You are on page 1of 6

MGA KARUNUNGANG-BAYAN:

Salawikain- isa sa mga karunungang napag-aralan ng tao, hindi sa mga kasulatan na


nailimbag kundi sa mga aklat ng karanasang nabatid mula sa bibig ng matatanda (Lope
K. Santos).
▪Ito ay karaniwang nasusulat sa paraang patula na may sukat at tugma.
Matalinghaga
ang salawikain at karaniwang kapupulutan ng aral hinggil sa buhay at pakikipamuhay.
▪Ito ay gintong butil ng karunungan na nagsisilbing gabay sa pang-araw-araw na
buhay.
▪Ito ay mga kaisipang parang parabulang patalinghaga at nagbibigay ng aral na
nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal.

Halimbawa:
1. Ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay malalim.
2. Hamak mang basahan, may panahong kailangan.
3. May mga malalaking puno, ngunit walang lilim.
4. Hanggang maiksi ang kumot, magtiis mamaluktot.
5. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
6. Aanhin ko ang bahay na bato kung ang nakatira ay kuwago.
7. Kapag may tiyaga, may nilaga.
8. Sa paghahangad ng kagitna, isang salop ang nawala.
9. Walang ligaya sa lupa na di dinilig ng luha.
10. Ang ugat ng karunungan ay mapait ngunit ang bunga nito ay matamis.
11. Ang oras ay ginto.
12. Ang sakit ng kalingkingan, dama ng buong katawan
13. Ang pulot ay lalong tumatamis kung nakatitikim ng mapait.
14. Bawat palayok ay may katapat na suklob.
15. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.

Kasabihan-Ito ay bukambibig o sabi-sabing hinango sa karanasan ng buhay na


nagsisilbing patnubay sa mga dapat ugaliin na tinanggap ng bayan sa pagdaraan ng
panahon.
▪Ito rin ay mga paalala na may halong panunukso at nagtataglay ng payak na
kahulugan. Ito ay mga sabi-sabing naging palasak na at tinanggap ng bayan sa
pagdaan ng panahon. kakikitaan ang kasabihan ng mga kilos, gawi, at ugali ng tao at
ng lipunan. Ang mga ito ay bukambibig na hinango mula sa karanasan ng buhay na
nagsisilbing patnubay sa mga dapat ugaliin ng tao. Kinapapalooban din ito ng
kasabihan ng mga kaisipang nagpapahayag ng mga katotohanan na sadyang may
pagkakaugnay ang buhay sa kaasalan ng tao.

Halimbawa:
1. Kuwalta na, naging bato pa.
2. Pili nang pili, nauwi sa bungi.
3. Ang araw bago sumikat nakikita muna’y banaag.
4. Sa taong may hiya, ang salita ay panunumpa.
5. Sa taong gutom, masarap pati tutong.
6. Magbiro ka na lang sa lasing, huwag lang sa bagong gising.
7. Walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin.
8. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
9. Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.
10. Ang hipong tulog, tinatangay ng agos.
11. Ang sinungaling at bulaan ay kapatid ng magnanakaw.
12. Ang taong duling walang gawang magaling.
13. Kung ano ang gawa ay siyang hinala.

▪May mga kasabihan din na kadalasan ay ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos


ng isang tao.

Halimbawa:
Putak, putak Tiririt ng maya, Ubos ubos biyaya
Batang duwag Tiririt ng ibon Bukas nakatunganga
Matapang ka’t Ibig mag-asawa’y
Nasa pugad! Walang ipalamon.

Kawikaan- Ito ay mga paalala na may dalang mahalagang mensahe at aral na


kadalasan ay hango sa bibliya. Ito rin ay kalipunan ng mga turong pangmoral at
panrelihiyon. Karamihan ay tumatalakay sa mga praktikal na bagay sa buhay.
▪Ang ilan sa mga ito ay may kinalaman sa ugnayang pampamilya, pakikitungo sa
kapwa, at maging sa pangangalakal. Ang iba naman ay tungkol sa kagandahang-asal,
tulad ng pagpapakumbaba, pagtitiyaga, paglingap sa mahihirap, at pagiging tapat sa
mga kaibigan.
▪Ito ay nagsisilbing tagapagpaalala ng mabubuting kaasalan at kaugalian.

Halimbawa:
1. Pagkataas-taas man ng lipad, siyang lagapak kung bumagsak.
2. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
3. Ang nagpapakababa ay itataas; ang nagpapakataas ay ibaba.
4. Ang panahon ay samantalahin sapagkat ginto ang kahambing.
5. Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan, at wala sa kasaganaan.
6. Ang katotohanan ang magpapalaya sa iyo.
7. Ang gumagawa ng masama ay ayaw sa ilaw.
8. Ang katamaran ay kapatid ng kagutuman.
9. ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.
10. Pakainin ang nagugutom, painumin ang nauuhaw.
11. Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi.
12. Ibigay ninyo ang kay Cesar, at sa Diyos ang sa Diyos.
13. Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.
14. Bago mo pahirin ang uling ng iba, pahirin mo muna ang sariling uling sa mukha.
15. Huwag makikipagkaibigan sa taong marahas, ni lalakad sa masama
niyang landas.

Idyoma- Pagpapahayag ito ng mga saloobin at kaisipan na hindi tuwiran at ang


kahulugan ay nasa pagitan ng mga salita.
▪Ito ay isang pangkat ng salita na ang kahulugan ay iba kaysa sa literal na kahulugan
ng mga indibidwal na salita.
▪Ayon kay Santiago (1994), ang idyoma ay ang pinakapuso ng lahat ng salita. Kapag
inalis ang mga idyoma ng isang wika, nasisira ang komunikasyon ng mga taong
gumagamit nito. ▪Ang idyoma ay nagpapahayag ng di-tuwirang kahulugan ng bawat
salita; sa halip, ang kaisipan o kahulugan ay ipinahihiwatig ng pangkat ng mga salita.
▪Nakatutulong sa mabisa, makulay at makahulugang pagpapahayag ang paggamit ng
idyoma.
▪Yumayaman at yumayabong ang isang pahayag kung ginagamitan ng idyoma, na
minana pa natin sa ating mga ninuno.
▪Ito ay nagmula sa likas na katalinuhan at kabang yaman ng lahing Pilipino.
▪Ito’y isang ekspresyon na kung matamang susuriin ang kahulugan ng bawat salita ay
waring mali at lihis sat untuning pambalarila.
▪Ayon kay David Minsberg, ang kahulugan ng idyoma ay maaaring malaman sa
pamamagitan ng:
1. pag-unawa sa kaugnayan nito sa ibang bagay.
2. pagsuri sa kaugnayan nito sa ibang salita sa loob ng pangungusap.
3. paggamit nito nang malimit hanggang sa ito’y maging bahagi na ng sariling
Bokabularyo.
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng idyoma:

1. mababaw ang luha madaling umiyak


2. nagtaingang-kawali nagbingi-bingihan
3. magmamahabang dulang mag-aasawa, pakakasal
4. pabalat-bunga pakunwari, hindi totoong paanyaya
5. ilista sa tubig kalimutan o ituring na wala
6. nagpuputok ang butse galit na galit
7. nasusian ang mga labi nasuhulan, napatahimik
8. parang nilubugan ng araw nawalan ng pag-asa
9. may gatas pa sa labi bata pa, musmos pa
10. itinulak sa bangin ibinuyo, ibinulid sa kapahamakan
11. magdildil ng asin maghirap
12. nakahiga sa salapi mayaman, mariwasa
13. kaututang-dila isang taong katapatan ng mga lihim
14. kahiramang-suklay kaibigan
15. balat-sibuyas iyakin, madaling umiyak
16. nagsusunog ng kilay nagsisikap sa pag-aaral
17. bugtong na anak kaisa-isang anak
18. bulang-gugo laging handang gumasta
19. balitang kutsero balitang walang katotohanan
20. magsagap ng alimuom tsismis
21. kaibigang-putik hindi tunay na kaibigan
22. amoy lupa matanda na
23. alog na ang baba matanda na
24. di na makasampa sa bakod matanda na
25. laylay ang balikat bigo
26. ilaw ng tahanan ina
27. haligi ng tahanan ama
28. anghel ng tahanan anak
29. di-mahulugang karayom maraming tao
30. alilang-kanin utusang walang sweldo
31. kusang palo sariling sipag
32. mabigat ang kamay/walang kamay tamad magtrabaho
33. magaan ang kamay madaling manakit
34. mabilis ang kamay mandurukot
35. hampaslupa lagalag, busabos
36. di-makabasag pinggan mahinhin
37. namamangka sa dalawang ilog salawahan
38. nagmumurang kamyas o kamatis matandang nag-aayos binata o dalaga
39. kaibigang-putik hindi tunay na kaibigan
40. isip-lamok mahina ang isip

Bulong – Ito ay ginagamit na pangkulam o pang-engkanto. Ang halimbawa nito’y ang


sinasabi na kapag may nadadaanang punso sa lalawigan na pinaniniwalaang siyang
mga tinitirhan ng mga duwende o nuno. Iniiwasang maabala o magalit ang mga
naninirahan doon sapagkat kapag nagalit ang mga ito, nagkakasakit ang dumaraan.
Bilang pagbibigay-galang sa nakatira roon, sinasabi ang ganito:

Tabi, tabi nuno, kami lang po’y makikiraan.

Sa Kailukuhan, bago sila pumutol ng punongkahoy sa gubat o sa kabundukan ay


may sinasabi silang:

Huwag magalit kaibigan


Aming pinuputol lamang
Ang sa ami’y napag-utusan.
Sa Bagobo, sinasabing kapag nanakawan sila ng bigas, naglalagay sila ng bangat
(bulong) sa pook na dating kinalalagyan ng bigas na ninakaw:

Nagnakaw ka ng bigas ko,


Lumuwa sana ang mata mo
Mamaga ang katawan mo
Patayin ka ng anito.

Bugtong – Ito’y binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli na may sukat at tugma.
Ang pantig naman nito ay maaaring apat o hanggang labindalawa.

Halimbawa:

Bubong kung liwanag, Nanganak ang aswang,


Kung gabi ay dagat. (banig) Sa tuktok nagdaan. (saging)

Isang supot na uling, May ulo’y walang buhok,


Naroo’t bibitin-bitin. (duhat) May tiyan, walang pusod. (palaka)

Hinila ko ang baging, Isang tabo


Nagkakara ang matsing (batingaw) Laman ay pako. (langka)

Dala mo, dala ka, Munting palay


Da ka ng iyong dala. (tsinelas) Puno ang buong bahay. (ilaw)

Palaisipan – katulad ng bugtong, ito rin ay nagpapatalas ng ating kaisipan.

Halimbawa:

a. May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha ang bola
nang di man lang nagalaw ang sombrero?
Sagot: Butas ang tuktok ng sombrero.

b. May isang prinsesang sa tore ay nakatira, balita sa kaharian, pambihirang


ganda. Bawal tumingala upang siya’y makita. Ano ang gagawin ng binatang
sumisinta?
Sagot: Iinom ng tubig kunwa’y mapatingala at makita ang prinsesa.

c. Paano tatawa ang dalaga na hindi makikita ang kaniyang ngipin?


Sagot: Tatakpan ng kaniyang palad ang kaniyang ngipin.

You might also like