You are on page 1of 3

ARALIN 2

PONOLOHIYA

PAKSA
1. Ponemang segmental at Ponemang suprasegmental
2. Pantig at palapantigan
3. Grafema at pagbabaybay

LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang paraan ng artikulasyon ng mga ponema.
2. Nakatatala ng mga salita at nailalahad ang mga kayarian ng mga
pantig nito.
3. Nakapagbabaybay ng pasalita at pasulat sa pamamagitan ng
pagsagot sa gawain at pagsulat ng maikling sanaysay.

PAKSA 1: PONEMANG SEGMENTAL AT PONEMANG SUPRASEGMENTAL


Ang ponolohiya o palatunugan ay ang makaagham na pag-aaral ng mga tunog o ponema.
 Ang ponolohiya o palatunugan ay pag-aaral sa mga ponema (tunog), paghinto (juncture),
pagtaas-pagbaba ng mga pantig (pitch), diin (stress) at pagpapahaba ng tunog
(prolonging/lengthening).
 Ponema ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog. May dalawang uri ng ponema: ang
segmental at ang suprasegmental.

Ponema

Makabuluhang yunit ng tunog na “nakapagpapabago ng kahulugan” kapag ang mga tunog


ay pinagsama- sama upang makabuo ng mga salita.
2 uri ng Ponema
1. Ponemang Segmental
2. Ponemang Suprasegmental

Ponemang Segmental
Ang Ponemang Segmental ay binubuo ng ponemang katinig at patinig. Labinlima ang
orihinal na kasama sa palabaybayan ngunit isinama ang impit na tunog o glottal stop (?) sapagkat
ito ay itinuturing na isang ponemang katinig dahil napagbabago nito ang kahulugan ng isang
salita. Ang dating bigkas nito ay malumi o maragsa.
May mga salitang nagkakapalit ang ponemang /u/ ,at /o/ , gayundin ang /i/ at /e/ ngunit
hindi nagbabago ang kahulugan ng salita.
Halimbawa:
babae – babai kalapati - kalapate
lalaki – lalake noon – nuon
Mayroon din namang mga salitang itinuturing na hiwalay na ponema ang /u/, /o/, /i/, at
/e/ dahil nagbibigay ito ng magkaibang kahulugan at hindi maaaring pagpalitin.
Halimbawa:
uso – trend mesa - table
oso – bear misa – mass
Tatlong Salik sa Pagsasalita
1. Enerhiya (Energy) – Nilikhang presyon ng papalabas na hiningang galing sa baga.
2. Artikulador (Articulator) - Nagpapakatal sa mga babagtinga ng pantinig.
3. Resenador (Resonator) - Nagmomodipika ng tunog . Ang bibig at guwang ng ilong ang
itinuturing na resonador
Paraan ng Artikulasyon /paraan ng Pagbibigkas
1. Panlabi- Dumidiit ang ibabang labi sa labing itaas /p, b, m/.
2. Pangngipin – Dumidiit sa loob ng mga ngiping itaas ang dulo ng dila /t, d, n/.
3. Panlabi-Pangngipin – Dumidiit ang ibabang labi sa mga itaas ng ngipin /f, v/.
4. Panggilagid- Ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong gilagid /s, z, l,
r/.
5. Palatal- Lumalapit o dumidiit sa matigas na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong
dila /y/.
6. Velar – Dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punog dila
/k, g, ng, w/.
7. Panlalamunan – Ang likurang bahagi ng dila ay dumidiit sa lalamunan /j/.
8. Glottal- Lumalapit o dumidiit ang mga babagtingang pantinig at hinaharang ang presyon
ng papalabas na hiningang galing sa baga at pagkatapos ay papakawalan upang bumubo
ng pasutsot na tunog /?, h/

Ponemang Suprasegmental

Tono
Ito ang pagbaba o pagtaas ng himig sa pagsasalita. Karaniwan, pababa ang tono kapag
nagsasalaysay o nagpapahayag ng impormasyon, pataas naman kapag nagtatanong.
Haba
Ito amg pagapapahaba sa bigkas ng patinig ng pantig ng isang salita. Maipapakilala kung
pangngalan o pandiwa ang isang salita batay sa pantig nito na pinahahaba.

Diin
Ito ang pagpapalakas sa bigkas ng salita upang mabigyan ito ng empasis. Sa isang
pangungusap , naipapakilala ang mahalagang kaisipan sa pamamagitan ng pagbibigay –diin sa
mga ito.
Antala
Ito ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang mapagbukod-bukod ang mga kaisipan o di
kaya’y lalong mapaigting ang pananabik sa susunod na salitang sasabihin nang magkaroon ito ng
higit na dating (impact). Sa pagsasalita nalalaman na ang talatang binabasa o magkakaiba ang
kaisipang tinutukoy sa pamamagitan ng saglit na paghinto.

You might also like