You are on page 1of 2

KWENTONG BAYAN

Ano ang Kwentong Bayan?

1. Ang kuwentong bayan ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na
kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na
lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang
tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito.

2. Ang kwentong bayan ay ang mga kwentong galing sa ating bayan. Ito ay mga kwentong
napasalin-salin sa iba't ibang tao na napapatungkol sa kwento ng ating bayan. Galing pa ito
sa mga nakakatanda hanggang napasalin sa mga henerasyon. Lahat ng bansa ay may
sariling kwentong bayan.

3. Ang kuwentong bayan ay isang maikling salaysay na nagpalipat-lipat sa salinlahi sa


pamamagitan ng mga bibig. Binubuo ito ng mga alamat at pabula. Halimbawa ng mga
salaysay nito ay tungkol sa bayani at mga kwentong tungkol sa kaugalian at tradisyon ng
isang pook, tribu, bayan o mga bansa.

ANG PILOSOPO (KUWENTONG BAYAN NG MGA MARANAO)

Noon ay may isang bayan kung saan ang mga mamamayan ay naging sunud-sunuran dahil
sa takot sa batas. Isang araw, napagpasiyahang mamasyal ng kanilang pinunong si Abed sa
bawat bahay ng kaniyang nasasakupan upang kaniyang makita kugn sino ang mga
nagugutom at naghihirap upang ito ay kanyang matuungan.

Napansin ni Subekat na naglalakad si Abed araw-araw upangmamigay ng pagkain sa mga


naghihirap. Kaagad itong kumuha ng bato at isinalang sa kalan upang mabigyan ng pagkain.
Dumating si Abed sa kubo at binati nito si Subekat.

Tumingin sa paligid si Abed at nakita niya ang kaldero na mayroong nilagang bato. Sinabi
ni Subekat na kunini niya kinaumagahan ang kaniyang parte dahil maryoong itinabi para sa
kanya.

Isang araw, nagkaroon ng pagtitipon ang mga tao upang magdasal ng dhubor
(pangtanghaliang pagdarasal). Matapos nito ay tinanong ni Abed kung sino ang wala sa
kaniyang mga nasasakupan. Sinabi nilang wala si Subekat. Pagkatapos nito ay ipinina-alam
ni Abed sa mga tao na siya ay aalis upang magsuri ng lupa dahil kakaunti na lamang ang
mattitrang bakante para sa susunod na henerasyon.

Nang papaalis na siya, dumating si Subekat at sinabing sasama ito. Sinabi ni Abed na
maaring sumama si Subekat kahit hindi pa ito nagdasal. Pag-alis nila, napagtanto ni Abed
kung kasama ba talaga si Subekat o hindi.

Hinabilin ni Abed sa bawat isa na magdala ng bato na tamang-tama ang bigat sa kanila.
Nagdala si Subekat ng batong singlaki ng kaniyang hinlalaking daliri.

Matapos ang mahabang paglaakbay, nagpahinga ang pangkat at naghugas upang magdasal.
Hindi sumama si Subekat.

Pagkatapos magdasal ay iniutos ni Abed na buksan ang kanilang baon. Nang mabuksan nila
ito, naging tinapay ang lahat ng dala nilang bato. Si Subekat na ang dala ay napakaliit na
bato ay nagutom dahil sa liit ng kaniyang tinapay.

Nang paalis na sila, sinabi ulit ni Abed na bawat isa ay magdala ng maliit lamang na bato,
sumunod ang lahat bukod kay Subekad na nagdala ng malaking bato.

Nang makarating na sila sa kanilang paroroonan, sinabi ni Abed na ihagis ng bawat isa sa
kanila ang bato at ito ang lupang matatamo ng bawat isa. Si Subekat ay nagkaroon lamang
ng lupang sinlaki ng bilao dahil hindi niya maihagis ang kaniyang bato.

Doon lamang nahulugan ng bato ang kanyang nakuhang lupa. Nalungkot si Subekat sa
kaniyang nakuhang lupa. Dahil dito sinabi ni Abed sa kaniya na hindi ito sumusunod sa
patakaran. Sainbi pa nito na dahil siya ay suwail, wala siyang magandang kinabukasan.

Ebalwayon:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan gamit ang kompletong pangungusap.
1. Ilarawan ang tagpuan o bayan ng kuwento.
Ano ang katangian ng mga taong naninirahan dito?
2. Sino si Subekat?
Ano ang pagkakaiba nya sa ibang mga naninirahan doon?
3. Ano ang suliraning kinakaharap ng bayan?
4. Bakit isinama ni Abed si Subekat sa kanilang paglalakbay?
5. Anu-ano ang tuntuning sinabi ni Abed sa kaniyang mga kasama sa kanilang
paglalakbay?
6. Ano ang kinahantungan ng hindi pagsunod ni Subekat sa mga alituntunin?
7. Ano ang moral na leksyon na mapupulot sa kuwento? Ipaliwanag.

You might also like