You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA REGION XIII
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL NORTE
CANTAPOY NATIONAL HIGH SCHOOL

Unang Markahan sa Komunikasyon at Pananaliksik


sa Wika at Kulturang Pilipino 11
Taong Panuruan 2023-2024

Pangalan:________________________________________________ Petsa:_________________________
Baitang/Pangkat: ________________________________________ Puntos: ______________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa
inilaang patlang ang inyong sagot. Titik lamang ang isulat.

_____1. Ito ang ginagamit bilang midyum sa pagtuturo mula Kindergarten hanggang ikatlong
baitang.
A. Wikang Ingles C. Wikang Espanyol
B. Wikang Tagalog D. Unang Wika o Mother Tongue

_____2. Tahasan itong binubuo ng dalawang panig: isang nagsasalita at isang nakikinig na kapwa nakikinabang nang
walang lamangan.
A. Komunikasyon B. Mensahe C. Nagsasalita D. Nakikinig

_____3. Isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon na mula sa pinagsama-samang


makabuluhang tunog, simbolo, at tuntunin ay nabubuo ang mga salitang nakapagpapahayag ng kahulugan o kaisipan.
A. Mensahe B. Komunikasyon C. Wika D. Opinyon

_____4. Salitang Latin na nangangahulugang “dila” at “wika”.


A. Lingua B. Lengguwahe C. Langue D. Language

_____5. Siya ang lingguwista at propesor na nagbigay pagpapakahulugan sa wika bilang masistemang balangkas ng
mga tunog na pinili at isinaayos sa pamaraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura.
A. Paz, Hernandez, at Peneyra C. Charles Darwin
B. Henry Allan Gleason,Jr. D. Norberto Romualdez

_____6. Ito ang sangay na itinatag sa bisa ng Batas Komonwelt Blg.184 na naatasang magsagawa ng pag-aaral kung
alin sa mga umiiral na wika at wikain sa bansa ang dapat maging batayan ng ating wikang Pambansa.
A. Surian ng Wikang Pambansa C. MTB-MLE
B. Wikang Opisyal D. Wikang Panturo

_____7. Siya ang pangulo ng bansang sumusog sa mungkahing ibatay ang wikang Pambansa sa
isa sa mga umiiral nawika o wikain sa ating bansa.
A. Manuel L. Quezon B. Lope K. Santos C. Cory Aquino D. Jose E. Romero

_____8. Naniniwala siyang ang wika ay hindi tunay na likas sapagkat ang bawat wika raw ay kailangan munang pag-
aralan bago matutuhan.
A. Paz, Hernandez, at Peneyra C. Charles Darwin
B. Henry Allan Gleason,Jr. D. Norberto Romualdez

Address: Cantapoy, Malimono, Surigao del Norte


Email add:cantapoynhs.malimonosdn@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
CARAGA REGION XIII
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL NORTE
CANTAPOY NATIONAL HIGH SCHOOL
_____9. Ito ang wikang naging batayan ng wikang Pambansa dahil ito ay tumugma sa mga pamantayang binuo ng
sangay na nagsuri sa iba’t ibang wika o diyalekto sa bansa.
A. Waray B. Tagalog C. IngleS D. Cebuano

_____10. Siya ang dating Kalihim ng Edukasyon na nagpalabas ng kautusang pangkagawarang nagsasaad na mula
Tagalog ay Pilipino na ang itatawag sa ating wikang Pambansa.
A. Jose E. Romero C. Armin Luistro
B. Norberto Romualdez D. Lope K. Santos

_____11. Sa probisyong pangwika ng Saligang Batas na ito unang nagamit ang Filipino bilang wikang Pambansa.
A. Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksiyon 3, blg. 2
B. Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 6
C. Saligang Batas ng 1935, Artikulo XIV, Seksiyon 3
D. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134

_____12. Siya ang kalihim ng DepEd na nangunguna sa pagtataguyod ng mga pagbabagong dala ng K to 12
kurikulum.
A. Jose E. Romero C. Armin Luistro
C. Norberto Romualdez D. Lope K. Santos

_____13. Ito ang bilang ng mga wika at diyalektong pinangalanan ng DepEd upang gamitin sa pagtuturo ng mga mag-
aaral mula kindergarten hanggang Grade 3 noong 2013.
A. 12 B.19 C. 7 D. 28

_____14. Ang lahat na nabanggit ay ang tawag sa wikang nakagisnan mula sa pagsilang. Maliban sa isa.
A. Unang Wika C. Katutubong Wika
B. Mother Tongue D. Pangalawang Wika

_____15. Ito ang wikang may simbolong L3 na natututuhan ng isang tao habang lumalawak ang kanyang
ginagalawang mundo dahil ito’y isa ring wikang nagagamit sa maraming pagkakataon sa lipunan.
A. Unang Wika C. Ikatlong Wika
B. Pangalawang Wika D. Ikaapat na Wika

_____16. Ito ang wikang natutuhan kasunod ng unang wika. Ito kasi ang karaniwang wikang nagagamit sa kapaligiran
ng sariling tahanan.
A. Unang Wika C. Ikatlong Wika
B. Pangalawang Wika D. Ikaapat na Wika

_____17. Patakaran ito kung saan dalawang opisyal na wika ang gagamitin sa pagtuturo ng mga
asignatura sa paaralan.
A. Bilingguwalismo C. Monolingguwalismo
B. Balanced Bilingual D. Multilingguwalismo

_____18. Ito ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika lamang bilang wika ng edukasyon, wika
ng komersiyo, wika ng negosyo, wika ng pakikipagtalastasan, at ng pang-araw-araw na buhay sa isang bansa.
A. Bilingguwalismo C. Monolingguwalismo

Address: Cantapoy, Malimono, Surigao del Norte


Email add:cantapoynhs.malimonosdn@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
CARAGA REGION XIII
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL NORTE
CANTAPOY NATIONAL HIGH SCHOOL
B. Bilingual Education D. Multilingguwalismo

_____19. Sa patakarang ito ay gagamitin ang unang wika bilang wikang panturo at bilang hiwalay na asignaturang
pangwika samantalang ituturo din ang Filipino at Ingles bilang mga hiwalay na asignatura.
A. Bilingguwalismo C. Monolingguwalismo
B. Bilingual Education D. Multilingguwalismo

_____20. Ang mga ito ang dalawang opisyal na wika sa ating bansa ayon sa itinadhana ng ating
Saligang Batas ng 1973.
A. Ingles at Filipino C. Bisaya at Ingles
B. Filipino at Cebuano D. Filipino at Bisaya

_____21. Ang tawag sa barayti ng wika kung saan ang wikang pidgin ay naging likas na wika o unang wika na ng
batang isinilang sa komunidad.
A. Dayalek B. Creole C. Register D. Etnolek

_____22. Ang wikang puro at walang kahalong anumang barayti. Sinasabing walang buhay na wika ang ganito
sapagkat kailanman ay hindi maaaring maging pare-pareho ang pagsasalita ng lahat ng gumagamit ng isang wika.
A. Heterogenous B. HomogenousC. Dayalek D. Idyolek

_____23. Barayti ng wikang nangyayari kapag may dalawang taong nagtatangkang mag-usap
subalit pareho silang may magkaibang unang wika at di nakakaalam sa wika ng isa’t isa.
A. Dayalek B. Idyolek C. Register D. Pidgin

_____24. Katangian ng wikang nagpapakitang ito’y hindi maaring maging puro sapagkat ang bawat wika ay binubuo
ng iba’t ibang barayti dala na rin ng mga salik panlipunang nagiging dahilan sa pagkakaiba-iba ng mga ito.
A. Heterogenous B. HomogenousC. Dayalek D. Idyolek

_____25. Ito ang barayti ng wika kung saan lumulutang ang personal na katangian at kakayahang natatangi ng
taong nagsasalita.
A. Heterogenous B. HomogenousC. Dayalek D. Idyolek

_____26. Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa
sitwasyon at sa kausap.
A. Dayalek B. Idyolek C. Register D. Pidgin

_____27. Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang
partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan.
A. Heterogenous B. HomogenousC. Dayalek D. Idyolek

_____28. Sa barayting ito ng wika nakabatay ang pagkakaiba-iba sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong
sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
A. Sosyolek B. Dayalek C. Etnolek D. Idyolek

_____29. Ito ang tawag sa wika ng mga bakla o beki na nagsimula bilang sikretong wika subalit kalauna’y ginagamit
na rin ng nakararami.

Address: Cantapoy, Malimono, Surigao del Norte


Email add:cantapoynhs.malimonosdn@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
CARAGA REGION XIII
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL NORTE
CANTAPOY NATIONAL HIGH SCHOOL
A. Conyospeak B. Gay Lingo C. Jejespeak D. Jargon

_____30. Ito ang barayti ng wikang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.
A. Sosyolek B. Dayalek C. Etnolek D. Idyolek

_____31. Ito ay barayti ng sosyolek na may ilang salitang Ingles na inihahalo sa Filipino.
A. Conyospeak B. Gay Lingo C. Jejespeak D. Jargon

_____32. Barayti ng sosyolek na nakabatay sa rin sa wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat nang may pinaghalo-
halong numero, mga simbolo, at may magkasamang malalaki at maliliit na titik kaya’t mahirap basahin o intindihin.
A. Conyospeak B. Gay Lingo C. Jejespeak D. Jargon

_____33. Ito ay barayti ng sosyolek na tumutukoy sa mga natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat na
makapagpapakilala sa kanilang trabaho o gawain.
A. Conyospeak B. Gay Lingo C. Jejespeak D. Jargon

_____34. Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol ng ugali o asal ng ibang tao.
A. Instrumental B. Regulatoryo C. Interaksiyonal D. Personal

_____35. Ang tungkuling ito ay tumutukoy sa pagpapahayag ng sariling opinion o kuro-kuro sa paksang pinag-
uusapan.
A. Instrumental B. Regulatoryo C. Interaksiyonal D. Personal

_____36. Tumutukoy ito sa pagkuha o paghahanap ng impormasyon na may kinalaman sa paksang pinag-aaralan.
A. Interaksiyonal B. Personal C. Heuristiko D. Impormatibo

_____37. Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba.
A. Instrumental B. Regulatoryo C. Interaksiyonal D. Personal

_____38. Ito ang paraan ng pagbabahagi ng wikang lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng
komento sa isang kodigo o batas.
A. Poetic B. Metalingual C. Referential D. Phatic

_____39. Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay,
at iba pa.
A. Poetic B. Metalingual C. Referential D. Phatic

_____40. Paraan ng pagbabahagi ng wika na tumutukoy sa pagpapahayag ng mga saloobin, damadamin, at emosyon.
A. Emotive B. Conative C. Phatic D. Poetic

_____ 41. Ang wika raw ay nagmula sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog na nilikha ng mga hayop.
A. Teoryang Ding Dong C. Teoryang Ta-Ta
B. Teoryang Pooh-Pooh D. Teoryang Bow-Wow

_____42. Batay sa teoryang ito, nagmula raw ang wika sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog sa
kalikasan.

Address: Cantapoy, Malimono, Surigao del Norte


Email add:cantapoynhs.malimonosdn@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
CARAGA REGION XIII
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL NORTE
CANTAPOY NATIONAL HIGH SCHOOL
A. Teoryang Ding Dong C. Teoryang Ta-Ta
B. Teoryang Pooh-Pooh D. Teoryang Bow-Wow

_____ 43. Ayon sa teoryang ito may koneksiyon ang kumpas o galaw ng kamay ng tao sa paggalaw ng dila.
A. Teoryang Ding Dong C. Teoryang Ta-Ta
B. Teoryang Pooh-Pooh D. Teoryang Bow-Wow

_____44. Nagmula raw ang wika sa mga salitang namutawi sa mga bibig ng sinaunang tao nang
makaramdam sila ng masisidhing damdamin tulad ng tuwa, galit, sakit, sarap, kalungkutan, at pagkabigla.
A. Teoryang Ding Dong C. Teoryang Ta-Ta
B. Teoryang Pooh-Pooh D. Teoryang Bow-Wow

_____45. Nagmula raw ang wika sa pagsasama ng mga tao kapag nagtatrabaho o nagtitipon-tipon.
A. Teoryang Ding Dong C. Teoryang Ta-Ta
B. Teoryang Pooh-Pooh D. Teoryang Yo-he-ho

_____46. Siya ang “Ama ng Wikang Pambansa”


A. Fidel V. Ramos C. Francisco “Balagtas” Baltazar
B. Ramon Magsaysay D. Manuel L. Quezon

_____47. Ang ating mga ninuno ay nakatuklas ng sarili nilang paraan ng pagsulat at pagbasa-----
ang bayabayin. Nang dumating ang mga Espanyol ay sinunog nila ang mga ito. Ano ang sanhi ng pagsunog nila dito?
A. Labis na pagkamuhi ng mga Espanyol sa mga katutubo. Gusto nilang buwagin ang simbolo ng
pagkakaisa ng mga ito.
B. Mahirap unawain at pag-aralan ang baybayin. Hindi sila magkakaunawaan kung ito ang gagamitin.
C. Ayon sa kanila ito raw ay gawa ng diyablo, pero ang totoo naisip nilang makahahadlang ito sa
pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
D. Hindi nag-usap ang ating mga ninuno.

_____48. Noong panahon ng mga Espanyol ay ginamit ang wikang katutubo sa pakikipag-usap sa mga mamamayan.
Ano ang sanhi?
A. Naniniwala ang mga Espanyol na mas mapapalaganap nila ang pananampalataya kung wikang
nauunawaan na mga katutubo ang gagamitin.
B. Nabatid ng mga Espanyol na mas maganda pala ang wikang katutubo kaysa sa kanilang wika.
C. Nagduda ang mga Espanyolsa kakayahan ng mga katutubong matuto ng bagong wika.
D. Walang isang wikang nanaig sa bansa.

_____49. Kagustuhan ng mga Espanyol na maging epektibo ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Ano ang ibinunga
nito?
A. Ang mga misyonerong Espanyol ay kumuha ng mga tagasalin upang makipag-
ugnayan sila sa mga katutubo.
B. Ang mga misyonerong Espanyol mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo.
C. Ipinaglaban ng mga misyonerong Espanyol ang paggamit ng wikang Espanyol.
D. Nahirapang makipagkalakalan ang ating mga ninuno.

_____50. Ano ang ibinunga ng pagsibol ng kaisipang “isang bansa, isang diwa”?

Address: Cantapoy, Malimono, Surigao del Norte


Email add:cantapoynhs.malimonosdn@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
CARAGA REGION XIII
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL NORTE
CANTAPOY NATIONAL HIGH SCHOOL
A. Gumawa ng batas ang mga Espanyol na gawing wikang pambansa ang Tagalog
B. Pinilit ng mga manghihimagsik na pag-aralan ang wikang Espanyol.
C. Nabatid ng mga manghihimagsik na ang wika ay malaking bahagi upang mapagbuklod ang mga
kababayan nila
D. Maraming mga Pilipino ang naging matindi ang damdaming nasyonalismo.

Ipinasa ni:

Rhonabie Mindajao Maaño-Senaca


Guro sa Asignatura

Sinusuri ni: Noted by:

Charess D. Rustia Charlita L. Nicolas


SHS Gr. 11-Coordinator SIC/MT-I
Susi sa Pagwawasto
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan

1. D 26. C
2. A 27. C
3. C 28. A
4. A 29. B
5. B 30. C
6. A 31. A
7. A 32. C
8. C 33. D
9. B 34. B
10. A 35. D
11. A 36. C
12. C 37. A
13. B 38. B
14. D 39. A
15. C 40. A
16. B 41. D
17. A 42. A
18. C 43. C
19. B 44. B
20. A 45. D
21. B 46. D
22. B 47.C
23. D 48. A
Address: Cantapoy, Malimono, Surigao
49. Cdel Norte
24. A add:cantapoynhs.malimonosdn@gmail.com
Email
25. D 50. C

You might also like