You are on page 1of 2

FERMIN TAYABAS NATIONAL HIGH SCHOOL

CABAYUGAN, CALAPE, BOHOL

LAGUMANG PAGSUSULIT BILANG 1 (UNANG MARKAHAN: MODYUL 1 AT 2)


KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Pangalan: _____________________________________ Petsa: Setyembre 24, 2021

Taon at Seksyon: _________________ Iskor: ___________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang pinakaangkop na sagot. Titik lamang ang
isulat sa puwang bago ang bilang. (24 items)

___1. Wikang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.


A. Pangalawang wika B. Unang wika C. Wikang opisyal D. Wikang panturo

___2. Opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.


A. Pangalawang wika B. Unang wika C. Wikang opisyal D. Wikang panturo

___3. Ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao.
A. Pangalawang wika B. Unang wika C. Wikang opisyal D. Wikang panturo

___4. Ito ang wikang may simbolong L3 na natututuhan ng isang tao habang lumalawak ang kanyang
ginagalawang mundo dhil ito’y isa ring wikang nagagamit sa maraming pagkakataon sa lipunan.
A. Ikatlong wika B. Pangalawang wika C. Unang wika D. Wikang opisyal

___5. Ito ang wikang natutuhan kasunod ng unang wika sapagkat ito ang karaniwang wikang nagagamit sa
kapaligiran ng sariling tahanan.
A. Ikatlong wika B. Pangalawang wika C. Unang wika D. Wikang opisyal

___6. Ayon sa Saligang Batas ng 1987, ang wikang opisyal ng ating bansa ay ____________.
A. Filipino B. Ingles C. Filipino at Ingles D. Filipino at Cebuano

___7. Alinsunod sa Saligang Batas ng 1987, ang mga wikang ito ang itinuturing na pantulong na wikang opisyal at
wikang panturo.
A. Wikang Pambansa B. Filipino at Ingles C. Filipino at Cebuano D. Wikang Panrehiyon

___8. Sa Kurikulum na K-12, anong wika ang gagamiting panturo ng paaralan para sa mga mag-aaral sa kinder
hanggang ikatlong baitang?
A. Unang Wika B. Ikalawang Wika C. Ikatlong Wika D. Pambansang
Wika

___9. Ang wika ay nakakaranas ng pagbabago sapagkat ito ay buhay, mapanlikha at inovativ.
A. arbitraryo B. dinamiko C. ginagamit D. masistemang balangkas

___10. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa pambansang wika na Filipino bilang de facto?
A. Ang Filipino ang aktuwal na ginagamit at tinatanggap ng karamihan sa mga mamamayang Pilipino.
B. Ang Filipino ang legal at naaayon sa batas bilang wikang pambansa ng Pilipinas.
C. A at B
D. Wala sa nabanggit.

___11. Nakasaad sa Artikulong ito ng Konstitusyong 1987 na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Habang
nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.
A. Artikulo XVI, Seksyon 6 C. Artikulo XIV, Seksyon 6
B. Artikulo XVI, Seksyon 5 D. Artikulo XIV, Seksyon 5

___12. Ilang lokal na wika at diyalekto ang itinadhana ng DepEd na magamit para sa MTB-MLE noong unang taon ng
pagpapatupad ng K-12?
A. 12 B. 14 C. 16 D. 19

___13. Ito ang kakayahan ng isang taong makapagsalita ng dalawang wika.


A. Monolingguwal B. Bilingguwal C. Multilingguwal D. Wala sa nabanggit

___14. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang indibiduwal na makapagsalita at makaunawa ng iba’t ibang wika.
A. Monolingguwal B. Bilingguwal C. Multilingguwal D. Wala sa nabanggit

___15. Ito ang patakaran kung saan dalawang opisyal na wika ang gagamitin sa pagtuturo ng mga asignatura sa
paaralan.
A. Bilingual Education B. MTB-MLE C. Konstistusyon 1987 D. Monolingual Education

___16. Sa patakarang ito ay gagamitin ang unang wika bilang wikang panturo at bilang hiwalay na asignaturang
pangwika samantalang ituturo din ang Filipino at Ingles bilang hiwalay na asignatura.
A. Bilingual Education B. MTB-MLE C. Konstistusyon 1987 D. Monolingual Education

___17. Ito ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika lamang bilang wika ng edukasyon, wika ng komersiyo, wika ng
negosyo, wika ng pakikipagtalastasan, at ng pang-araw-araw na buhay sa isang bansa.
A. Monolingguwalismo B. Bilingguwalismo C. Multilingguwalismo D. Konstitusyon 1987

___18. Ito ang sinasabing bilang ng wika at wikaing umiiral sa ating bansa.
A. 180 B. 170 C. 160 D. 150

___19. Sa pamamagitan nito, ipinatupad sa Pilipinas ang multilingguwal na edukasyon.


A. DepEd Order 16, s. 2011 C. DepEd Order 17, s. 2011
B. DepEd Order 16, s. 2012 D. DepEd Order 17, s. 2012

___20. Ayon sa UNESCO (2013), ano ang kailangang gawin upang matugunan ang suliranin sa pagiging esklusibo ng
edukasyon para sa iilan?
A. Sanayin ang mga mag-aaral sa pasasalita at paggamit ng Wikang Ingles kaysa sa sariling wika.
B. Buuin ang sistemang pang-edukasyong mataas ang kalidad at may pagpapahalaga sa kultura at wika ng mag-aaral.
C. Linangin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng kinagisnang wika bago ang ibang wika.
D. Sikaping makapagtamo ang bawat mag-aaral ng pantay at kalidad na edukasyon kahit ano pa man ang kanilang
pinagmulan at estado.

___21. Bawat bansang may sariling wika ay may napagkasunduang sistema sa paggamit ng wika.
A. arbitraryo B. dinamiko C. may sariling kakanyahan D. pinili at isinasaayos

___22. Ayon sa Philippine Census (2000), ilang bahagdan ng kabuuang populasyon ng Pilipinas ang nakauunawa at
nakapagsasalita ng wikang Filipino?
A. 80% B. 70% C. 75% D. 85%

___23. Sa taong 2013, ilang lokal na wika ang nadagdag at ginamit sa programang MTB-MLE?
A. lima B. anim C. pito D. walo

___24. “Si Berto ay lumaki sa Cebu subalit noong siya ay sampung taong gulang, lumipat ang kanilang pamilya sa
Maynila. Doon na rin siya nag-aral sa isang internasyunal na paaralan at natuto ng iba’t ibang wika gaya ng Inlges,
Espanyol at Mandarin.” Ano ang pangalawang wika ni Berto?
A. Cebuano B. Ingles C. Filipino D. Espanyol

“Kasali sa pag-aaral ang tamang ugali at pagiging matapat sa lahat ng sandali.”

Good luck and God Bless! 😊

You might also like