You are on page 1of 8

Mga Anyo ng Masining na

Pagpapahayag
MGA KATUTUBONG PAGPAPAHAYAG
MGA IDYOMA O PASAWIKAING PAHAYAG
TAYUTAY
PANULAAN
A. Salawikain – ito ay mga kaisipang parang parabulang patalinghaga at
nagbibigay aral na nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang asal.
Hal. Kung ikaw ay mag ibinitin , mayroon kang titingalahin.
Hamak mang basahan , may panahong kailangan.

B. Kawikaan – ay mga paalalana may dalang mahalagang mensahe at


aral na kadalasan ay hango sa bibliya.
Hal. Ang panahon ay samantalahin sapagkat ginto ang kahambing.
Pakainin ang naguguton , painumin ang nauuhaw.
C. Sawikain – ito ay mga salita na wala nang natatagong kahulugan.
Hal. Walang mahirap na gawa pag dinaan sa tiyaga.
Huwag kang magtiwala sa di mo kakilala.

D. Kasabihan – ito ay sabi-sabing hinahango sa karanasan sa buhay na


nagsisilbing patnubay sa mga dapat ugaliin sa pagdaan ng panahon.
Hal. Pili nang pili , nauwi sa bungi.
Magbiro ka na sa lasing , huwag lang sa bagong gising.
Mga kasabihan din na madalas ginagamit sa panunukso:

Putak , putak Ubos ubos biyaya


Batang duwag Bukas nakatunganga
Matapang ka’t
Nasa pugad
Mga sawikain na hanay sa melinyal
Ang taong takot sa Diyos Huwag mailto sa maamong mukha
Ang buhay ay maayos Di natin alam , sila’y magnanakaw pala

Kapag lider ang sumasayaw Ang sundalong hindi handa


Lahat ay gumagalaw Sa labanan , tiyak bubulagta

Ang tunay na pinuno ay di lang sa utos at salita


Kundi siya’y nangunguna sa kilos at gawa
Mga Idyoma
Ang mga pasawikaing pahayag ay nagbibigay ng kulay , nagbibigay bias
at ginagawang mas makabuluhan ang mga pahayag.
Ang kahulugan ng mga ito ay hindi matatanto sa mga sa salita na
bumubuo nito dahil may sarili itong kahulugan.

Hal.
Daga sa dibdib – takot , duwag
Balitang kutsero – balitang hindi totoo
Makati ang kamay – magnanakaw
Kadaupang – palad – kaibigan
Likaw ng bituka – lihim o sekreto
Di – mahulugang karayom – punong – puno ng tao
Maluwag ang kuwerdas – sira ang isip , luko – luko
Patabaing baboy – tamad
Mahaba ang kamay – magnanakaw
May tali sa ilong – sunud – sunuran
Nagsunog ng kilay – nag-aaral ng mabuti
Ilista sa tubig – kalimutan
Lagot ang pisi – naubos ang salapi
Alog na ang baba – matanda na
Kahiramang suklay – matalik na kaibigan
Isip – lamok – mahina ang ulo

You might also like