You are on page 1of 2

PHILIPPINE COLLEGE OF TECHNOLOGY

Garden Park Village, Bajada Davao City

EKSAMINASYON SA ASIGNATURANG RETORIKA

UNANG BAHAGI

Panuto: Basahin nang may pag-unawa at bilugan ang titik na may pinakaangkop na sagot.

1. Galing sa salitang Latin na ______ na nangangahulugang guro o isang mahusay na mananalumpati.


a. rhetor c. rethro
b. setro d. retor
2. Ito ay sining ng maayos na pagpili ng wastong salita sa loob ng isang pahayag upang maunawaan, makahikayat at
kalugdan ng mga nakikinig o bumabasa.
a. pamahayagan c.retorika
b. masining d. Filipino
3. Ayon kay Propesor Frank L. Lucas na huwag baguhin ang ideya at huwag tangkain pagandahin o pasamain ang mga
pahayag
a. malinaw c. matapat
b. tiyak d. may barayti
4. Saklaw ng retorika na ito na sinumang nagpapahayag ay gumagamit ng simbolo at imahinasyon upang bigyan-buhay
ang ideya at akitin ang kanyang tagapakinig o mambabasa.
a. sining c. pilisopiya
b. lipunan d. wika
5. Kabilang din ito sa saklaw ng retorika na ipinapakita ang argumento at sensibilidad at katuwiran upang maunawaan
ang iba.
a. sining c. pilisopiya
b. lipunan d. wika

IKALAWANG BAHAGI

Panuto: Salungguhitan ang angkop na salitang dapat gamitin sa mga pahayag.

6. Mag-ingat ka anak (kapag, kung) nagmamaneho ka.


7. Huwag kang humarang sa (pintuan, pinto) at (ng, nang) maisara na ang (pintuan, pinto).
8. Akyat-panaog ang ama sa (hagdanan, hagdan) (habang, samantalang) hinihintay ang paglabas ng panganay nila.
9. Hindi siya nakapasok kahapon sa trabaho (dahil sa, dahil) sumakit ang kanyang ulo.
10. (Bitiwan, Bitawan) mo ako (kundi, kung di) ay sisigaw ako.
11. Huwag (magbitiw, magbitaw) ng mabigat na salita sa kapwa.
12. (Tiga-Manila, Taga-Manila) (daw, raw) ang mga kararating na (may, mayroong) (tag-iisang, tig-iisang) sasakyan.
13. Trabaho niya ang (bumili, magbili) ng gulay sa Baguio at (bumili, magbili) pagbaba sa Maynila.
14. (Hinagis, Inihagis) ni Mary ng tuwalya si Anna.
15. (Subukin, Subukan) natin ang kakayahan niya sa paggamit ng Filipino.
IKATATLONG BAHAGI

Panuto: Piliin kung ang mga Pahayag ay SALAWIKAIN, KAWIKAAN, SAWIKAIN, KASABIHAN.

__________________16. Walang palayok na walang kasukat na tungtong.


__________________17. Sa paghahangad ng kagitna, isang salop ang nawala.
__________________18. Ang nagpapakababa ay itataas; ang nagpapakataas ay ibaba.
__________________19. Ang panahon ay samantalahin sapagkat ginto ang kahambing.
__________________20. Huwag ipagpaliban bukas ang magagawa sa ngayon.
__________________21. Sa pagsisikap nakasalalay ang tagumpay ng buhay.
__________________22. Walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin.
__________________23. Sa taong may hiya, ang salita ay panunumpa.
IKAAPAT NA BAHAGI

Panuto: Isulat sa patlang ang kahulugan ng mga idyoma batay sa pagkakagamit sa pangungusap. (2 puntos bawat bilang)
24-25. ahas na tulog - _________________________________________________________________
Maiibigan ba ni Rosa ang nanliligaw na parang ahas na tulog?
26-27. alog na ang baba - _______________________________________________________________
Alog na ang baba ni Mang Jose subalit malandi pa siyang sumayaw.
28-29. asal-hudas - ________________________________________________________________
Hindi pinagkakatiwalaan ang taong asal-hudas.
30-31. babaha ng dugo - __________________________________________________________________
Kalian kaya hihinto ang pagbaha ng dugo sa Mindanao?
32-33. bagong-ahon - _______________________________________________________________
Kinakapanayam ng mga kadete ang mga bagong ahon mula sa PNPA.
IKALIMANG BAHAGI

Panuto: Pag-aralan ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang uri ng tayutay na ginamit.

__________________34. Ang paalala ng magulang ay liwanag na tumatanglaw sa madilim na pamumuhay ng mga anak.
__________________35. Natunaw ang dilag sa matinding kahihiyang natamo.
__________________36. Nagliliyab ang mga mata ng matanda sa katitingin sa babaing maganda.
__________________37. Hindi mo man sabihin, sa mga mata mo’y masisilip ang tunay na damdamin.
__________________38. Ang mabigat ay gumagaan, ang magaan ay bumigat sa kaparusahang ipinataw.
__________________39. Apat na mapupulang mata ang bumulaga sa kanya.
__________________40. Masarap kaulayaw ang mahinhing tubig sa batis.
__________________41. Sa malamig na samyo ng hangin ay naging mainit ang pagtanggap ng akademya sa mga bisita.
__________________42. Bumubulong na ng pagdating ng Pasko ang malamig na simoy ng hangin.
__________________43. Ang balitang siya’y dumating ay tulad ng tambuling gumising sa buong bayan.
IKAANIM NA BAHAGI

44-46. Ano ang retorika? Ipaliwanag sa sariling pangungusap.

47-50. Ipaliwanag ang ugnayan ng gramatika at retorika.

You might also like