Professional Documents
Culture Documents
Panunuri Sa Akdang Uhaw Ang Tigang Na Lu
Panunuri Sa Akdang Uhaw Ang Tigang Na Lu
Uhaw Ang Tigang na Lupa
Ni Liwayway Arceo
A. Tagpuan:
Aklatan:
Maaring sa tagpuan ng kwento mapupuna ang mga bagay na maaaring pinagmulan o mga bagay na
tatalakayin sa kwento. Dito ay matatagpuan ang talaarwan at liham ng ama na ginamit upang buksan ang
ang paksa kung saan matutukoy ang problema o suliranin sa kwento.
Dito din naganap ang mga bagay na di inaasahan, gaya ng mga bagay na doon lamang nadiskubre ng
ama,ina at ng anak na siyang bumasa dito. Kung hihimaymayin ang parteng ito ng kwento makikita na
hindi lamang ang liham ang binanggit o ipinakita,nariyan din ang ang sobre, larawan, at ang pelus na
rosas. Maaaring mabanghay sa pagkakasunod sunod ang mga mahahalagang detalye sa tagpuan.
Sobre⇨Liham⇨Pelus na Rosas⇨Larawan
Sa pagkakasunod sunod na ito sa banghay ng tagpuan ipinapakita ang pagkakaugnay ugnay ng bawat isa
na siya ring nagbibigay ng magandang daloy sa kwento nakung susuriing mabuti ay may ibang mas
malalim na kahulugan ang bawat isa na inilihim o di agad ipinakita ng may akda upang magkaroon ng
oras ang mambabasa na galugading maiigi ang loob ng kwento sa pamamagitan palang ng tagpuan.
B. Tauhan:
Anak:
Ang tauhan sa kwento na siyang nagbukas sa mga papaksain ng mga iba pang tauhan. Sa kanya din unang
umikot ang kwento na siyang nagpakilala pa sa ibang tauhan.
Kung papansinin ang pamagat pa lamang ng kwento ay mapupukaw na kaagad kung ano o bakit yun ang
pamagat ngunit habang pinapasadahan ang kwento matatalakay ang pagkauhaw ng anak sa kanayang
pamilya. Hindi nito nararanasan ang saya ng isang tunay na pamilya dahil sa kalagayan ng kanyang ama
at ina.
Ama:
Isa siya sa pantulong na tauhan na kung saan kung susuriin o babasahing mabuti siya ang dahilan bakit
ang lungkot ng ina ay nadarama. Sa pamamagitan din niya naipakita ng may akda ang mga problema sa
kwento, kung bakit dinadanas ng ibang tauhan ang mga bagay sa suliranin sa kwento. Sa kanya din
sinimulan ang suliranin dahil sa liham na ipinakita palang sa bahagi ng tagpuan.
Ina:
Pantulong na tauhan na kung saan siya ang nagbigay ng emosyon sa kwento sa una pa lamang na bahagi
ng kwento ay ipinakita na ang emosyong kalungkutang namamayani sa kanya. Mapapansin din na may
kaugnayan ang ama at maging ng kanayang anak ang pag-ikot ng kwento.
C. Banghay
1. Panimula
Sinimulan ni Arceo ang maikling kwento sa pamamagitan ng paglalantad ng pagpapakahulugan sa
pamagat mismo. Sa simula pa.lamang ay ipinaliwang na niya kaagad ang kahulugan ng Pamagat. Ang
Uhaw ang tigang na lupa ay binigyang kahulugan sa pamamagitan ng anak na uhaw sa pagmamahal ng
kanyang pamilya.
Kung papansinin ang linyang ito mahihinuha na ang dahilan ng kalungkutan ng ina. Kung gagalugarin
ang linya ay makikita ang tunay na dahilan ng kalungkutan ng ina.
D. Karagdagan
1. Paksang diwa o Tema
Tinalakay sa kwento ang suliranin ng isang pamilya na dahil sa suliraning iyon ang anak ay nauuhaw sa
pagmamahal ng kanayang mga magulang. Naghahanap ito ng tunay na masasabing pamilya.
Tinalakay din dito ang suliraning pampamilya na kadalasang nagaganap sa ating bayan o pamayanan.
2.Simbolismo
Liham- ang may akda ay gumamit ng liham upang di lantarang ipakita o sabihin ang mga unang
kaganapan sa kwento na kung babasahin ay makikita o malalaman ng isang may malawak na pagiisip na
mambabasa.
Pelus na Rosas- o ang pagibig na dula ng tauhan sa kwento.
Larawan- sa pamamagitan ng larawan ang mga nakaraan sa kwento ay maaring malaman sa tulong na rin
ng liham na kalakip nito.
Ama,ina at ang anak- sumisimbolo sa pamilya
Pamagat "Uhaw ang tigang na Lupa"- sumisimbolo sa kakulangan ng pagmamahal sa isang anak dahil sa
suliranin ng pamilya.
3. Linggwahe
Guumamit si Arceo ng pormal na mga pananalita na kinapalooban din ng mga matatayutay na
pagpapahayag gaya ng linyang.
"Nasa kalamigan ng lupa ang kaluwalhatian ko."
Na maaaring may iba pang lalim ng kahulugan na nais niyang iparating sa mambabasa kung gagalugarin
ng mambabasa.