You are on page 1of 26

ANG MASINING NA

PAGPAPAHAYAG
Ang Tayutay

LAYUNIN:
a)
b)

Malalaman ang ibat- ibang uri ng tayutay;


Makapagbigay ng pangugusap na ginagamitan
ng mga tayutay.

Ang tayutay (figure of speech) ay mga salita o


pariralang ginagamit upang maging mabisa at
kaakit- akit ang ating pagpapahayag.

MGA URI NG TAYUTAY


Pagtutulad (Simile)
Ginagamit ito sa tuwirang paghahambing ng
dalawang magkaibang bagay, tao o pangyayari.
Ito ay ginagamitan ng mga salitang tulad ng,
gaya ng, atb.
Halimbawa:
Ang iyong mata ay mistulang kristal sa ganda.

Pagwawangis/ Metapora ( Metaphor)


Itoy tiyakang paghahambing pero HINDI
ginagamitan ng mga salitang gaya ng, parang, atb.
Halimbawa:
Ikaw ay dyosa ng kagandahan.

Pagbibigay- Katauhan/ Pagsasatao


(Personification)
Itoy pagsasatao o pagsasalin ng talino, gawi, at
katangian ng isang tao sa mga bagay- bagay sa
ating paligid.

Halimbawa:
Yumuko ang mga halaman sa pagdaan nya.

Pagpapalit- tawag (Metonymy)


- Metonymy- ang ibig sabihin ng meto ay
panghalili o pangpalit
Itoy paggamit ng mga salitang panumbas o
pampahiwatig ng kahulugan.

Halimbawa:
/Naghanda sila ng mga masasarap na pagkain
para sa mga bisita./
Naghanda sila ng magandang mesa para sa
mga bisita.

/ Ang sanggol na isinilang ni Aling Maria ay


malusog./
Ang anghel na isinilang ni Aling Maria ay
malusog.

Pagpapalit- saklaw (Synechdoche)


Itoy maaaring gamitin sa pagbanggit ng bilang
sa pagtukoy sa kabuuan o maaari rin namang ang
isang taoy kumakatawan sa isang pangkat.
Halimbawa:
Siya ang Rizal sa kanilang pamilya.
Sampung bibig ang umaasa kay Pedro.

Pagtawag/ Panawag (Apostrophe)


Itoy paggamit ng mga salita sa pakikipag- usap
sa karaniwang bagay na tila totoong buhay at tila
nasa kanyang harapan ngunit wala naman.

Halimbawa:
Kamatayan nasaan ka? Wakasan mo na ang
buhay ko.

Pagmamalabis (Hyperbole)
Ang mga salitang ito ay nagpapalabis sa
kalagayan ng tao, bagay o pangyayari.
Halimbawa:
Bumaha ng luha sa mga baryong nasalanta ng
bagyo.

Pagtatambis (Antithesis)
Ang mga pahayag na ito ay bumabanggit ng
mga bagay na magkasalungat upang lalong
mangibabaw o mas lalong maging mabisa ang
isang natatanging kaisipan.

Halimbawa:
Ang buhay ng tao ay may liwanag at may dilim;
panalo at pagkatalo.

Pagsalungat (Epigram)
Dalawang magkasalungat na kaisipan ang
pinagsasama upang maipakita ang kanilang
kaugnayan.
Halimbawa:

Pag- uyam (Irony/ Sarcasm)


Paggamit ng salitang mapangutya o mapanguyam bagaman tila masarap pakinggan kung
titingnan ang literal na kahulugan.
Halimbawa:
Napakalinaw ng mata mo bakit hindi mo yan
makikita.

Napakalinis sa ilog na yon walang isdang


nabubuhay.

Pagtanggi (Litotes)
Ang mga pahayag na ito ay karaniwang
ginagamitan ng panangging hindi upang bigyangdiin ang makabuluhang pagsang- ayon sa sinasabi.

Halimbawa:

Paghihimig (Onomatopeia)
Paggamit ng mga salitang ang tunog ay parang
nagpapahiwatig ng kahulugan nito.
Halimbawa:
Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong
kawayan, halumigmig nitong hangin, ay bulong ng
kalikasan.

Pagdaramdam (Exclamation)
Ang pagpapahayag na ito ay nagsasaad ni
masidhi o di- pangkaraniwang damdamin.
Halimbawa:
O, araw na lubhang kilabot! Araw na sinumpa
ng Diyos!

Mabuhay! Mabuhay ang Pilipinas!

Pagtatanong (Rhetorical Question)


Ginagamit upang tanggapin o di- tanggapin ang
isang bagay.
Wala itong inasahan na sagot.

Halimbawa:
Bakit napakahigpit sa akin ang kapalaran?
May bukas pa kaya para sa akin?
Mababago ko ba ang nakatanhana sa atin?

You might also like