You are on page 1of 3

Banghay Aralin

Filipino 6

I. Layunin: 1. Naibibigay ang kahulugan ang idyoma o matalinghagang salita.


2. Nakapagbibigay ng halimbawa ng matalinghagang salita.
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa edukasyon.

II. A. Paksang Aralin


Kahulugan ng matalinghagang salita

B. Sanggunian
Landas sa pagbasa 6 d. 141
Hiyas sa pagbasa 4 d. 89-90

C. Kagamitan
Metacards
Activity cards

III. Pamamaraan
1. Pagsasanay

Pagbasa ng mga pangungusap


1. Ikaw ba ay isang taong may bukas palad?
2. Aba! Mabait siya dahil may pusong mamon lalo na at nakkakita siya ng isang
kahig isang tuka.
3. Ang taong tamad ay pasan ng krus ng pamilya.
4. Ipakiusap mo sa diyos na ikaw ay magdilang anghel.

2. Balik-aral
Anu-ano ang uri ng pangungusap? Anong uri ng pangungusap ang ibinasa ninyo?
May salungguhit na salita doon. Ano ito?

3. Mga Gawain
a. Pagganyak
Buuin ninyo ang mga salita.
- Sahulun
- Bikumbabig
- Kasapmati
Ano ang napapansin niyo sa mga salita?
b. Paglalahad
Basahin ang debate at tignan natin kung may mga matalinghagang salita ditto.

c. Pagtatalakay
1. Ano ang debate?
2. Tungko saan ang debate?
3. May matalinghaga bang salita sa debate? Anu- ano ang mga ito?
4. Magbigay ng halimbawa

d. Pagpapayaman

Gawin mo
Pangkatang Gawain – pagbibigay ng activity cards sa mga bata.
a. Hanapin ang kahulugan ng mga matalinghagang salita

b. Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa metacards ang mga salitang


matalinghaga.
Gawin natin
Hanapin sa hanay B ang kahulugan ng mga matalinghagang salita na nasa
hanay A.
Hanay A Hanay B
1. Pagsusunog ng kilay a. daanin sa puwersa
2. Anak pawis b. bigyan ng pera
3. Gumamit ng dahas c. anak mahirap
4. Suhulan d. pag-aaral ng mabuti
5. Makulimlim ang mukha e. malungkot

e. Paglalahat
Ano ang matalinghagang salita?

f. Paglalapat

Pumili ng matalinghagang salita at ilagay ang kahulugan sa tabi nito.


Patabaing baboy – tamad
Pabalat bunga – hindi totoo
Magdildil ng asin – mahirap
sambakol ang mukha – nakasimangot
kinain ng apoy – nasunog
bukambibi – lagging sinasabi
suhulan – bigyan ng pera
may bukas pa – may pag-asa
patay-gutom – mahirap

IV. Pagtataya
Hanapin sa hanay B ang kahulugan ng mga matalinghagang salita na nasa hanay A.

Hanay A Hanay B
1. Malaking puso a. makinis ang balat
2. Matang ahas b. nanliligaw
3. Kisap mata c. gumagawa ng walang nag-uutos
4. Mahabang dila d. maramdamin
5. Laki sa layaw e. sunod lahat ng gusto o nais
6. Naniningalang pugad f. mapagbigay at maunawain
7. Nagmumurang kamyas g. matabil o madaldal
8. Kutis porselana h. matang mabalasik at matalas
9. Pusang palo i. sa isang iglap
10. Pusong mammon matandang nagkikilos bata

V. Takdang-aralin
Ibigay ang kahulugan ng matalinghagang salita na may salungguhit.

1. Ano kaya ang masasabing susi ng tagumpay?


2. Bukas isip na isinasapuso ang bagay na nakuha sa karunungan.
3. Ang inihahasik ng mga propesyonal ay kabutihan.

You might also like