You are on page 1of 12

Diane Quennie T.

Macan
MAED II

Pagsusuri sa Uhaw ang Tigang na Lupa


Ni Liwayway Arceo
I PANIMULA
Bago pa man tayo sinakop ng mga dayuhan ay may sarili na tayong literatura.
Ngunit ito ay pasalin –dila lamang sa pamamagitan ng salita ng tao. Tulad ng mga (a)
kwentong-bayan na binubuo ng mito, alamat, salaysayin o pabula; (b) mga
karunungang-bayan tulad ng salawikain, kasabihan, bugtong, palaisipan, at (c)
mga awiting-bayan gaya ng kundiman, oyayi at kumintang.
Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning
magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng
isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Ito ay karaniwang mayroong limang
bahagi: Ang (1) Panimula, (2) Saglit na kasiglahan, (3) Suliraning inihahanap ng
lunas, (4) Kasukdulan, (5) Kakalasan. Ang panimula ay ang bahagi na siyang
guguhitan ng mga pangyayari sa kwento. Mahalagang maging kapansin-pansin ito
upang mabihag ang kawilihan ng bumabasa. Ang saglit na kasiglahan naman ay ang
bahaging naglalarawan ng simula patungo sa paglalahad ng unang suliraning
inihahanap ng lunas. Dapat maging kaakit-akit ang bahaging ito sa bumabasa at
madama niya ang magaganap na pangyayaring gigising sa kanya ng isang tiyak na
damdamin. Ang suliraning inihahanap ng lunas ay karaniwang tatlo. Kung minsan ay
humihigit sa tatlo, depende sa sumusulat ng kwento. Sa bahaging ito ng kwento, ang
mababasa ay napapagitna sa mga pangyayaring gigising sa kanyang damdamin. Ang
mga pangyayaring ito ang siyang bumubuo sa mga suliraning inihahanap ng lunas at
lumilikha ng isang kawilihang pasidhi nang pasidhi. Ang kasukdulan ay ang bahagi
ng kwento na nagsasaad ng pinakamasidhing kawilihan. Ito ay dapat ilarawan nang
mabilisan, tiyak, o malinaw at maayos. Upang maging mabisa ang kasukdulan, ito ay
di-dapat magkaroon ng anumang paliwanag. Ang kailingan lamang ay ang maayos na
pagkakaugnay-ugnay ng mga suliraning inihahanap ng lunas. Ang kakalasan ay ang
panghuling bahagi ng kwento na kaagad sumusunod sa kasukdulan. Ito ay hindi rin
dapat pahabain at bigyan ng paliwanag. Ipaubaya sa mambabasa ang pag-iisip at
hayaang siya ang magbigay ng wakas.

Ang maikling kwento ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang


mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kaki
ntalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela
at dula, isa rin itong paggagadng realidad, kung ginagagad ang isang momento
lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing
tauhan. Ayon kay Edgar Allan Poe ang kinikilalang Ama ngMaikling Kwento,ang
maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at salagimsim na
salig sa buhay na aktuwal na naganap o maaaring maganap.
 Napakaraming pagpapakahulugan ng maikling kwento mula sa iba‟t ibang manunul
at.
Ayon naman kay Reyes,ito ay isang anyo ng panitikan na naglalayong
magsalaysay ng isangmahalaga at nangigibabaw na pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isangkakintalan sa isip ng mga mambabasa.
Habang mula naman kay Gonzales ang
kanyang pagpapakahulugan ng maikling kwento ay maikling katha na nagsasalaysay 
at tumatalakay samadulang bahagi ng buhay. Hindi ito pinaikling nobela o buod ng
isang nobela.Tunay ngang ang maikling kwento ay isang uri ng masining na
pagsasalaysay na maikliang kaanyuan at ang diwa ay napapalaman sa isang buo,
mahigpit at makapangyarihang balangkas na inilalahad sa isang paraang mabilis ang
galaw.
Ang “Uhaw ang Tigang Lupa” na isinulat ni Liwayway Arceo ay hango sa
totoong buhay. Na upang mapatunayan ang sagot sa tanong na Paano
mapapatunayan na tunay ang pagmamahal?Ang isang pagkakamali ay sapat ban a
dahilan para iwanan ang minamahal? Ito ay isang kwento tungkol sa dalagitang uhaw
sa pagmamahal ng kanyang ina at ama. Na ni minsan ay hindi niya nadama ang
tunay na kaligayahan ng isang pamilya.
II BALANGKAS
A. BUOD
Naging kapansin pansin sa dalgita ang ilang bagay sa kaniyang ina nang hindi
ito makatulog, palaging malungkot kung tumitig, malalim ang paghinga at paminsan
minsan ay may impit na hikbi. Ang kanyang ina ay hindi palakibo at matipid kung
makipagusap. Bihira lamang siyang magalit. Parang patak ng ulan kung tag-araw ang
kaniyang mga ngiti. Ang batang puso ng anak ay maitutulad sa lupang tigang na
uhaw na uhaw.

Palagi niyang namamalas ang pagsasalita ng ama habang nagmamakinilya, ang


pagbabasa nito,pinagmamasdan niya ang pagbuga ng usok ng sigarilyo, ang pag-iisip
at ang pagpatuloy sa pagsulat.
Ilang taon ang nakalipas ay may isinauling maliit na talaarawan ang kanilang
labandera sa kanyang ina at kinabukasan ay may mga bakas na ng mga luha sa mga
mata ng kanyang ina. Lalo itong naging malungkot at tahimik.

Isang gabi’y umuwing lasing ang kanyang ama at dumaing na masakit ang
dibdib at ulo. Naratay ng ilang araw ang ama at hindi ito hiniwalayan ng kanyang ina.
Hindi ipinagtapat sa anak ang tunay na karamdaman ng ama.
Nakita ng anak sa hapag ng ama ang isang kahitang pelus ng ipaayos sa kanya ng
ama ang hapag nito. Ang larawan sa kahita ay hindi ang kaniyang ina. Walang lagda
ang larawan at ang tanging nakasaad ay “Sapagkat ako’y nakalimot”. May nakita rin
ang anak na isang salansan ng liham. Nakasulat sa mga sobre ang pangalan ng
kanyang amaattanggapannito. 

Hiningi ng ama ang mga sulat ngunit tumutol ang anak. Sinabi ng kaniyang
ama na nasa kalamigan ng lupa ang kanyang kaluwalhatian. Ayon sa ama ang unang
tibok ng puso ay hindi pagibig tuwina.
Lumubha ang kalagayan ng ama at malimit na mawalan ng malay samantalang ang
ina ay patuloy sa pagbabantay, walang imik, hindi kumakain, hindi umiidlip at
patuloy na lumuluha kung walang makakita sa kanya.

Nagsalita ang maysakit at sinabing magaling na siya at sila ng kanyang mahal ay


maaari nang magtungo….na nag moog na kinabibilangguan niya ay kanyang
wawasakin sa anumang paraan. Napaluha ang ina at pumatak ito sa bibig ng asawa.
Nagmulat ng mga mata ang maysakit at nagkatitigan sila ng ina. Hawak ng ina ang
kamay ng ama nang muli itong nagsalita ata ang sabi ay “Sabihin mo, mahal ko na
maangkin ko na ang kaligayahan ko”. Mariing kinagat ng ina ang labi at sinabing
maaangkin na iyon ng kanyang mahal. Hinagkan ng ina ang asawa at kasabay noon
ay lumisan ang kaniyang
kaluluwa. Wala nang mga luhang dumaloy sa mga mata ng ina. Tiyak na
liligaya ang kaluluwa ng lumisan. 

B. TAUHAN
  Ang tauhan sa kwento ay ang dalagita, ama at ina.
Ang dalagita o anak ay siyang nagbukas sa mga papaksain ng mga iba pang
tauhan. Kung ating mapapansin sa pamagat pa lang ng kwento ay may ideya n aka
agad tayo kung ano yung takbo ng kwento, ang pagkauhaw ng anak sa kanyang
pamilya. Hindi nito nararanasan ang saya ng isang tunay na pamilya dahil sa
kalagayan ng kanyang ama at ina. At sa pangunahing tauhan din unang umikot ang
kwento na siyang nagpakilala pa sa ibang tauhan. Ang Ama siya ay naging pantulong
na tauhan na kung saan kung susuriin o babasahing mabuti siya ang dahilan bakit
ang lungkot ng ina ay nadarama. Sa pamamagitan din niya naipakita ng may akda
ang mga problema sa kwento, kung bakit dinadanas ng ibang tauhan ang mga bagay
sa suliranin sa kwento. Sa kanya din sinimulan ang suliranin dahil sa liham na
ipinakita palang sa bahagi ng tagpuan. At ang ina ay isa rin sa pantulong na tauhan
na kung saan siya ang nagbigay ng emosyon sa kwento sa una pa lamang na bahagi
ng kwento ay ipinakita na ang emosyong kalungkutang namamayani sa kanya.
Mapapansin din na may kaugnayan ang ama at maging ng kanayang anak ang pag-
ikot ng kwento.
C. TAGPUAN
    Aklatan ang maaring tagpuan ng kwento mapupuna ang mga bagay na maaaring
pinagmulan o mga bagay na tatalakayin sa kwento. Dito ay matatagpuan ang
talaarwan at liham ng ama na ginamit upang buksan ang ang paksa kung saan
matutukoy ang problema o suliranin sa kwento.
Dito din naganap ang mga bagay na di inaasahan, gaya ng mga bagay na doon lamang
nadiskubre ng ama,ina at ng anak na siyang bumasa dito. Kung hihimaymayin ang
parteng ito ng kwento makikita na hindi lamang ang liham ang binanggit o
ipinakita,nariyan din ang ang sobre, larawan, at ang pelus na rosas. Maaaring
mabanghay sa pagkakasunod sunod ang mga mahahalagang detalye sa tagpuan.
(Sobre⇨Liham⇨Pelus na Rosas⇨Larawan) Sa pagkakasunod sunod na ito sa banghay
ng tagpuan ipinapakita ang pagkakaugnay ugnay ng bawat isa na siya ring nagbibigay
ng magandang daloy sa kwento nakung susuriing mabuti ay may ibang mas malalim
na kahulugan ang bawat isa na inilihim o di agad ipinakita ng may akda upang
magkaroon ng oras ang mambabasa na galugading maiigi ang loob ng kwento sa
pamamagitan palang ng tagpuan.

D. BANGHAY
d.1 Panimula
      
IIang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong
dumarama sa init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng kanyang puso.
Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa kanyang
malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi…
Sinimulan ni Arceo ang maikling kwento sa pamamagitan ng paglalantad ng
pagpapakahulugan sa pamagat mismo. Sa simula pa.lamang ay ipinaliwang na niya
kaagad ang kahulugan ng Pamagat. Ang Uhaw ang tigang na lupa ay binigyang
kahulugan sa pamamagitan ng anak na uhaw sa pagmamahal ng kanyang pamilya.
d.2 Saglit na Kasiglahan
 
Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulat ng isang aman
nagsasalaysay tungkol sa kapre at nuno at tungkol sa magagandang ada at
prinsesa; ng isang nagmamasid at nakangiting ina.;ng isang pulutong na
nakikinig na magaganda at masasayang bata.
Sa bahaging ito ang kawilihan ng kwento ay makikita sa pangungulila ng anak
sa pagmamahal ng kanyang mga magulang. Ang kasiglahan ng kwento ay sa
pamamagitan ng paglalarawan ng anak sa pananabik niya na magkaroon ng masaya
at magandang pamilya, maging ang pagkakaroon ng kapatid ay binanggit din. .
d.3 Suliraning inihahanap ng lunas
      
Ang larawan sa kahitang pelus ay hindi yaong hawas na mukha, may
ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, maninipis na labi. Sa likod niyon ay
nasusulat sa maliliit at bilugang mga titik sa bughaw na tinta: sapagkat
ako’y hindi makalimot.. Ang larawan ay walang lagda ngunit nadama ko bigla
ang pagkapoot sa kanya at sa mga sandalingyaon ay natutuhan ko ang
maghinanakit kay Ama.
Bakit sa panahong ito lamang tayo pinaglapit ng pangyayari? Higit
marahil ang aking katiwasayan kung hindi ka dumating sa aking buhay,
bagamat hindi ko rin marahil matitiis na hindi maipagpalit ang aking
kasiyahan sa isang pusong nagmamahal. Totoong ang kalagayan ng tao sa
buhay malimit maging sagwil sa kanyang kaligayahan.
Paano kaya mapanunumbalik ng anak ang kasiyahan ng kanyang pamilya.
Paano mapipigilan ng anak ang pagiging malungkot ng ina at paano ang gagawin nito
upang malaman ang totoong nasapit ng ama bakit ganoon na lamang ang kanyang
mga magulang. Suliranin ito ng ama ngunit kailangan ang tulong ng anak dahil kung
papansinin ang kalungkutan ng ina ay nagmula sa ama na siyang tinatalakay ng
anak sa kwento.

d.4 Kasukdulan
      
Huwag kang palilinlang sa simbuyo ng iyong kalooban; ang unang tibok
ng puso ay hindi pag-ibig sa tuwina…Halos kasing gulang moa o nang
pagtaliin ang mga puso naming ng iyong Ina…Mura pang lubha ang
labingwalong taon…Huwag ikaw ang magbigay sa iyong sarili ng mga
kalungkutang magpapahirap sa iyo habang buhay…
Sa isang liham nabuksan ang isang paksa o suliranin. Sa pamamahlgitan ng
liham mahihinuha sa kwento na may hadlang sa kaligayahan ng ama at ng ina kung
kayat ganun na lamang ang lungkot na nakaukit sa mukha ng ina. Sa pamamagitan
din ng isang larawan mas naintindihan ng anak ang mga pangyayari na isinalaysay sa
kwento.
"Huwag padala sa simbuyo ng iyong kalooban, ang unang tibok ng puso ay hindi pag-
ibig tuwina."
Kung papansinin ang linyang ito mahihinuha na ang dahilan ng kalungkutan ng ina.
Kung gagalugarin ang linya ay makikita ang tunay na dahilan ng kalungkutan ng ina.

E. SIMBOLISMO
Liham – ang may akda ay gumamit ng liham upang di lantarang ipakita o sabihin ang
mga unang kaganapan sa kwento na kung babasahin ay makikita o malalaman ng
isang may malawak na pag-iisip na mambabasa.
Pelus na Rosas – o ang pag-ibig na dula ng tauhan sa kwento.
Larawan – sa pamamagitan ng larawan ang mga nakaraan sa kwento ay maaaring
malaman sa tulong na rin ng liham na kalakip nito.
Ama, ina, anak – sumisimbolo sa pamilya.
Uhaw ang tigang na lupa – sumisimbolo sa kakulangan ng pagmamahal sa isang
anak dahil sa suliranin ng pamilya.

III. MGA NATUKLASAN

Ang Kwentong “Uhaw ang Tigang na Lupa” ay maaari nating dulugan ng


Teoryang Pormalismo. Sapagkat ginamitan ng may-akda ang kwento ng mga
matalinghagang salita upang mas lubos na maiparating sa mga mambabasa ang
kanyang mga tunguhin. Gaya ng linyang ito na ginamitan niya ng matatayutay na
mga salita.

"”\””””””””””””””’’”
Nasa kalamigan ng lupa ang kaluwalhatian ko.”

Kung ating lubos na nanamnamin ang bawat kataga ay makikita natin o


mapansin na maaaring may iba pang lalim ng kahulugan na nais niyang iparating sa
mambabasa kung gagalugarin ng mambabasa.
Sa siping ito ay mababasa natin na may kalituhang nagaganap:

Ilang araw ko nang hindi nadadalaw ang aklatan: ilang araw ko


nang hindi nasasalamin ang isang larawang mahal sa akin: bilugang
mukha, malapad na noo, hati-sa-kaliwang buhok, singkit na mga
mata, hindi katangusang ilong, mga labing duyan ng isang ngiting
puspos-kasiyahan...Sa kanya ang aking noo at mga mata. Ang aking
hawas na mukha, ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, at
maninipis na labi, ay kay Ina...

Kung ating babasahin at unawaing mabuti na sa unang mga salita ay isinasaad


ang pisikal na katangian ng kanyang ina. Subalit sa linyang ito “Ang aking hawas
na mukha, ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, at maninipis na labi, ay
kay Ina...” hindi natin lubos maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng mga katagang
kanyang nais ipaabot sa mga mambabasa. Ano ba talaga ang totoong kaganapan sa
kwento?

PANANAW ARKETIPAL
Sa kwentong ito ay mapapansin natin ang mga nais iparating ng may-akda.
Ipinapahiwatig sa atin ang bawat katagang ginamit sa pagtuklas o tunguhin ng akda.
Ang mabigyang linaw ang lahat na namumutawi sa kanilang pamilya kung
bakit ganoon na lamang ang takbo ng kanilang pamilya. Na ang akalang perpekto ay
may bahid na kasinungalingan. Ang pangunahing tauhan ay siyang nagsalaysay
tungkol sa mga bagay na gustuhin niyang maranasan. Gamit ang mga matalinghaga
na mga salita na ating napapansin na mas lubos na nakakapagbigay kuryusidad sa
mga mambabasa.
TEORYANG PORMALISMO
Sa akdang binasa, mapapansin natin ang pisikal na katangian nga akda, at
pagbibigay-pansin sa anyo ng panitikan. Dahil mababatid natin na upang maabot ang
nais ipaabot ng may akda ay gumamit siya ng mga tuwirang panitikan.

Kung atin itong namnamin ang bawat salitang ipinapahayag sa atin makikita at
mpapansin natin ang mga malalalim na salita.
Naiwan na natin ang gulang ng kapusukan; hindi na tayo
maaaring dayain ng ating nadarama. Ngunit, nakapagitan sa atin
ngayon ang isang malawak na katotohanang pumupigil sa
kaligayahan ang hindi natin maisakatuparan ay buhayin na
lamang natin sa alaala. Panatilihin na lamang natin sa diwa ang
katamisan ng isang pangarap; sana’y huwag tayong magising sa
katotohanan...

Ang pag-ibig na ito’y isang dulang ako ang gumaganap ng


pangunahing tauhan; sapagkat ako ang nagsimula ay ako ang
magbibigay-wakas. Ipalagay mo nang ako’y nasimulang tugtuging
nararapat tapusin. Gawin mo akong isang pangarap na naglalaho
pagkagising. Tulungan mo akong pumawi sa kalungkutang itong
halos pumatay sa akin...

May mga bagay talaga na ang hirap limutin. Tanging panahon na lamang ang
makakapagsasabi kung kailan. Sa mga katagang iyon ay may bahid kalungkutan at
pagkahinayang ang bawat panahong nakalipas.

MGA MUNGKAHI

A. MAY-AKDA
Pinapakita ng may akda Ang himig ng kwentong ay kalungkutan;
nakapapaloob din ang damdaming pagtatago ng hinanakit ng pamilya sa kanyang
pagbabago at sa sarili dahil sa pagbabagongtinatamasa upang isipin ng marami na
nananatili ang kanyang katatagan.Samakatuwid, natuklasan kong ang tatlong
kwentong isinulat ni Liwayway Arceona napiling gamitin sa pananaliksik na ito ay
may himig ng kalungkutan at damdaminglihim na paghihinakit. Ang galaw ng
kwentong Uhaw ang Tigang na Lupa ay maayos na umunlad, mula sapaglalahad ng
suliranin sa mga unang bahagi pa ng kwento, pagbabalik-gunita sa mga
nakaraangpangyayari at paglutas at pagtugon ng mga pangunahing tauhan sa
suliranin kahit na hinditahasang inilahad sa akda kung nasolusyunan ba ang lahat
ng problema sa pagwawakas ng katha. Ang galaw ng kwentong Sukatan ng Ligaya ay
mabuting nailahad sa pamamgitan ngtahasang pagpapahayag ng suliranin sa kwento
na matatagpuan sa unang bahagi, pagkakaroon ngpagbabalik gunita sa mga
pangyayari sa nakaraan upang mabigyang hustisya ang mga binanggitna pangyayari
sa kasalukuyan, at ang wakas ng katha na kung saan ay panandalian lamang
nanaresolba’t nalutas ng pangunahing tauhan ang suliraning kanyang kinakaharap.

B. ISTILO
Sa simula ng kwento ay aking naisip ang istilo ng ni Liwayway ay upang
malinlang ang mambabasa sa pagbasa ng kanyang akda. Maaring ang lahat ng
pangyayari ay may dahilan , ngunit hindi nalalaman ng lubosan kung ano ang pulot-
dulo ng lahat kung ano ba talaga ang nangyari sa sitwasyon ng pamilya.

b.1 SIMULA

Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong
dumarama sa init ng kanyang dibdib at nikikinig sa pintig ng kanyang
puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya,
sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi...

Sa simula ay nagpapahiwatig ng kalungkutan at pangungulila sa atensyon na


gusto nang bata na maranasan, subalit tila may kalungkutan na bumabalot sa mata
ng kanyang ina at walang imik at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

b.2 KATAWAN

Ito ay isang kwento ng isang dalagita na mayroon ina na palaging malungkot,


di makatulog, malalim ang paghinga at minsan humihikbi. Ang tatay naman niya ay
laging nagmamakinilya habang nag sisigarilyo at wala din imik. Mahintulad ang puso
ng dalagita sa tigang na lupa, uhaw na uhaw sa pagmamahal. Isang araw naisauli ng
labandera ang isa talaarawan sa ina niya, kung saan ito ay napaluha. Umuwi ang
tatay niya lasing na lasing. Nakita ng dalagita ang pitaka na may lamang sulat at
larawan . Dito nakasaad ay “sapagkat ako’y nakalimot”. Lumubha ang pakiramdam
ng ama, bago namatay sabi ng ama na ang kanyang kaluwalhatian ay na sa
kalamigan ng lupa. Bago lumisan ang kaluluwa ng kanyang asawa, sinabihan ng ina
ng dalagita na“Maangkin mo na ang kaligayahan mo.”
WAKAS

Nasa mga palad pa rin ni Ina ang kaliwang kamay ni Ama:


Sabihin mo, mahal ko, na maaangkin ko na ang kaligayahan ko...
Kinagat ni Ina nang mariin ang kanyang labi at nang siya’y
mangusap ay hindi ko naaming kay Ina ang tinig na yaon:
Maaangkin mo na, mahal ko! Ang init ng mga labi ni Ina ang
kasabay ng kapayapaang nanahanan sa mga labi ni Ama at nasa
mga mata man niya ang ilaw ng pagkabigo sa pagdurugtong sa
isang buhay na wala nang luhang dumadaloy sa mga iyon:
natitiyak niya ang kasiyahang nadama ng kalilisang kaluluwa..

Naipapakita ang pagmamahal aking inay sa aking ama.ngunit hindi ko lubos


maintindihan kung ano ano ang ibig sabihin kung ano ang ipinapahiwatig ng salita ni
ama bago siya lumisan. Ngunit narooon parin ang aking kalituhan sa mga
pangyayari .

a. GAMIT NG MGA SALITA

Guumamit si Arceo ng pormal na mga pananalita na kinapalooban din ng mga


matatayutay na pagpapahayag gaya ng linyang.
"Nasa kalamigan ng lupa ang kaluwalhatian ko."
Na maaaring may iba pang lalim ng kahulugan na nais niyang iparating sa
mambabasa kung gagalugarin ng mambabasa.

b. PAGLALARAWAN SA MGA PANGYAYARI AT TAGPUAN

Naging kapansin pansin sa dalagita ang ilang bagay sa kaniyang ina nang hindi
ito makatulog, palaging malungkot kung tumitig, malalim ang paghinga at paminsan
minsan ay may impit na hikbi.
Ang kanyang ina ay hindi palakibo at matipid kung makipagusap. Bihira lamang
siyang magalit. Parang patak ng ulan kung tag-araw at kaniyang mga ngiti. Ang
batang puso ng anak ay maitutulad sa lupang tigang na uhaw na uhaw.
Palagi niyang namamalas ang pagsasalita ng ama habang nagmamakinilya, ang
pagbabasa nito,pinagmamasdan niya ang pagbuga ng usok ng sigarilyo, ang pag-iisip
at ang pagpatuloy sa pagsulat.
Ilang taon ang nakalipas ay may isinauling maliit na talaarawan ang kanilang
labandera sa kanyang ina at kinabukasan ay may mga bakas na ng mga luha sa mga
mata ng kanyang ina. Lalo itong naging malungkot at tahimik.

Isang gabi’y umuwing lasing ang kanyang ama at dumaing na masakit ang
dibdib at ulo. Naratay ng ilang araw ang ama at hindi ito hiniwalayan ng kanyang ina.
Hindi ipinagtapat sa anak ang tunay na karamdaman ng ama.
Nakita ng anak sa hapag ng ama ang isang kahitang pelus ng ipaayos sa kanya ng
ama ang hapag nito. Ang larawan sa kahita ay hindi ang kaniyang ina. Walang lagda
ang larawan at ang tanging nakasaad ay “Sapagkat ako’y nakalimot”. May nakita rin
ang anak na isang salansan ng liham. Nakasulat sa mga sobre ang pangalan ng
kanyang ama at tanggapan nito.

Hiningi ng ama ang mga sulat ngunit tumutol ang anak. Sinabi ng kaniyang
ama na nasa kalamigan ng lupa ang kanyang kaluwalhatian. Ayon sa ama ang unang
tibok ng puso ay hindi pagibig tuwina.

Lumubha ang kalagayan ng ama at malimit na mawalan ng malay samantalang


ang ina ay patuloy sa pagbabantay, walang imik, hindi kumakain, hindi umiidlip at
patuloy na lumuluha kung walang makakita sa kanya.
Nagsalita ang maysakit at sinabing magaling na siya at sila ng kanyang mahal ay
maaari nang magtungo….na nag moog na kinabibilangguan niya ay kanyang
wawasakin sa anumang paraan.

Napaluha ang ina at pumatak ito sa bibig ng asawa. Nagmulat ng mga mata
ang maysakit at nagkatitigan sila ng ina.
Hawak ng ina ang kamay ng ama nang muli itong nagsalita ata ang sabi ay “Sabihin
mo, mahal ko na maangkin ko na ang kaligayahan ko”.
Mariing kinagat ng ina ang labi at sinabing maaangkin na iyon ng kanyang mahal.

Hinagkan ng ina ang asawa at kasabay noon ay lumisan ang kaniyang


kaluluwa. Wala nang mga luhang dumaloy sa mga mata ng ina. Tiyak na liligaya ang
kaluluwa.

Jose Corazon de Jesus


Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
José Corazón de Jesús (22 Nobyembre 1896-26 Mayo 1932), kilala rin bilang Huseng
Batute, ay isang makatang Pilipino na sumulat ng mga tula sa Tagalog upang
ipahayag ang pagnanasa ng mga Pilipino na maging malaya noong panahon ng
pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas (1898-1946). Tinawag ring "Pepito" noong
kanyang kapanahunan.
Kabataan[baguhin | baguhin ang batayan]
Si Jose Corazon de Jesus ay isinilang sa Sta. Cruz , Manila noong 22 Nobyembre 1896
na anak nina Vicente de Jesus, ang unang direktor ng kagawaran ng kalusugan ng
pamahalaang Amerikano sa Pilipinas, at Susana Cruz ng Pampanga. Bininyagan
siyang Jose Cecilio de Jesus ngunit pinalitan niya ang Cecilio ng Corazon (puso
sa Español) dahil iyon daw ang tumutugma sa kanyang katauhan.
Lumaki si De Jesus sa bayan ng kanyang ama, sa Santa Maria, Bulacan. Nag-aral
siya sa nasirang Liceo de Manila kung saan siya nagtapos noong 1915. Ang una
niyang tula na nailimbag ay ang Pangungulila na lumabas noong 1913 sa
nasirang Ang Mithi noong siya ay 17 taong gulang.
Noong 1918, nakuha niya ang kanyang batsilyer ng batas mula sa nasirang Academia
de Vera ngunit hindi niya pinagpatuloy ang kanyang pagiging abogado dahil abala na
siya sa pagsulat ng isang kolum ng mga tula sa pahayagang Tagalog na Taliba. Ang
kolum ay tinawag na Buhay Cavite na isinulat niya sa pangalang-pluma na Huseng
Batute. Sa pamamagitan ng kanyang kolum, pinuna ni De Jesus ang lipunan sa ilalim
ng mga mananakop na Amerikano at pinalaganap niya ang mithiin ng kasarinlan ng
Pilipinas na noo'y isang commonwealth sa ilalim ng pamahalaang Estados Unidas.
May mga 4,000 tula siyang naisulat sa kanyang kolum na Buhay Cavite. Sumulat din
siya ng mga 800 kolum na pinamagatang Ang Lagot na Bagting. Paborito niyang
pangalang-pluma ang Huseng Batute ngunit sumulat din siya sa ilalim ng mga
pangalang Pusong Hapis, Paruparu, Pepito Matimtiman, Mahirap Dahong
Kusa, Paruparong Alitaptap, Amado Viterbi, Elyas, Anastacio Salagubang at Tubig
Lily'
Hari ng balagtasan
Noong 28 Marso 1924, si De Jesus ay isa sa mga pangunahing manunulat sa Tagalog
na nagpulong sa Instituto de Mujeres sa Tondo, Manila upang pagusapan ang
pagdiriwang ng kaarawan ng makatang Tagalog na si Francisco Balagtas sa Abril 2.
Ang pulong ay tinawag at pinamunuan ng manunulat na Rosa Sevilla.
Napagpasyahan ng mga manunulat na magpalabas ng tradisyonal na duplo, o
isinadulang debate sa tula na uso noong araw ngunit nalalaos na noong mga 1920.
Pinalitan nila ang porma ng duplo at binansagan itong balagtasan para kay Balagtas.
May tatlong pares ng mga makata na sumali sa unang balagtasan na ginanap noong 6
Abril 1924 sa Instituto de Mujeres, na itinatag ni Sevilla. Naging matagumpay ang
balagtasan at nakagiliwan ng mga manonood ang pares nina De Jesus at Florentino
Collantes.
Sumikat ng lubusan ang balagtasan at ito ay naging karaniwang palabas sa mga
pinakamalaki at pinakamahal na teatro sa Maynila hanggang noong dekada ng 1950.
Pinagtapat sina De Jesus at Collantes at ginawa silang magkaribal at nagtakda ng
isang tagisan ng galing noong 18 Oktubre 1925 sa Olympic Stadium. Si De Jesus ang
nanalo ng tagisan na iyon at binansagan siyang Hari ng Balagtasan. Hinawakan niya
ang titulo hanggang mamatay siya noong 1932.
Mga huling taon
Sikat na si De Jesus bilang Huseng Batute sa buong Pilipinas noong inanyayahan
siyang umarte sa pelikulang Oriental Blood. Kasama niya ang mga bantog na aktres
ng panahong iyon (Atang dela Rama at [Maria Santos]). Kasama rin sa kast ang
kanyang anak na si Juliano de Jesus, na naging aktor sa ilang mga pelikulang
Pilipino.
Ngunit nagkasakit si Huseng Batute habang ginagawa ang pelikula at lumala ang
kanyang sakit hanggang siya ay mamatay noong 26 Mayo 1932. Iniwan niya ang
kanyang asawang si Asuncion Lacdan de Jesus at mga anak Teresa, Jose Jr. at
Rogelio.
Noong siya ay mamatay, binigay ng pamilya niya ang kanyang puso sa isang museo
ng pamahalaan kung saan ito itinago hanggang ilibing ito sa libingan ng kanyang ina.
Inilibing siya sa ilalim ng dagat sa Visayas, alinsunod sa kagustuhan niyang nakatala
sa kanyang mga tulang Isang Malalim na Dagat at Ang Visayas.
Kategorya: 
Mga manunulat mula sa Pilipinas
Ipinanganak noong 1856
Namatay noong 1932

You might also like