You are on page 1of 15

MODYUL 3 | ARALIN 1 | Ang Mga Tayutay at Aplikasyon nito sa Pagsasalin

MAHALAGANG PAALALA
Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring muling mailimbag o magamit nang
walang pahintulot mula sa mga tagapagsulat. Ang modyul na ito ay ginawa para sa
pangedukasyon at pagkatutong layunin.

KINALABASAN AT PAGKATUTO
Pagkatapos na mabasa ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:

1. Nasusuri ang mga tayutay na ginamit sa mga mga tiyak na gawain


2. Naikikintal sa isipan ang paraan ng wastong pagsasalin sa mga tayutay.
3. Nakapagsasalin ng mga tayutay sa isang parirala/pangungusap

PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Noong ikaw ay nasa antas sekundarya ay nabigyan na ng kahulugan o pansin ang mga
uri ng tayutay. Ngayon ay alamin pa ang kaalaman mo at nais pang malaman tungkol sa tayutay
lalo pa at ito ay gagamitin na sa pagsasalin. Ang bahagi ng natutunan ay iyong sasagutan
pagkatapos ng pagtalakay sa aralin.

NILALAMAN
Pagsasalin ng Tayutay

Ano ba ang tayutay?


“Ang Tayutay ay isang paglayo sa karaniwang kayarian ng wika upang makapagbigay
ng sariwa, naiiba at kasiya-siyang pagpapahayag at pagbibigay katuturan sa tulong ng
paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba ngunit napagtutulad sa isa’t isa” -Ongoco
(Plorante at Laura1988:46)
Ang tayutay ay hindi mabulaklak na paggamit ng wika kundi masining na
pagpapahayag . -Ongoco
Kung ang panulaan ay hitik sa mga tayutay, kakailanganin ng isang baguhang
tagapagsalin o ng isang nagbabalak magsalin na magkaroon ng mga batayang kaalaman sa
partikular na aspetong ito ng wika. Sa Simpleng pagpapakahulugan ang tayutay ay isang anyo
ng paglalarawan na kaiba sa karaniwang paraan ng pananalita; maaaring patalinhaga na hindi
literal ang kahulugan ng mga salita.

Paraan sa Pagsasalin ng mga Tayutay

1. Dapat isalin ang diwa ng salita sa payak na kahulugan. Ang wikang isinasalin (W1) na
matayutay ay magiging payak sa wikang pinagsasalinan (W2).
Halimbawa:
 The Philippines elected national officials in 1998.
Salin: Ang mga mamamayang Pilipino ay naghalal ng pambansang pamunuan noong 1998.

2. Kailangang panatilihin ang orihinal na salita at dagdagan ng kahulugan upang pasidhiin


ang damdamin. Nangyayari ito kadalasan sa panulaan.
Halimbawa:
 He drank 3 bottles.
Salin: Uminom siya ng tatlong boteng serbesa.

3. Dapat tumbasan ng kapwa matayutay o idyomatikong pananalita ang isinasalin. Ang


matayutay na wikang isinasalin (W1) ay tinutumbasan din ng matayutay na wikang
pinagsasalinan (W2).
Halimbawa:
 Don’t hurt his good name.
Salin: Huwag mong sirain ang maganda niyang pangalan.

Mga Uri ng Tayutay


 Simile / Pagtutulad
Isa itong payak na paghahambing, pagtutulad at paglilipat sa ilang bagay, tao, hayop
o ideya. Sa pagtutulad ng dalawang bagay, tao, hayop o ideya, ginagamit ang mga salita at
pariralang gaya ng “parang, paran, gaya ng, tulad ng, wangis ng o kawangis, gaya ng animo’y,
tila.”
Halimbawa:
o “Cheeks like roses”
Salin: Mga pisnging tulad ng rosas
o “Women are changeable as the weather”
Salin: Ang mga babae ay pabago-bago tulad ng panahon
 Metapora / Pagwawangis
Naghahambing din tulad ng pagtutulad subalit ang hambingan ay tiyak o tuwiran at
hindi gumagamit ng mga salitang nabanggit sa pagtutulad o simile.
Halimbawa:
o “Mantle of darkness”
Salin: lambong ng kadiliman
o “Your life is an open book to me”
Salin: Ang buhay mo ay isang bukas na aklat sa akin

 Metonimya / Pagpapalit-tawag
Ito ay isang uri ng tayutay kung saan ang tawag sa isang bagay ay ipinapalit o
inihahalili bilang talinhagang pantawag sa isang bagay na ipinahihiwatig.
Meto – salitang griyego “change”
Onym – “name”
Halimbawa:
o “The DECS suspended the teachers who went on strike”
Salin: “Sinuspindi ng DECS ang mga nagwewelgang mga guro”
Ang talagang sumuspindi sa mga gurong nagwelga ay si Dr. Carino, kalihim ng DECS.
Ang DECS ay sagisag na ipinalit sa kalihim na si Dr. Carino

 Sinekdoke
Ito ay isang uri ng Tayutay na tumutukoy sa relasyon ng bahagi at kabuuan (part
whole) na kung saan ang bahagi ay kumakatawan sa kabuuan o kabaligtaran nito.
Halimbawa:
o “The Government reintroduced the electric chair.”
Salin: Ibinalik ng pamahalaan ang silya elektrika

 Hyperbole / Pagmamalabis
Madali lang ang pagpapaliwanag ni Webster tungkol sa tayutay na ito: “ Exaggeration
for effect, not to be taken literally.” Sa ibang salita, ang hyperbole ay isang eksaheradong pahayag
na sinasadyang gamitin ng nagsasalita o sumusulat upang mapag-ibayo ang katindihan o epekto
ng diwa o mensaheng kanyang ibig ipahatid.
Sa pagsasalin ng Hyperbole, dapat mapanatili sa salin ang eksaheradong bisa ng
mensaheng ibig ikintal ng awtor sa isip ng mambabasa.
Halimbawa:
o He's running faster than the wind.
Salin: Tumakbo siya nang mas mabilis kaysa sa hangin.
o This bag weighs a ton.
Salin: Ang bag na ito ay may bigat na isang tonelada

 Eupemismo / Paglumanay
Ito’y paggamit ng matalinghagang salita o pahayag bilang pamalit sa isang salita o
pahayag na nakakasakit ng damdamin o malaswang pakinggan.
Halimbawa:
o He has passed away
Salin: Siya ay sumakabilang buhay
o She is between jobs
Salin: Siya ay walang trabaho sa kasalukuyan

 Personipikasyon
Ito’y matatawag ding padiwangtao, ayon sa ibang awtor. Nagbibigay-buhay o
nagbibigay-katauhan ito sa mga bagay na walang buhay; sa ibang salita, inililipat ang katangian
ng tao sa mga karaniwang bagay.
Halimbawa:
o Answer the phone
Salin: Sagutin ang telepono
o My alarm clock yells at me to get out of bed every morning.
Salin: Ang aking despertador ay humihiyaw sa akin tuwing umaga upang bumangon na ako sa
aking higaan.

 Panawagan / Pagtawag / Apostrope


Kahawig din ito ng personipikasyon dito, ang mga bagay na walang buhay ay waring
may buhay at kinakausap
Halimbawa:
o Oh, rose, how sweet you smell and how bright you look!
Salin: Oh, Rose, kay bango ng iyong amoy at ang ningning mong pagmasdan!
o Car, please get me to work today!
Salin: Pakiusap, aking awto ihatid mo ako sa trabaho ko ngayon.
 Ironiya / Pag-uyam
Ito ay nagpapahayag ng kabalintunaan, ng pangungutya, panunuya o pang-uuyam sa
pamamagitan ng mga salita o pahayag na kapag kinuha ang paimbabaw na kahulugan ay waring
pamumuri sa tinutukoy. Sa ibang salita, kabaliktaran ang kahulugan ng sinasabi.
Halimbawa:
o A police station being burglarized
Salin: Ang istasyon ng pulis ay ninakawan.
o A t-shirt with a “Buy American” logo that is made in China
Salin: Ang damit na may logong “Buy American” ay gawa sa bansang China.

 Paradoks
Isang paraan ng pagpapahayag na sa biglang-isip ay waring taliwas sa katotohanan
o sa sentido komun, ngunit kapag sinuring mabuti ay malilirip na mayroon palang matatag na
batayan.
Halimbawa:
o This is the beginning of the end.
Salin: Ito ang simula ng katapusan
o Here are the rules: Ignore all rules.
Salin: Ito ang patakaran: huwag pansinin ang lahat ng patakaran.

 Oksimoron
Paghahalo ng dalawang salitang magkasalungat na nagiging katanggap-tanggap sa
nakaririnig o nakababasa.
Halimbawa:
o “Same difference”
Salin: Parehong magkaiba
o “Living dead”
Salin: Buhay na patay

 Onomatopeya
Paggamit ng salitang kahawig o katunog ng nginangalanan. Kung ano ang tunog ay
siyang kahulugan.
Halimbawa:
o The buzzing bee flew away.
Salin: ANg umuugong na bubuyog ay lumilipad palayo
o The books fell on the table with a loud thump.
Salin: Ang librong nahulog sa lamesa ay may malakas na kalabog.

MODYUL 3 | ARALIN 2 | Ang Idyoma sa Pagsasaling-wika

MAHALAGANG PAALALA
Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring muling mailimbag o magamit nang
walang pahintulot mula sa mga tagapagsulat. Ang modyul na ito ay ginawa para sa
pangedukasyon at pagkatutong layunin.

KINALABASAN AT PAGKATUTO
Pagkatapos na mabasa ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:

1. Natatalakay ang kahulugan ng idyoma at mga gabay sa pagsasalin nito.


2. Naisasalin ang mga idyoma mula sa wikang Ingles tungo sa wikang Filipino.
3. Nasusunod nang wasto ang mga hakbangin at mga kaparaanan sa pagsasalin ng idyoma.

PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong sa ibaba. Ibigay ang hinihingi sa
bawat katanungan hinggil sa paksang aralin.

1. Bilang isang mag-aaral, gumagamit ka pa ba ng idyoma sa isang sulatin o sa isang talakayan?


2. Malaki ba ang naitutulong ng idyoma sa pagpapaliwanag o pagpapahayag ng iyong saloobin sa
isang sulatin / talakayan? Bakit?

NILALAMAN
Idyomatikong Pagsasalin
Isinasaisip sa pagsasaling-wika ang mga limitasyon na kabilang ang diwa (konteksto), ang
patakarang pambalarila (gramatika) ng dalawang wika, ang pamamaraan at gawi ng pagsulat
sa dalawang wika, at ang kanilang mga wikain (kawikaan o idyoma). Isang karaniwang
kamalian sa pagkakaintindi na may payak na paraan ng pakikipag-ugnayan ang bawat dalawa
(ang literal na salin o pagtutumbas ng salita-sa-bawat-salita); at ang pagsasalin ay isang
tuwiran at mekanikal na proseso. Sa pagtutumbas ng salita-sa-bawat-salita, hindi
pinahahalagahan at hindi nabibigyan ng pansin at diin ang diwa, balarila, mga gawi, at
kawikaan.
Sa idyomatkong pagsasalin, mensahe, diwa o kahulugan ng orihinal na teksto ang isinasalin.
Hindi nakatali sa anyo, ayos o estruktura ng isinasalin bagkus iniaangkop ang bagong teksto sa
normal at natural na anyo ng pinagsasalinan.
Halimbawa:
Orihinal: Still wet behind the ears
Salin: May gatas ka pa sa labi

Ano ang IDYOMA?


Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi
komposisyunal—sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-
kanyang salita na nabuo; ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at
kaugalian ng isang lugar.
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng idyoma at mga kahulugan ng bawat isa:
 ilaw ng tahanan– ina
 haligi ng tahanan– ama
 bukas ang palad– matulungin
 taingang kawali – nagbibingi-bingihan
 buwayang lubog– taksil sa kapwa
 malaki ang ulo– mayabang
 pantay na ang mga paa– patay na
 maitim ang budhi– tuso
 kapilas ng buhay – asawa
 bahag ang buntot – duwag
 balat-sibuyas– mabilis masaktan
 kusang-palo– sariling sipag
 usad pagong– mabagal kumilos
 itaga sa bato– ilagay sa isip
 May bulsa sa balat– kuripot
 ibaon sa hukay– kalimutan
 pagsunog sa kilay– pag-aaral ng mabuti
 nakalutang sa ulap– sobrang saya
Narito naman ang ilang halimbawa na mayroong salin sa Ingles:
Halimbawa: butas ang bulsa- penniless; without money
Hindi mahulugang karayom- very crowded
IDYOMATIKONG PAHAYAG
Ang Idyomatikong Pahayag o Salitang Matalinhaga ay parirala o pangungusap na ang
kahulugan ay kompletong magkaiba ang literal na kahulugan ng salitang gawa sa
matalinghagang salita. Ito ay naging pangmalawakang gamit dahil ito’y Makahulugang
Mensahe.
Halimbawa: Buto’t balat- payat na payat (A skinny lad after the accident.)
Pipitsuging tao- mahirap (small fry)
(Stay away from the small fry but instead go after the fat-cats)
(Iwasan mo ang mga pipitsuging tao at doon ka sa may sinasabi)

GABAY SA PAGSALIN NG IDYOMATIKONG PAHAYAG

1. Tandaan na ang mga ekspresyong idyomatiko ay maaaring may kahulugang literal.


Samakatwid, maaaring literal ang itumbas depende sa konteksto . Kung minsan, nagkakataon
din na ang ekspresyong idyomatiko sa isang wika ay may katapat na katapat na ekspresyon sa
ibang wika.
2. Maaaring ihanap ng kapwa ekspresyong idyomatiko.
3. Tumbasan ang kahulugan ng ekpresyong idyomatiko sa paraang idyomatiko.

GABAY SA PAGSASALIN NG IDYOMA


Isalin ang diwa ng salita sa payak na kahulugan, ang wikang isinalin na matayutay ay dapat
maging payak sa wikang pinagsasalinan. Bigyang –pansin ang mga sumusunod na gabay:

1. May Literal na Katapat


o Old maid (matandang dalaga)
o Sand castle (kastilyong buhangin)

2. May Panapat na Idyoma


o Piece of cake (sisiw)
o No word of honor (walang isang salita; walang paninindigan sa salita)

3. Walang Panapat na Kayang Ibigay ng Kahulugan


o Barking up the wrong tree (pagtuturo sa maling tao)
o Once in a blue moon (bihira mangyari)

4. Pariralang Pandiwa at Pang-ukol


o Run away (tumakas)
o Run after (habulin)
o Run over (masagasaan)
o Run into (magkasalubong)
MODYUL 3 | ARALIN 3 | Pagsasalin ng Prosa o Tuluyan

MAHALAGANG PAALALA
Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring muling mailimbag o magamit nang
walang pahintulot mula sa mga tagapagsulat. Ang modyul na ito ay ginawa para sa
pangedukasyon at pagkatutong layunin.

KINALABASAN AT PAGKATUTO
Pagkatapos na mabasa ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:

1. Nasusuri ang iba’t ibang panitikang Pilipino sa anyong prosa o tuluyan


2. Naipaliliwanag ang paraang segmentasyon sa mga baguhan sa larangan ng pagsasalin ng
prosa o tuluyan
3. Nakapagsasalin ng isa sa mga uri ng akdang tuluyan o prosa mula sa wikang Filipino tungo sa
wikang Ingles.

PAUNANG PAGTATAYA
Sasanayin ka sa pagbabasa at pagbubuod ng mga akda tungo sa maayos na pagsasalin sa
Ingles.
Unang Gawain: Pagbubuod at Pagsasalin sa Inggles ng Binasang akda

Madaling-araw pa lamang ay papunta na sa tubigan sina Ka Albina, kasama ang anak na


dalagang si Nati at ang pamangking si Pilang. Sunung-sunong nila ang mga matong ng
kasangkapan at pagkain.
Habang daan, nakasabay nila sina Ka Ipyong, Pakito, at Pastor na nakasakay sa kalabaw
dala ang kanya-kanyang araro. Habang naglalakad, nagkakatuwaan sila at nagkakatuksuhan. Si
Ore na kasama rin nila ay nagpatihuli na parang may malalim na iniisip.
Nang marating nila ang tubigang aararuhin, may nadatnan na silang nagtatrabaho. Ang iba
naman ay katatapos lamang sa pagtilad at habang nagpapahinga ay nagkakasarapan sa
pagkukwentuhan.
Habang abala sa pag-aayos ng mga kasangkapang gagamitin sina Nati at Pilang, nandoon
din si Pastor at nagpipilit na tumulong kay Pilang. Si Ore naman ay mapapansing pinamumulahan
ng pisngi. Inabutan ni Pilang si Pastor ng kape ngunit sinamantala ito ng binatang sapuhin ang
kamay ng dalaga. Walang kibong lumapit si Ore kay Nati at humingi ng kape at kamote. Walang
patlang ang sulyapan nina Nati at Ore habang nagkakainan. Si Pastor naman ay laging
nahuhuling nakatingin say Pilang.
Makakain, inumpisahan nila ang suyuan. Sunud-sunod silang parang may parada.
Masasaya silang nag-aararo at maitatangi ang kanilang pagkakaisa sa tulung-tulong na paggawa.
Para silang nagpapaligsahan sa ingay at hiyawan. Ganoon na nga ang nangyari. Lihim na
nagkasubukan sa pag-aararo sina Pastor at Ore. Nagpakitaan sila ng bilis sa pagbungkal ng lupa
at gilas ngkalabaw. Ipinanahimik lamang ito ng dalawang dalaga na alam na alam ang dahilan
Nauna si Pastor, sumusunod lamang si Ore. Malaki na ang kanilang naaararo ngunit
patuloy pa rin sila. Mahina ang kalabaw ni Ore kaya nahuhuli, samantalang magaling ang kalabaw
ni Pastor kaya nangunguna. Hindi na makahabol si Ore sa layo ni Pastor nang huminto na ang
kalabaw niya sa sobrang pagod.
Tinawag sila ni Ka Punso para kumain. Tumigil si Pastor. Kinalagan ang kalabaw niya at
sinabuyan ng tubig. Nakatawa itong lumapit sa mga kasama. Samantalang si Ore ay hinimas-
himas pa muna ang batok ng kanyang kalabaw na bumubula ang bibig at abut-abot sa paghinga.
Nilapitan siya ng isa sa mga kasamahan at ipinagpatuloy ang ginagawa niya. Lumapit si Ore sa
mga kasamahang mapulang-mapula ang mukha at paulit-ulit na ikinukuskos ang mga palad na
malinis na naman sa pantalon at walang masabi kundi ang pag-aming talagang makisig ang
kalabaw ni Pastor.
Naupo si Ore ilang hakbang ang layo kina Nati at Pilang. Si Pastor ay kumakain sa tabi
ni Pilang. Nilapitan ni Pilang si Ore at dinulutan ng pagkain. Naibsan ang pagod at hirap ni Ore.

1. Ano ang dalawang maaaring ipakahulugan sa pamagat ng maikling kwento na “ Suyuan sa


Tubigan “ ni Macario Pineda? ( 5 puntos)
2. Ano ang naging kawakasan ng kwento? (10 puntos)
3. Isalin sa wikang Ingles ang iyong naging kasagutan sa bilang 1. ( 5 puntos)

NILALAMAN
Ang layunin ay maipakita ang kahalagahan ng isang prosa o tuluyan, sa pamamagitan nito ay
malalaman natin ang iba’t ibang uri ng mga akdang pampanitikan at mahubog pa ang ating
kaalaman sa pagsulat ng isang panitikan gamit ang prosa o tuluyan. At kung paano maging isang
magaling na tagapagsalin.
Naniniwala ang mga awtoridad sa pagsasalin na sa pangkahalatan, may dalawang uri ng
pagsasalin: a) pagsasaling pampanitikan, b) pagsasaling di-pampanitikan o teknikal. Nasa ilalim
ng pagsasaling pampanitikan ang mga akdang pampanitikan tulad ng maikling kwento , dula,
tula,nobela at sanaysay. Samantala, nasa ilalim naman ng pagsasaling teknikal ang tekstong
hindi kabilang sa mga nabangggit, tulad ng mga tekstong may kinalaman sa siyensya at
teknolohiya, mga disiplinang akademiko, pati na ang mga dokumentong pambatas, mga balita sa
diyaryo, editoryal, isports, komersyo, at iba pa.

ANO ANG PROSA?


Prosa o tuluyan ang uri ng malikhaing pagsulat na gumagamit ng pangungusap na tuloy
tuloy o patalatang paraan. Kabilang sa prosa ang malikhaing kuwento, nobela, sanaysay,
talambuhay, anekdota at iba pa.
Mga Uri ng Anyong Tuluyan
 Mga Kwentong-Bayan
Tayong mga Pilipino ay madalas na nagtitipun-tipon at karaniwang nauuwi sa biruan, awitan,
kwentuhan, at paglalaro. Ang kuwentuhan ang pinaka karaniwang nangyayari.
Tungkol ito sa mga buhay-buhay o mga namanang salaysay. Ito ngayon ang tinatawag na
kwentong-bayan.
Ang kwentong-bayan o folktales sa Ingles ay mga pasalitang pagsasalaysayan sa tradisyong
patuluyan. Kinukuwento ito sa pamamagitan ng natural na pag-uusap na pasalita na karaniwang
nangyayari sa pang-araw-araw na pag-uusap. Naiiba ito sa anyong patula kung saan ang
pagbigkas ay artipisyal dahil ito’y taludturang may sukat at tugma.
Ang salitang bayan sa kwentong-bayan ay nagsasaad na hindi alam kung sino ang taong tiyak o
pinakaunang naglahad ng kwento. Ito ay hindi nasusulat o nakasulat sapagkat ito ay nagpasalin-
salin lamang sa bibig ng marami. Walang tanging nag mamay-ari nito kundi ang bayan.
 Alamat
Ang alamat o legend sa Ingles ay tumutukoy sa isang uri ng kwentong-bayan na nagsasalaysay
tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay. Ito ay mga kwento tungkol sa pinagmulan ng simula.
 Mito
Ito’y karaniwang kwento tungkol sa diyos o diyosa, bathala, o mga anito. Kasama na rin dito ang
tungkol sa kanilang mga nilalang tulad ng kalikasan, langit, mundo, at mga unang tao. Kaugnay
na rin dito ang tungkol sa pagsamba ng tao sa maylalang o maykapal (Diyos). May mga
pagkakataon ding may mga nilikha na tanging dinadakila o binabayani. Ito’y dahil sa kanilang
katapangan, kagitingan, o kapangyarihan.
Ilan sa mga mito sa ating bansa ay patungkol sa pagsamba, tulad ng pagkaroon ng tinatawag na
Gugurang ng mga Bikolano, Kabunian ng mga Ilokano, Adwata ng mga Bilaan, at Bathala ng mga
Tagalog. Kung tungkol naman sa mga bayani, ang mga Bikolano ay may Handing, isang magiting
na bayaning pumatay sa isang higanteng ahas.
 Ang Pabula
Ang pabula ay unang naging tanyag sa Greece dahil sa Aesop’s Fable, mga kwento ni Aesop na
isang Greek. Ang pabula ay mga kwentong-bayan na karaniwang isinasalaysay ng mga
magulang sa kanilang mga anak upang sila’y aliwin o pangaralan. Dahil mahilig ang mga bata sa
mga hayop, ang mga tauhan sa kwento ay pawang mga hayop at ginagamit upang kumatawan
sa mga katangian o pag-uugali ng tao. Halimbawa, ang ahas ay inihahalintulad sa isang taong
taksil, ang unggoy o matsing sa isang taong tuso, at ang pagong sa taong makupad. Sa kalikasan
naman, ang rosas ay kumakatawan sa babae o sa pag-ibig, ang bubuyog sa isang mapaglarong
manliligaw, at kung anu-ano pa. Sa ganitong paglalahad, naiiwasan ang makasakit sa damdamin
ng tao, sakali mang may nakikinig na maaaring siya ang tinutukoy ng tema. Sabi nga sa isang
salawikain, “Bato, bato sa langit, ang tamaan ay huwag magagalit.” Sa mga panahong supil ang
pamamahayag, ang pabula ang mabisang sandata upang maipahayag ang katiwalian at
mailantad ito sa mga kinauukulan.
 Ang Parabula
Ang parabula ay karaniwang hango sa Bibliya o Banal na Kasulatan. Sa mga Kristiyano, ang
parabula ay mga pagtuturo at pangangaral ni Hesus noong magsimula Siya sa Kanyang misyon
sa daigdig. Isang halimbawa ng parabula sa wika Niya ay: “Ang tao ay may mga mata ngunit hindi
nakakikita, may mga tainga subalit hindi nakaririnig.” Sa pamamagitan ng kaisipang ito,
mamumuni-muni, mauunawaan, at makikilala ng isang tao ang kanyang sarili. Ang parabula, tulad
ng pabula, ay masimbolo kaya malalim ang kahulugan at dapat pag-isipan. Katulad din ng alamat
at pabula, ang parabula ay nagtataglay ng aral na nagsisilbing gabay sa ating buhay. Ang anyo
nito ay tila kwentong pambata sa unang tingin dahil payak ang takbo ng banghay at mga
karaniwang tao, hayop, o bagay lamang ang mga tauhan. Kadalasang nababagay ang mga
parabula sa mga taong may kakayahang magpasya gaya ng mga magulang at iba pang mga
nakatatanda upang lalong lumawak ang kanilang pakikitungo sa kanilang sarili, kapwa, lipunan,
at sa larangang kanilang kinabibilangan.
 Ang Maikling Kwento
Ang maikling kwento ay isang makabagong sangay ng panitikan na sadyang kinakathang
masining upang madaling pumasok sa isip at damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari
sa buhay na inilalarawan sa kwento.
May mga bahagi at sangkap o elemento ang maikling kwento. Ito ay may simula, gitna, at
katapusan. Sa simula matatagpuan ang tatlong mahahalagang sangkap o elemento: ang tauhan
na ipinakikilala ayon sa kaanyuan o papel na gagampanan, halimbawa, ang bida at kontrabida;
ang tagpuan na pangyayarihan ng aksyon o insidente na naghahayag ng panahon, halimbawa,
kung tag-init, tag-ulan, oras at lugar; at ang sulyap sa suliranin, na magpapahiwatig sa magiging
problemang kakaharapin ng pangunahing tauhan o ng tanging tauhan.
Sa gitna, tatlo rin ang sangkap. Ito ay ang sumusunod: ang saglit na kasiglahan na nagpapakita
sa panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang nasasangkot sa problema; ang tunggalian na
tahasan nang nagpapakita ng labanan o pakikibaka ng tanging tauhang inilalahad na maaaring
ang kanyang pakikipagtungali sa sarili, sa kapwa, sa kalikasan; at ang kasukdulan, ang
pinakamadulang bahagi ng kuwento kung saan iikot ang kahihinatnan ng tanging tauhan, kung
ito ay kasawian o tagumpay.
Sa wakas naman matatagpuan ang kakalasan at ang kinatapusang sangkap. Sa kakalasan
mababatid ang kamalian o kawastuan ng mga di-inaasahang naganap na pagbubuhol na dapat
kalagin. Mababatid naman sa katapusan ang magiging resolusyon ng kwento at ito’y maaaring
masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo ng pangunahing tauhan. May ibang mga
kwentong hindi na winawakasan at wala ang dalawang huling sangkap nito. Iniiwan na lamang
itong bitin sa kasukdulan at hinahayaan na lamang ang mambabasang humatol o magpasya sa
dapat na kahinatnan nito. Mapanghamon ang ganitong wakas sa isip ng mga mambabasa.
Parang kabilang na rin sila sa mga saksi sa kwento. Sa ganitong sitwasyon, inaasahan na
bibigyang-pansin ng mambabasa ang tinatakbo ng kwento upang kapag hinilingan siya ng
kawakasan at kinakailangan na isalin sa wikang Inggles ay pagsasalin sa diwang nakapaloob na
lamang sa akda ang kanyang pagsasalin at hindi salita-sa-salita.
 Sanaysay
Tinatawag itong essay sa Ingles at essaier sa Pranses na nangangahulugang “pagtatangka.” May
mga sanaysay na naglalahad, nagsasalaysay, naglalarawan at nangangatwiran. Maikling
komposisyon na naglalaman ng sariling kuro-kuro ng may akda.
 Talambuhay
Ito ay tala ng buhay ng isang tao. Ito ay tungkol sa mga pangyayari sa buhay ng isang tao.
Karaniwang simula pagsilang hanggang sa isang punto ng buhay. Ano man ang anyo ng prosa,
kailangang nakikilala ng isang tagasalin ang anyong pampanitikan na kinabibilangan nito.
Makatutulong ang kaalamang ito sa pagharap sa mga suliranin sa pagsasalin.
 Anekdota
Kinapapalooban ng kakatwang pangyayari sa buhay ng tao na kapupulutan ng aral.
 Nobela o Kathambuhay
Isang mahabang kwento na nahahati sa kabanata na bunga ng malikhaing pag-iisip.
 Balita
Paglalahad ng totoong pangyayari sa loob at labas ng bansa.
 Talumpati
Isang buod ng kaisipan na sinasalaysay sa entablado o sa harap ng mga tagapakinig. Ito ay
nauuri batay sa iba’t ibang layunin, ang talumpati ay maaaring may layuning humikayat,
magbigay-impormasyon, magpaliwanag, mangatwiran, maglahad ng opinion o paniniwala o
lumibang.
 Dula
Mga kwento na isinasabuhay at nahahati ang pangyayari sa yugto. Ito ay isang uri ng panitikan
na isinulat upang itanghal sa entablado o tanghalan.
 Liham
Tumutukoy sa saloobin ng manunulat.

SINO ANG MAY KARAPATANG MAGSALIN SA NG PANITIKAN?


Hindi iilang tagasalin at kritikong pampanitikan ang naniniwalang ang tagasalin ng maikling
kuwento ay kailangang kuwentista rin, ang tagasalin ng sanaysay ay kailangang mananalaysay
rin, ang tagasalin ng nobela ay kailangang nobelista rin, at iba pa.
May karapatang magsalin ang isang taong “nakababad sa panitikan,” o mayroon nang mahabang
taon ng likas na pagkahilig o pagkahumaling sa pagbabasa ng panitikan. Hindi man siya tagalikha
ng panitikan, ang pagkahilig na ito sa panitikan ay makatutulong nang malaki sa isang tagasalin
sa pagpapakahulugan o interpretasyon.

MGA SULIRANIN SA PAGSASALIN NG PROSA


Sa pagsasalin ng prosa kailangang isaalang-alang ng tagasalin ang natural na daloy ng
pangungusap. Nangangahulugan ito ng hindi pagiging “tunog - salin” ng teksto. Ang ibig sabihin
nito ay para itong orihinal na isinulat sa TL. Upang maisagawa ito, kailangang ang tagasalin ay:
may malalim na kaalaman sa idyoma ng TL at kahusayan sa estruktura ng TL (Tunguhang
Lenggwahe).
Pangungahing Suliranin sa Pagsasalin ng Tuluyan
Problema sa Idyoma
Imposibleng makapagsalin nang maayos ang isang taong ni hindi maunawaan ang karamihan ng
mga ekspresyong idyomatiko sa wikang kanyang isinasalin.
Problema sa Panghihiram
Sa bawat pangungusap na ating isinasalin ay bihira ang pagkakataong hindi tayo napapaharap
sa problema panghihiram, lalo na kung ang tekstong isasalin ay kargado ng kulturang dayuhan.
Problema sa Balangkas/ Kayarian ng pangungusap
Isa pang problema sa pagsasalin ay pagkakaiba sa gramatika, sa istruktura o kayarian ng mga
pangungusap sa Ingles at Filipino.

Ang Pamaraang segmentasyon


Ang pamamaraang segmentasyon ay ang paghahati-hati sa mga pangungusap o parirala upang
mas madaling maunawaan at maisalin ng maayos ang teksto. Layunin nito ang pagbaha-bahagiin
sa maliit na segment ang pangungusap upang mas maiintindihan
ang diwang nakapaloob dito. Sa pamamagitan ng segmentasyon ay nakukuha at
napapanitili ng tagasalin ang diwa ng orihinal na akda. Kinakailangan dito sa paraan ng
segmentasyon na may sapat na kaalaman ang tagasalin sa dalawang wika o higit pa
upang maging angkop ang mga gagamiting salita sa pagpapanatili ng diwa. Ito ang
paraan upang mabuo ng tagasalin ang pangunahing mensahe na nais ipahiwatig ng awtor sa
pamamagitan ng pagbuo sa diwa mula sa hinati-hating bahagi ng pangungusap o parirala
patungo sa kabuo-ang salin.
Isang paraang magagamit ng tagasalin, ang paghati-hati sa mga teksto sa mga segment o
bahagi. Nakatutulong ito sa pagsusuri ng mga teksto upang mahugot ang kahulugan.

Halimbawa:
I believe that while we have utilized the Presidential powers to dismantle the violent revolution and
its communist apparatus, we must not fail our people; we must replace the violent revolution with
the authentic revolution– liberal, constitutional and peaceful.

Orihinal Salin

1.1 Ako’y naninindigan


1.1 I believe
1.2 na bagama’t ating ginagamit
1.2 that while we have utilize
1.3 ang mga kapangyarihan ng pangulo
1.3 the Presidential powers
1.4 upang lansagin ang marahas na
1.4 to dismantle the violent revolution
rebolusyon.
1.5 and its communist apparatus
1.5 at ang makinarya nitong komunista
1.6 we must not fail our people 1.6 ang ating taumbayan ay hindi dapat biguin
1.7 we must replace 1.7 dapat nating palitan
1.8 the violent revolution 1.8 ang marahas na rebolusyon
1.9 with the authentic revolution 1.9 ng rebolusyong tunay
1.10 liberal, constitutional and peaceful 1.10 liberal, konstitusyonal at mapayapa

“Tula-sa-Tula” laban sa “Tula-sa-Prosa”


Isang manunulat ang nagsabi na ang isang prosa o tuluyan ay dapat na maisalin sa
paraang tuluyan din, at ang tula ay kailangang sa paraang patula rin. Si Matthew Arnold man
diumano ay naniniwala na kung isasalin sa paraang tuluyan ang isang tula, ang salin ay
kailangang magtaglay pa rin ng mga katangian ng isang tula. Anupa’t waring nagkakaiba sa
paniniwala ang karamihan ng mga tagapagsaling-wika. May mga nagsasabi na ang pagsasalin
ng isang tulang may sukat ay napakahina kung mawawala ang sukat; na ang tuluyang salin ng
isang tula ay pinakamahina sa lahat ng paraan. Sila’y naniniwala na upang maging makatarungan
sa makatang awtor, ang kanyang tula ay kailangang isalin ng isang makata rin, at sa paraang
patula rin.

You might also like