Professional Documents
Culture Documents
Wika
Wika
PAGTALAKAY SA
WIKANG FILIPINO
MR. MOHAIMEN L. TAUG
Nabubuhay tayo sa daigdig ng mga salita (Fromkin at Rodman, 1983).
Mula sa paggising sa umaga patungong pagtulog sa gabi, nagsasalita
tayo dahil nakikipag-usap tayo. May taong kumakausap sa hayop,
may mga taong kahit natutulog ay nagsasalita. Kinakausap din natin
ang ating sarili sa ating pag-iisa o kahit may kaharap pang tao. At,
syempre, sa pagsasalita gumagamit tayo ng wika.