay.
_2. Taimtim na nanalangin si Berna upang tuluyan nang
mawala ang pandemya sa Pilipinas.
_3. Namitas ng talong si nanay sa aming gulayan.
_4. Hatinggabi na nang dumating si tatay galing sa trabaho.
_5. Nakaramdam nang paninikip ng dibdib si Aling Virgie
kaya pumunta siya sa ospital.

Pagninilay

Mayroon ka bang karanasan na hindi mo makakalimutan


nitong panahon ng pandemya? Isulat mo sa loob ng kahon ang
iyong naranasan.

Rubrik:

5 Naikukuwento nang maayos at malinaw ang karanasang hindi malilimutan


4 Hindi gaanong naipahayag nang maayos at malinaw ang karanasang hindi
malilimutan

3 Kulang ang nilalaman ng kwento tungkol sa karanasang hindi malilimutan

ralin nang maayos at mahusay. Kung mayroong bahagi sa aralin na ito na hindi mo naunawaan a mangyaring makipag
Nagagalak ako at naunawaan mo ang ating aralin nang maayos at mahusay. Kung mayroong bahagi s
aralin na ito na hindi mo naunawaan mangyaring makipag-usap ka sa iyong guro gamit ang messenger.

Modyul sa Filipino 2
Ikaapat na Markahan: Ikaapat na Linggo
8

FILIPINO 2
SAGUTANG PAPEL
Ikaapat na Markahan- Ikaapat na Linggo

Pangalan: Guro:
Baitang at Seksyon: Iskor:

Paunang Pagsubok Balik-tanaw

1 1

2 2

3 3

4 4

5 5

Pagpapakilala sa Aralin

Mga Gawain

Gawain 1.1 Gawain 1.2

1 1

2 2

3 3

4 4

5 5

Modyul sa Filipino 2
Ikaapat na Markahan: Ikaapat na Linggo
Pag-alam sa Natutuhan Pangwakas na Pagsusulit

1 1

2 2

3 3

4 4

5 5

Pagninilay

You might also like