You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Surigao del Norte
District of Malimono
CANTAPOY NATIONAL HIGH SCHOOL
Cantapoy, Malimono, Surigao del Norte

UNANG MARKAHAN
Araling Panlipunan 9

Pangalan: _________________________________________ Iskor:______________


Baitang/Seksiyon: _______________________________ Petsa:_______________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang
titik na tumutukoy sa tumpak na sagot. Isulat sa patlang bago ang bawat numero.

___1. Ang salitang ekonomiks ay galing sa salitang oikonomeia, isang salitang Griyego
na
ang ibig sabihin ay:
A. pamamahala ng negosyo. B. pakikipagkalakalan.
C. pamamahala ng tahanan. D. pagtitipid.

___2. Bilang isang agham panlipunan, gumagamit ng siyentipikong paraan sa pag-aaral


ng ekonomiks. Ibig sabihin nito ay:
A. Tinatanggap ang mga haka-haka lamang sa paggawa ng mga desisyon.
B. Naglilikom at nagsusuri ng mga datos o impormasyon upang makapagbigay
ng
lapat o angkop na kongklusyon.
C. Sapat na ang pansariling opinyon upang makabuo ng kongklusyon.
D. Ang sasabihin lamang ng mga suplayer ang siyang tama sapagkat sila ang
may
hawak ng puhunan.

___ 3. Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks bilang isang agham


panlipunan?
A. Maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming mahihirap.
B. Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa.
C. Mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita.
D. Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at
makapaglingkod sa ibang bansa.

___4. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan.


Ano sa palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng
kaalaman sa ekonomiks?
A. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa
kolehiyo.
B. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
C.Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang
Makatutulong sa iyo sa pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa
hinaharap.
D. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks
___5. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?
A. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning
pangkabuhayan na kinakaharap.
B. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakaimpluwensiya sa
kaniyang pagdedesisyon.
C. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga
suliraning pangkabuhayan.
D. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.

___6. Anong sangay ng Agham Panlipunan ang nag-aaral kung paano matutugunan ng
mga tao ang kanilang pangangailangan at kagustuhan kahit limitado lamang ang
pinagkukunang-yaman?
A. Antropolohiya B. Ekonomiks C. Heograpiya D. Sosyolohiya

___7. Sa pag-aaral ng ekonomiks, pangunahing batayan nito ang suliranin


nakakapusan. Bakit nararanasan natin ang kakapusan?
A. Ito ay dahil sa hindi tamang paggamit ng likas na yaman
B. Ito ay dahil sa masyadong malaki ang populasyon at kaunti lang ang
pinagkukunang-yaman
C. Ito ay dahil sa mapaminsalang kalamidad na nararanasan
D. Ito ay dahil sa walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga
tao kahit limitado ang pinagkukunang yaman.

___8. Mas pinili ni Fiona na mag-aral ng kanyang leksyon sa ekonomiks kaysa sa


manood ng KDrama ng mga oras na Iyon Anong salik ng matalinong
pagdedesisyon ang tumutukoy sa sitwasyon?
A. Incentives B. Marginal Thinking C. Opportunity Cost D. Trade-off

___9. Ngayong nasa Grade 9 na si Mergie ay lalo pa siyang ginanahang mag-aral ng


mabuti upang makakuha ng average grade na 90 pataas dahil sa pangakong
mamahaling cellphone ng kanyang mga magulang. Aling salik ng matalinong
pagdedesisyon ang inilalarawan sa sitwasyon?
A. Incentives B. Marginal Thinking C. Opportunity Cost D. Trade-off

___10. Nakaugalian na ni Ardie na pag-isipan muna nang mabuti ang pagdesisyon sa


isang bagay kung ito ba may pakinabang sa kanya o wala. Ang ginagawa ni Ardie
ay isang halimbawa ng anong konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
A. Incentives B. Marginal Thinking C. Opportunity Cost D. Trade-off

___11. Kahit masama ang pakiramdam ni Ariel ay pinilit pa rin niyang pumasok sa
paaralan dahil nanghihinayang siya sa maaari niyang matutunan na leksyon.
Ang sitwasyon ay isang halimbawa ng aling konsepto ng matalinong
pagdedesisyon?
A. Incentives B. Marginal Thinking C. Opportunity Cost D. Trade-off

___12. Ang suliranin sa kakapusan ay bahagi na ng buhay ng tao. Para maiwasan ang
paglala ng suliraning ito kailangang magdesisyon ang lipunan batay sa apat na
pangunahing katanungan pang-ekonomiko. Ang “tradisyunal na paraan o
paggamit ng teknolohiya” ay sumasagot sa aling katanungang pang-ekonomiko?
A. Anu-anong produkto o serbisyo ang gagawin?
B. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
C. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
D. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?

___13. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang pag-aralan mo ang ekonomiks?


A. Ito ay dahil sa magagamit mo ang iyong kaalaman sa paghahanap ng trabaho
sa hinaharap.
B. Ito ay dahil sa makatutulong ito upang maintindihan mo ang kalakaran sa
ekonomiya.
C. Ito ay dahil sa makatutulong ito upang mahubog ang iyong pag-unawa, ugali
at gawi na magagamit mo para
sa iyong kinabukasan at paghahanap-buhay sa hinaharap.
D. Ito ay dahil sa magagamit mo ito upang matulungan ang iyong pamilya sa
pagdedesisyon ng mga bagay bagay sa araw-araw.

___14. Bilang bahagi ng lipunan, paano makatutulong ang pag-aaral ng ekonomiks?


A. Nagagamit ang kaalaman sa pag-unawa ng napapanahong isyu sa politika.
B. Nakatutulong ito upang maintindihan ang mga mahahalagang usaping
pangekonomiya.
C. Nauunawan mo kung bakit maraming tao ang nagnenegosyo.
D. Naiintindihan mo ang sistema ng paghahanap-buhay, paggasta at
pagiimpok.

___15. Masaya si Lydia sa kanyang napiling baonan dahil maliban sa ito ay maganda at
mura, eco-friendly pa. Ang sitwasyon na ito ay isang halimbawa ng anong
konsepto
ng matalinong pagdedesisyon?
A. Incentives B. Marginal Thinking C. Opportunity Cost D. Trade-off

___16. Bakit kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng


pinagkukunang- yaman ng bansa?
A. Upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at
kapakinabangan mula rito.
B. Upang mas lumaki ang kita ang ekonomiya ng ating bansa at ng
mamamayan
nito.
C. Mas mapalawig ang yamang-likas ng isang bansa na kagaya ng ating
bansa.
D. Nararapat itong bigyang pansin dahil sa katotohanang may kakapusan na
umiiral.

___17. Alin sa sumusunod ang mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya?


A. Upang mas mapalawig ang kitang pang-ekonomiya ng ating bansa.
B. Upang makamit ang pinakamataas na kasiyahan at kapakinabangan mula
rito.
C. Upang makaagapay ang lipunan sa mga suliranin at kung paano episyenteng
magagamit ang pinagkukunang- yaman ng bansa.
D. Upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan
ng tao.

___18. Sa Market Economy, ito ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga
mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng
mga
prodyuser.
A. Likas-yaman B. Pamahalaan C. Presyo D. Prodyuser
___19. Sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa mundo, anong katangian
na nakapagbubukod-tangi sa sistemang mixed economy na siyang dahilan upang
ito ang ginagamit ng mas nakararaming bansa?
A. Ang pagkontrol ay alinsunod sa komprehensibong control at regulasyon ng
pamahalaan.
B. Ang anomang produkto na kanilang nalilikha ay ipamamahagi ayon sa
kanilang pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit.
C. Nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipagugnayan
sa
pamamagitan ng presyo at pangangasiwa ng gawain
D. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring
manghimasok o makialam ang pamahalaan sa mga usaping nauukol sa
pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan, at pagmamay-ari ng
estado.

___20. Ang sistemang pang-ekonomikong ito ay sumasagot sa unang katanungang pang-


ekonomiko batay sa puwersa ng pamilihan.
A. Traditional Economy B. Market Economy
C. Command Economy D. Mixed Economy

___21. Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong


kontrol
at regulasyon ng:
A. Konsyumer B. Pamahalaan C. Pamilihan D. Prodyuser

___22. Alin sa sumusunod ang may pinakawastong interpretasyon sa kasabihang,


“There
isn’t enough to go around. ” Ni John Watson Howe?
A. May limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito sa sapat sa
pangangailangan ng tao.
B. Ang walang pakundangan na paggamit ng pinagkukunang-yaman ay
hahantong sa kakapusan.
C. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga
pinagkukunang-yaman.
D. May Hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig.

___23. Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung
ikaw
ay kabilang sa market economy?
A. Wala sapagkat ang katungkulan ko sa ekonomiya nagmumula sa pamahalaan
batay sa plano.
B. Malaya akong makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang hindi
pinakikialaman ng pamahalaan.
C. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakikinabang sa
pinagkukunang yaman.
D. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may control pa rin sa
ilang mga gawain.

___24. Ang sistemang pang-ekonomiko ay sumasagot sa apat na pangunahing


pangekonomiko. Alin sa sumusunod ang kasagutan ng Traditional Economy sa
katanungang: Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?
A. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan.
B. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa utos ng pamahalaan
C. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa tradisyon, kultura at
paniniwala
D. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan
at pamahalaan

___25.Piliin sa sumusunod ang tamang paraan ng pagpapasya ng market economy.


A. Nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.
B. Ang pamahalaan ang may ganap na kapangyarihan upang makamit ang mga
layuning pang-ekonomiya.
C. Hinahayaan ang pamilihan subalit maaaring manghimasok ang pamahalaan.
D. Alinsunod sa pansariling interes ng nagtitinda at mamimili.

___26. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na may naiibang katangian ang lupa
bilang
salik ng produksyon?
A. tinataniman ng mga magsasaka
B. patayuan ng mga imprastraktura
C. itinuturing ito na fixed o takda ang bilang
D. pinagmumulan ito ng mga input sa produksyon

___27. Ang produksyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng:


A. paggamit ng mga hilaw na sangkap
B. pagtayo ng mga pabrika
C. pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output o produkto
D. pagkamalikhain ng mga manggagawa

___28. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kabayaran sa paggamit ng capital sa


proseso
ng produksyon?
A. interes B. kita C. pera D. regalo

___29. Paano nakakatulong ang paggamit ng makinarya sa produksyon?


A. maraming hilaw na sangkap ang magagamit
B. maraming output ang mabubuo
C. mas magiging mabilis ang paglikha ng mga produkto
D. matutugunan ang pangangailangan ng mga konsyumer

___30. Ang isang entrepreneur ay itinuring bilang “Kapitan ng Negosyo”. Ang


sumusunod
ay katangiang taglay niya MALIBAN sa:
A. puno ng inobasyon
B. maging malikhain
C. may kakayahang magpatupad ng presyo sa pamilihan
D. handang makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo

___31. Paano mo patunayan na kakambal ng paggawa ang kapital?


A. paggawa at kapital ay parehong salik ng produksyon
B. kaakibat ng lakas at galing sa paggawa ang kalidad at dami ng capital
C. teknolohiya na gawa ng tao ay magagamit rin bilang kapital
D. magkapareho ang dami ng manggagawa at kapital sa pagnenegosyo

___32. Bakit itinuring ang lupa na pangunahing salik ng produksyon?


A. pinagmulan ito ng lahat ng produktong ibinenta sa pamilihan
B. dito nagmumula ang raw materials na kinakailangan sa pagbuo ng bagong
produkto
C. mas malawak ang sukat ng lupaing tinataniman
D. ito ay patayuan ng mga imprastraktura na kailangan sa produksyon

___33. Ito ay nanggagaling sa kakayahan at kasanayan ng isang taong nagtatrabaho.


A. capital B. lupa C. paggawa D. produksyon

___34. Alin sa sumusunod ang kita ng entrepreneur matapos magtagumpay sa


pakikipagsapalaran sa negosyo?
A. interes B. sahod C. subsidy D. tubo o profit

___35.Ang input ay mga salik na ginamit sa pagbuo ng produkto. Sa nabuong output na


“mesa at silya”, alin sa sumusunod ang mga input nito?
A. kagamitan, makinarya, manggagawa
B. kahoy, kagamitan, makinarya
C. kagamitan, makinarya, manggagawa, kahoy
D. tabla,makinarya, teknolohiya

___36.Sa pang araw-araw na buhay ng mga tao ay may pagkonsumo. Alin sa mga
pahayag
sa ibaba ang nagpapatunay sa pagkakaiba ng produksyon at pagkonsumo?
A. Ang produksyon ay pagproseso ng produkto at ang pagkonsumo ay paggamit
ng produkto.
B. Nililikha ang produkto sa produksyon, samantala ginagamit ito sa
pagkonsumo.
C. Ang produksyon ay proseso ng pagsasama-sama ng mga salik upang
makabuo
ng produkto at ang pagkonsumo ay pagbili at paggamit ng produkto na
magbibigay ng kapakinabangan sa tao.
D. Sa produksyon maraming produktong bibilhin samantala sa pagkonsumo
nasisiyahan ang mga tao sa pagbili ng produkto.

___37.Ang taglay na talino at kakayahan ng tao ay mahalaga. Ano ang materyal na gawa
ng tao na ginagamit sa produksyon?
A. malawak na lupain B. libo-libong binhi ng prutas
C. makinarya at teknolohiya D. maayos na daan at tulay

___38.Ang pahayag na kung saan napakahalaga ng inobasyon para sa isang


entrepreneur
dahil magaganap ang patuloy na pagbabago sa kaniyang mga likhang produkto ay
ideya ni, isang ekonomista ng ika-20 siglo.
A. Abraham Harold Maslow B. Edward Denison
C. Joseph Schumpeter D. Upton Sinclair

___39.Sa apat na salik ng produksyon, ito ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng


bagong produkto.
A. enterprise B. capital C. lupa D. paggaw
___40.Saan nanggagaling ang lupa, lakas paggawa, kapital at kakayahang
entrepreneurbilang mga salik ng produksyon?
A. bahay-kalakal B. industriya C. pamahalaan D. sambahayan

___41.Sa produksyon, nagaganap ang transpormasyon ng mga raw materials sa pagbuo


ng bagong produkto sapamamagitan ng kahusayan at sipag ng mga
A. kapitalista B. landlord C. manggagawa D. opisyales
___42.Bakit may malaking ginagampanan ang mga manggagawa sa ating pang araw-
araw
na pamumuhay?
A. Sila ang tagaproseso upang makabuo ng produkto.
B. Sila ang kumukuha ng mga hilaw na sangkap.
C. Ang kanilang paggawa ng mga produkto ay tumutugon sa pangangailangan
ng
mga tao.
D. Ang kanilang paglilingkod ay ipinagkaloob sa mga tao.

___43.Ang mga manggagawang may kakayahang mental o may “white collar job” ay mas
ginagamit ang kanilang isip kaysa lakas ng katawan sa paggawa, samantala ang
mga manggagawang may kakayahang pisikal o may “blue collar job”
A. ginagamit ang lakas ng katawan lamang
B. mas ginagamit ang lakas ng katawan na sinasabayan ng angking kakayahan
sa kanilang paggawa
C. kakayahan at talino ng mga manager, doctor, inhinyero
D. nagtatrabaho sa malalaking kompanya

___44.Ito ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng


isang
negosyo.
A. business outsourcing B. entrepreneur C. entrepreneurship D. online
business

___45.Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng kahalagahan ng produksyon sa


pang araw-araw na pamumuhay?
A. Ang produksyon ay lumilikha ng trabaho.
B. Ang mga kinita mula sa bawat salik ng produksyon ay nagagamit ng
sambahayan sa pagbili ng produkto at serbisyo.
C. Ang produksyon ay pinagmumulan ng mga produktong kailangang ikonsumo
sa pang araw-araw.
D. Ang pagkonsumo ay nagbibigay-daan sa produksyon ng produkto at
serbisyo,
kaya dahil dito masasabing mas mahalaga ang produksyon kaysa sa
pagkonsumo
___46. Bakit nagkakaiba ang paraan at dahilan ng pagkonsumo?
A. Maraming kalagayan ang isinasaalang-alang
B. Magkakaiba ang katangian ng mga nakakaapekto dito
C. Magkakaiba ang pangangailangan ng tao
D. Hindi tiyak ang pangyayari sa lipunan

___47. Sa anong salik na nakakaapekto sa pagkonsumo napapabilang ang mga


kalamidad?
A. Demostration Effect B. Kita C. Mga Inaasahan D. Pagkakautang

___48. Alin sa sumusunod ang nagsasaad na ang tao ay hindi naapektuhan ng


demonstration effect?
A. Hindi sumusunod sa uso
B. Nahuhumaling sa suot ng mga artista
C. Binibili ang mga napapanahong gamit
D. Suportado ang mga ini-endorso nga paboritong artista

___49. Bakit nakakaapekto ang pagkakaroon ng utang sa pagkonsumo ng tao?


A. Lumulubo ang kanyang utang kapag hindi nababayaran
B. Tumataas ang kanyang kakayahang makabili ng produkto
C. Nababawasan ang kanyang kakayahan na makabili ng produkto
D. Kakaunti ang naiipon sa pera mula sa kita

___50. Kapag pinag-uusapan ang pagkonsumo, bakit mas mainam na kaunti ang utang?
A. Walang naniningil kapag nakatanggap ng sahod
B. Lumalaki ang ipon sa bangko
C. Walang utang na kailangang bayaran
D. Tumataas ang kakayahang kumonsumo

Checked by:

MALOU L. MAIQUE
JHS/ARALPAN Coordinator Noted by:

CHARLITA L. NICOLAS
SIC/MT-1

Republic of the Philippines


Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Surigao del Norte
District of Malimono
CANTAPOY NATIONAL HIGH SCHOOL
Cantapoy, Malimono, Surigao del Norte

UNANG MARKAHAN
Araling Panlipunan 9

ANSWER KEY

1.C 31C
2.B 32.B
3.B 33.B
4.C 34.D
5.D 35.C
6.B 36.C
7.D 37.B
8.B 38.C
9.B 39.B
10.D 40.D
11.A 41.C
12.B 42.B
13.C 43.C
14.B 44.B
15.C 45.D
16.D 46.C
17.B 47.C
18.B 48.B
19.C 49.C
20.C 50.D
21.C
22.A
23.D
24.B
25.A
26.C
27.C
28.A
29.C
30.C

You might also like