You are on page 1of 21

KABISAAN NG KWARTER 3 SELF-LEARNING MODULES,

PARALLEL TEST, LEARNING ACTIVITY SHEET,


STRATEGIC INTERVENTION MATERIAL, SA MODULAR
DISTANCE LEARNING DELIVERY
C SA PAGKATUTO NG
MGA MAG-AARAL NG FILIPINO 8 NG RODRIGUEZ
NATIONAL HIGH SCHOOL
Samahan ng mga Interaktibong Mag-aaral sa MA-Fil
INTRODUKSYON
Balangkas IMRaD
Creating a Research Space II
PAGPAPAKILALA NG PROBLEMA
(Gladys Medina)

Creating a Research Space I


PAGPAPALITAW NG LAYUNIN NG PANANALIKSIK
(Eloisa Elizabeth Cantorne)

Creating a Research Space III


KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
(Christel Marie Abucar)
Creating a Research Space II
PAGPAPAKILALA NG PROBLEMA
Hindi maipagkakaila ang lantarang pagbabago sa Sektor ng Edukasyon—mula sa kalendaryo ng
taong-panuruan, pagsasadaloy ng dekalidad na edukasyon at pakikibagay ng mga opisyales ng
paaralan at kaguruan. Direktang
naapektuhan ng kasalukuyang
sitwasyon ang 74.6% mula sa 27.7 M mag-aaral sa pampubliko
at pampribadong paaralan (DepEd, 2020; Jorge, 2020). Sa usaping ito, ibinibigay
ng sektor ang lahat ng kapamaraanan upang matugunan ang mga problemang sumasalubong sa
pagtataguyod ng taong-panuruan nang matumbok ang eksklusibo at dekalidad na edukasyon
para sa lahat bukod-tangi sa modular distance learning (Joseph Bryan Bagood, 2020).
Creating a Research Space II
PAGPAPAKILALA NG PROBLEMA
75% ng populasyon ng
Bunsod ng malaking banta sa kalusugan dulot ng pandemya,

mga mag-aaral ang lubhang naapektuhan (UNESCO, 2020). Kung


bibilangin ay aabot ito ng halos 1,576,021,818 na mag-aaral mula sa 91.3% ng pangkalahatang enrolment
sa 188 bansa (Toquero, 2020). Sa bansang Pilipinas, kalunos-lunos ang pagbaba ng 74.6%
mula sa 27.7 milyong mag-aaral sa pampubliko at pampribadong paaralan (DepEd,
2020; Jorge, 2020).
Creating a Research Space II
PAGPAPAKILALA NG PROBLEMA
Sa pag-aaral ni Samson(2020) sa Makabagong sistema ng edukasyon
sa Pilipinas (distance learning): Pagsusuri sa sitwasyon ng mga
mag-aaral, natuklasan na ang makabagong moda ng pagtuturo ay nagdulot ng iba’t ibang epekto sa
mga mag-aaral lalung-lalo na sa usapin ng pagkatuto: una, hindi gaanong kaepektibo ang distance learning
sa pagkatuto ng mga mag-aaral dahil sarinlan ang pag-unawa sa paksa maliban na lamang kung mayroong
sapat na gabay ng guro o ng magulang o kung hindi naman ay madaling maintindihan ang materyal na pag-
aaralan; pangalawa, sa modular distance learning malaki ang hirap na kinakaharap ng mga magulang dahil
hindi lahat ng paksa ay naiintindihan at kayang ituro sa mga anak; pangatlo, mahinang koneksyon ng
internet, at; pang-apat nakararanas ang mga mag-aaral ng mental health stress dahil sa mga deadline na
ibinibigay ng guro na sa dami ng mga gawain sa sanayang-aklat ay hindi lahat kayang sagutin sa iisang
linggo lamang.
Creating a Research Space II
PAGPAPAKILALA NG PROBLEMA
Sa pagsisimula ng remote enrolment sa taong-panuruan 2020-2021, nagsimula na rin ang
sampu sa isanlibong hamon sa pagpapatuloy ng Edukasyong Normal. Ilan na riyan ay ang kalidad ng
pagtuturo, pag-uugali ng mga tagapagturo, pag-uugali ng mga mag-aaral, gayundin ng mga tagapagbantay
o ng mismong magulang ng mag-aaral. Nabibilang din sa mga nagpapahirap sa karamihang mag-aaral ay
ang usaping gadyet at internet na hindi sana ay magagamit sa pagpapalawig ng kaalaman upang matutuhan
nang mabuti ang aralin (Dough Valentin, 2020).
Creating a Research Space II
PAGPAPAKILALA NG PROBLEMA
6.9 Milyong mag-aaral sa bansa ang nakararanas
Umaabot sa

ng mabagal na koneksyon sa internet at halos 6.8 Milyon


naman ang walang gadyet na ginagamit. Naging malaking hamon para sa
kaguruan kung papaanong maituturo nang mabisa ang mga aralin nang hindi naisasakripisyo ang kalidad
nito. Ilan sa mga kinakailangang sangkap upang mapagtagumpayan ang layuning binanggit ay ang
pagiging malikhain at pagiging bukas sa maraming pagbabago Mateo, 2020).
Creating a Research Space II
PAGPAPAKILALA NG PROBLEMA
Sa pag-aaral naman nina Ysthr
Rave Pe Dangle at Johnine Danganan Sumaoang
na The Implementation of Modular Distance Learning in the Philippine
Secondary Public Schools nitong taong 2021, natuklasan na karamihan sa mga mag-aaral ay
nakararanas ng kahirapan sa pagkatuto sa bagong moda ng pagtuturo at pagkatuto. Kalahati sa populasyon
ng kanilang focus group discussion (FGD) ay walang sapat na panahon na tapusin ang kanilang mga
sanayang-aklat o modyul sa isang linggo. Mayroong hindi bababa sa walong (8) sanayang-aklat ang
ipinapamudmod ng mga guro nang lingguhan at ang bawat isa ay mayroong tatlo(3) hanggang limang (5)
mga gawain.
Creating a Research Space II
PAGPAPAKILALA NG PROBLEMA
Batay sa pag-aaral, isiniwalat ng mga guro na ang Sangay na kinabibilangan ay
sumusuporta sa produksyon ng mga sanayang-aklat. Gayunpaman, madalas ay
hindi kompleto. 95%
ng mga guro ang nagsabing
nakapansin sila ng ilang mga kamalian sa mga
sanayang-aklat kung kaya’t nirerebisa itong muli.
Creating a Research Space II
PAGPAPAKILALA NG PROBLEMA
Ipinakita sa datus na nakalap ng mga mananaliksik na maraming pagsubok ang
nararanasan ng mga guro sa Modular Distance Learning. Marami sa mga mag-
70% ang hindi
aaral ang hindi nakapag-aaral nang mag-isa.
nakasusunod sa mga panuto ng sanayang-
aklat. May mga pagkakataon na ang mga sanayang-aklat ay naipapasa nang
huli o kung hindi naman ay walang sagot mula sa mga mag-aaral. Nagkakaroon
ng problema ang mga guro sa produksyon at pagbibigay ng modyul dahil sa
mga usaping teknikal katulad ng hindi gumaganang printer.
Creating a Research Space I
PAGPAPALITAW NG LAYUNIN NG PANANALIKSIK
Inererekomenda ng isinagawang pananaliksik ni Samson
(2020) sa Makabagong
sistema ng edukasyon sa Pilipinas (distance learning): Pagsusuri
sa sitwasyon ng mga mag-aaral : una, huwag tambakan ng napakaraming gawain ang
mga mag-aaral sa distance learning dahil nakapagdudulot ito ng mental health stress; pangalawa, palakasin
ang internet connection sa bansa dahil ang kupad nito ay nakadudulot pa rin ng mental health stress gayong
balakid pa sa pagtuturo o pagdalo sa klase, at; pangatlo, kailangang ang kagawaran ng edukasyon ay
gumawa ng paraan upang mas mapaigting ang pagkatuto ng mga mag-aaral katulad ng pagbibigay ng mas
pinaikling sanayang-akalat o interbensyon sa mga mag-aaral na nahihirapan sa paksa
Creating a Research Space I
PAGPAPALITAW NG LAYUNIN NG PANANALIKSIK

Marami ng reporma sa edukasyon ang isinulong na nakaangkla sa apat (4) na haligi ng Basic
Education-
Learning Continuity Plan (BE-LCP) Sulong Edukalidad ng Kagwaran ng
Edukasyon. Ilan sa mga reporma nito ay ang pagpapaikli ng kurikulum bagamat hindi naisasakripisyo ang
pinakamahahalagang kakanyahan sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ipinapakita nito ang tatlong (3)
magkakaugnay na kapasidad panghinaharap—innovation, agility, synergy.Tumutukoy ang innovation o
pagbabago sa paghahanap ng mga repormang pang-edukasyon o solusyon sa mga balakid sa pagkatuto na
mayroong malaking mabuting impak sa lipunan o ekonomiya ng bansa. Ang agility ay tumutukoy sa bilis
ng pagbibigaysolusyon o bilis ng pagsasatupad ng mga solusyon sa mga balakid sa pagkatuto ng mga mag-
aaral. Samantala, ang synergy ay tumutukoy sa kolaborasyon at pagkakaisa ng mga stakeholders upang
masiguro ang epektibong pagbibigay-solusyon sa mga balakid sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Creating a Research Space I
PAGPAPALITAW NG LAYUNIN NG PANANALIKSIK
Inererekomenda ng pag-aaral nina Ysthr
Rave Pe Dangle at Johnine Danganan
Sumaoang na The Implementation of Modular Distance Learning in the
Philippine Secondary Public Schools ang mga sumusunod: una, iminumungkahi ng mga
paaralan at mga mag-aaral ang pagbabawas ng mga gawain sa bawat sanayang-aklat; pangalawa,
kailangang magbigay ng maraming halimbawa sa paksa upang higit na maintindihan; pangatlo,
magkaroon ng home visitation isang beses sa isang linggo; pang-apat, pagbibigay ng guro ng mas malinaw
na panuto sa kung papaano sasagutin ang sanayang-aklat; panlima, pinapayuhan ang mga guro na maging
maagap sa mga katangungan ng mga mag-aaral at mga magulang tungkol sa maraming tanong sa pagsagot
ng sanayang-aklat; pang-anim, bago ibigay ang mga sanayang-aklat, kinakailangang suriin ito ng mga guro
kung angkop ba sa lebel ng karunungan ng mga mag-aaral at matutugunan ba nito ang kasanayang dapat
matutuhan, at; pampito, pagbibigay ng guro ng mga karagdagang gawain o interbensyon na makatutulong
sa mga mag-aaral upang higit pang maintindihan ang mahihirap na paksa.
Creating a Research Space I
PAGPAPALITAW NG LAYUNIN NG PANANALIKSIK

Malinaw ring isinaad na upang higit pang mabawasan ang mga balakid sa multiple distance learning
modalities,inisa-isa ng Kagawaran ng Edukasyon ang mga hakbangin nito (DepEd POLICY
OUC-2020-307); una, ang mga paaralan ay magpapamudmod ng mga Self-Learning Modules
(SLM) o Sanayang-Aklat at Learning Activity Sheets (LAS) o Sanayang-Papel nang ang mga
mag-aaral ay lubusang matuto ng pinaka-esensyal na mga gawain habang patuloy pang natututong isagawa
ang mga dagdag-gawain; pangalawa, ang mga paaralan ay maaaring magbigay ng mga karagdagang
SanayangPapel at Strategic Intervention Material (SIM) sa mga mag-aaral na nangangailangan ng higit
pang pagpapayaman sa pagkatuto; pangatlo, ang mga gawain sa pagkatuto na nakapaloob sa mga
sanayang-aklat at sanayang-papel ay maaaring paikliin o streamlined ngunit nananatili pa rin ang esensya
ng nililinang na kakanyahan batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs).
Creating a Research Space I
PAGPAPALITAW NG LAYUNIN NG PANANALIKSIK

Ayon kay Bunagan (2012) ang Strategic Intervention Material (SIM) ay nilikha
upang muling ituro ang mga konsepto at kakanyahan na mayroong mababang mean percentage
score (MPS) o hindi natutuhan. Isa itong uri ng materyal pampagtuturo at pampagkatuto na
binubuo ng competency-based skill na mga gawain at dumaan sa content enhancement. Angkop ang SIM
ito upang malinang ang aspektong kognitibo at kakayahan ng mga mag-aaral tungo sa kanilang pag-unlad.
Sa kabilang banda ay nalilinang din nito ang kakayahan ng mga guro sa paglikha at pagbuo ng mga gawain
at pagtatayang angkop sa paksang itinuturo.
Creating a Research Space I
PAGPAPALITAW NG LAYUNIN NG PANANALIKSIK

Upang maisakatuparan ang kasalukuyang LCP ng Kagawaran, kinakailangang mabigyang-tuon at


mabigyang-tugon ng mga distant learning modalities ang karunungang bumasa at sumulat (literacy).
Maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng pag-akap sa
teknolohiya, iba pang estratehiya sa pagtuturo, pagkalap ng iba
pang sanggunian sa pagtuturo at pagkatuto, pagpili ng angkop
na materyales sa pagtataya, at capacity-building ng mga guro
(Learning Oppurtunities Shall be Available, 2020).
Creating a Research Space III
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
Mahalaga na lalong hubugin ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagdisenyo at pagbuo ng
konkretong kaalaman at karanasang nauugnay sa lipunang ginagalawan. Pinatunayan ito sa
pag-aaral ni Desjardins (2011) sa Small Stories for Learning: A
sociocultural Analysis for Children’s Participation in Informal
Science education na pumapatungkol sa kakayahan ng bata sa paggamit ng wika sa
pagbuo ng konsepto mula sa mga bagay at lugar na nakikita at nararanasan sa kapaligiran. Ang
pag-aaral ay may layuning maipakita ang pagkatuto ng mga bata sa pamamagitan ng mga
gawaing naghahantad ng bagong karanasan.
Creating a Research Space III
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
Ayon kay Bunagan (2012) ang Strategic Intervention Material (SIM)
ay nilikha upang muling ituro ang mga konsepto at kakanyahan na mayroong mababang mean percentage
score (MPS) o hindi natutuhan. Isa itong uri ng materyal pampagtuturo at pampagkatuto na binubuo ng
competency-based skill na mga gawain at dumaan sa content enhancement. Angkop ang SIM ito upang
malinang ang aspektong kognitibo at kakayahan ng mga mag-aaral tungo sa kanilang pag-unlad. Sa
kabilang banda ay nalilinang din nito ang kakayahan ng mga guro sa paglikha at pagbuo ng mga gawain at
pagtatayang angkop sa paksang itinuturo.
Creating a Research Space III
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
Lafuente (2017) sa Strategic Intervention
Natuklasan ni

Materials (SIM) for Grade VI Mathematics na mahalaga ang mga


interbenyson na makatutulong sa mga mag-aaral na higit na nangangailangan ng pansin. Kabilang na ang
mga Strategic Intervention Materials (SIM). Isinasaad na ang SIM ay maaaring gamitin upang mapahusay
ang least learned skills ng bawat markahan. Iminumungkahi na ang nabuong materyal ay gamitin ng mga
tagapagturo para malaman ang kabisaan at kahusayan nito sa mga mag-aaral. Inirekomenda sa ibang
asignatura na bumuo ng mga gawaing panturo upang mapaunlad ang mga paksang hindi masyadong
nalinang.
Creating a Research Space III
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
Bahagi ng pagbabago ang inobasyon ng mga kagamitang pampagtuturo upang makaangkop sa
pangangailangan ng mga guro at mag-aaral. Isa sa mga inobasyong ito ay ang pagsulpot ng SIM na mas
makabago kaysa sa modyul. Ang SIM ay kagamitang pampagtuturo na nagtataglay ng iba’t ibang bahagi
upang maisakatuparan ang mga tiyak na layunin ng paksang-aralin. Hindi lamang ito nakapagpapadali sa
pagtuturo ng guro kundi nakapagpapaunlad pa rin ng kaniyang kakayahan sa pamamagitan ng pagbuo ng
kagamitang pampagtuturong ito. Sa kabilang banda, mas napagagaan ng SIM ang proseso ng pagkatuto ng
mga mag-aaral sapagkat kumpleto ito ng sangkap na lumilinang sa iba-ibang uri ng talino at kakayahan ng
mag-aaral. Binibigyan din nito ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mahina sa klase sapagkat maaari
niyang mabalikan ang mga nakalipas na aralin samantalang ang mga mag-aaral na mahuhusay at
matatalino ay nagkakaroon ng pagkakataon upang mapag-aralan na ang mga susunod na aralin.
Creating a Research Space III
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
Ang pagtuong-pansin sa mga mag-aaral na nangangailangan ng direktang atensyon bunsod ng mababang
mean percentage score (MPS) sa mga ibinigay na parallel tests ay magdudulot ng epektibo at mabisang
pagkatuto kung ang guro mismo ang tutukoy sa mga kasanayang may mababang MPS at siyang
magbibigay o gagawa ng kaukulan at angkop na tulong pampagkatutuo para sa mga mag-aaral.

You might also like