You are on page 1of 1

Kasaysayan : Bahagi ng Ating Nakaraan, Bagay sa

Ating Kinabukasan
Ako si John, Kilala nyo ba ako? Ang laging JOHN para sayo
Ang taong di magsasawang magkwento
Na ang pag-aaral ng nakaraan ay hindi natin dapat kalimutan
Na parang ginawa nya sayo pagkatapos iwanan ay tuluyan kang lalayuan
Oo masakit sa pakiramdam na parang ikaw ang mactan at siya si Magellan na
nakuha ka sa santong dasalan

Mula sa salitang “saysay”, bakit ba natin di binibigyan ng halaga


Ang mga kwento ng bayani na
Ipinaglaban ang ating inang bayan sa mga dayuhan dahil mahal nila ang ating bayan
Kaya magtataka ka pa ba kung bakit di ka ipinaglaban? Dahil di ka niya mahal at
tuluyan kang iniwanan
Please lang masaya na siya kaya sarili moy huwag mo nang ipagsiksikan

Sabi ko noon sa kanya na handa akong mga “Polo Y Servicio”para sa kanya, bakit?
Kasi handa akong paglingkuran at pagsilbihan siya nang walang hinihinging kapalit
Pero bakit tila pumait at ang balik ay pawang panlalait
Di ko maiwasang maramdaman ang sakit
Sa tuwing makikita kang masaya sa piling nyang ang ngitiy hanggang langit

Huwag nating kalimutan ang sakit na dulot ng nakaraan


Sa bawat aral ng nakaraan ay may dulot na tamang daan
Ang tamang daan patungo sayo, ang aking kinabukasan
At pwede bang huwag na nating ibalik pa ang bad issues ng past
Total para sa akin, youll be my first and last

Sa mga pananakop ng dayuhan sa atin at pagkakamali nila,


Magsilbi sana itong gabay sa atin na sa mali, huwag nang umulit pa
Di natin maiiwasan pag-usapan ang nakaraan
Di dahil nais nating mag-away o magkahiwahiwalay
Kundi sa ating buhay, ito ang tamang hakbang sa ating magandang kinabukasan

You might also like