You are on page 1of 3

Ang masining na pagpapahayag

1. ANG MASINING NA PAGPAPAHAYAG Ang Tayutay

2. LAYUNIN: a) Malalaman ang iba’t- ibang uri ng tayutay; b) Makapagbigay ng


pangugusap na ginagamitan ng mga tayutay.

3. Ang tayutay (figure of speech) ay mga salita o pariralang ginagamit upang


maging mabisa at kaakit- akit ang ating pagpapahayag.

4. MGA URI NG TAYUTAY Pagtutulad (Simile) Ginagamit ito sa tuwirang


paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao o pangyayari. Ito ay
ginagamitan ng mga salitang tulad ng, gaya ng, atb. Halimbawa: Ang iyong mata
ay mistulang kristal sa ganda.

5. Pagwawangis/ Metapora ( Metaphor) Ito’y tiyakang paghahambing pero HINDI


ginagamitan ng mga salitang gaya ng, parang, atb. Halimbawa: Ikaw ay dyosa ng
kagandahan.

6. Pagbibigay- Katauhan/ Pagsasatao (Personification) Ito’y pagsasatao o


pagsasalin ng talino, gawi, at katangian ng isang tao sa mga bagay- bagay sa ating
paligid.

7. Halimbawa: Yumuko ang mga halaman sa pagdaan nya.

8. Pagpapalit- tawag (Metonymy) - Metonymy- ang ibig sabihin ng meto ay


“panghalili o pangpalit” Ito’y paggamit ng mga salitang panumbas o pampahiwatig
ng kahulugan.

9. Halimbawa: /Naghanda sila ng mga masasarap na pagkain para sa mga bisita./


Naghanda sila ng magandang mesa para sa mga bisita.

10. / Ang sanggol na isinilang ni Aling Maria ay malusog./ Ang anghel na isinilang
ni Aling Maria ay malusog.

11. Pagpapalit- saklaw (Synechdoche) Ito’y maaaring gamitin sa pagbanggit ng


bilang sa pagtukoy sa kabuuan o maaari rin namang ang isang taoy kumakatawan
sa isang pangkat. Halimbawa: Siya ang Rizal sa kanilang pamilya. Sampung bibig
ang umaasa kay Pedro.

12. Pagtawag/ Panawag (Apostrophe) Ito’y paggamit ng mga salita sa pakikipag-


usap sa karaniwang bagay na tila totoong buhay at tila nasa kanyang harapan
ngunit wala naman.

13. Halimbawa: Kamatayan nasaan ka? Wakasan mo na ang buhay ko.

14. Pagmamalabis (Hyperbole) Ang mga salitang ito ay nagpapalabis sa kalagayan


ng tao, bagay o pangyayari. Halimbawa: Bumaha ng luha sa mga baryong
nasalanta ng bagyo.

15. Pagtatambis (Antithesis) Ang mga pahayag na ito ay bumabanggit ng mga


bagay na magkasalungat upang lalong mangibabaw o mas lalong maging mabisa
ang isang natatanging kaisipan.

16. Halimbawa: Ang buhay ng tao ay may liwanag at may dilim; panalo at
pagkatalo.

17. Pagsalungat (Epigram) Dalawang magkasalungat na kaisipan ang pinagsasama


upang maipakita ang kanilang kaugnayan. Halimbawa:

18. Pag- uyam (Irony/ Sarcasm) Paggamit ng salitang mapangutya o mapang-


uyam bagaman tila masarap pakinggan kung titingnan ang literal na kahulugan.
Halimbawa: Napakalinaw ng mata mo bakit hindi mo yan makikita.

19. Napakalinis sa ilog na yon walang isdang nabubuhay.

20. Pagtanggi (Litotes) Ang mga pahayag na ito ay karaniwang ginagamitan ng


panangging “hindi” upang bigyang- diin ang makabuluhang pagsang- ayon sa
sinasabi.

21. Halimbawa:

22. Paghihimig (Onomatopeia) Paggamit ng mga salitang ang tunog ay parang


nagpapahiwatig ng kahulugan nito. Halimbawa: Ang lagaslas nitong batis, alatiit
nitong kawayan, halumigmig nitong hangin, ay bulong ng kalikasan.
23. Pagdaramdam (Exclamation) Ang pagpapahayag na ito ay nagsasaad ni
masidhi o di- pangkaraniwang damdamin. Halimbawa: O, araw na lubhang
kilabot! Araw na sinumpa ng Diyos!

24. Mabuhay! Mabuhay ang Pilipinas!

25. Pagtatanong (Rhetorical Question) Ginagamit upang tanggapin o di- tanggapin


ang isang bagay. Wala itong inasahan na sagot.

26. Halimbawa: Bakit napakahigpit sa akin ang kapalaran? May bukas pa kaya
para sa akin? Mababago ko ba ang nakatanhana sa atin?

You might also like