You are on page 1of 5

Kaibahan ng Salawikain at Sawikain

Ano ang Kaibahan ng Salawikain at Sawikain?

Ang Salawikain at Sawikain ay bahagi na ng kulturang Pilipino. Ang mga ito ay kabilang na sa mga pinakamatandang
kasabihan at pahayag ng damdamin, kaisipan at mga ninanis sa buhay na nalinang at ginagamit mula pa sa sinaunang
panahon hanggang sa kasalukuyan. Masasabi nating ang mga ito ay kasama na sa matatawag nating kayamanan ng
kulturang Pilipino. Ang mga Salawikain at Sawikain ay mga hiyas ng ating wika, mga salita ng ating mga sinaunang
ninuno na naipamana sa sumunod na mga henerasyon. Ang mga ito ay nagtataglay ng karunungan at kaalaman sa
tradisyonal na kulturang Pilipino.

Marami ang nalilito kung ano ang kaibahan ng salawikain at sawikain. Dahil dito, ninanais kong ipaliwanag ang konting
kaibahan ng dalawa.

Ang Salawikain (Philippine Proverb) ay pangungusap ma nakugalian nang sabihin at nagsisilbing batas at tuntunin ng
kagandahang asal ng tao. Ito'y isang sambit lang, patabis na nakasalalau sa isang matandang paniniwala at pandaigdig
na katotohanang malaon nang ginagamit. Ang salawikain ay hango rin sa mga aral na nakuha sa pang araw araw na
pamumuhaymay. Ang mga salita nito ay mas malalim. Ang mga kasabihang ito ay nagmula sa mga pahayag at pangaral
ng mga matatanda.

Ang Sawikain (Filipino idiom or idiomatic expression) ay mga idyoma. Isa itong uri ng pagpapahayag na kusang nalinang
at nabuo sa atin, gamit ang ating wika. Ang mga ito ay base rin sa pang-araw-araw na pamumuhay at pakikisamaluha
sa kapwa. Ito ay maaaring isang parirala o pangungusap, na ang ibig sabihin ay lubos na naiiba mula sa mga literal na
kahulugan ng mga salita na binubuo ng idyoma o pansalitain na ekspresyon.

salawikain, kasabihan at sawikain


Mga Salawikain, Kawikaan, at Kasabihan

Ang salawikain, kawikaan, at kasabihan ay mga salitang Tagalog


na katumbas ng salitang proverbs sa english.

Ang mga salawikain, kawikaan, at kasabihan ay mga maiiksing


pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay
patnubay sa ating pangaraw-araw na pamumuhay.

Karamihan sa mga Pilipino proverbs ay minana natin sa ating mga


ninuno kaya kadalasan ang mga eto ay tumatalakay kanilang mga
karanasan at pag-uugali nuong mga unang panahon.

Pinalalaganap ng mga nakatatanda ang mga salawikain, kawikaan,


at kasabihan upang imulat at turuan ang mga nakakabata ukol sa
angkop na pagkilos, tamang pag-uugali, mabuting pakikitungo sa
kapwa, at sa tahimik at masayang pamumuhay.

Heto ang ilan sa ating mga paboritong tagalog proverbs or words of


wisdom::

Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.


Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang
huli ay humahantong din eto sa kasalan.

Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.

Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng


mapangahas na bagay na maaaring maging dahilan upang lalu
lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na
pangangailangan ng pera ay nagagawang mangutang ng
patubuan, tulad ng five-six, na nagiging dahilan upang lalu pa
siyang mangailangan ng pera.

Pagmakitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.

Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat


siyang mamuhay ng naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong
magtipid at maging payak sa pamumuhay.

Kung hindi ukol, hindi bubukol.

Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi


nakalaan para sa iyo.

Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa.

Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin


na pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo ang mimithing
biyaya

Lahat ng gubat ay may ahas.

Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na


gumagawa ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa
samahan ng bawat isa.

Magkulang ka na sa magulang huwang lamang sa iyong biyenan.

Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal o sa


mga bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang
pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o
mapapatawag ang pagkukulang ng sariling anak keysa sa
pagkukulang ng ibang tao.
Kung ano ang puno, siya ang bunga.

Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang.


Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at
pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at
pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang)
anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga
magulang.

Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin.

Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay kadalasang ganun din ang


gagawin sa iyo. Halimbawa kung naging matulungin ka sa kapwa
ay tutulungan ka rin.

Salawikain

Ang salawikain ay binubuo ng mga parirala sa anyong patula na karaniwang naghahayag ng mga gintong aral. Ang mga
salawikain, kawikaan, kasabihan, wikain, o sawikain ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at
naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan.
Pinaniniwalan na ang mga salawikain ay kasabihan ng ating mga ninuno na patuloy na nagpasalin-salin hanggang
makarating sa ating makabagong henerasyon. Nabuo ang mga salawikain o kasabihan ng ating mga ninuno na may
makatang kakayahan o kaisipan at nakapagbibigay ito ng aral, paala-ala o gabay sa mga kabataan upang maiwasto ang
mga pamantayan ng pamumuhay. Dahil sa salawikain o kasabihan ay naitatanim sa kaisipan ng mga kabataan ang
kabutihang asal, kadakilaan, pagmamahal sa bayan at sa kapwa tao, maging sa paglilingod sa Diyos na
sinasampalatayanan natin na siyang nagpapala sa kaniyang mga nilikha.

Mga Halimbawa ng Salawikain

Mga Salawikain patungkol sa pakikisama, pakikipag-kaibigan at pakikipag-kapwa tao.


1. Puri sa harap, sa likod paglibak

2. Kaibigan kung meron, Kung wala'y sitsaron

3. Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa gipitan

4. Matabang man ang paninda, matamis naman ang anyaya

5. Kapag tunay ang anyaya, sinasamahan ng hila

6. Walang paku-pakundangan, sa tunay na kaibigan

7. Hindi sasama ang pare, kundi sa kapwa pare

8. Matapang sa kapwa Pilipino, susukot-sukot sa harap ng dayo

9. Ang taong tamad, kadalasa'y salat


10. Mag-aral kang mamaluktot habang maigsi ang kumot

11. May pakpak ang balita, may tainga ang lupa

12. Sagana sa puri, dukha sa sarili

Mga Salawikain patungkol sa kabutihan, kabaitan, kagandahang asal, pagpapakumbaba at pag-ingat.


1. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula

2. Ang magandang asal ay kaban ng yaman

3. Pagsasama ng tapat, pagsasama ng maluwat

4. Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan

5. Ang mabuting halimbawa, ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila

6. Ang katotohana'y kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng takdang panahon

7. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula

8. Magbiro ka sa lasing, huwag sa bagong gising

9. Bago mo sikaping gumawa ng mabuti, kailangan mo munang igayak ang sarili

10. Ang lumalakad ng marahan, matinik man ay mababaw. Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim

Mga salawikain patungkol sa mga pangako at ka kawalan ng kaya.


1. Buhay-alamang, paglukso ay patay

2. Kasama sa gayak, di kasama sa lakad

3. Ang tao na walang pilak, parang ibong walang pakpak

4. Ang hindi tumupad sa sinabi, walang pagpapahalaga sa sarili

5. Gaano man ang iyon lakas, daig ka ng munting lagnat

Mga iba pang Salawikain


Nasa Diyos ang awa,nasa tao ang gawa.

Kapag ang tao'y matipid,maraming maililigpit.

Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.

Ang hindi napagod magtipon, walang hinayang magtapon.

Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.

Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.


Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.

Ang gawa sa pagkabata,dala hanggang pagtanda.

Pag di ukol, ay di bubukol.

Kung sino ang masalita ay siyang kulang sa gawa.

Daig ng maagap ang taong masipag.

Ako ang nagbayo ako ang nagsaing saka ng maluto'y iba ang kumain.

Ubus-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.

Kung sino ang pumutak ay siyang nanganak.

Magsama-sama at malakas, magwatak-watak at babagsak.

Matibay ang walis, palibhasa'y magkabigkis.

Walang palayok na walang kasukat na tungtong.

Sa taong walang takot, walang mataas na bakod.

Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buo ang loob ay kulang.

Kung ano ang puno, siya ang bunga.

Kung walang tiyaga, walang nilaga.

Kung may tinanim, may aanihin.

Salawikain - Karaniwang patalinghaga ang salawikain na may kahulugang


nakatago. Ang salawikain ay karaniwang nasusulat ng may
sukat at tugma kaya masarap pakinggan kapag binibigkas.

Ang Kasabihan naman ay iba sa salawikain sa dahilang ito’y hindi


gumagamit ng mga talinghaga. Payak ang kahulugan. Ang kilos ,
ugali, at gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga kasabihan.

Bugtong-Ito’y pahulaan, o patuturan ng isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na
nilulutas bilang isang palaisipan
Pluma 8 (Dayag, Baisa-Julian, Del Rosario, Lontoc) pahina 17-18

You might also like