You are on page 1of 18

Aralin 2

Ang Konsepto
ng Kakapusan
Inihanda ni:
Bb. Crisele Iris B. Hidocos
Balik-Aral
• Ang ekonomiks ay nakatuon sa pinakamahusay na paggamit
ng pinagkukunang-yaman sa kabila ng walang katapusang
kagustuhan at pangangailangan ng tao.
• Nakatuon ang ekonomiks sa pagsasagawa ng tao ng mga
desisyon bilang pagtugon sa suliranin ng kakapusan.
Suriin ang mga produktong nakalista sa
Hanay A at B sa chart.
HANAY A HANAY B
Bigas Cellphone
Isda Relo
Gulay Tablet
Damit Make-up

Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit magkakasama ang


mga produkto sa iisang hanay? Ipaliwanag.
Basahin ang joke sa ibaba at pag-isipan
Dumating si Mister galing trabaho.
Mister: Mahal, ano ang ulam?
Misis: Nakalagay sa table, mamili ka.
Mister: E tuyo lang ang nakalagay dito ha! Ano
pagpipilian ko?
Misis: Mamili ka kung kakainin mo yan o hindi. Ako
di pa kumakain.

Ano ang pinapahayag ng binasa mo?


Bakit kaya ito nangyayari?
Ano ang Kakapusan?
• Ito ang hindi kasapatan ng
pinagkukunang-yaman upang mapunan
ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
• Pinaniniwalaan na ang bawat ekonomiya
ay nakararanas ng kakapusan sa
pinagkukunang-yaman.
Uri ng Kakapusan ayon sa Kalagayan

Pisikal na Kalagayan Pangkaisipan naKalagyan


• Tumutukoy sa aktuwal na • Tumutukoy sa pagpigil ng
kawalan ng yaman na tao na tugunan ang
tutugon sa mga pangangailangan kahit may
pangangailangan ng tao. kakayanan siya na tugunan
ito.
Uri ng Kakapusan ayon sa Kalutasan nito
Absolute Relative
• ang kakapusan kapag • ang kakapusan kapag ang
nahihirapan ang kalikasan at pinagkukunang-yaman ay
tao na malutas ang sanhi ng hindi makasasapat sa
kakapusan. pangangailangan ng tao.
Dahilan ng Kakapusan
• Maaksayang paggamit ng pinagkukunang-yaman.
• Non-renewability ng ilang pinagkukunang-yaman.
• Kawalang-hanggan ng pangangailangan ng tao.
Pagkakaiba ng Kakapusan at Kakulangan

KAKAPUSAN

• Ang hindi kasapatan ng pinagkukunang-yaman upang


mapunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.

KAKULANGAN
• Pansamantalang hindi kasapatan ng
pinagkukunang-yaman na kayang matugunan
ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Teoryang Pang-Ekonomiks ni
Thomas Malthus

• Magpapatuloy sa mabilis na
paglaki ang populasyon kung
hindi ito makokontrol.
• Samantala, ang produksiyon ng
pagkain ay mabagal at hindi
makasasabay sa mabilis na
paglaki ng populasyon.
Kakapusan bilang Suliraning Panlipunan
• Nag-iba ang pag-uugali ng tao kapag hindi niya
nakakamit ang kanyang mga pangangailangan.
• Ang pag-uugali ng tao ay nagiging hindi
katanggap-tanggap. Natututo siyang magdamot,
mandaya at manlinlang sa kapwa.
• Nagiging bunga ng kakapusan ang kaguluhan at
pagtaas ng presyo ng mga bilihin (inflation)
TAKDA
:
• Ano ang dahilan kung bakit may
suliranin ng kakapusan sa inyong lugar?
• Paano nagiging dahilan ng kaguluhan at
pagtaas ng presyo ang kakapusan?
Mga Kaisipan tungkol sa Kakapusan

TRADE-OFFS
• Hindi kayang makuha ng tao ang lahat ng
kanyang pangangailangan.
• Upang makuha ang isang bagay,
kailangang isakripisyo ang iba.
Mga Kaisipan tungkol sa Kakapusan

OPPORTUNITY
COST
• Ang halaga ng bagay na handang isuko o bitawan
upang makamit ang isang bagay.
• Nagkakaroon nito dahil sa limitasyon ng mga
pinagkukunang yaman.
Production Possibility Frontier (PPF)

• Nagtatakda sa hangganan ng lahat ng kumbinasyon ng


kalakal at paglilingkod na maaring magprodyus kung
matalinong ginagamit ang lahat ng pinagkukunang-yaman
ng isang lipunan.
• Ito ang pinakamataas na opportunity cost na maaring
bitawan upang makamit ang pangangailangan.
PAGBUBUOD:

Nagiging panlipunang suliranin ang


kakapusan kapag hindi nakakamit ng tao ang
kaniyang layunin.

Upang maging responsible ang tao sa


kanyang pagdedesisyon, kailangan niyang
mabatid ang opportunity cost ng kanyang
desisyon.

You might also like