You are on page 1of 1

Ano nga ba ang wika?

 Ayon kay (Fromkin at Rodman, 1983) ang tao ay nabubuhay sa daigdig ng mga salita. Mula sa paggising
sa umaga patungong pagtulog sa gabi, nagsasalita tayo dahil nakikipag-uusap tayo.May mga taong
kumakausap sa hayop, may mga taong kahit natutulog ay nagsasalita. Kinakausap din natin ang ating sarili
sa ating pag-iisa o kahit may kaharap na iba pang tao. Kaya masasabing walang panahong hindi tayo
nagsasalita,malakas o mahina man, pabulong o sa isip lamang. At siyempre, sa pagsasalita gumagamit tayo
ng wika.

Ilang depinisyon ng Wika:

Masasabing instrument ng tao ang wika sa pagpapahayag ng kanyang sarili para makamit ang mithiin at
adhikain niya sa buhay. Sa pamamagitan ng wika ay naipaparating ng tao ang mga impormasyon na gusto
niyang maibahagi sa iba.
Ayon kay Adamson Hoebel(1996)- walang makapagsasabi kung saan o paano ba talaga nagsimula ang
wika. Maaring ang tao noon ay nakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng pag-iyak, paghiyaw, pagkilos
o paggalaw/pagkumpas hanggat ang mga senyas na ito ay binibigyan ng mga simbolo at kahulugan.
Ayon naman kay Edward Sapir- ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga
kaisipan, damdamin at mithiin.
Caroll (1964)- Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay
resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming dantaon at pagbabago sa bawat henerasyon, ngunit
sa isang panahon ay hindi lamang binibigkas na tunog kundi itoy sinusulat din.
Tood(1987)- ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon.
Gleason- ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo.
Tumangan, Sr.,et.al(1997)- Ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na panandang binibigkas na sa
pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa at nagkakaugnay ang isang pulutong ng mga tao.
Semorlan, et al.(1997)-Ang wika ay isang larawang isinasaletra’t isinasabokal, isang ingat-yaman ng mga
tradisyong nakalagak ditto.
Edgar Sturtevant-Ang wika ay isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa
komunikasyon ng tao.

Sistem ng mga rul:

Kapag bumubuo ng sentens, hindi lamang ito isang simpleng pagdudugtong-dugtong ng mga salita.
Halimbawa sa pag-aaral nati

You might also like