You are on page 1of 8

7

FILIPINO
Ikatlong Markahan-Modyul 8:
Pasulat o Pasalitang Paggamit
ng Panandang Anaporik at Kataporik

May-akda: Ed Genesis DP. Tan


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.


● Aralin – Pasulat o Pasalitang Paggamit ng Panandang
Anaporik at Kataporik

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang


sumusunod:
A. nakikilala ang panandang anaporik at kataporik ng pangngalan; at
B. nagagamit nang wasto ang mga panandang anaporik at kataporik
ng pangngalan sa paraang pasalita at pasulat

Subukin

Salungguhitan ang pahayag na nagtataglay ng reperens. Isulat ang A


kung ito ay nasa anyong anaporik at K kung ito ay nasa anyong kataporik.

1. May agarang bisita si Genesis kaya hindi siya magkamayaw sa


paghahanda.
2. Nakalimutang iligpit ni Maria ang kaniyang sinampay kaya sising-sisi
siya dahil nabasa ito ng ulan.
3. Nahuli sa klase sina Maria at Nicole kanina kaya pinagsabihan sila ng
guro.
4. Nagsumikap siya sa kaniyang pag-aaral kaya naman si Mup ay
nakaahon sa kahirapan.
5. Nagtungo ang pangkat Creative sa Marikina Museum upang makita nila
ang ilan sa mga artifacts kaugnay sa kasaysayan ng Marikina.

Pasulat o Pasalitang Paggamit ng


Aralin
Panandang Anaporik at Kataporik

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang panandang anaporik at kataporik sa


pasulat o pasalita man na paggamit nito. Malilinang ang iyong kasanayan sa
paksa kung maisasagawa mo nang matapat ang mga gawain.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
Tuklasin
A. Panimula
Makinig sa radyo o di kayaý manuod sa telebisyon ng mga balitang
napapanahon. Isulat ang mga paksang tinalakay sa iyong kuwaderno at
sagutin ang mga tanong sa susunod na pahina.

1. Ano-anong isyung panlipunan ang tinalakay sa balita?


2. Alin sa mga balita ang nagpapakita ng positibong pananaw sa buhay?
3. Ano-ano ang mga bagong kaalaman ang iyong natutuhan matapos mong
mapanood ang mga balita?
B. Pagbasa
Basahin ang balita nang may pag-unawa at pagkaraan ay sagutin nang
pasalita ang mga tanong.
Edukasyon dapat ilagay sa sentro ng COVID-19 recovery: UNESCO

Dapat pahalagahan ang edukasyon pagdating sa pag-recover ng mga bansa


mula sa COVID-19 pandemic, sabi ngayong Lunes ng United Nations Educational,
Scientific and Cultural Organization (UNESCO).

Ayon kay UNESCO Assistant Director for Education Stefania Giannini,


aabot sa 24 milyong kabataan sa buong mundo ang nanganganib na mag-drop
out bunsod ng epekto ng pandemya sa sektor ng edukasyon.

May higit 20 bansa ang nagpapatupad ng school closure habang


nagpapatupad naman ng reduced academic schedule ang iba, ani Giannini.

"The future of the generation is under severe threat. Prolonged and repeated
school and university closures are increasing learning losses and taking a rising
toll on the mental health of students," ani Giannini sa isang online forum kasabay
ng pagdiriwang ng International Day of Education.

Iginiit din ni United Nations Secretary General Antonio Guterres na dapat


protektahan ang edukasyon upang maiwasan ang isang "generational
catastrophe."

"Even before the pandemic, some 258 million children and adolescents were
out of school... in 2021, we must seize all opportunities to turn this situation
around," aniya.

Para sa Department of Education ng Pilipinas, naging tapat ito sa pagtugon


sa pangangailangan ng edukasyon sa bansa sa gitna ng pandemya.

"We continued even as face-to-face teaching and class sessions were not
allowed. And now we are strengthening the technologies side of education so that
we not only cut down on costs but also become much more efficient in keeping in

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
touch, in keeping abreast with all the development," ani Education Secretary Leonor
Briones.

Dahil bawal ang face-to-face classes, nagpatupad ang DepEd ng distance


learning, kung saan nag-aaral ang mga estudyante mula sa kanilang mga bahay
sa pamamagitan ng mga module, online class, TV at radyo.

Nasa 25 milyong estudyante ang nag-enroll sa basic education schools


nitong school year, base sa datos ng DepEd, mas mababa ng 2 milyon kompara sa
bilang noong nakaraang academic year.

Aminado si Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na may


pagsubok sa pagbibigay ng de kalidad na edukasyon, pero tinutugunan naman ito
ng "Sulong Edukalidad" program ng ahensiya.

C. Pag-unawa sa Binasa

1. Ano ang isinasaad sa balita?


2. Sang-ayon ka ba sa isinusulong na ito?
3. Ano ang iyong saloobin sa umiiral na New Normal na edukasyon sa
bansa?
4. Ano ang iyong maibabahagi sa layunin ng ating pamahalaan tungkol sa
pagsulong ng edukasyon sa gitna ng pandemya?
5. Ano ang maaaring susunod na hakbang ng ating gobryerno sa
pagsulong ng edukasyon sa bansa? Paano mo ito nasabi?

Suriin

Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga halimbawa
ng anapora at katapora at ang kahulugan nito.

1. Anapora
Ang panghalip ay nasa hulihan bilang pananda sa pinalitang
pangngalang binanggit sa unahan.

Mga halimbawa;
 Sina Peter at Hector ay kapwa huwarang mag-aaral sa Paaralang
Elementarya ng ABC. Sila ay mga masisipag na mag-aaral.
 Ang kultura ay nagbibigay sa atin ng pagkakakilanlan. Ito ay
maituturing na kayamanan ng isang bansa.

2. Katapora
Panghalip na ginagamit sa unahan ng teksto o pahayag bilang pananda
sa pinalitang panggalan sa hulihan ng teksto o pahayag.

Halimbawa;
 Patuloy nilang binabalikan ang Bantayan Beach Resort sa dahil ang
mga turista’y totoong namamangha sa kagandahan nito.
 Ito ay isang dakilang paaralan. Ang Paaralang Elementarya ng ABC
ay may makulay na kasaysayan.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
Pagyamanin

Basahin ang teksto sa ibaba at sagutin nang pasalita ang mga tanong.

Si Mariang Mapangarapin

Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino


rin siya. Ano pa't masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra
siyang pamangarapin. Umaga o tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na
lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap
nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin. Hindi
naman nagalit si Maria bagkos pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na
ikinabit sa pangalan niya.
Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang
manok. Tuwang-tuwa si Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa
kanya ng iisang manliligaw niya. Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan
para sa mga manok niya. Higit sa karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni
Maria. Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa
hapon. Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba. At pinangarap ni
Maria ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na
magbibigay ng maraming itlog.
Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang
lahat na inahing manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng
mga inahing manok araw-araw. At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na
ibibigay ng labindalawang alagang manok sa loob ng pitong araw sa isang
linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang pangarap.
At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-
araw. Nabuo ito sa limang dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta
sa bayan si Maria. Sunong niya ang limang dosenang itlog. Habang nasa daan ay
nangangarap nang gising si Maria. Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang
itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang
bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda ni Maria
ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!
Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa
kabiglaan. Saka siya umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap
kasabay ng pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.

Ang aral ng kwento ay “Gawing makatotohanan ang layunin o adhika upang


ito ay maisakatuparan.”

Itala sa tsart ang mga pangungusap na nagtataglay ng mga panandang


anaporik at kataporik ng pangngalan.

Anaporik Kataporik
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
Isaisip
Upang mas matandaan mo ang pagkakaiba ng panandang anaporik at
kataporik ito lamang ang lagi mong tatandaan:
Kung anaporik, isipin mo lamang lagi si Ana. Si Ana ay isang pangngalan.
Kung pangngalan ang mauuna sa pangungusap at susundan ng panghalip ito ay
may panandang anaporik.
Samantala, kung kataporik, isipin mo lamang ang panghalip na “ka”. Kung
panghalip ang nauna at ito ay sinundan ng pangngalan samakatuwid ito ay may
panandang kataporik.

Isagawa
Gumawa ng isang diyalogong iskrip na nagpapakita ng anaporik at
kataporik na pamamaraan ng pagsasalita. Maaaring ang paksa ay tungol sa mga
usaping pantahanan o pampaaraalan.

Pamantayan para sa pagmamarka:

Puntos Puntos
Mga Pamantayan
sa Sarili ng Guro
Makatotohanan ang iskrip sa paksang napili
Maayos at wasto ang pagkakagamit ng mga
salitang nagpapakilala ng anaporik at
kataporik
Nakapupukaw ng interes sa mga
mambabasa ang iskrip
Kabuoang Puntos
10 – Napakahusay 4- Kailangan pang paghusayan
8 – Mahusay 2- Magsanay upang humusay
6 – Katamtamang Husay

Tayahin
Ngayong naunawaan mo na ang aralin, oras na para sukatin ang iyong
natutuhan sa pagtukoy ng mga salita na nasa anyong anapora at katapora.
Salungguhitan ang salita at isulat kung ito ay nanapora o katapora.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
1. Sina Bonifacio at Sulayman ang mga bayaning Pilipino. Sila ay mga
dakilang Manileño.
2. Ito ay isang dakilang lungsod. Ang Maynila ay may makulay na kasaysayan.
3. Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Dos Palmas Resort sa Palawan
dahil sila'y totoong nagagandahan dito.
4. Si Chloe Verhinks ay isa sa mga dayuhang turista na pumunta sa Dos
Palmas Resort dahil ayon sa kaniya, paborito niya itong pasyalan.
5. Patuloy nilang dinarayo ang Dos Palmas Resort sa Palawan dahil ang mga
turista'y totoong nagagandahan dito.

Sa bahaging isagawa, maaari mo itong isadula sa pamamagitan ng


mimicry, i-video ang naturang iskrip habang sinasalita at iangkop ang
tauhan sa kilos, damdamin at saloobin gamit ang mga salitang
nagpapahayag ng anaporik at kataporik. Husayan mo ang iyong pagganap.
Gamiting gabay ang pamantayan sa bahaging “Isagawa” ng modyul na ito.

Kahanga-hanga ang iyong ipinakita husay sa ating aralin.

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian
 Edukasyon dapat ilagay sa sentro ng COVID-19 recovery: UNESCO
ABS-CBN News
Posted at Jan 25 2021 05:57 PM
 https://news.abs-cbn.com/news/01/25/21/edukasyon-dapat-ilagay-sa-sentro-ng-
covid-19-recovery-unesco

 Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends and other
Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp. 84-85.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Ed Genesis DP. Tan (Guro, CISSL)


Mga Editor: Maru U. Panganiban (Guro, JDPNHS)
Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat:
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino
Ivy Coney A. Gamatero
Superbisor sa LRMDS

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like