You are on page 1of 2

Banghay- Aralin sa Araling Panlipunan Para sa Ika-Siyam na Baitang

I. Mga Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Mapaghahambing ang kaibahan ng kakapusan at kakulangan;
B. Matutukoy ang sanhi ng kakapusan;
C. Maimumungkahi ang mga paraan upang malabanan ang kakapusan; at
D. Maipapakita ang wastong paggamit sa mga kapos at kulang na yaman.

II. Nilalaman
A. Paksa: Aralin 2: Kakapusan at Kakulangan
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan IV Kakulangan at Kakapusan sa Pagtugon sa Pangangailangan
at Kagustuhan
https://youtu.be/xxvtTaC8Jgw
https://youtu.be/0Y_17eYe3nI
https://youtu.be/P_MLLD96rJM
https://youtu.be/djo4yiwX7ZQ
C. Mga Kagamitan: Laptop, Projector, Videos at Powerpoint

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng Liban
4. Balik Aral

B. Pagganyak:
“Ipakita Mo Mga Pagkukulang Ko”
Hahatiin ang klase sa apat na grupo at sa pamamagitan ng isang maiksing skit o
dula-dulaan magpakita ng kakulangan o kakapusan sa kahit anumang aspeto ng buhay.
Dapat magkaiba-iba ang senaryong gagawin at isasagawa nila ito sa harap ng klase.
Bibigyan ng labinlimang minutos ang bawat grupo para mag-isip, magplano at
magensayo ng kanilang gagawin o ipapakita sa klase.

C. Aktibiti:
“Makukuha Mo Ako sa Pagtingin”
Panuto: Hanapin ang mga salita na sanhi ng kakapusan na maaaring dulot ng kalamidad,
mapang-abusong paggamit ng tao sa likas na yaman.

D. Analisis:
Magpapakita ang guro ng mga bidyu sa klase. Ilalahad ng guro ang mga iba’t
ibang pangyayari na nagpapakita ng kakapusan at kakulangan dulot man ito ng kalikasan
o tao. Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga pamprosesong tanong.
Pamprosesong mga Tanong:
 Ano sa tingin niyo ang nararapat na solusyon sa mga surilanin ng
kakapusan at pagkukulang?
 Ano nga ba ang mga sanhi at epekto ng kakapusan at kakulangan sa
lipunang Pilipino?
 Ano nga ba ang mga ginagawang paraan ng gobyerno upang
masolusyunan ang mga suliranin ng kakapusan at kakulangan sa bansa?
E. Abstraksyon:
Ang kakapusan ay tumutukoy sa limitasyon o hangganan sa mga produktong pang-
ekonomiya. Nagiging dahilan ito upang humanap ng iba’t ibang paraan upang lubos ang
paggamit ng yaman ng bansa, samantalang ang kakulangan ay isang kalagayang
panandalian lamang. Maaaring ang kakulangan ay dulot ng mga mangangalakal. Ang tao
ay may mga kagustuhan at pangangailangan upang mabuhay. Ang mga pagawaan ng mga
kalakal ay ginagamit ang likas na yaman upang makalikha ng produkto na tutugon dito.
Samantalang ang sektor ng paglilingkod ay tinutugunan naman ang iba pang
pangangailangan ng tao.

Sanhi ng Kakapusan at Kakulangan


 Produksyon ay limitado, kailangang mamili kung anong produkto ang dapat
likhain kaya nagkakaroon ng “trade offs”.
 Limitado rin ang makinarya at teknolohiya sa paglikha ng kalakal.
 Sa laki ng gagastusin sa paglikha ng isang kalakal kaya minsan ay bihira o di na
ito nililikha.
 Mga kalamidad na sumisira sa likas na yaman.
 Pagtaas ng mga materyales sa produksyon.
 Walang habas na paglaki rin ng populasyon at kawalan ng edukasyon.

Solusyon
 Magtitipid upang maiwasan ang pag-aaksaya ng mga kalakal na nagpapalubha
ng kakapusan.
 Wastong gagamitin ang likas na yaman sa produksyon.
 Sa panig ng pamahalaan, kinakailangan nilang magpatupad ng mga patakaran o
batas ukol sa konserbasyon ng mga likas na yaman.
 Maghahanap ng mga kalakal na maaaring ipalit sa mga kalakal na kapos.
 Patataasin ang pagiging produktibo ng manggagawa.
 Lubos na paggamit sa lahat ng nakatiwangwang na yaman.
 Gagamit ng episyenteng proseso ng produksyon.
 Lilimitahan ang paglaki ng populasyon.
 Papaunlarin ang dating yaman.
 Ekwetableng ibabahagi ang kita.

F. Aplikasyon
“Ipahiwatig Mo Sa Sulat”
Panuto: Magbigay ng isang sitwasyon na nagpapakita ng isang isyu sa kakapusan at
kakulangan at kung paano ito nakakaapekto sa ating pamumuhay. Pagkatapos mag bigay
ng mga sariling maaaring solusyon dito. Maaari kang kumuha ng inspirasyon batay sa
karanasan ng mga taong malapit sayo kagaya ng mga magulang mo, nakakatandang
kapatid o mga kaibigan.
(Isulat sa Kalahating Papel)

IV. Pagtataya

GAWAIN A: Isulat kung tama o mali ang ipinahihiwatig ng sumusunod na mga pangungusap
tungkol sa paggamit ng mga yaman.
__________ 1. Hayaan at huwag pansinin kung bukas ang gripo at tumatapon ito.
__________ 2. Ang paggamit ng dinamita sa pangingisda.
__________ 3. Ang paggamit ng bentilador kaysa aircon sa panahong malamig.
__________ 4. Sa panahong may kakulangan sa langis na pamprito, makabubuting ihawin na
lang ang isda o karne.
__________ 5. Ang paggamit ng bisekleta ay alternatibo sa pagtitipid sa paggamit ng petrolyo.

GAWAIN B: Gumawa ng isang maikling sanaysay patungkol sa kakapusan at kakulangan sa


ating bansa. Magbigay ng mga halimbawa na makikita sa lipunan at magmungkahi ng mga
hakbang sa paglaban dito.

V. Takdang Aralin
“Isipin Mo”
Isulat mo sa ibaba ang mga pangangailangan at kagustuhan mo. Magsimula ka sa
pinakamahalaga sa iyo. Isulat sa kalahating papel at ipasa bukas.

You might also like