You are on page 1of 18

TAYUTAY

TAYUTAY
-ang tayutay ay tinatawag ding patalinghagang
pagpapahayag. Sa pagatatayutay sadyang lumalayo
ang nagpapahayag sa karaniwang paraan ng
pagsasalita upang magawang higit na maganda at
kaakit-akit ang kanyang sinasabi.
-ito ay sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit
ng mga salita upang gawing mabisa, matalinghaga,
makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.
MGA KARANIWANG URI NG
TAYUTAY
1. Simile o Pagtutulad – ito’y paghahambing ng
dalawang magkaiba o di magkauring bagay , tao ,
kaisipan, pangyayari atb. sa hayagang pamamaraan.
- makilala sa mga salitang
naghahambing na ginagamit tulad ng PARANG , TILA ,
WANGIS , ANIMO’Y , GAYA NG , MISTULA , TULAD NG,
PARIS NG, SING, SIM, MAGKASING, MAGKASIM AT IBA PA.
Hal. Siya ay katulad ng kandilang unti-unting nauupos.
Ang tao ay gaya ng halamang nararapat diligin.
Ang mga mata mo ay tila perlas ng silanganan.
2. Metapora o Pagwawangis – paghahambing din ito
gaya ng pagtutulad , nagkakaiba na lamang sa sa
hindi na paggamit ng mga salita o pariralang
pantulad sapagkat direkta ng inaangkin ang
katanigan ng tinutularan.
- tiyak na paghahambing
ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.
Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa
mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay
na inihahambing.
Hal. ANG KANYANG MGA KAMAY AY YELONG DUMAMPI
SA AKING PISNGI.
BAGYO ANG DUMAAN KAPAG NAGAGALIT ANG
GURO.
NAMUMULANG MAKOPA ANG PISNGI NG
3. Apostrope o Pagtawag – isang anyo ito ng
panawagan o pakiusap sa isang taong hindi kaharap ,
nasa malayo o kaya’y patay na o sa kaisipan at mga
bagay na binigyan – katauhan na parang kaharap na
kinakausap.
- isang panawagan o pakiusap sa isang
bagay na tila ito ay isang tao.
Hal.
PAG-ASA , MAAWA KANG HUWAG MO AKONG IIWAN.
ARAW SUMIKAT KA NA AT TUYUIN ANG LUHANG DALA
NG KAPIGHATIAN. 
4. Pagtatanong (Rhetorical Question) - ito’y
katanungang hindi na nangangailangan ng kasagutan
dahil nasa mga pahayag na rin ang katugunan ng
katanungan.
-Isang pahayag na anyong patanong na hindi
naman nangangailangan ng sagot.

Hal. HANGGANG KAILAN BA MASUSUPIL ANG


KASAMAAN NA DULOT NG IPINABABAWAL NA GAMOT?
ANO PA ANG KAHILINGAN NA HINDI PA NATIN
NAHIHILING SA DIYOS?
5. Pag-uyam o Ironya - sa pagpapahayag ng pagpuri
ay may paglibak o pagtudyo. Nararamdaman ang
tunay na kahulugan sa diin ng pagsasalita at bukas
ng mukha ang nagsasabi.
-mga pananalitang nangungutya sa tao
o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag
kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga
pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may
bahid na pang-uyam.
Hal. MAGALING MAGTURO ANG AKING GURO , NI ISA
AY WALANG PUMASA SA ASIGNATURA NIYA.
MAHUSAY SIYANG BUMARIL. SA ISANG BALA’Y
LUMIPAD LAHAT NG IBON PAPALAYO SA KANIYA.
6. Personipikasyon o Pagbibigay – katauhan – ang mga
walang buhay ay pinagtataglay ng katangiang pantao , sa
pamamagitan ng walang salitang nagsasaad ng kilos.
- Nagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa
bagay na walang talino. Pandiwa ang ginagamit dito.

Hal. ANG MGA BITUIN SA LANGIT AY KUMIKINDAT SA ATIN. 


SUMASAYAW ANG MGA DAHON SA PAG-IHIP NG HANGIN.
HUMIHIYAW ANG MGA KAWAYAN SA LAKAS NG HANGIN.
7. Paglilipat-wika – katulad ito ng pagbibigay-
katauhan subalit sa tayutay na ito ay hindi lamang
pandiwa ang nagbibigay-buhay kundi ginagamitan
din ng pang-uri.
– tulad ng pagbibigay-katauhan na
pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na
ginagamit ang pang-uri.
Hal.
ANG MATALINONG PLUMA NI RIZAL ANG NAGBIGAY
SA ATIN NG KALAYAAN.
ANG KANILANG MAPAGPATULOY NA TAHANAN AY
KUMANLONG NG MGA SUGATAN.
ANG ULILANG SILID AY NAGING MASAYA SA
PAGDATING NI LUCY.
8. Pagpapalit – tawag o Metonimiya - pinapalitan ang
katawagan ng ibang katawagan na may kaugnayan sa
salitang pinapalitan.
- pansamantalang pagpapalit ng mga
pangalan ng bagay na magkaugnay.

Hal.
DAPAT NATING IGALANG ANG PUTING BUHOK.
MARAMING BUWAYA ANG NAGBABAGO SA PANAHON
NG PAMUMULITIKA.
9. Pagmamalabis (Hyperbole) - Pinalalabis o maaari
ding pinakukulang sa tunay na kalagayan ng tao ,
bagay o pangyayari.

Hal.
NABIYAK ANG KANYANG DIBDIB SA TINDI NG
DALAMHATI.
 NAMUTI ANG KANYANG BUHOK KAKAHINTAY SA IYO.
10. Paghihimig o Onomatopeya – ito ang paggamit
ng mga salitang tunog ng kanilang kahulugan.
-Naipahihiwatig dito ang kahulugan sa
pamamagitan ng tunog o himig ng mga salita.

Hal.
ANG LAGASLAS NITONG BATIS, ALATIIT NITONG
KAWAYAN, HALUMIGMIG NITONG HANGIN, AY BULONG
NG KALIKASAN.
HUMALINGHING SIYA SA SAKIT NG HAGUPIT NA
TINANGGAP.
11. Pagsusukdol o Klaymaks – isinasaayos ang tindi o
halaga ng ng mga salita mula sa mababa hanggang sa
mataas na antas.
-pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan
ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa
patungo sa pinakamataas na antas.
Hal:
ANG ANAK AY PINAPAGALITAN , BINUGBOG AT PINATAY
NG AMANG LULONG SA DROGA.
HANGGANG NGAYO’Y BAKAS PARIN ANG INIWANG
ALAALA NG BAGYONG YOLANDA – LABIS NA
KAGUTUMAN ,PAGKASIRA NG MGA TAHANAN ,
PAGKAWALA NG MGA KABUHAYAN , AT HINAGPIS SA
PAGKAWALA NG MGA MAHAL SA BUHAY.
12. ANTIKLAYMAKS – DITO NAMAN AY PABABA ANG
PAGSUNOD-SUNOD NG KAISIPAN , MAARING MULA
SA PANLAHAT HANGGANG ISPESIPIK.

HAL:
MARAMING SAKUNA ANG DUMAAN SA ATIN NGAYON
– MAY BAGYO , TAGTUYOT AT PAGLALAGANAP NG
SAKIT.
NABUNYAG NA ANG KATOTOHANAN. NGAYO’Y MAARI
NA SIYANG LUMANTAD SA MADLA.
13. Aliterasyon – pag-uulit ng mga tunog-katinig sa
inisyal na bahagi ng salita.

Hal:
SI MICHAEL AY BATANG MABAIT , MATALINO ,
MASUNURIN AT MATULUNGIN.
SIYA’Y LUMAKAD , LUMIKO AT BIGLANG LUMIPAD.
14. Anapora - pag-uulit ng isang salitang nasa unahan
ng isang pahayag o ng isang sugnay.

Hal:
MAS MAKAPANGYARIHAN ANG PAMAHALAAN
,KONTROLADO NG PAMAHALAAN AT DAPAT KANG
SUMUNOD SA PAMAHALAAN.
ISANG DIYOS , ISANG BAYAN , ISANG HANGARIN , ISANG
PUSO!
15. Epipora – sa tayutay na ito ay may pag-uulit ng mga
salitang nasa huling bahagi ng pahayag.
Hal:
ANG TULA AY BUHAY NG MAKATA , MULA SA MAKATA AT PARA
SA MAKATA.
16. Konsonans – pag-uulit ng mga katinig sa bahaging pinal
ng mga pahayag.
Hal: ULAN SA BUBUNGAN , KAY SARAP PAKINGGAN.
17. Anadiplosis – pag-uulit sa una at huling bahagi ng
pahayag.
Hal:
HINDI MAIIWASANG DUMANAK ANG DUGO,
DUGO’T PAWIS ANG INAALAY NG MGA SUNDALO
SUNDALONG ANG BUHAY AY IHAHANDOG SA BAWAT PILIPINO.

You might also like