You are on page 1of 16

ARALING PANLIPUNAN 8

UNANG BUWANANG PAGSUSULIT


POINTERS TO REVIEW
ARALIN 1 – HEOGRAPIYA NG ASYA AP TEK e-module Other source
(page)
Heograpiya at 5 Tema (pp.1-5)
Topograpiya at Mga Anyong Lupa at Tubig Pdf file
Bahagi ng globo at mapa Pdf file
Kahalagahan ng pag-aaral ng Heograpiya (pp.6-17; 34-47)
5 Rehiyon ng Asya Pdf file
Klima at Mga Likas na Yaman ng Asya (pp.18-25)

Due to the late issuance of the textbook in Araling Panlipunan, TekFactor provided the electronic copy of
the book.
Please download:
E-BOOK: TFI_APTek_7_Volume_1_(1st_2020)-1.pdf

Do not forget to download all the necessary files:

 YT_1.pdf
 MGA_REHIYON,_KLIMA_AT_LIKAS_NA_YAMAN_NG_ASYA.pdf
 TOPOGRAPIYA_AT_MGA_ANYONG_LUPA_AT_TUBIG.pdf
 katangiangpisikalngasya-181107013828_(1).pdf
 globoatmapa6-200706111422.pdf

Do not forget to pass all of the required tasks:

REVIEW_EXERCISE_1.docx
REVIEW_EXERCISE_2.docx
REVIEW_EXERCISE_3.docx
REVIEW_EXERCISE_4.docx

Please download > edit > save with your COMPLETE name as file name > upload on LMS
(disregard if you already accomplish this tasks)
HEOGRAPIYA: Kahulugan at 5 Tema
Ano ang Heograpiya?
Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng pisikal na katangian ng mundo at ng interaksyon ng mga tao sa
isang partikular na lugar.
Ang heohrapiya (Geography) ay hinuha sa dalawang salitang Griyego na “geo” at “graphia”. Ang geo ay
nangangahulugang “lupa/daigdig” at ang ibig sabihin naman ng graphia ay “isulat o ilarawan”. Sa madaling salita,
ang heograpiya ay nangangahuluhang “paglalarawan sa daigdig“.
Ang heograpiya ay larangan ng agham kung saan pinag-aaralan ang pisikal na katangian ng daigdig. Nakapaloob
dito ang pananaliksik tungkol sa interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran, hugis ng mundo, klima, lupain,
lokasyon, likas na yaman at iba pa. Ito ay naglalayong maunawaan ang lokasyon ng mga bagay, mga rason kung
bakit doon ito matatagpuan, kung paano ito nalikha o lumitaw, at ano ang mga pagbabago nito sa habang
lumilipas ang panahon.
Dagdag pa, ang heograpiya ay malawakang pag-aaral na isinasagawa upang mas maintindihan ang buong
kalupaan o daigdig. Ang mga taong nagsasaliksik sa larangang ito ay tinatawag na “Geographer“. Ang trabaho
ng Geographer ay magsaliksik tungkol sa panlabas o pisikal na katangian ng mundo at pag-aralan ang mga gawi
o kilos mga mamayan na namumuhay dito.
Dalawang sangay ng heograpiya
Nahahati sa dalawang sangay ang heograpiya. Ang dalawang sangay na ito ay ang heograpiyang pantao at
heograpiyang pisikal.
Ang heograpiyang pantao ay agham panlipunan kung saan pinag-aaralan interaksyon ng mga tao sa kanyang
kapaligiran. Tinatalakay sa sangay na ito kung paano binabago ng tao ang kapaligiran at ano ang mga nagiging
epekto ng kapaligiran pabalik sa kanya. Sa heograpiyang pantao rin pinag-aaralan ang kasaysayan, populasyon,
ekonomiya, politika, kultura at iba pa.
Ang isa pang sangay ng heograpiya ay ang heograpiyang pisikal. Ito ay agham ng kalikasan kung saan sinusuri
ang estruktura ng ating daigdig tulad ng disenyo ng atmospera, biyospera, at geospera. Pinag-aaralan din dito
ang iba’t-ibang natural na proseso at kaganapan na nangyayari sa loob at labas ng ating mundo. Dito pumapasok
ang pag-aaral ng kalupaan, karagatan o ang me katubigan, klima, at iba pang may kinalaman sa pisikal na anyo
ng daigdig.
Ang Limang Tema ng Heograpiya
Noong 1984, pinangunahan ng National Council for Geographic Education at ng Association of American ang
pagbalangkas ng limang tema ng heograpiya. Binuo ang limang tema ng heograpiya upang mapadali at gawing
simple ang pag-aaral dito bilang isang disiplina ng agham panlipunan. Sa tulong ng mga temang ito, mas
magiging madali na para sa mga tao na maunawaan ang mundong kanilang ginagalawan.
Ang limang tema ng heograpiya ay ang: interaksyon ng tao sa kapaligiran, lugar, lokasyon, paggalaw, at rehiyon.
Para mas lubos na maunawaan, maari mong basahin ang deskripsyon ng bawat tema sa ibaba.
1. Lokasyon – Ito ang kinaroroonan ng mga bagay sa daigdig.
May dalawang paraan sa pagtukoy ng lokasyon. Ito ay ang lokasyong absolute at relatibong lokasyon.
Sa lokasyong absolute, ginagamit ang imaginary lines na makikita sa globo, ang longitude line at latitude line
upang matukoy ang kinarorooan ng isang bagay. Samantala, sa relatibong lokasyon, ang batayan para matukoy
ang lokasyon ng mga bagay ay ang mga lugar na nasa paligid nito.

2. Lugar – Ito naman ay tumutukoy sa katangiang natatangi lamang sa isang pook. May dalawang paraan din
para matukoy ang isang lugar. Una, ang pisikal na katangian ng kinaroroonan katulad na lamang ng: ano ang
klima sa isang lugar, mga likas na yaman, at ano-ano ang mga anyong lupa at anyong tubig na maaring
matatagpuaan dito. Pangalawa, ang katangian ng mga taong naninirahan sa pook. Katulad ng densisad o dami
ng tao, wika, kultura, relihiyon, sistemang polital, mga pinaniniwala at iba pa.

3. Rehiyon – Ang tema ng heograpiya na tumutukoy sa bahagi ng daigdig na pinag-isa ng magkatulad na


katangiang pisikal at kultural.

4. Interkasyon ng tao sa kapaligiran – Sa temang ito, pinag-aaralan ang ugnayan ng tao sa kanyang kapaligiran.
Tinatalakay dito kung ano ang epekto ng tao sa kanyang paligid at kung paano inaangkop ng sangkatauhan ang
kanilang sarili sa mga pagbabagong nagaganap sa kapaligiran.

5. Paggalaw – Pinagtutuunan din sa heograpiya ang paggalaw. Ang paggalaw ay tumutukoy sa paglipat ng mga
tao, bagay, o maging mga ediya mula sa pinagmulan nito patungo sa ibang lugar dito sa daigdig.
Binibigyang pansin sa temang ito ng heograpiya ang migrasyon at emigrasyon ng mga tao, pati narin ang
pagpapalitan ng mga bagay at produkto.

Kahalagan ng Heograpiya

Alam na natin ang kahulugan ng heograpiya. Ngayon naman, ating aalamin kung bakit mahalaga para sa atin
ang pag-aralan ang asignaturang ito. Ano nga ba ang kahalagahan ng heograpiya?

 Nauunawaan natin kung paano nakakaapekto ang pisikal na katangian ng mundo sa ating pang-araw-araw
na pamumuhay. Halimbawa na lamang ay malalaman natin ang mga dahilan at lunas sa mga penomenang
nangyayari dito sa mundo tulad ng Global Warming at Climate Change.
 Nagkakaroon tayo ng kaalaman tungkol sa koneksyon ng heograpiya sa ating kasaysayan at kung paano
naapektuhan ng mga nakaraang pangyayari ang ating kasalukuyan.
 Mahalagang pag-aralan ang heograpiya upang malaman natin ang kultura ng ibang lugar. Sa pamamagitan
ng pag-aaral dito, ating mauunawaan kung paano naiimpluwensyahan ng klima at lokasyon ang kaugalian ng
ibang tao. Makatatulong din ito upang matanggap natin ang ating pagkakaiba sa iba pang lahi at kultura.

Nagkakaroon tayo kaalaman tungkol sa iba’t-ibang lugar dito sa daigdig. Maiintindihan din natin kung paano
nakaapekto ang pag-usbong ng modernong teknolohiya sa Globalisasyon na nagdulot upang maging mas
konektado pa ang mga lugar dito sa mundo.

 Nabibigyan tayo ng mas malawak na pananaw tungkol sa kinagisnan nating lipunan. Maaring mas makilala
pa natin ang ating sarili bilang isang parte ng lipunan sa pamamagitan ng pag-aaral sa relihiyon, kultura,
ekonomiya at politika na nakapaloob sa heograpiya..
 Sa pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa paksang ito, magkakaroon pa tayo ng mas malalim na
pagpapahalaga sa ating daigdig bilang ating tahanan at pinagkukunan ng likas na yaman.
Klimang Polar

60°S
Klimang
Temperate

30°S

Klimang Tropikal

0°S
Ang lahat ng mga meridian at parallel sa modelo ng ating planeta, siyempre, ang mga maginoo at haka-haka.
Lahat ng mga ito ay nai-map mula sa pang-agham at praktikal na layunin. Gayunpaman, kasama ng mga ito
mayroong limang napakahalaga parallels: equator, ang mga polar lupon, Southern at Northern tropiko. Ang
pagkakaroon ng mga haka-haka linya ay direktang may kaugnayan sa ang aktwal na mga batas ng kalikasan
(pisikal at heometriko). At kaalaman ng mga ito lubos na mahalaga para sa isang komprehensibong pag-aaral ng
heograpiya.
Arctic Circle - isang parallel na naglilimita ibabaw phenomena ng planeta tulad ng mga polar araw at polar gabi.
Ang mga linya ay tumutugma sa mga latitude ng 66.5 degrees. Summer residente, na nakatira sa Arctic Circle,
magkakaroon ng pagkakataon upang magbulay-bulay ang mga polar araw (kapag hindi lumulubog ang araw sa
ibabaw ng abot-tanaw). Kasabay nito sa ibang bahagi ng globo Earth at hindi ito lalabas (polar gabi). Duration
polar araw at gabi ay depende sa kung gaano kalapit ang partikular na site ay matatagpuan sa mga pole ng
planeta.

You might also like