You are on page 1of 48

MGA ANYO NG MASINING NA

PAGPAPAHAYAG
MGA KATUTUBONG PAGPAPAHAYAG
Sa mga katutubong pahayag na mga ito
ay mababakas ang mga kaugalian, asal, gawi
at katangian na tanging atin lamang. Ito'y mga
kaban ng yaman ng lahing kayumanggi.
a. SALAWIKAIN
Ito ay mga kaisipang nakaugalian nang
sabihin at nagsilbing batas at tuntunin ng
kagandahang asal ng ating mga ninuno.
Halimbawa:
1. Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago.
2. Ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay
malalim.
3. Walang palayok na walang kasukat na tungtong.
4. Hamak mang basahan, may panahong kailangan.
5. Habang maiksi ang kumot, magtiis mamaluktot.
6. Kapag apaw na ang takalan, kailangang kalusan.
7. Kung ikaw ay may ibinitin, mayroon kang titingalain.
8. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
9. May mga malalaking puno, ngunit walang lilim.
10. Sa paghahangad ng kagitna, isang salop ang
nawala.
b. KAWIKAAN
Ang mga kawikaan ay paalala na may dalang mensahe at aral na
kadalasan ay hango sa Bibliya.
halimbawa:
1. Ang panahon ay samantalahin sapagkat ginto ang kahambing.
2. Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan, at wala sa kasaganaan.
3. Ang katotohanan ang magpapalaya sa iyo.
4. Ang gumagawa ng masama ay ayaw sa ilaw.
5. Ang nagpapakababa ay itataas; ang nagpapakataas ay ibaba.
6. Ang katamaran ay kapatid ng kagutuman.
7. Ibigay ninyo sa Cesar ang sa Cesar; at sa Diyos ang sa Diyos.
8. Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.
9. Pakainin ang nagugutom, painumin ang nauuhaw.
10. Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi.
c. SAWIKAIN
Ito ay mga katutubong pahayag na walang natatagong
kahulugan.
halimbawa:
1. Ang tao ay matatalos sa kanyang pananalita at kilos.
2. Ang tunay na kaibigan sa gipit nasusubukan.
3. Ang sakit kapag naagapan madaling malunasan.
4. Ano man ang gawa at dali-dali ay hindi iigi ang
pagkakayari.
5. Daig ng maagap ang taong masipag.
6. Ang mabigat ay gumagaan kung pinagtutulungan.
7. Huwag ipagpaliban bukas ang magagawa ngayon.
8. Huwag kang magtiwala sa di mo kakilala.
9. Sa pagsisikap nakasalalay ang tagumpay ng buhay.
10. Walang mahirap na gawa pag dinaan sa tiyaga.
d. KASABIHAN
ito ay bukambibig o sabi-sabing hinango sa karanasan ng
buhay na nagsisilbing patnubay sa mga dapat ugaliin na
tinanggap ng bayan sa pagdaraan ng panahon.
halimbawa:
1. Ang araw bago sumikat, nakikita muna'y banaag.
2. Ang sinungaling at bulaan ay kapatid ng magnanakaw.
3. Ang hipong tulog, tinatangay ng agos.
4. Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.
5. Magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa bagong gising.
6. Kung may tag-araw ay may tag-ulan.
7. Sa taong may hiya, ang salita ay panunumpa.
8. Walang biyaya sa lupa na di dinidilig ng luha.
ang kasabihan din ay karaniwang ginagamit sa panunukso
o pagpuna sa kilos ng isang tao.
hal.:
Putak, putak
batang duwag
matapang ka't
nasa pugad
sa mga katutubong pahayag ay masasalamin ang kultura,
gawi, paniniwala at heograpiya ng lugar sa Pilipinas na
pinagmulan nito. Bagama't marami na sa mga ito ay nasalin
na sa wikang Filipino, mababanaag parin sa mga pahayag
ang pinagmulan ng mga nasabing katutubong pahayag.
magkagayunpaman ang mga katutunong pahayag, saanman
ito nagmula ay ginagamit na at palasak na sa buong
sambayanang Pilipino.
Mga Idyoma o Pasawikaing Pahayag
Ang mga pasawikaing pahayag ay nagbibigay
ng kulay, nagbibigay ng bisa at ginagawang mas
makabuluhan ang mga pahayag.
ang sawikain o idyoma (idioms/idiomatic
expressions) ay salita o mga salita na may sariling
kahulugang wari'y lihis sa tuntunin ng gramatika.
ang kahulugan ng mga idyomatikong pahayag ay
hindi matatanto sa mga salita na bumubuo nito dahil
may sarili itong kahulugan.
Narito ang ilang mga idyomatikong pahayag
1. anghel ng tahanan-mga batang tampulan ng
kagalakan
2. balitang kutsero-balitang hindi totoo
3. biyernes santo ang mukha-malungkot na
malungkot
4. bukambibig- laging sinasabi
5. bulanggugo-gastador
6. daga sa dibdib- takot, duwag
7. di-mahulugang karayom- punong-puno ng tao
8. durugin ang puso- pasakitan ang loon
9. gintong-asal- may mabuti at marangal na ugali
10. hasang-hasa- sanay na sanay
Tayutay
Ang tayutay ay tinatawag ding
patalinghagang pagpapahayag. sa
pagtatayutay, sadyang lumalayo ang
nagpapapahayag sa karaniwang paraan ng
pagsasalita upang magawang higit na
maganda at kaakit-akit ang kanyang sinasabi.
Sinasadya ng pagpapahayag na gumagamit
ng talinghaga at di-karaniwang salita upang
bigyan diin ang saloobin.
Kawili-wiling pakinggan ang
patayutay na pananalita.
Nakakapanghamong-isip. kailangan
unawaing mabuti at basahin sa pagitan
ng mga taludtod para mahiwatigan ang
diwang di-tuwirang tinutukoy ng
pahayag.
MGA KARANIWANG URI NG TAYUTAY

1. Simile o Pagtutulad- Ito'y


paghahambing ng dalawang magkaiba o
di magkauring bagay, tao, kaisipan,
pangyayari, at iba pa sa hayagang
pamamaraan. Pinakamadaling unawain
ito na uri ng tayutay dahil nakikilala sa
mga salitang naghahambing na ginagamit
tulad ng parang, wangis, animo'y, gaya
ng, mistula, tulad, unlaping ga at iba pa.
halimbawa:
a. Balahibuhing parang lobo ang mga braso
niya't binti.
b. Parang pulburang madaling magsiklab ang
guro.
c. Gabundok ang aking labahin.
d. Kawangis ni Rose ang isang talang
nagniningning sa kalangitan.
e. Ang buhay ay tulad ng larong dama-may
mga urong at sulong, may mga hakbang na
dapat pakaingatan.
2. Metapora o Pagwawangis- paghahambing
din ito subalit hindi na gumagamit ng mga salita o
pariralang pantulad sapagkat direkta nang
ipinaaangkin ang katangian ng tinutularan.
halimbawa:
a. Ang musika ay hagdan ng kaluluwa paakyat sa
langit.
b. Minsan, lason ang sobrang pagmamahal.
c. Ang iyong balita'y punyal sa aking dibdib.
d. Bagyo ang dumadaan kapag nagagalit ang
guro.
e. Paraiso ang lugar na ito.
3. Personipikasyon o Pagbibigay-katauhan-ang mga
walang buhay ay bibigyan ng buhay at pinagatataglay ng
katangiang pantao, sa pamamagitan ng mga salitang
nagsasaad ng kilos.
halimbawa:
a. Humihinga pagsapit ng takipsilim ang gabi,
bumubulong ng libong himutok.
b. Lumuluha ang panahon sa araw ng kamatayan ng
bayani.
c. Ang buong Pilipinas ay nagimbal sa balitang
pagtanggal sa PMA.
d. Naninikluhod ang langit para sa kapayapaan.
e. Lumuha ang panahon sa kabiguan ng kanyang pag-
ibig.
4. Apostrope o Pagtawag- isang anyo ito ng panawagan o
pakiusap sa isang taong hindi kaharap, nasa malayo o kaya'y
patay na o sa kaisipan at mga bagay na binibigyan-katauhan
na parang kaharap na kinakausap.
halimbawa:
a. Pag-asa, maawa kang huwag mo akong iiwan, mahabag
ka sa kaluluwang nadidimlan.
b. Ano ka ba, kabaitan? ikaw ba'y isang pangalang walang
kabuluhan?
c. Gumising ka, puso, pag-alabin ang iyong naparam na
apoy, alalahanin mo ang matamis mong kahapon.
d. Tukso, iwan mo ako dahil gusto kong magbago!
e. Hayo ka, talinong mapag-isip, at gayahin mong muli yaong
mga pook, yaong mga sandaling ininom mong kahalo ng
nektar ang mapait na apdo ng mga pag-ibig at kabiguan.
-talaarawan at mga ala-ala
5. Pagtatanong- (Rhetorical Question) Ito'y
katanungang hindi na nangangailangan ng
kasagutan dahil nasa mga pahayag na rin ang
katugunan ng katanungan.
halimbawa:
a. Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pag-ibig sa tinubuang lupa?
b. malilimot ba kita kung alay sa'yo ang bawat
paghinga?
c. makalalakad ba ang mga paa kung gapos ng
tanikala?
d. Mahihigtan kaya ng anuman ang kadakilaan ng
pag-aalay ng buhay para sa pag-ibig sa bayan?
e. Ano pa kaya ang hindi natin nahihiling sa Diyos?
6. Pag-uyam o Ironya- Sa pagpapahayag ng pagpuri
ay may paglibak, o pagtudyo. nararamdaman ang
tunay na kahulugan nito sa diin ng pagsasalita at
bukas ng mukha ng nagsasabi.
Halimbawa:
a. Mahusay magpalaki ng anak ang mag-asawang guro.
walang nakapagtapos sa kanilang mga anak.
b. magaling siyang magtago ng katotohanan.
c. Sa ganda ng pagkakaayos ay hindi na makita ang
kariktan ng mga bulaklak.
d. Mahusay siyang magdala ng mga bagay na wala na
sa panahon.
e. Sa lambing ng pag-iibigan ay hindi nila ikinahihiya sa
harap ng maraming tao ang kanilang pagbabangayan.
7. Pagpapalit-tawag o Metonimiya- ang pangalan
ng isang bagay na tinutukoy ay hinahalinhinan
ng ibang katawagan na may kaugnayan sa
salitang pinapalitan.
Halimbawa:
a. Inilipat na sa kapatid ng Prinsipe ang korona.
b. Maraming mga mababangis na leon ang nagiging
maamo sa panahon ng pangangampanya.
c. Pinarusahan ng langit ang bayan sa kapabayaan
sa kalikasan.
d. Si Bravo ang pinakamatapang na tigre sa aming
pook.
e. Maraming uban na ang nakahimlay sa libingan ng
pagkalimot.
8. Pagpapalit-wika o Transfered Epithets-katulad
ito ng tayutay na pagbibigay-katauhan na
ginagamitan ng mga katangiang pantao ang mga
abagay na walang buhay, subalit sa tayutay na
ito ay hindi lamang pandiwa kundi ginagamitan
din ng pang-uri.
Halimbawa:
a.Nagbunyag ng lihim ang tahimik na aklatan.
b. Tuluyan ng iniwan ni Mekai ang malungkot na
bahay.
c. Nagpatapang na naman ang dkailang espada.
d. Nakatanaw palagi ang palalong buwan.
e. Tunay ngang sabik na siyang makauwi sa
kanilang masayang tahanan.
9. Pagpapalit-saklaw o Senekdoke- Ito'y
pagbanggit sa bahagi ng isang bagay o kaisipan
bilang katapat ng kabuuan o kabuuan ng isang
bahagi.
Halimbawa:
a. Kailan ko kaya muling masisilayan ang
mapupungay niyang mata.
b. Siya na nga ang itinitibok niyaring puso.
c. Ilan pa kayang maliliit na paa ang tatakbo dahil sa
takot sa digmaan.
d. Di mabilang na gulong ang matuling dumaan.
e. nakasampung basket siya ng napitas.
10. Pagtatambis o Oksimoron- [inagsasama o
pinag-uugnay ang dalawang bagay na
magkasalungat upang mangibabaw lalo ang
katangiang ipinapahayag.
Halimbawa:
a. Ang kawal ay namatay upang mabuhay.
b. Araw-gabi ay lakad-takbo ang buhay niya sa
lansangan.
c. Umuunlad ang daigdig sa katamaran ng tao.
d. Mamatay-mabuhay ang liwanag ng ilawang
tinghoy.
e. Dito sa ating lupang sagana ay marami pa rin ang
maralita.
11. Paghihimig o Onomatopeya- ito ang paggamit ng
mga salitang tunog ng kanilang kahulugan.
Halimbawa:
a. Nakailan ding kariring ang kabilang kawad bago ito
nasagot ng may-ari.
b. Nasira ang aking mahimbing na pamamahinga sa
malakas na pagngingiyaw ng pusa.
c. Halos magdamag siyang hindi nakatulog sa lakas ng
dagundong ng kulog at mabilis na pagdaan ng kidlat.
d. Dinig ang kalansing ng barya sa tuwing bibilangin ng
matanda ang kanyang tubo sa maghapon.
e. Malakas ang kalabog ng pagbagsak ng nahulog na
bagay mula sa taas.
12. Pagmamalabis o Hyperbole- pinalalabis o
maaari ding pinakukulang sa tunay na kalagayan
ng tao, bagay o pangyayari sa tayutay na ito.
Halimbawa:
a. Sa Katahimikan ay dinig ang bulungan ng mga
langgam.
b. Nakamamatay ang tingin ng dalaga sa lalaki.
c. Bumaha ng dugo pagkatapos ng sagupaan.
d. Buto't balat na ang katawan ni Itay sa pagsasaka.
e. Sa gayong gandang taglay niya, lahat ay iibig sa
kanya.
13. Pagsusukdol o Klaymaks-isinasaayos ang tindi o
halaga ng mga salita mula sa mababa hanggang mataas
na antas.
Halimbawa:
a. Ano ang kahiwagaang bumabalot sa katotohanan na
nagbibigay-kulay, nagbibigay-ganda, nagbibigay-halaga.
b. Pasan na sa pagkakabugbog ang dalampasigan,
sumambulat na ang mga dahon sa lansangan.
c. O...nakapaninindig balahibo ang tengang kaliglig!
..nakapambubuntunghininga ang saglit na kulog!...
nakapamimikit mata ang bingit ng bangin!
d. Hanggang ngayo'y gapos pa ako sa kahangalan, bigti pa
rin ako sa karuwagan, alipin pa rin ako ng kasalanan.
e. Ang bayan ngayo'y may karapatan nang kumilos, limakad,
manahanan, mabuhay na hindi sinasasala.
14. Antiklaymaks-dito naman ay pababa ang
pagsusunod-sunod ng kaisipan, mula panlahat
hanggang ispesipik.
Halimbawa:
a. Sa paglisan ng kanyang kabiyak ay hirap niyang
tangga[ping hin di na niya makakasama habang
buhay..na namatay siyang maaga dahil nagkasakit siya.
b. alam mo-nadarama mo, nasasalat mo...
c. Ang tao ay di maaaring mag-isa. kailangan niya ng
katamba, ng katulong, ng kawaksi, ng kaisa.
d. Nabunyag din ang katotohanan. Ngayo'y maaari na
siyang lumantad sa madla.
e. Gumising siyang masigla mula sa isang mahab-
habang pamamahinga pagkatapos ng kanyang
paglalaro.
15. Pagsalungat o Antitesis o Epigram-gaya ng
pagattambis, pinagsasama rito ang
magkasalungat na salita o kaisipan, nagkakaiba
lamang sa paglalaban ng magkasalungat sa
halip na pinag-uugnay.
Halimbawa:
a. Sa ngayon, sa akin ay puti't itim ang kulay ng
buhay.
b. Tandaang hindi lahat ng kaligayahan ay natatamo
sa tagumpay dahil may tagumpay rin sa kabiguan.
c. "Layo ay lapit ng budhi't isip"
d. Nasa karuwagan ang katapangan.
e. Kung kailan ako mahina ay saka ako malakas.
16. Pagtanggi o Parelepsis o Litotes- "hindi" ang
oangunahing hudyat na pagsalungat, pagpigil, di-
pagsang-ayon, ngunit ang paghindi sa tayutay ay
nagpapahiwatig ng pagtulot.
Halimbawa:
a. Hindi sa pinangungunahan kita, pero malaki ka na,
sana naman ay tigilan mo na ang mga gawaing bata.
b. Hindi marahil kalabisang banggitin na ang PMA ang
nagunguna pa ring institusyong pangmilitar sa Asya.
c. Hindi naman sa minamaliit ko ang kakayahan mo, kaya
lamang ay bihira na ang nagtatagumpay na hindi nakapag-
aral.
d. Hindi mo man madama ang aking pagmamahal ngunit
pakatandaan mong ikaw lamang ang yaring nasa puso ko.
e. Hindi lamang sa pagsasalita kundi din sa gawi at
pagkilos makikilala ang kapwa.
Panulaan
Ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at
kabuuang tonong kariktang makikita sa silong ng
alinmang langit. (Inigo Ed. Regalado)
Ang pagtula'y panggagagad at ito'y lubhang kahawig
ng sining ng pagguhit, paglililok at pagtatanghal.
(Fernando Monleon)
Ang tula ay kamalayang nagpapasigasig.
(Edith Sitwell)
Ang tula ay pagsasatitik ng kamalayan ng may-akda
hinggil sa paksa na kakanti sa kanyang interes. Sa
pagbigkas nito ay nabibigyang buhay ang kaisipang
nahimlay sa mga titik ng tula.
Sangkap ng Tula

1. Sukat- tumutukoy sa bilang ng mga pantig sa


bawat taludtod.
Ang mga karaniwang gamitin na sukat ay aapating
pantig, wawaluhing pantig, lalabindalawahing pantig,
lalabin-animing pantig at dadalawampuhi't-apat na
pantig. Subalit karaniwan na rin sa mga tulang
Tagalog ang iba pang sukat katulad ng lilimahing
pantig, aaniming pantig, pipituhing pantig, sisiyaming
pantig, sasampuhing pantig, lalabin-apating pantig,
lalabingwaluhing pantig.
May sukat na 4: May sukat na 6:
ang pag-ibig kung ano ang buhay,
na mapait siyang kamatayan.
ay di nais
nitong dibdib
na may hapis. May sukat na 7:
Kung nasang lumigaya
May sukat na 5: gumawa kang mag-isa;
Tayo'y umalis huwag kang umasa pa
dito sa libis sa pangako ng iba.
ng kanyang bukid!
kata'y lumigpit
doon sa langit
ng panaginip.
2. Tugma- ito ay ang
pagkakasintunugan ng huling pantig
sa bawat taludtod

a. Tugmaan sa patinig
patinig na may impit hal. Imbi, guho, sira
patinig na walang impit hal. Abo, ina, ale

b. Tugmaan sa katinig
unang pangkat- B,D,K,P,S,T
Pangalawang pangkat- M,N,L,NG,W,Y
3. Makabuluhang diwa-ito ang
pangkalahatang tema o kaisipan na
ipinapahayag ng tula.

4. Kagandahan o kariktan- Makakamit


ang kagandahan ng tula sa tulong ng
sangkap ng tula na lalong
nagpapalutang sa kagandahan ng
pagpapahayag.
a. Talinghaga-mga salitang pahiwatig
b. Larawang-diwa (imagery)-salitang
pumupukaw sa mga pandama ng mga
mambabasa.
c. Simbolo-mga salitang may
kinatawan maliban sa literal na
pakahulugan.
d. Pagsalungat-may diwang
nagsasalungatan na lalong
nagpapalutang sa lalim ng tula.
Suriin ang sukat at tugma ng isang
saknong mula sa tulang "Panahon"

Naging kahapon kang ayaw nang


magbalik,
at ikaw ngayong madaling mawaglit;
Walang anu-ano'y bukas kang papalit
Sa kasalukuyang agad ding aalis.
Ang bawat taludturan ay binubuo ng 12
pantig. Tinatawag itong saknong na
may lalabindalawahing pantig. May
saglit na tigil sa pagbasa o pagbigkas
sa kalagitnaan ng bawat taludturan,
pagkatapos ng ikaanim na pantig.
Tinatawag itong sesura. Ang sesura ay
6/6 sa lalabindalawahing pantig katulad
ng saknong sa taas. kailangan ang
sesura upang maramdaman ang aliw-
iw at indayog ng tula habang binabasa.
Samantala, ang tugmaan sa tula ay sa
unang pangkat ng tugmaan sa katinig.
(B, D, K, P, S, T) (magbalik, mawaglit,
papalit, aalis)
Ang tema ng saknong ay tungkol sa
panahon na lumilipas. May pagtawag,
"kahapon kang ayaw..." May larawang
diwa- ang mabilis na pagdaan ng
panahon. Simbolo ito ng mga alaala at
mga pangyayari sa buhay na matuling
dumaan.
ILANG URI NG TULA

1.Karaniwang Anyo- tulang


may sinusunod na sukat at
tugma. Karaniwang iisang sukat
at iisang tugmaan ang
sinusunod sa buong tula.
Narito ang isang halimbawa:

KABAYANIHAN
Lope K. Santos
Ang kahulugan mo'y/ isang paglilingkod
Na walang paupa/ sa hirap at pagod
Minsan sa anyaya,/minsan kusang-loob
Pag-ibig sa kapwa/ang lagi mong Diyos

Natatalastas mo/sa iyong pananim


Iba ang aani't /iba ang kakain
Datapwat sa iyo'y/ligaya na't aliw
Ang magpakasakit/nang sa iba dahil
Pawis, yaman, dunong,/landas, dugo't buhay
Pinuhunan mo/ at iniaalay
kapagka ibig mong/ sa kaalipinan
Ay makatubos ka/ ng aliping bayan.

Sa tulong mo'y naging/maalwan ang dukha,


Sa turo mo'y naging/mulat ang tulala
Tapang mo'y sa duwag/ naging halimbawa,
Ang kamatayan mo/ ay buhay ng madla

Tikis na nga lamang/na ang mga tao'y


Mapagwalana-turing/ sa mga tulong mo;
Ang kadalasan pang/ iganti sa iyo
Ayang limutin ka/kung di paglililo.
2. Malayang Taludturan-tulang malaya sa sukat at tugma
lamang. Hindi na binibilang ang pantig sa bawat linya at
hindi na kailangang may tugmaan subalit taglay pa rin nito
ang ibang sangkap na tula.
Ang kubrador
Rosario Torres-Yu
May katok sa pinto , 'sino yan?" paungol
Nagtanong sa loob. "Ito ho'y kubrador."
Wala nang tumugon...

Inulit ang katok hanggang sa ang pinto'y


Marahang mabuksan...anang tinig "tuloy"
Nasok ang kubrador ngunit napaigtad,
Umurong na mandi'y natuka ng ahas:
Ang mata'y lumundag
Ang tangang resibo'y sa sahig nalaglag
Siya'y sinalubong ng babaeng hubad.
3. Haiku-tulang maikli ngunit nagtataglay ng
masaklaw at matalinghagang kahulugan.
Nagmula ito sa mga Hapones. Binubuo ito
ng 17 pantig na nahatid sa tatlong taludtod.
Karaniwan ay may istrukturang 5-7-5 pantig
ang taludturan. Maliban sa istruktura, ang
haiku ay nagtataglay din ng iba pang
katangian tulad ng sansaglit na napaparam,
imahe, at kaisahan ng salungatan (fleeting
moment, imagery, and unity of contrast)
Mga halimbawa:

Walang klase Araw ng kalayaan


Sabado, umaga Sigawan, bukirin
ang mga batang kalye bakasyon, parada
ay maaga talumpatian

Mangmang
Sa mata'y dilim
at hindi po liwanag
ang tumatabing
4. Tanaga-maikling tulang binubuo din ng
apat na linya at bawat taludtod ay may sukat
na pipituhing pantig. Karaniwan itong
nagtataglay ng gintong aral.
Halimabawa:
Tanaga Palay
May pito itong pantig Palay siyang matino
Sa bawat taludturan, Nang humangi'y yumuko
Apat naman ang linya Ngunit muling tumayo
Tawag diya'y tanaga. Nagkabunga ng ginto.
Tag-init
Alipatong lumapag
Sa lupa'y nagkabitak
Sa kahoy naglugayak
Sa puso'y naglagablab.
Ildefonso Santos

Kapatid
Tulisan kahit saan
Magnanakaw saan man
Kasama't kasamahan
Ng mamamayang banal.
Jose Villa Panganiban
5. Cinquian-tulang nauso sa Amerika noong
1900. Ito'y binubuo ng 22 pantig at nahahati
sa limang taludtod na nang maglaon na'y
nagkaroon ng iba-ibang istruktura.

Istruktura 1
1st Linya: dalawang pantig
2nd Linya: apat na pantig
3rd Linya: anim na pantig
4th Linya: walong pantig
5th Linya: dalawang pantig
1st Linya: Ako
2nd Linya: Pilipino
3rd Linya: Makabayan ako
4th Linya: Kabayanihan sulong ko
5th Linya: ikaw
-nmbbendalan
Istruktura 2
1st Linya: isang salita- paksa
2nd Linya: 2 salita-pang-uri
3rd Linya: 3 salita-pandiwa
4th Linya: 4 salita-pagpapahayag ng damdamin
5th Linya: 1 salita-katumbas ng paksa

1st Linya: Guro


2nd Linya: mapagmahal, mapag-aruga
3rd Linya: nagtuturo, kumakalinga, gumagabay
4th Linya: ang pagtulong ay walang hanggan
5th Linya: Bayani
Istruktura 3
1st Linya: Bagay/Tao/Lugar (a noun)
2nd Linya:3 pang-uri para sa paksa
3rd Linya:3 pandiwa para sa paksa
4th Linya:Isang parirala o pangungusap para sa paksa
5th Linya:Isang salita para sa paksa

1st Linya: Kadete


2nd Linya: matapang,magiting,makabayan
3rd Linya: nag-aaral, nagpapakasipag, nagsasakripisyo
4th Linya: inialay ang buhay sa bayan
5th Linya: sundalo
-nmbbendalan

You might also like