You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Division of South Cotabato
Lake Sebu East District-II
LAMCADE INTEGRATED SCHOOL
Brgy.Lamcade, Lake Sebu, South Cotabato
School ID: 50196
2nd PERIODICAL TEST IN SCIENCE 9

Name: _________________________________ Grade: _________________


I. MARAMIHANG PAGPILI
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod sa pangungusap. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa patlang na nakalaan sa bawat bilang.
_________1. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?
a. Ito ay tumutukoysa pag-aaral upaang matugunan ang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao sa kabila ng suliranin dulot ng
kakapusan.
b. Ito ay tumutukoy sa agham ng pag-uugali ng tao na nakakaapekto sa
kaniyang rasyonal na pagdedesisyon.
c. Ito ay masusing pagpapasya ng tao sa pagtugon sa mga suliranin
pangkabuhayan na kanyang kinakaharap.
d. Ito ay pag-aaral ng tao at lipunan kung papaano haharapin ang mga suliranin
pangkabuhayan.
_________2. Bakit kailangang magsagawa ng trade-off ang tao?
a. Upang makalikha ng mga produktong kailangan sa palengke.
b. Upang matugunan niya ang kaniyang pangangailangan na magdudulot ng
higit na kasiyahan.
c. Dahil sa kawalan o limitado ang kaalaman sa pagpili at pagdedesisyon.
d. Dahil may umiiral na kakapusan at kakulangan sa mga produkto at sebisyo.
_________3. Ano ang posibleng dahil kung bakit maaring magkaroon ng suliranin ng
kakapusan sa lipunan?
a. Maaksayang paggamit ng mga pinagkukunang-yaman.
b. Walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
c. Limitadong pinagkukunang-yaman.
d. Lahat ng nabanggit.
_________4. Kung ikaw ay isang rasyonal na mag-aaral, paano ka dapat gumawa ng
desisyon?
a. Isaalang-alang ang mga hilig atkagustuhan.
b. Isaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon.
c. Isaalang-alang ang trade-off at opportunity cost.
d. Isaalang-alang ang relihiyon, paniniwala, mithiin, at tradisyon.
_________5. Ano ang tawag sa halaga ng inaasam na branded na damit sa
isinakripisyong hindi bilhin ni Kobe upang makabili ng mas murang damit at pabango?
a. Trade off
b. Opportunity cost
c. Marginal thinking
d. Incentive
_________6. Dapat na bigyang-pansin ng pamahalaan ang produksyon sapagkat ito ay
isang gawaing pang-ekonomiya na:
a. Lumilinang ng likas na yaman
b. Namamahagi ng pinagkukunang-yaman
c. Lumilikha ng mga produkto at serbisyo
d. Gumagamit ng mga product at serbisyo
_________7. Sa Command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng
komprehensibong control at regulasyon ng:
a. Prodyuser
b. Konsyumer
c. Pamilihan
d. Pamahalaan
_________8. Kalian maituturing na primarying pangangailangan ang isang product
paglilingkod?
a. Kapag ito ay kailangan ng tao upang siya ay mabuhay
b. Kapag makakabili ka ng mas maraming bagay sa pamamagitan nito
c. Kapag nakapagbigay ito ng kasiyahan at kaginhayaan ng buhay ng tao
d. Kapag ang produkto ay magagamit mo upang maging madali ang mahirap na
Gawain
_________9. Anong uri ng organisasyon ng negosyo ang binubuo ng dalawa o higit
pang indibidwal na sumasang-ayonna paghahatian ang mga kita at pagkalugi ng
negosyo?
a. Sole proprietorship
b. Korporasyon
c. Partnership
d. Kooperatiba
________10. Ang PPF ay isang modelong nagpapakita ng mga estrtehiya sa paggamit
ng mga pinagkukunang-yaman upang makalikha ng produkto. Ano ang kahulugan ng
PPF?
a. Production Plan Frontier
b. Production Preparedness Form
c. Production Possibilities Frontier
d. Plan for the Production of Food

You might also like