You are on page 1of 18

Kabisaan ng Kwarter 3 Sanayang-aklat, Learning Activity Sheet (LAS), Parallel

Test at Strategic Intervention Material (SIM) ng Modular Distance Learning sa


Pagkatuto ng Mag-aaral ng Filipino 8 ng Rodriguez National High School

Isang proyektong Probe na iniharap sa Kaguruan ng Paaralang Graduwado


Pamantasan ng Nueva Caceres
Siyudad ng Naga

Bahagi ng mga Pangangailangan sa Degree na


Master of Arts in Filipino
Major in Language and Literature

Ayala, Glenda
Abucar, Christel Marie
Bongon, Ma. Krystel Joy
Cantorne, Eloisa Elizabeth
Delos Martirez, Arlene
Medina, Gladys
Natabio, Jerald
San Agustin, Leandro
Tumbado, Noriel

Hunyo 2021
Kabisaan ng Kwarter 3 Sanayang-aklat, Learning Activity Sheet, Parallel Test
at Strategic Intervention Material ng Modular Distance Learning sa Pagkatuto
ng Mag-aaral ng Filipino 8 ng Rodriguez National High School

Hindi maipagkakaila ang lantarang pagbabago sa Sektor ng Edukasyon—mula


sa kalendaryo ng taong-panuruan, pagsasadaloy ng dekalidad na edukasyon at
pakikibagay ng mga opisyales ng paaralan at kaguruan. Direktang naapektuhan ng
kasalukuyang sitwasyon ang 74.6% mula sa 27.7 milyong mag-aaral sa pampubliko
at pampribadong paaralan (DepEd, 2020; Jorge, 2020).
Ibinibigay ng sektor ang lahat ng kapamaraanan upang matugunan ang mga
problemang sumasalubong sa pagtataguyod ng taong-panuruan nang matumbok ang
eksklusibo at dekalidad na edukasyon para sa lahat bukod-tangi sa modular distance
learning.
Ayon sa panayam sa Teleradyo, ipinaliwanag ni Education Undersecretary
Diosdado San Antonio na magpapatupad ang kagawaran ng paraan para maihatid
ang mga aralin. Nakadepende sa kasalukuyang sitwasyon ng lugar kung aling learning
delivery modality ang ipatutupad ng mga paaralan (ABS-CBN NEWS, 2020).
Sa pagsisimula ng remote enrolment sa taong-panuruan 2020-2021, nagsimula
rin ang sampu sa isanlibong hamon sa pagpapatuloy ng Edukasyong Normal katulad
ng kalidad ng pagtuturo, pag-uugali ng mga tagapagturo, pag-uugali ng mga mag-
aaral, gayundin ng mga tagapagbantay o ng mismong magulang ng mag-aaral.
Nabibilang sa mga nagpapahirap sa karamihang mag-aaral ay usaping gadyet
at internet na hindi sana ay magagamit sa pagpapalawig ng kaalaman upang
matutuhan nang mabuti ang aralin.
Umaabot sa 6.9 Milyong mag-aaral sa bansa ang nakararanas ng mabagal na
koneksyon sa internet at halos 6.8 milyon ang walang gadyet na ginagamit (Mateo,
2020).
Malaking hamon sa kaguruan kung papaanong maituturo nang mabisa ang
mga aralin nang hindi naisasakripisyo ang kalidad nito. Ilan sa mga kinakailangang
sangkap upang mapagtagumpayan ang layuning binanggit ay ang pagiging malikhain
at pagiging bukas sa maraming pagbabago.
Bago pa man nagsimula ang taong-panuruan, inihanda ng mga manunulat ng
bawat dibisyon sa Sektor ng Edukasyon ang mga kakailanganing sanayang-aklat sa
asignaturang Filipino 8 salalayan ang MELC. Kailangang makita o masalamin sa
kagamitang pampagtuturo ang mahusay na kurikulum. Sa kasalukuyan, kailangang
ang mga mag-aaral sa Edukasyong Normal ay nagtataglay ng mga kakanyahan sa
balangkas ng ika-21 siglong kasanayan.
Edukasyon ang tanging hiyas na yaman na maipagmamalaki sa sangkatauhan
at hinid mananakaw ninuman. Mahalagang-bigyan ng malaking pansin ang mga
bagay na tiyak ang malaking maiaambag sa pagpapaunlad ng edukasyon lalo na ang
pagahahtid ng tunay at awtentikong pagkatuto mag-aaral. Isa sa mga susi ng
pagtagutyod ng edukasyon ay ang paglalapat ng mga angkop at mabisang
kagamitang pampagtuturo.
Ang pagtukoy sa kabisaan ng kagamitang panturo ng MDL sa ikatlong kuwarter
ng taong-panuruan 2020-2021 ang pangunahing layunin ng isinasagawang
pananaliksik. Pokus ang sanayang-aklat ng sangay at nilikhang interbensyong
materyal na LAS, parallel test at SIM.
Tutukuyin ang kasalukuyang propayl ng mag-aaral sa ikawalong baitang ng
Mataas na Paaralang Pambansa ng Rodriguez sa larangan ng key reference indicator,
qualities for the voice of costumer, balangkas ng pagkakaugnay at priority
improvement area na epektibong salalayan sa pagtuklas ng panloob at panlabas na
baryabol sa pagkatutuo.
Tutukuyin ang sanayang-aklat at MELCs sa Filipino 8, ikatlong kuwarter na may
mababang mean percentage score (MPS) gamit ang test item analysis.
Magsusulat ang mga mananaliksik ng interbensyong materyal na LAS, parallel test at
SIM batay sa natuklasang pangangailangan ng focus group sa isasagawang focus
group discussion.
Layuning mapataas ang MPS at profeciency level (PL) ng mag-aaral sa
ikawalong baitang ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Rodriguez. Ang pagtaas ng
MPS at PL ay indikasyon na mabisa ang kagamitang panturo at nilikhang
interbensyong materyal na LAS, parallel test at SIM.

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral


Ang Kagawaran ng Edukasyon ay nasa daan ng pagpapaunlad sa kalidad ng
sistema ng edukasyon ng bansa. Binuksan ng COVID19 ang samu’t saring balakid sa
edukasyon katulad ng konektibidad, presyo sa paggamit ng mobile gadgets, bandwith,
kapasidad ng stakeholders sa pagsuporta sa mag-aaral at kakayahan ng
tagapagdaloy ng pagkatuto sa loob ng tahanan (Learning Oppurtunities Shall be
Available, 2020).
Ilan sa mga reporma ng Basic Education- Learning Continuity Plan (BE-LCP)
Sulong Edukalidad ng Kagwaran ng Edukasyon ay pagpapaikli ng kurikulum na hindi
nasasakripisyo ang pinakamahahalagang kakanyahan sa pagkatuto ng mga mag-
aaral.
Sa Teleradyo, ipinaliwanag ni Education Undersecretary Diosdado San Antonio
na magpapatupad ang kagawaran ng paraan upang maihatid sa mag-aaral ang aralin
sa taong-panuruan. Nakadepende sa kasalukuyang sitwasyon ng lugar kung aling
learning delivery modality ang ipatutupad ng mga paaralan (ABS-CBN NEWS, 2020).
Ang distance learning ay paraan ng pag-aaral na bino-broadcast ang aralin.
Ang klase ay isinasagawa nang pasulat o elektroniko. Sa ganitong paraan, hindi na
kinakailangang pumunta ng mag-aaral sa paaralan (Stafford Global, Org. 2020).
Sa kasalukuyan, ang modular distance learning (MDL) ang pinakagamiting
distance learning sa maraming pampublikong paaralan sa bansa. Ang MDL ay
ginagamitan ng sanayang-aklat na nailimbag at nasa digital format katulad ng CD,
DVD, laptop, computer, tablet at smartphone. Itinuturing na pangunahing kagamitang
pampagtuturo ang sanayang-aklat. Ang kagamitang pampagtuturo ay karanasan o
bagay na ginagamit ng guro bilang pantulong sa paghahatid ng kongkretong
kaalaman. Itinuturing ding isa sa primaryang kagamitan sa paglinang at paghubog ng
kakanyahan ng bawat mag-aaral (DepEd Philippines, 2020).
Ang MDL ayon kay Manlangit et.al (2020) ay gumagamit ng mga self-learning
modules (SLM) o sanayang-aklat na nakabatay sa most essential learning
competencies (MELCs) na inilatag ng Kagawaran ng Edukasyon.
Kadalasan, ang sanayang-aklat ay lingguhan na maaaring maikli o mahaba
depende sa nilalaman at mga nakapaloob na gawaing pampagkatuto (Dalanon,
2020).
Ang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon ay nakatutok sa paghahatid ng basic
education services sa lahat ng pampribado at pampublikong paaralan. Malinaw na
nakasaad sa DepEd POLICY OUC-2020-307 o Suggested Measures to Foster
“Academic Ease” During the COVID-19 Pandemic ang fleksibilidad ng pagtuturo at
pagbabawas ng mga balakid sa pagpapatupad ng multiple distance learning
modalities.
Ang mga paaralan ay mamimigay ng sanayang-aklat at learning activity sheets
(LAS) o sanayang-papel nang ang mag-aaral ay matuto ng pinaka-esensyal na mga
gawain habang patuloy pang natututong isagawa ang mga dagdag-gawain. Ang mga
paaralan ay magbibigay ng karagdagang strategic intervention material (SIM) sa mga
nangangailangan ng higit pang pagpapayaman sa pagkatuto. Ang mga gawain sa
pagkatuto na nakapaloob sa mga sanayang-aklat at sanayang-papel ay maaaring
paikliin (streamlined) na nananatili ang nililinang na kakanyahan batay sa MELCs.
Ayon kay Bunagan (2012) ang SIM ay uri ng materyal pampagtuturo at
pampagkatuto na binubuo ng gawaing competency-based skill at dumaan sa content
enhancement na nilikha upang muling ituro ang konseptong may mababang mean
percentage score (MPS).
Pinadaling makabagong modyul ang SIM na mayroong gawaing payak, kaakit-
akit, at may nakalaang espasyo para sa kasagutan, nakaaakit na disenyo at
nagtataglay ng bagong estratehiya na naglalayong mapukaw ang atensyon ng mag-
aaral. Ito ay linanging kit na naglalaan ng nakahandang impormasyon, panuto at
gawain tungo sa pagkatuto (Basa, 2018).
Isinaad sa Guidelines on the Evaluation of Self-Learning Modules for quarters
3 and 4 for SY 2020-2021 o DepEd Order No. 001 s. 2021 na ang kurikulum sa bagong
karaniwan ay nakaangkla sa MELCs ng Taong-Panuruan 2020-2021 at masasalamin
sa sanayang-aklat ang mga kalidad na inilatag.
Unang bahagi ay overview na naglalaman ng paksa at layunin sa pagkatuto;
pangalawa ay presentation na naglalaman ng concept development, activities at
assessment; pangatlo ay application na naglalaman ng performance task na
nakabatay sa multiple inteligences ; pang-apat ay synthesis na naglalaman ng
pagproseso sa natutuhan, at; panlima ay post-assessment na naglalaman ng
pagtataya sa antas ng pagkatuto.
Sa pag-aaral ni Samson (2020) sa Makabagong sistema ng edukasyon sa
Pilipinas (distance learning): Pagsusuri sa sitwasyon ng mga mag-aaral, natuklasan
na ang DL ay nagdulot ng epekto sa pagkatuto ng mag-aaral. Hindi gaanong epektibo
ang DL dahil sarinlan ang pag-unawa sa paksa maliban kung mayroong sapat na
gabay ng guro o ng magulang. Malaki ang hirap na kinakaharap ng magulang dahil
hindi lahat ng paksa ay naiintindihan at kayang ituro sa anak. Mahina ang koneksyon
ng internet sa bansa. Nakararanas ang mag-aaral ng mental health stress dahil sa
mga deadline na sa dami ng mga gawain sa sanayang-aklat ay hindi lahat kayang
sagutin sa iisang linggo.
Inererekomenda ng isinagawang pananaliksik na huwag tambakan ng gawain
ang mag-aaral dahil nakapagdudulot ng mental health stress. Palakasin ang
koneksyon ng internet sa bansa dahil ang kupad nito ay balakid sa pagtuturo o
pagdalo sa klase. Kailangang ang kagawaran ng edukasyon ay gumawa ng paraan
upang mapaigting ang pagkatuto ng mag-aaral katulad ng pinaikling sanayang-akalat
at interbensyon sa mag-aaral na nahihirapan sa paksa.
Binanggit ni Education Undersecretary Nepumuceno Malaluan sa isinagawang
sarbey sa Karanasan sa Distance Learning nitong 5 Enero 2021 ang ilang mga
natuklasan. Ang pagsubok at tulong na kailangan ng stakeholders kaugnay sa bagong
porma ng pagtuturo at pag-aaral ay kailangang matugunan. Balakid ang kawalan ng
kagamitan, mobile load, mobile data at espasyo ng pag-aaral sa tahanan. Dagdag na
problema ang pagkakaroon ng isyung pangkalusugan ng mag-aaral at pagkakasabay-
sabay ng mga gawaing-bahay at pampaaralan.
Sa pag-aaral nina Ysthr Rave Pe Dangle at Johnine Danganan Sumaoang na
The Implementation of Modular Distance Learning in the Philippine Secondary Public
Schools nitong taong 2021, natuklasan na karamihan sa mag-aaral ay nakararanas
ng kahirapan sa pagkatuto sa bagong moda ng pagtuturo. Kalahati sa populasyon ng
focus group discussion (FGD) ay walang sapat na panahon na tapusin ang sanayang-
aklat sa isang linggo. Mayroong hindi bababa sa walong (8) sanayang-aklat ang
lingguhang ipinamimigay ng guro at ang bawat isa ay mayroong tatlo(3) hanggang
limang (5) gawain.
Ipinakita sa datus na nakalap na maraming pagsubok ang nararanasan ng guro
sa MDL. Marami sa mag-aaral ang hindi nakapag-aaral nang mag-isa gayong 70%
ang hindi nakasusunod sa panuto ng sanayang-aklat. May pagkakataon na ang
sanayang-aklat ay naipapasa nang huli o kung hindi naman ay walang sagot.
Inererekomenda ng pag-aaral ang pagbabawas ng gawain sa bawat sanayang-aklat.
Magbigay ng maraming halimbawa upang higit na maintindihan ang paksa.
Magkaroon ng home visitation isang beses sa isang linggo. Ang guro ay magbigay ng
malinaw na panuto sa kung papaano sasagutin ang sanayang-aklat. Gayong maging
maagap sa katangungan ng mag-aaral at magulang tungkol sa pagsagot. Bago
ipamigay ang kagamitang panturo, suriin ng guro kung angkop sa lebel ng karunungan
ng mag-aaral. Maaaring magbigay ang guro ng interbensyon na makatutulong upang
higit pang maintindihan ang mahihirap na paksa.
Sinang-ayunan ng naunang pananaliksik ang mga natuklasan ni Lafuente
(2017) sa pag-aaral na Strategic Intervention Materials (SIM) for Grade VI
Mathematics. Isinaad ang kahalagahan ng interbenysong SIM sa mag-aaral na higit
na nangangailangan ng pansin. Ang SIM ay maaaring gamitin upang mapahusay ang
least learned skills ng bawat markahan. Iminumungkahi na ang nabuong materyal ay
gamitin ng guro upang malaman ang kabisaan. Inirekomenda sa ibang asignatura na
bumuo ng interbensyong materyal upang mapaunlad ang mga paksang hindi
masyadong nalinang.
Mahalaga na lalong hubugin ang mag-aaral sa pamamagitan ng pagbuo ng
konkretong kaalaman at karanasang nauugnay sa lipunang ginagalawan.
Pinatunayan ito sa pag-aaral ni Desjardins (2011) sa Small Stories for Learning: A
sociocultural Analysis for Children’s Participation in Informal Science Education na
tumalakay sa gamit ng wika sa pagbuo ng konsepto mula sa mga nakikita at
nararanasan sa kapaligiran. Layunin ng pag-aaral ang maipakita ang pagkatuto sa
pamamagitan ng gawaing naghahantad ng bagong karanasan.

Metodolohiya
Iisa-isahin ang lugar ng pananaliksik, disenyo ng pananaliksik, respondente at
pamamaraan ng pagkalap ng datos.
Lugar ng Pananaliksik. Nakatuon ang pananaliksik sa Mataas na Paaralang
Pambansa ng Rodriguez, Cadlan, Pili, Camarines Sur, Purok ng Kanlurang Pili.
Kabilang sa mga katuwang na organisasyon sa pananaliksik ay ang Kagawaran ng
Edukasyon, Sangay ng Camarines Sur.
Disenyong Pampananaliksik. Gumamit ang mananaliksik ng Metodong
Diskriptiv-Eksperimental. Isang disenyo na tumutulong magbigay kasagutan sa kung
sino, ano, kailan, saan at paano nauugnay ang mga partikular na problema.

Ginagamit ang disenyong pampananaliksik upang kumuha ng impormasyon


tungkol sa kasalukuyang problema at mailarawan kung ano ang umiiral na may
kinalaman sa mga baryabol at kundisyon sa isang sitwasyon (Anastas, 2008). Ang
deskriptibong bahagi ng pananaliksik ay pagtutukoy sa kasalukuyang propayl ng mga
mag-aaral sa larangan ng key reference indicator, qualities of the voice of customer,
balangkas ng pagkakaugnay at priority improvement area. Ang eksperimental na
bahagi ay pagtukoy sa performans level ng mga mag-aaral sa Filipino 8, ikatlong
markahan. Kwalitatibong pag-aanalisa ang ginamit sa pagkuha ng kasalukuyang
propayl ng mga mag-aaral. Ginamit ang Kwantitatibong Pag-aanalisa sa anyo ng Test
Item Analysis (DepEd Order 31, s. 2020 o Interim Guidelines for Assessment and
Grading in Light of the Basic Education Learning Continuity Plan) upang matukoy ang
MPS at PL ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa Filipino 8, ikatlong kuwarter sanayang-
aklat, LAS, parallel test at SIM.

Ginamit ang mga sumusunod na pormula ng Item Analysis sa pagkuha ng MPS


batay sa DepEd Order 31, s. 2020.
Mean (x)=Total Score of Learners
Total Number of Takers
MPS = Computed Mean (x) x 100
Total Number of Test Items

Talahanayan 1. Profeciency Level salalayan ang Mean Percentage Score


Profeciency Level salalayan ang Mean Percentage Remarks
Score
75%-100% Mastered
50%-74% Nearing to Mastery
0%-49% Unmastered
Nagsasaad ang unang talahanayan ng basehan sa pagtukoy ng lebel ng pagkatuto
ng mga mag-aaral salalayan ang nakuhang MPS.
Tagatugon ng Pananaliksik. Mahihinuha mula sa Talahanayan 2 ang ginamit
na Focus Group (FG) sa pananaliksik. Hinati sa pitong (7) FG na mayroong apat (4)
na miyembro ang klase ng 8-Narra mula sa Mataas na Paaralang Pambansa ng
Rodriguez na kumukuha ng asignaturang Filipino 8— ikatlong kuwarter na mayroong
kabuuang 28 respondente: FG-A; FG-B; FG-C; FG-D, FG-E, FG-F, at; FG-G. Iniatas
sa bawat FG ang bilang ng Sanayang-aklat, LAS, Parallel Test at SIM na pinasagutan:
FG-A (Blg.1); FG-B (Blg. 3); FG-C (Blg. 5); FG-D (Blg. 6); FG-E (Blg. 7); FG-F(Blg. 8),
at; FG-G (Blg.9). Ang FG-F at FG-G ay binigyan ng SIM bunsod ng mababang
nakuhang MPS batay sa isinagawang Item Analysis.
Talahanayan 2. RNHS, 8-Narra Focus Group
Focus Group Bilang ng Sanayang- Sanayang- Parallel Strategic
Mag-aaral Aklat Bilang Papel Test Bilang Intervention Material
Bilang Bilang
A 4 Q3-M1 LAS 3.1 PT 3.1 -
B 4 Q3-M3 LAS 3.3 PT 3.3 -
C 4 Q3-M5 LAS 3.5 PT 3.5 -
D 4 Q3-M6 LAS 3.6 PT 3.6 -
E 4 Q3-M7 LAS 3.7 PT 3.7 -
F 4 Q3-M8 LAS 3.8 PT 3.8 SIM 3.8
G 4 Q3-M9 LAS 3.9 PT 3.9 SIM 3.9
Kabuuan 28

Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng


talatanungan upang matukoy ang kasalukuyang propayl ng pitong (7) FG sa larangan
ng key reference indicator, qualities of the voice of customer, balangkas ng
pagkakaugnay at priority improvement area. Gumamit ng diskriptibong
pagpapaliwanag sa kaugnayan ng mga larangan sa pagtaas at pagbaba ng MPS sa
Filipino 8, ikatlong kuwarter sanayang-aklat, LAS, parallel test at SIM.

Pinasagutan sa pitong (7) FG ang Sanayang-Aklat sa Filipino 8 ikatlong kwarter


hango sa educational learning portal ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng
Camarines Sur: FG-A (Modyul 3.1); FG-B (Modyul 3. 3); FG-C (Modyul 3.5); FG-D
(Modyul 3.6); FG-E (Modyul 3.7); FG-F (Modyul 3.8), at; FG-G (Modyul 3.9). Gumamit
Test Item Analysis (Test Item Analysis Calculator version 2019) sa pagkuha ng MPS.
Masusukat ang kabisaan ng sanayang aklat at ng pagkatutuo sa mga kasanayan sa
MELCs batay sa PL.
Pinasagutan sa pitong (7) FG ang sanayang-papel o LAS sa Filipino 8 ikatlong
kwarter hango sa educational learning portal ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay
ng Camarines Sur: FG-A (LAS 3.1); FG-B (LAS 3.3); FG-C (LAS 3.5); FG-D (LAS 3.6);
FG-E (LAS 3.7); FG-F (LAS 3.8), at; FG-G (LAS 3.9). Gumamit ng Test Item Analysis
(Test Item Analysis Calculator version 2019) sa pagkuha ng MPS.. Masusukat ang
kabisaan ng LAS at ng pagkatutuo sa kasanayan sa MELCs batay sa PL.
Pinasagutan sa pitong (7) FG ang parallel test sa Filipino 8 ikatlong kwarter na
orihinal na isinulat ng mga mananaliksik: FG-A (PT 3.1); FG-B (PT 3.3); FG-C (PT
3.5); FG-D (PT 3.6); FG-E (PT 3.7); FG-F (PT 3.8), at; FG-G (PT 3.9). Gumamit ng
Test Item Analysis (Test Item Analysis Calculator version 2019) upang makuha ang
MPS. Masusukat ang kabisaan ng parallel test at ng pagkatutuo sa mga kasanayan
sa MELCs batay sa PL.
Ang FG-F at FG-G na nakakuha ng mababang MPS sa parallel test ay ginawan
ng SIM bilang interbensyon pampagtuturo. Pinasagutan sa dalawang (2) FG ang SIM
sa Filipino 8 ikatlong kwarter na orihinal na isinulat ng mga mananaliksik: FG-F (SIM
3.8), at; FG-G (SIM 3.9). Gumamit ng Test Item Analysis (Test Item Analysis
Calculator version 2019) upang makuha ang MPS. Masusukat ang kabisaan ng SIM
at ng pagkatutuo sa mga kasanayan sa MELCs batay sa PL.

Resulta at Pagtalakay
Ang bahaging ito ng pananaliksik ay maglalahad ng mga resulta at mga
pagtalakay. Ihahambing ng mga mananaliksik ang nakuhang resulta sa mga naunang
pananaliksik. Ang kasalukuyang resulta ay maaaring magpatotoo o tumaliwas sa
resulta ng mga naunang pag-aaral.
Tanong Blg. 1. Maliban sa pag-aaral gamit ang modyul, ano ang gusto mong ginagamit ng
guro sa pagtuturo ng Filipino?
Pigura 1. Kagamitan ng Guro sa Pagtuturo ng Filipino 8

Harap-
Harapang Aklat
Pagtuturo Aklat
Video Lesson
32% 43%
Online Class
Online Class Harap-Harapang Pagtuturo
11%

Video Lesson
14%

Makikita sa resulta na maliban sa sanayang-aklat sa Filipino 8, ikatlong


kuwarter, nais ng mga respondente na ang guro ng asignatura ay gumamit ng iba
pang kagamitan sa pagtuturo: 43% ay sumagot ng batayang aklat; 32% ang sumagot
ng harap-harapang pagtuturo; 14% ang sumagot ng paggamit ng video-audio lesson,
at; 11% ang sumagot ng online class.

Tanong Blg. 2. Ano-anong sanggunian ng pagkatuto ang mayroon sa inyong bahay?


Pigura 2. Sanggunian sa Tahanan

Gadyet
14% Aklat
Diksyunaryo
Internet
21% Aklat
54% Diksyunaryo
Gadyet
Internet
11%

Makikita sa resulta na ang mga sanggunian sa pagkatuto na mayroon ang mga


respondente sa tahanan. Lumalabas na 54% ay mayroong batayang aklat na ibinigay
ng guro; 21% ang mayroong diksyunaryong Filipino; 14% ang mayroong gadyet, at;
11% mayroong mobile data at internet.
Tanong Blg. 3. Saan mo gustong umupo o pumwesto sa pagsagot ng modyul?
Pigura 3. Lugar sa pagsagot ng sanayang-aklat

Likod-bahay
11% Kuwarto

Sala Sala
22% Kuwarto Likod-bahay
67%

Makikita sa resulta ang mga puwesto o lugar na komportable ang mga


respondente sa pagsagot ng sanayang-aklat patunay na lubos na nakaaapekto ang
kapaligiran ng mag-aaral sa pagsagot. Lumalabas na 67% sa silid-tulugan dahil
tahimik, makakapag-isip at makasasagot nang maayos; 22% sa sala dahil madaling
makakapagtanong at maigigiya ng mga kasamahan sa bahay kapag nahirapan sa
pagsagot, at; 11% sa likod-bahay dahil walang maaaring dumistorbo.
Tanong Blg. 4. Mayroon ka bang kasamahan sa tahanan na makatutulong sa pagsagot ng modyul?
Pigura 4. Aveylabiliti ng mga Kasamahan sa bahay na makatutulong sa pag-unawa ng sanayang-aklat

Wala
29% Mayroon
Wala

Mayroon
71%

Makikita sa resulta ang aveylabiliti ng kasamahan sa bahay ng mga


respondente na makatutulong sa pagsagot ng sanayang-aklat. Lumalabas na 71% ay
mayroong tatay, nanay, nakatatandang kapatid, pinsan, tiyahin at tiyuhing tumutulong
sa pag-unawa ng sanayang-aklat, at; 29% ay wala dahil nagtatrabaho ang mga
magulang at walang iba pang kasamahan sa bahay.
Tanong Blg. 5. Sa papaanong paraan ka higit na natututo sa modyul?
Pigura 5. Paraan ng pagkatutuo sa pagsagot ng sanayang-aklat

Sariling-aral
Peer- Sariling-aral
Peer-teaching
teaching 46%
54%

Makikita sa resulta ang paraan ng pagkatuto ng mga respondente sa pagsagot


ng sanayang-aklat sa Filipino 8, ikatlong kuwarter: 54% ay sa pamamagitan ng peer-
teaching kung saan mayroong nagtuturo, gumagabay, napagtatanungan na
kasamahan sa bahay, at; 46% ay sa pamamagitan ng sarinlang-aral kung saan
mismong mag-aaral ang umuunawa ng sanayang-aklat salalayan ang mga
sangguiang mayroon sa tahanan.
Tanong Blg. 6. Anong partikular na suliranin ang naranasan kaakibat ng modular learning?
Pigura 6. Suliraning naranasan sa pagkatutong modyular

Limitadong Kawalan ng Magtuturo


Kawalan ng
Panahon ng
Magtuturo
Pagsagot
32% Kawalan ng Study Area
21%

Limitadong Kagamitan sa
Limitadong Pag-aaral
Kagamitan sa Kawalan ng
Limitadong Panahon ng
Pag-aaral Study Area
Pagsagot
18% 29%

Makikita sa resulta ang mga suliraning naranasan ng mga respondente sa


pagkatutuong modyular. Lumalabas na 32% ang sumagot ng kawalan ng
mapananaligang magtuturo dahil limitado ang kaalaman ng mga kasamahan sa
tahanan; 29% ang sumagot ng kawalan ng lugar ng pag-aaral o study area kung kaya’t
walang pokus; 21% ang sumagot ng limitadong panahon dahil pitong (7) sanayang-
aklat pa ang sasagutin maliban sa asignaturang Filipino 8, at; 18% ang sumagot ng
limitadong kagamitan sa pag-aaral na mayroon sa tahanan.
Tanong Blg. 7. Ano ang madalas mong ginagawa upang maiwasan ang suliraning
naranasan kaakibat ng modular learning?
Pigura 7. Solusyon sa nararanasang suliranin sa pagkatutong modyular

Pagbibigay
pokus
10%

Pagpapaturo

Pag-unawa Paglilibang
Pagpapaturo
17% 40% Pag-unawa
Pagbibigay pokus
Paglilibang
33%

Makikita sa resulta ang solusyon ng mga respondente sa mga nararanasang


suliranin sa pagkatutong modyular. Lumalabas na 40% ay nagpapaturo sa
kasamahan sa bahay, kamag-aral at guro sa paraang group chat, text messaging at
voice call; 33% ay naglilibang katulad ng paglalaro ng online games, pakikinig sa
musika, paglilinis ng bahay at pagpapahinga na makatutulong maibsan ang mental
health stress; 17% ang umuunawa sa mga aralin, at; 10% ang nagbibigay-pokus at
sapat na panahon sa pagsagot ng sanayang-aklat.
Tanong Blg. 8. Anong kalidad ng gawain sa modyul ang nais mong ipinagagawa ng guro sa iyo?
Pigura 8. Kalidad ng gawain sa sanayang-aklat

Malinaw
Hindi mahirap Nakalilibang
sagutin
36% Malinaw Hindi mahirap sagutin
53%

Nakalilibang
11%

Makikita sa resulta ang nais ng mga respondente na kalidad ng mga gawain sa


sanayang-aklat. Lumalabas na 53% ay sumagot ng malinaw ang panuto; 36% ay
sumagot ng mga gawaing hindi mahirap sagutin dahil angkop sa lebel ng pag-unawa,
at; 11% ay sumagot ng nakalilibang.
Tanong Blg. 9. Anong suporta ang nais mong sabihin sa guro, magulang at kamag-aral
upang makatulong na matuto?
Pigura 9. Ninanais na suporta sa pagkatuto

Pagtutulungan
Pagpapaliwanag Pagpapaliwanag
21%
25% Gabay
Pagtutulungan

Gabay
54%

Makikita sa resulta ang nais na suporta ng mga respondente mula sa mga


guro, magulang at kamag-aral upang lubusang matuto sa MDL. Lumalabas na 54%
ay nais ng gabay; 21% ay nais ng pagpapaliwanag sa kalituhang nararanasan, at;
21% ay nais ng pagtutulungan ng magkakamag-aral.
Talahanayan 3. Focus Group A, Mean Percentage Score
Kasanayang Pampagkatuto: Nabibigyang-kahulugan ang mga lingo/termino na
ginamit sa mundo ng multimedia. (F8PT-llla-c-29)
Kagamitang Pampagtuturo- Profeciency Level Remarks
Pampagkatuto
Sanayang-Aklat 76% Mastered
Sanayang-Papel 83% Mastered
Parallel Test 93% Mastered

Lumalabas sa resulta ng ginawang Item Analysis na ang nakuhang Mean


Percentage Score (MPS) ng FG-A sa sanayang-aklat ay may profeciency level (PL)
na 76% at talang mastered. Batay sa ginanap na focus group discussion (FGD),
apektado ng kakulangan sa karagdagang kagamitan sa pag-aaral ang pagkatuto ng
FG-A. Sa sarbey ng pananaliksik, 54% ng respondente ay mayroong aklat at 21% ay
mayroong diksyunaryo bagaman limitado ang nilalaman, 14% ay mayroong gadyet
ngunit 11% lamang ang mayroong mobile data at internet. Sa pag-aaral ni Samson
(2020) sa Makabagong sistema ng edukasyon sa Pilipinas: Pagsusuri sa sitwasyon
ng mga mag-aaral, natuklasang mahina ang koneksyon ng internet sa bansang
Filipinas kaya hindi nakatutulong sa pag-aaral at nakapagdudulot ng mental health
stress. Mahalagang lumikha ng interbensyon sa pagkatuto katulad ng sanayang-papel
o learning activity sheet (LAS) at parallel test na mayroong kompleto, malinaw at ligtas
na nilalaman upang hindi makapagdulot ng mental health stress alinsunod sa DepEd
Policy OUC-2020-307 o suggested measures to foster academic ease during the
COVID-19 pandemic. Sa resulta ng pananaliksik, tumaas ang PL ng FG-A sa
sanayang-papel ng 83%. Lalong tumaas ang PL ng FG-A ng 93% sa parallel test. Ang
pagtaas ng PL ay nagpapatunay na mabisa ang ikatlong kuwarter sanayang-aklat Q3-
M1 “Mga Termino sa Mundo ng Multimedia” at nilikhang LAS 3.1 , parallel test 3.1
sa pagkatuto ng mga mag-aaral ng Filipino 8 ng Mataas na Paaralang Pambansa ng
Rodriguez sa Modular Distance Learning (MDL).

Talahanayan 4. Focus Group B, Mean Percentage Score


Kasanayang Pampagkatuto: Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha
(inferences), opinyon at personal na interpretasyon ng
kausap. (F8PN-llld-e-29)
Kagamitang Pampagtuturo- Profeciency Level Remarks
Pampagkatuto
Sanayang-Aklat 78% Mastered
Sanayang-Papel 88% Mastered
Parallel Test 94% Mastered

Lumalabas sa resulta ng ginawang Item Analysis na ang nakuhang MPS ng


FG-B sa sanayang-aklat ay may PL na 78% at talang mastered. Batay sa ginanap na
FGD, nagdulot ng kalituhan ang paksang-aralin. Mahalagang mayroong gumagabay
sa pagsagot ng sanayang-aklat. Itinuturing na isa sa mga primaryang kagamitan sa
paglinang ng kakanyahan ng bawat mag-aaral ang sanayang-aklat (DepEd
Philippines, 2020). Sa sarbey ng pananaliksik, 71% sa respondente ay mayroong
kasamahan sa bahay na gumagabay sa pagsagot ng sanayang-aklat. Gayunpaman,
sa pag-aaral ni Dangle at Sumaoang (2021), natuklasang hindi lahat ng kalituhan ay
kayang sagutin ng mga kasamahan sa bahay at 70% sa mga mag-aaral ay hindi
nakasusunod sa mga panuto ng sanayang-aklat dahil nakalilito. Inerekomenda ng
huling pananaliksik na ang guro ng asignatura ay maging maagap sa mga katanungan
ng mag-aaral at mga magulang. Bilang pagtugon sa DepEd Order No. 001 s. 2021 o
guidelines on the evaluation of self-learning modules for quarters 3 and 4 for sy 2020-
2021, lumikha ang kasalukuyang pananaliksik ng mga interbensyong pampagtuturong
LAS at parallel test na nakabatay sa ikalawang kalidad: concept development,
activities at assessment na tumutukoy sa kawastuhan ng panuto. Mahalagang
magkaroon ng mga interbensyon sa pagkatuto katulad ng sanayang-aklat at parallel
test alinsunod sa DepEd Policy OUC-2020-307. Sa resulta ng pananaliksik, tumaas
ang PL ng FG-B sa sanayang-papel ng 88%. Lalong tumaas ang PL ng FG-B ng 94%
sa parallel test. Ang pagtaas ng PL ay nagpapatunay na mabisa ang ikatlong kuwarter
sanayang-aklat Q3-M3 “Sipat” at nilikhang LAS 3.3, parallel test 3.3 sa pagkatuto ng
mga mag-aaral ng Filipino 8 ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Rodriguez sa
MDL.
Talahanayan 5. Focus Group C, Mean Percentage Score
Kasanayang Pampagkatuto: Makapagbibigay ng kahulugan sa mga salitang
ginagamit sa radio broadcasting. (F8PT-l1Id-e-30)
Kagamitang Pampagtuturo- Profeciency Level Remarks
Pampagkatuto
Sanayang-Aklat 79% Mastered
Sanayang-Papel 89% Mastered
Parallel Test 96% Mastered

Lumalabas sa resulta ng ginawang Item Analysis na ang nakuhang MPS ng


FG-C sa sanayang-aklat ay may PL na 79% at talang mastered. Batay sa ginanap na
FGD, bago ang paksang-aralin kaya nahirapan sa pagsagot ang FG-C. Sa sarbey ng
pananaliksik, higit na natuto ang 54% sa pamamagitan ng peer teaching at 46% sa
pamamagitan ng sarinlang-aral. Natuklasan sa pag-aaral ni Samson (2020) na hindi
gaanong kaepektibo ang distance learning sa pagkatuto ng mga mag-aaral dahil
sarinlan ang pag-unawa sa paksa maliban na lamang kung mayroong sapat na gabay
ng guro at kasamahan sa bahay. Sa pag-aaral ni Dangle at Sumaoang (2021) na the
implementation of modular distance learning in the Philippine secondary Public
Schools, natuklasang hindi lahat ng kalituhan ay kayang sagutin ng mga kasamahan
sa bahay. Alinsunod sa Policy OUC-2020-3017, ang mga gawain sa pagkatuto na
nakapaloob sa sanayang-aklat na mahirap ang paksang-aralin ay maaaring gawing
payak at pinaikli o streamlined na mananatili ang esensya ng nililinang na kakanyahan
batay sa MELCs. Sa resulta ng pananaliksik, tumaas ang PL ng FG-C sa sanayang-
papel ng 89%. Lalong tumaas ang PL ng FG-C ng 96% sa parallel test. Ang pagtaas
ng PL ay nagpapatunay na mabisa ang ikatlong kuwarter sanayang-aklat Q3-M5
“Tingkala” at nilikhang LAS 3.5, parallel test 3.5 sa pagkatuto ng mga mag-aaral ng
Filipino 8 ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Rodriguez sa MDL.
Talahanayan 6. Focus Group D, Mean Percentage Score
Kasanayang Pampagkatuto: Mahihinuha ang paksa, layon, at tono ng akdang
nabasa. (F8PB-l1Ie-f-31)
Kagamitang Pampagtuturo- Profeciency Level Remarks
Pampagkatuto
Sanayang-Aklat 83% Mastered
Sanayang-Papel 89% Mastered
Parallel Test 94% Mastered

Lumalabas sa resulta ng ginawang Item Analysis na ang nakuhang MPS ng


FG-D sa sanayang-aklat ay may PL na 83% at talang mastered. Batay sa ginanap na
FGD, naunawaan ng FG-D ang paksang-aralin dahil sa video-audio lesson na ginawa
ng guro ng asignatura. Ayon sa DepEd Philippines (2020), bahagi ng MDL na gumamit
ng birtwal na kagamitang pampagtuturo na nasa digital format katulad ng CD, DVD,
laptop, computer, tablet o smartphone. Ang paggamit ng video-audio lesson ay isang
inobatibong pamamaraan ng pagtuturo kung saan ay bino-broadcast ang aralin sa
paraang elektroniko ayon sa Staffors Global, Org. (2020). Mahalagang magkaroon ng
mga interbensyon sa pagkatuto katulad ng sanayang-aklat at parallel test alinsunod
sa DepEd Policy OUC-2020-307. Sa resulta ng pananaliksik, tumaas ang PL ng FG-
D sa sanayang-papel ng 89%. Lalong tumaas ang PL ng FG-D ng 94% sa parallel
test. Ang pagtaas ng PL ay nagpapatunay na mabisa ang ikatlong kuwarter sanayang-
aklat Q3-M6 “Haraya” at nilikhang LAS 3.6, parallel test 3.6 sa pagkatuto ng mga
mag-aaral ng Filipino 8 ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Rodriguez sa MDL.
Talahanayan 7. Focus Group E, Mean Percentage Score
Kasanayang Pampagkatuto: Makatutukoy ng mga tamang salita sa pagbuo ng isang
puzzle na may kaugnayan sa paksa. (F8PT-l1Ie-f-31)
Kagamitang Pampagtuturo- Profeciency Level Remarks
Pampagkatuto
Sanayang-Aklat 78% Mastered
Sanayang-Papel 93% Mastered
Parallel Test 93% Mastered

Lumalabas sa resulta ng ginawang Item Analysis na ang nakuhang MPS ng


FG-E sa sanayang-aklat ay may PL na 78% at talang mastered. Batay sa ginanap na
FGD, nahirapan ang FG-E sa pagsagot dahil komplikado ang mga gawain. Sa sarbey
ng pananaliksik, inilahad ng mga respondente ang nais na kalidad ng mga gawain:
53% ay malinaw na panuto; 11% ay nakalilibang, at; 36% ay hindi mahirap sagutin.
Sa pag-aaral nina Dangle at Sumaoang (2021), marami ang hindi nakapag-aaral nang
mag-isa at 70% ang hindi nakasusunod sa mga panuto ng sanayang-aklat.
Inerekomenda ng naunang pananaliksik na magbigay ang mga guro ng malinaw na
panuto at suriin nang mabuti kung angkop sa lebel ng karunungan bago ipamahagi.
Dagdag na rekomendasyon ang pagbibigay ng interbensyon na makatutulong upang
higit na maintindihan ang mahihirap na paksa. Sa pag-aaral ni Desjardins (2011) na
small stories for learning: a sociocultural analysis for children’s participation in informal
Science education, napatunayan na mahalagang maipakita ang pagkatuto ng mga
mag-aaral sa pamamagitan ng gawaing naghahantad ng bagong karanasan. Ang
kasalukuyang pananaliksik ay lumikha ng interbensyong angkla ang mga inobatibo,
malikhain, nakalilibang at malinaw na gawain sa sanayang-aklat at parallel test
alinsunod sa DepEd Policy OUC-2020-307. Sa resulta ng pananaliksik, tumaas ang
PL ng FG-E sa sanayang-papel ng 93%. Nanatili ang PL ng FG-E ng 93% sa parallel
test. Ang pagtaas ng PL ay nagpapatunay na mabisa ang ikatlong kuwarter sanayang-
aklat Q3-M7 “Palaisipan” at nilikhang LAS 3.7, parallel test 3.7 sa pagkatuto ng mga
mag-aaral ng Filipino 8 ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Rodriguez sa MDL.
Talahanayan 8. Focus Group F, Mean Percentage Score
Kasanayang Pampagkatuto: Naipapahayag sa lohikal na paraan ang mga pananaw
at katwiran. (F8PS-IIIe-f-32)
Kagamitang Pampagtuturo- Profeciency Level Remarks
Pampagkatuto
Sanayang-Aklat 69% Nearing to Mastery
Sanayang-Papel 87% Mastered
Parallel Test 74% Mastered
Strategic Intervention 85% Mastered
Materials

Lumalabas sa resulta ng ginawang Item Analysis na ang nakuhang MPS ng


FG-F sa sanayang-aklat ay may PL na 69% at talang nearing to mastery. Batay sa
ginanap na FGD, nakararanas ang FG-F ng kawalan ng panahon at kawalan ng study
area. Sa sarbey ng pananaliksik, 21% ang tumugon ng kawalan ng panahon sa
pagsagot ng sanayang-aklat. Ayon kay Dalanon (2020), binibigay nang lingguhan ang
sanayang-aklat na maaaring maikli o mahaba depende sa nilalaman at mga
nakapaloob na gawaing pampagkatuto. Dulot nito, karamihan sa mga mag-aaral ay
nakaraaranas ng kahirapan sa pagkatuto dahil walang sapat na panahon upang
tapusin ang hindi bababa sa walong (8) sanayang-aklat sa isang linggo na mayroong
tatlo (3) hanggang limang (5) mga gawain (Dangle at Sumaoang, 2021). Sa pag-aaral
ni Samson (2020), natuklasang nakararanas ang mga mag-aaral ng mental health
stress dahil sa mga deadline o palugit na ibinibigay ng guro na sa dami ng mga gawain
sa sanayang-aklat ay hindi lahat kayang sagutin sa iisang linggo. Iminungkahi sa
binanggit na pananaliksik na magbawas ng mga gawain sa sanayang-aklat. Sa sarbey
ng kasalukuyang pananaliksik, 29% ang sumagot ng kawalan ng lugar sa pag-aaral o
study area. Ayon kay Education Undersecretary Nepumuceno Malaluan (2021),
mahalagang magkaroon ng espasyo ng pag-aaral sa tahanan upang magkaroon ng
sapat na pokus. Ang kasalukuyang pananaliksik ay lumikha ng mga mga interbensyon
sa pagkatuto katulad ng sanayang-aklat at parallel test alinsunod sa DepEd Policy
OUC-2020-307 na pinaikli o nai-streamlined upang mabawasan ang mga gawain sa
sanayang-papel. Sa resulta ng pananaliksik, tumaas ang PL ng FG-F sa sanayang-
aklat ng 87%. Bumaba ang nakuhang PL ng FG-F sa parallel test ng 74%. Lumikha
ng Strategic Intervention Material (SIM) ang kasalukuyang pananaliksik upang
matugunan ang pangangailangan ng higit pang pagpapayaman sa pagkatuto. Ayon
kay Banugan (2012), ang SIM ay nilikha upang muling ituro ang mga konsepto at
kakanyahan na mayroong mababang MPS o hindi natutuhan. Sa resulta ng
pananaliksik, tumaas ang PL ng FG-F sa SIM ng 85%. Ang mababang PL ng
sanayang-aklat Q3-M8 “Palaisipan” ay nagpapatunay na hindi mabisa sa pagkatuto.
Ang pagtaas ng PL ng sanayang-papel 3.8 ay nagpapatunay ng pagiging mabisa sa
pagkatuto. Ang pagbaba ng PL ng parallel test 3.8 ay nagpapatunay ng hindi mabisa
sa pagkatuto at nangangailangan ng rebisyon. Ang pagtaas ng PL ng SIM 3.8 ay
nagpapatunay ng pagiging mabisa sa pagkatuto ng mga mag-aaral ng Filipino 8 ng
Mataas na Paaralang Pambansa ng Rodriguez sa MDL.
Talahanayan 9. Focus Group G, Mean Percentage Score
Kasanayang Pampagkatuto: Nasusuri ang napanood na pelikula batay sa:
paksa/tema, layon, gamit ng mga salita, mga tauhan.
(F8PB-IIIg-h-32)
Kagamitang Pampagtuturo- Profeciency Level Remarks
Pampagkatuto
Sanayang-Aklat 70% Nearing to Mastery
Sanayang-Papel 86% Mastered
Parallel Test 79% Mastered
Strategic Intervention 83% Mastered
Materials

Lumalabas sa resulta ng ginawang Item Analysis na ang nakuhang MPS ng


FG-G sa sanayang-aklat ay may PL na 70% at talang nearing to mastery. Batay sa
ginanap na FGD, nakaranas ang FG-G ng kasalatan sa kagamitang pampagkatuto.
Karamihan sa mga gawain ay nangangailangan ng internet dahil kailangang
mapanood ang movie clip ng tinalakay na pelikulang Filipino. Batay sa sarbey ng
pananaliksik, 18% sa mga respondente ay limitado ang kagamitan sa pag-aaral
kabilang ang internet na ayon sa sarbey ay 11% lamang ang mayroon. Ayon sa
Learning Opportunities Shall be Available (2020), binuksan ng pandemyang COVID19
ang samu’t saring balakid sa edukasyon kabilang ang konektibidad. Pinatunayan ito
sa pag-aaral ni Samson (2020) na natuklasang mahina ang koneksyon ng internet sa
bansa kung kaya’t dumagdag pa sa mga balakid sa pagkatuto. Inerekomenda ng
naunang pananaliksik na palakasin ang internet connection ng bansa dahil ang kupad
nito ay nakapagdudulot ng mental health stress gayong balakid sa pagtuturo o
pagdalo sa klase. Dagdag pa ang paggawa ng interbensyon sa mga mag-aaral na
nahihirapan sa paksa. Ang kasalukuyang pananaliksik ay lumikha ng mga mga
interbensyon na hindi na nangangailangang gumamit ng mobile data at internet dahil
nakapaloob sa sanayang-aklat at parallel test ang imahe ng movie clip. Ang paglikha
ng mga interbensyon ay alinsunod sa DepEd Policy OUC-2020-307. Sa resulta ng
pananaliksik, tumaas ang PL ng FG-G sa sanayang-aklat ng 86%. Bumaba ang
nakuhang PL ng FG-G sa parallel test ng 79%. Lumikha ng SIM sa kasalukuyang
pananaliksik upang matugunan ang pangangailangan sa pagkatuto. Ayon kay
Lafuente (2017), ang SIM ay maaaring gamitin upang mapahusay ang least learned
skills. Iminungkahi na ang nabuong materyal ay gamitin upang malaman ang
kabisaan. Sa resulta ng pananaliksik, tumaas ang PL ng FG-G sa SIM ng 83%. Ang
mababang PL ng sanayang-aklat Q3-M9 “Pagsusuri ng Pelikula” ay nagpapatunay na
hindi mabisa sa pagkatuto. Ang pagtaas ng PL ng sanayang-papel 3.9 ay
nagpapatunay ng pagiging mabisa sa pagkatuto. Ang pagbaba ng PL ng parallel test
3.9 ay nagpapatunay ng hindi mabisa sa pagkatuto at nangangailangan ng rebisyon.
Ang pagtaas ng PL ng SIM 3.9 ay nagpapatunay ng pagiging mabisa sa pagkatuto ng
mga mag-aaral ng Filipino 8 ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Rodriguez sa
MDL.
Talahanayan 10. Hanay ng Nilikhang Interbensyong Materyal sa Filipino 8, Ikatlong Kuwarter
MELC Blg. Pamagat/MELC Blg. LAS Parallel SIM
Test
F8PT-llla-c-29 Mga Termino sa Mundo ng LAS 3.1 PT 3.1 -
Multimedia
F8PN-llld-e-29 Sipat LAS 3.3 PT 3.3 -
F8PT-l1Id-e-30 Tingkala LAS 3.5 PT 3.5 -
F8PB-l1Ie-f-31 Paksa, Layon at Tono LAS 3.6 PT 3.6 -
F8PT-l1Ie-f-31 Puzzle LAS 3.7 PT 3.7 -
F8PS-IIIe-f-32 Lohikal na Pagpapahayag LAS 3.8 PT 3.8 SIM 3.8
F8PB-IIIg-h-32 Pagsusuri ng Pelikula LAS 3.9 PT 3.9 SIM 3.9

Makikita sa Talahanayan 10 ang interbensyong materyal sa Filipino 8, ikatlong


kuwarter na nilikha ng mga mananaliksik: Pitong (7) sanayang-aklat o LAS; Pitong (7)
parallel test, at dalawang (2) SIM. Nakabatay ang pagbabagong pangnilalaman ng
mga interbensyon sa datos na nakalap mula sa ginanap na focus group discussion.

Kongklusyon
Apektado ng panloob at panlabas na baryabol ang kabisaan ng pagkatuto ng
mga mag-aaral sa MDL: abeylabiliti ng mga sanggunian sa tahanan; pisikal na
kapaligiran; katuwang sa pag-aaral; panahon; kawalan ng espasyo sa pag-aaral;
kaligiran ng mga gawain sa pagkatuto, at; lebel ng kaangkupan sa pag-unawa.
Napakahalaga na ang mga guro ng asignatura ay maalam sa DepEd Policy OUC-
2020-307 o suggested measures to foster academic ease during the COVID-19
pandemic. Nakapaloob dito ang MELCs, kaangkupan sa paglikha ng mga kagamitang
panturo sa DL at mga interbensyon katulad ng LAS, SIM, at interbensyong birtwal.
Malaking bahagdan sa kabisaan ng pagkatuto sa MDL ang lakas na ibinibigay ng guro
ng asignatura: maagap na pagsagot ng katanungan ng mag-aaral at magulang;
pagbibigay ng malinaw na panuto sa paglikha ng kagamitang panturo; pagsusuri sa
kaangkupan ng lebel ng pag-unawa ng mag-aaral bago ipamigay ang mga
kagamitang panturo; paglikha ng inobatibo, malikhain, nakalilibang at malinaw na
gawain; pagpapaikli ng mga mahihirap na gawain sa sanayang-aklat na mananatili
ang esensya ng nililinang na kakanyahan batay sa MELCs; pagkakaroon ng kompleto,
malinaw at ligtas na nilalaman upang hindi makapagdulot ng mental health stress, at;
regular na pagtala ng profeciency level (PL) ng mga mag-aaral upang matukoy ang
kabisaan ng kagamitang panturo sa MDL. Mahalaga ang pagtatala ng PL sapagkat
natutukoy nito ang kabisaan ng kagamitang panturo at nalalaman ng guro kung ang
paksang-aralin ba ay lubos na natutuhan o hindi. Ang bukas na komunikasyon sa mga
mag-aaral at magulang ay esensyal sa bagong-karaniwan. Mapaglalahat na mabisa
ang kwarter 3 self-learning modules, parallel test, learning activity sheet (LAS) o
sanayang-papel, strategic intervention material (SIM) ng MDL sa pagkatuto ng mga
mag-aaral ng Filipino 8 ng Rodriguez National High School bunsod ng pagtaas ng
Profeciency Level (PL) resulta ng Mean Percentage Score (MPS) sa isinagawang test
item analysis.

Rekomendasyon
Ang bahaging ito ay maglalahad ng mga rekomendasyon batay sa resulta at
pagtalakay.
A. Ang guro ng asignatura ay maging maagap sa pagsagot ng katanungan ng
mag-aaral at magulang tungkol sa panuto ng sanayang-aklat, sanayang-
papel o LAS, parallel test, SIM at iba pang interbensyong pampagtuturo.
Mahalaga ang pagbibigay ng malinaw na panuto sa paglikha ng kagamitang
panturo sa MDL upang maiwasan ang kalituhan. Regular na magtala ng PL
ng mga mag-aaral upang matukoy ang kabisaan ng kagamitang panturo sa
MDL. Kapag mababa ang PL, lumikha ng mga interbensyon sa pagkatuto
katulad ng sanayang-aklat o LAS, parallel test, SIM at interbensyong birtwal
na nakabatay sa concept development, activities at assessment upang
mapataas ang PL ng mga mag-aaral. Dagdag pa ang mga inobatibo,
malikhain, nakalilibang at malinaw na gawain. Bigyan ng pansin ang
pagkakaroon ng kompleto, malinaw at ligtas na nilalaman upang hindi
makapagdulot ng mental health stress. Ang mga gawain sa pagkatuto na
nakapaloob sa sanayang-aklat na mahirap ang paksang-aralin ay maaaring
gawing payak at pinaikli o streamlined na mananatili ang esensya ng
nililinang na kakanyahan batay sa MELCs.
B. Ang mga mag-aaral ay pinapayuhang magkaroon ng espasyo ng pag-aaral
sa tahanan upang magkaroon ng sapat na pokus.
C. Iminumungkahi ang pagpapasuri, rebisyon at pagpapaapruba sa isinulat na
LAS o sanayang-papel, parallel test at SIM ng mga mananaliksik sa tagasuri
ng nilalaman at editor ng sangay.
D. Angkop ipamahagi at gamitin sa mga pampubliko at pampribadong
paaralang sekundarya ang mga sanayang-aklat sa Filipino 8, ikatlong
kuwarter na sinulat ng mga gurong manunulat sa Filipino ng Kagawaran ng
Edukasyon, Sangay ng Camarines Sur.
Sanggunian

Lafuente, E.G. (2017). Strategic Intervention Materials (SIM) for Grade VI


Mathematics. PNU
Salviejo, E.I., Aranes, F.Q., Espinosa, A.A. (2014). Strategic Intervention Material-
Based Instruction, Learning Approach and Students‘ Performance in Chemistry.
International Journal on Learning, Teaching and Educational Research. (2014).
91-123
Dangle, Y.R., Sumaoang, J.D. (2020). The Implementation of Modular Distance
Learning in the Philippine Secondary Public Schools. 3rd International
Conference on Advanced Research in Teaching and Education. Dublin Republic
of Ireland
Quinones, M. T. (2020, July 3). DepEd clarifies blended, distance learning modalities
for SY 2020-2021. Philippine Information Agency.
https://pia.gov.ph/news/articles/1046619
Tria, J. Z. (2020, June 3). The COVID-19 Pandemic through the Lens of Education in
the Philippines: The New Normal. ResearchGate.
https://www.researchgate.net/publication/341981898_The_COVID19_Pandemi
c_through_the_Lens_of_Education_in_the_Philippines_The_New_Normal
FlipScience. (2020, October 5). 'Tagapagdaloy’: How Filipino parents can help ensure
successful modular distance learning. FlipScience - Top Philippine Science
News and Features for the Inquisitive Filipino.
https://www.flipscience.ph/news/features-news/tagapagdaloymodular-distance-
learning/
DO 001, s. 2021- Guidelines on the Evaluation of Self-Learning Modules for Quarters
3 and 4 for School Year 2020-2021. Department of Education (January 04, 2021)
OUC-2020-307- Suggested Measures to Foster “Academic Ease” During the COVID-
19 Pandemic. Department of Education (October 30, 2020)
Department of Education (2020). Learning Opportunities Shall be Available: The Basic
Education Learning Continuity Plan in the Time of COVID-19. 33-43
Bruma, R.D., Marbella, F.D. (2019). Kabisaan ng Strategic Intervention Material (SIM)
Sa Pagsulat Sa Filipino 7. Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research.
7(1), 45-51

You might also like