You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Schools Division Office of Gapan City
Juan R. Liwag Memorial High School

November 7, 2022
Banghay-Aralin sa Ekonomiks 9
DEMAND

I.Layunin
Sa modyul na ito ay inaasahang maisasagawa ang kasanayan:
Natatalakay ang konsept at salik na nakaaapekto sa demand sa pang-araw-araw na
pamumuhay.
Inaasahan ang mag-aaral na:
1. Nabibigyang kahulugan ang demand.
2. Natutukoy ang konsepto ng demand sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya.
3. Napahahalagahan ang demand sa matalinong pagpapasya na nakakaapekto sa demand.

II. Nilalaman
A. PAKSA: Demand
B. Modyul 1: Ikalawang Markahan – Demand
C. Kagamitan: mga larawan, manila paper at powerpoint presentation
D. Sanggunian: Ekonomiks Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral pp. 112-115
Araling Panlipunan Modyul 1 Ikalawang Markahan pp. 6 – 9

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Balitaan: Pagbibigay balita ng mga mag-aaral ukol sa napapanahong pangyayari sa loob at
labas ng bansa.
3. Balik-aral: Sa nakaraang aralin, anu-ano ang mga karapatan at tungkulin ng mamimili?

B. Pagganyak
Bago tuklasin ang bagong aralin, balikan muna natin ang iyong natutunan tungkol sa
pagkonsumo. Sa pamamagitan ng dayagram sa ibaba, balikan ang natutunan mo sa
paksang pagkonsumo.
Gawain 1:
Panuto: Gayahin ang dayagram sa ibaba sa iyong sagutang papel o portfolio at punan ng
tamang impormasyon tungkol sa pagkonsumo.

Address: Bayanihan, Gapan City


Telephone No.: (044) 958-8492
Email: neshs_jrlmhs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division Office of Gapan City
Juan R. Liwag Memorial High School

Karapatan ng Tungkulin ng
Mamimili Mamimili

Gawain 2: JUMBLED LETTERS


Ayusin ang mga ginulong letra upang maibigay ang hinihinging kasagutan sa mga gabay na
tanong. Maaaring balikan ang napag-aralan sa mga unang aralin upang madali mong masagot ang
katanungang nakapaloob dito.
1. A P Y G O D I R E M A
2. N I M E S O K O K
3. W A M O L S
4. A K Y O S N L A O
5. S O N G O Y E
6. T R I D I S B U S O Y N
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang tawag sa pag-aaral sa uri, kalidad, at balangkas ng populasyon?
2. Anong sangay ng agham panlipunan ang tungkol sa efficient na pagpili at paggamit ng mga
pinagkukunang-yaman?
3. Sino ang isa sa bumuo ng teorya hinggil sa herarkiya ng pangangailangan ng tao?
4. Ano ang tawag sa pamamaraan ng paglalaan ng takdang dami ng pinagkukunang-yaman ayon sa
pangangailangan at kagustuhan ng tao?
5. Ito ay tumutukoy sa anumang gawaing pang-ekonomiya na ang layunin ay magkamit ng kita o
tubo.
6. Ano ang katawagan sa pamamaraan ng pagbabahagi ng kabuuang yaman o kita ng lipunan sa
bawat indibidwal o sa mga salik ng produksiyon tulad ng lupa, paggawa, kapital at
entrepreneurship?

C. Paglinang ng Aralin
- Ipapaliwanag ang konsepto ng demand.
- Batas ng Demand

Address: Bayanihan, Gapan City


Telephone No.: (044) 958-8492
Email: neshs_jrlmhs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division Office of Gapan City
Juan R. Liwag Memorial High School

-
- Papangkatin ang mga mag-aaral. Tatalakayin at iuulat ng bawat group ang mga isyu at
problema ng mga mamimili sa sitwasyon na itinakda.

Pangkat I – Sidewalk Stalls


Pangkat II – Palengke
Pangkat III – Online Shopping
Pangkat IV – Imported Goods
Kaugnay ng unang gawain, bubuo ang parehong pangkat ng campaign tungkol sa karapatan,
pananagutan ng mga mamimili; at papel ng mga ahensya ng pamahalaan upang maisulong
ang kapakanan ng mamimili. Maaring jingle, video clip, rap, poster slogan o brochure ang
gawin ng mga mag-aaral.

Pamprosesong Tanong:
1. Anu-ano ang mga karapatan ng mga mamimili?
2. Alin sa mga karapatan ng mga mamimili ang madalas na hindi napahahalagahan? Magbigay
ng sitwasyon.
3. Sa kabilang banda, anu-ano naman ang mga tungkulin o pananagutan ng mga
mamimili?
4. Sa iyong palagay, nakakatulong ba ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa mga
mamimili? Ipaliwanag.

D. Pangwawakas na Gawain
a. Pagbubuod: Sa iyong pamimili sa palengke, napansin mo na may daya ang timbangang
ginagamit.Ano ang iyong gagawin?
b. Pagpapahalaga: Bakit kailangan malaman natin ang ating mga karapatan at
pananagutan bilang isang mamimili?
c. Paglalapat: Sumulat ng isang Pledge of Commitment
Ako si _____________ ng ___________________ ay nangangako na ________________
sa aking pagkonsumo. Ipapakita ko ito sa pamamagitan ng
________________________
at gagawin ko ito tuwing _________________________.
________________________
Pangalan ng mag-aaral

IV. Ebalwasyon
TSEK KA D’YAN!

Address: Bayanihan, Gapan City


Telephone No.: (044) 958-8492
Email: neshs_jrlmhs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division Office of Gapan City
Juan R. Liwag Memorial High School

Panuto: Basahin ang bawat pahayag sa ibaba. Lagyan ng tsek (√) ang mga pahayag na nagpapakita
ng pagsunod sa batas at pagkilala sa mga karapatan ng mamimili at (x) naman kung hindi.

1. Disposable face mask – nakasulat ang mga detalye sa lenggwaheng naiintindihan ng lahat.
2. Gamot – nakalagay ang paraan ng pag-inom at mga babala dito.
3. Pinekeng brand ng kilalang damit.
4. Pagbebenta ng hindi pa aprubadong gamot para sa COVID-19.
5. Toyo at suka – walang tatak.

V. Takdang Aralin
Pag-aralan ang mga Organisasyon ng Negosyo
Gabay na Tanong:
Ano ang mga katangian ng iba’t ibang uri ng organisasyon ng negoyo?

Address: Bayanihan, Gapan City


Telephone No.: (044) 958-8492
Email: neshs_jrlmhs@yahoo.com

You might also like