You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Laguna State Polytechnic University


Santa Cruz Main Campus
Santa Cruz, Laguna

Uhaw ang Tigang Na Lupa


Ni Liwayway A. Arceo

B. Basahin at gawan ng isang pagsusuri batay sa sumusunod na pormat.

Mga Tauhan:
 Ina
 Ama
 Anak

Katangian:
 Ina – pantulong na tauhan na kung saan siya ang nagbigay ng emosyon sa
kwento. Sa unang bahagi pa lamang ay ipinakita na niya ang emosyong
kalungkutan na namamayani sa kaniya. Matiisin o hindi magagalitin, hindi
palakibo.
 Ama – dahilan ng pagkalungkot na nadarama ng Ina dahil ito ay hindi gaanong
nagpapakita ng pagmamahal sa pamilya. Nagkaroon ng ibang karelasyon at
namatay sa sakit.
 Anak – hindi nararanasan ang saya ng isang tunay na pamilya dahil sa
kalagayan ng kaniyang Ama at Ina. Nagbukas ng mga papaksain ng mga ibang
tauhan.

Mahalagang Pangyayari
 Ang mahalagang pangyayari sa maikling kwento na “Uhaw ang Tigang na
Lupa” ay nang patawarin ng Ina ang Ama sa kabila ng kasalanan nito at nang
ito ay inalagaan ng Ina noong ito ay may karamdaman.

Saglit na Kasiglahan
 Ang saglit na kasiglahan ng maikling kwento ay ang pangungulila ng Anak sa
pagmamahal ng kaniyang mga magulang. Ang Anak ay nananabik na
magkaroon ng masaya at magandang pamilya at magkaroon din ng kapatid.

Kasukdulan
 Sa isang liham nabuksan ang isang paksa o suliranin. Sa pamamagitan dito
ay mahihinuha sa kwento na may hadlang sa kaligayahan ng Ama at ng Ina
kung kayat ganun na lamang ang lungkot nanakaukit sa mukha ng Ina.
Kakalasan
 ang pag aalaga ng kanyang ina sa kanyang amang maysakit kahit ito ay
nasasaktan.
Kawakasan
 Ipinakita ng Ina ang kaniyang pagmamahal sa Ama na may sakit hanggang sa
tuluyan nang lumisan ang kaniyang kaluluwa.

Simbolismo
 Liham – ang may akda ay gumamit ng liham upang di lantarang ipakita o
sabihin ang mga naunang kaganapan sa kwento na kung babasahin ay
makikita o malalaman ng isang may malawak na pag-iisip na mambabasa.
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Santa Cruz Main Campus
Santa Cruz, Laguna

 Pelus na Rosas – ang pag-ibig na dula ng tauhan sa kwento.


 Larawan – sa pamamagitan ng larawan ang mga nakaraan sa kwento ay
maaaring malaman sa tulong na rin ng liham na kalakip nito.
 Ama, Ina at Anak – sumisimbolo sa pamilya.
 Pamagat “Uhaw ang Tigang na Lupa” – sumisimbolo sa kakulangan ng
pagmamahal sa isang anak dahil sa suliranin ng pamilya.

Gawain 2.
1. Ano ang konseptong natutunan mo sa pagbasa?
 Ang konseptong aking natutunan ay ang pagbasa ng tahimik dahil sa
pamamagitan nito ay nakakamit ko ang tamang antas ng konsentrasyon sa
pagbabasa gayundin ay nagkakaroon ng komprehensyon habang binabasa
ang maikling kwento.

2. Magbigay ng mga dahilan kung bakit ang tao ay nagbabasa?


 Upang madagdagan ang kaalaman o karunungan
 Upang lumawak o lumalim ang pag-unawa
 Upang makalangap ng mahalagang impormasyon.

You might also like