You are on page 1of 12

Yunit Pangkalahatang

2-Metalingguwistikang Pagsusuri ng Wikang Filipino


Layunin:

 Nakauunawa kung ano ang Ponolohiya at ang Palatunugan


 Nakakikilala ang 2 uri ng Ponema .
 Nalalaman ang kahulugan at kalikasan ng morpema

Aralin 1-Ponolohiya/Palatunugan

Inaasahang bunga ng pagkatuto:

Sa katapusan ng aralin inaasahan ang mga mag-aaral na:

 Nakikilala ang Iba’t ibang uri ng Ponema


 Nakakikilala ang iba’t ibang katawagan at tungkulin ng pagsasalita.
 Nakakakilala sa Tono,diin, at antala sa isang salita.

Paunang Pagsubok:Batay sa mga pangungusap sa ibaba ay bigkasin ito ng mabilis ng


tatlong beses.

1.Pitumput-pitong Putting Tupa.


2.Kakabakaba Ka Ba?

Ano ang Ponolohiya o Palatunugan


 Ang ponolohiya o palatunugan ay pag-aaral sa mga ponema
(tunog),paghinto,(juncture),pagtaas-pagbaba ng tinig(pitch),
diin (stress) at pagpapahaba ng tunog (prolonging/ lengthening)

Apat na Bahaging kailangan sa pagbigkas ng mga tunog:

1. Dila at panga (sa ibaba)


2. Ngipin at labi (sa unahan)
3. Matigas na ngalangala (sa itaas)
4. Malambot na ngalangala (sa likod)
Tatlong Salik sa Pagsasalita
1.Ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya.
2.artikulador o ang pumapalag na bagay.
3.resonador o ang patunugan

Ano nga ba ang Ponema?

 Ang tawag sa tunog na may kahulugan din pero pinakamaliit na bahagi ng wika.
 Ito rin ay tawag sa isang makabuluhang tunog ng isang wika. Ito ay hango sa wikang
Ingles na phoneme na nahahati sa dalawang salitang phone (tunog) at -eme
(makabuluhan)
 Ito ay makabuluhang Yunit ng tunog ba “nakapagpapabago ng kahulugan” kapag ang
mga tunog ay pinagsama-sama upang makabuo ng salita. Halimbawa:
Maestro-Maestra
Abogado-abogada
Tindero-tindera
Angelito-angelita
 Ang Filipino ay may 25 ponema:20 ang katinig at 5 ang patinig.
 Mga Katinig:/p,t,k,?,b,d,g,m,n,Ƞ,s,h,f,v,z,l,r,j,w,y/
 Mga Patinig: /a,e,i,o,u/

Mga Dapat Tandaan!!!


Paraan ng Artikulasyon

Gawaing Pampagkatuto
Gawain 1:
Panuto: Batay sa mga kaalamang istruktural na nakasaad sa itaas ay isalin ang mga
kataga na makikita sa ibaba.

____________1. You are the apple of my eye.


____________2. Cut the piece of cheese with a sharp knife.
____________3. A clear glass jar with a cover.
____________4. She sells seashells on the seashore.
____________5. Be faithful in little things in them lies your strength.

Isulat sa ibaba ang iyong natutunan tungkol sa kaalamang istruktural gamit ang Flower Graphic
Organizer.
Mga kaalamang
Istruktural

Gawain II.Isipin mo at Talakayin

Gawain II: Pagpapaliwanag

Isulat ang iyong opinion kung bakit mahalagang malaman ang kaalamang istruktural ng wika sa
pagsasalin.
Inaasahang bunga ng Pagkatuto:
Aralin 2: Teorya sa Pagsasalin
Sa Katapusan ng aralin inaasahan ang mga mag-aaral na:

 Nakakikilala sa Teorya ng pagsasalin


 Nakakikilala sa iba’t ibang paraan ng pagsasalin
 Napagbabahagi ng sariling halimbawa sa bawat paraan ng pagsasalin

Paunang Pagsubok:
Basahin ang bawat pahayag at isulat sa espasyo bago ang bilang ang TAMA kung ang
pahayag ay Tama at MALI kung mali ang isinasaad.

____________1..Ang salin ay kailangang magmukhang orihinal nitong katha.

____________2.Ang literal na pagsasalin ay pagsasalin sa pinakamalapit na katumbas na


tunguhang lenggwahe.

____________3.Ang literal na pagsasalin ay ang salin na kung saan pinapanatili ang


lenggawahe at mga salita.

____________4.Mga bulaklak ay sa pag-ibig pinakatunay wika ay isang halimbawa ng


word-for word na salin.

____________5.May pitong paraan ng pagsasalin na itinala ni Peter Newmark.

Mga Paraan ng Pagsasalin:

Sa aklat na A Textbook of Translation ay may walong paraan ng pagsasalin ang itinala ni


Peter Newmark (1998)

1.Word-for-word – Ang kaayusan ng Simulang Lenggwahe ay pinananatili at ang mga


salita ay isinalin sa kanyang pangkaraniwang kahulugan.

Halimbawa:

“Flowers are love’s truest language.

Salin: Mga bulaklak ay sa pag-ibig pinakatunay wika.

2.Literal- Ang kayariang gramatikal ng Simulaang Lenggwahe ay isinalin sa kanilang


pinakamalapit na katumbas sa Tunguhang Lenggwahe. Isinasalin din ang mga salita nang
labas sa kontesto. Bilang proseso sa pre-translation, ipinakikita nito ang mga suliraning
lulutasin.

“Flowers are love’s truest language”

Salin: Ang mga bulaklak ay sa pag-ibig pinakatunay wika.

3.Matapat-Ang matapat na pagsasalin ay nagtatangkang makagawa ng eksaktong


kahulugang kontekswal ng orihinal sa loob ng mga kayariang gramatikal ng Tunguhang
Lenggwahe.

“Flowers are love’s truest language”


Salin: Ang pagbibigay ng bulaklak ay pinakatunay na pagpapahayag ng pagmamahal.

4.Semantik- ang pagkakaiba lamang ng pagsasaling semantik sa matapat ay higit nitong


pinagtutuunan ng pansin ang kahalagahang estetiko, iyon ay ang maganda at natural na tunog
ng teksto ng Simulaing Lenggwahe at iniiwasan ang ano mang masakit sa taingang pag-uulit
ng salita o pantig sa panghuling bersyon.

“Flowers are love’s truest language”

Salin: Pinakadalisay na pagpapahayag ng pagmamahal ang pagbibigay ng bulaklak

5.Komunikatibo-nagtatangkang maisalin ang eksaktong kontekstwal na kahulugan ng


orihinal sa wikang katanggap-tanggap at madaling maunawaan ng target na mambabasa.

“Flowers are love’s truest language”

Salin: Pinakatunay na pagpapahayag ng pagmamahal ang pagbibigay ng bulaklak.

6.Idyomatik-Mensahe, diwa o kahulugan ng orihinalang isinasalin.

“Flowers are love’s truest language”

Salin: Pinakatunay na pagpapahayag ng pagmamahal ang pagbibigay ng bulaklak.

7.Adaptasyon- itinuturing na pinakamalayang anyo ng salin.

Mga dagdag pang paraan:


1.Transference(Adapsyon)- ang ibang katumbas nito ay adotion, transcription o loan words.

Halimbawa:

Italian:Pizza Filipino:Pizza

English:Cake Filipino:Cake

2.One- to-One Translation(isahang pagtutumbas)- o literal na salin na may isa-sa-isang


pagtutumbasan ng salita sa salita.

Halimbawa:

French:un beau jardin English:beautiful garden

Filipino:isang magandang hardin


3.Through Translation (Salitang Hiram)-katumbas ng sariling hiram na ginagamit sa
pagsasalin.

Halimbawa:

Brain washing-paghuhugas-isip(Tiongson)

defense mechanism-mekanismong pananggalang

4.Naturalisation-May pagkakahawig sa transference ngunit dito ay inaadap muna ang normal


na pagbigkas at pagkatapos ang normal na morpolohiya ng wika.

Halimbawa:

Xerox-seroks

Birthday-bertday

5.Lexical Synonymy-pagsasalin na ibinibigay ang malapit na katumbas o angkop na


kasingkahulugan sa target na wika ng pinagmulang wika.

Halimbawa:

Old house- lumang bahay

Old man- matandang lalaki

6.Transposition-tinatawag ding shift na ang ibig sabihin ay ang pagkakaroon ng pagbabago


sa gramatika ng pinagmulang wika kapag isinalin na sa target na wika.

Halimbawa:

The baby/cried=umiiyak/ang sangol

7.Modulation-pagsasalin na may pag-iiba ng punto de bista o pananaw

Halimbawa:

Reinforcement-karagdagang lakas

Pabuya/reward

Pagpapatupad/batas

8.Cultural equivalent-ito ang malapit o halos wastong salin.

Halimbawa:

American:coffee break
English:tea break

Filipino: Merienda

9.Functional Equivalent-pagsasalin na ibinibigay ang higit na gamitin at tinatanggap na


katumbas o kahulugan.

Halimbawa:

Refreshment:pampalamig (sa halip na malamig na inumin)

Uncooked peanuts (sa halip na hindi pa lutong mani)

10.Decriptive Equivalent(Amlipikasyon)-pagbibigay ng katumbas na kahulugan sa


pamamagitan ng depinisyong naglalarawan.

Halimbawa:

Shampoo- sabong panlinis sa buhok

11.Recognized Translation(kinikilalang salin)-pagsasalin sa opisyal at tinatanggap ng


marami na salin ng ano mang institusyonal na termino.

Halimbawa:

Signature- lagda

12.Addition/Expansion-gramatikal na pagdaragdag na salita upang maging malinawang


kahulugan.

Halimbawa:

Walang Pera?

May pera ‘ko

-mula sa alinlangan

13.Reduction/Contraction(pagpapaikli)-gramatikal na pagpapaikli o pagbabawas ng mga


salita na hindi nababago ang kahulugan ng orihinal.

Halimbawa:

Babaunin ko ‘yan bukas

Mula sa doubt
14.Componential Analysis-paghahati-hati ng mga leksikal na yunit sa makabuluhang
component o segment.

Halimbawa:

The beautiful/rubber doll/lying/on the floor/belongs to/Selma

Ang magandang/gomang/manyika/na nakahiga/sa sahig/ay kay Selma.

15.Paraphase(Hawig)-ito ang tawag sa malayang pagpapaliwanag sa kahulugan ng isang


segment,pangungusap o talata.

-sinasabing pinakahuling dapat gamitin sapagkat malimit na mas mahaba pa ito kesa orihinal.

Gawaing Pampagkatuto

Gawain 1:Isulat ang iyong mga ideya tungkol sa teorya ng pagsasalin sa pamamagitan ng
Fishing Chart.
Gawain 2

Gumawa ng sariling halimbawa batay sa bawat paraan ng pagsasalin na ibinihagi sa itaas.

You might also like