You are on page 1of 18

Mga Iskolar ng Commission on Higher Education (CHED) ng Abuyog Community College Na

Matagumpay na Makapagtatapos sa Kursong Bachelor of Science


in Hotel and Management Taong Panuruan 2020-2021

Isang Pamanahonang-Papel na Iniharap kay Bb. Rhona Baldono


Kolohiyo ng Edukasyon
Abuyog Community College
Abuyog, Leyte

Bilang Pagtupad sa isa sa mga Pangangailangan


Sa Asignaturang Filipino 2,Pagbasa
at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik

Inilahad nina:

Judell Amor
Christian Cabias
Sophia Marie Dela Cruz
James Gabion
Nicko John Matol
Joanne Taborada
Ma. Blossom M. Tomines
Erika Valida
Nilo Echavez Jr.

1
Talaan ng Nilalaman

Pasasalamat…………………………………………………………………………………………………….. (ii)
Talaan ng Nilalaman…………………………………………………………………………………………. (iii)
Kabanata I
Panimula………………………………………………………………………………………….. 1-2
Layunin…………………………………………………………………………………………….. 2
Suliranin na Sasagutin………………………………………………………………………. 3
Kahalagahan ng Pag-aaral…………………………………………………………………. 4
Saklaw ng Pag-aaral………………………………………………………………………….. 5
Paraang Gagamitin……………………………………………………………………………. 6

Kabanata II
Datos ukol sa mga CHED iskolar………………………………………………………… 7
Datos na Nalikom……………………………………………………………………………… 8

Kabanata III
Lagom………………………………………………………………………………………………. 9
Layunin…………………………………………………………………………………………….. 10
Mga tanong Sasagutin………………………………………………………………………. 11
Respondente…………………………………………………………………………………….. 12
Paraan ng Pag-aaral…………………………………………………………………………… 13
Datos Paano Nalikom………………………………………………………………………… 14
Konklusyon……………………………………………………………………………………….. 15
Mungkahi………………………………………………………………………………………….. 16
Talaaklatan……………………………………………………………………………………………………….. 17
Pasasalamat

Kami ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng mga taong tumulong sa amin upang

mapagtagumpayan ang pag gawa ng Pamanhonang-papel, hindi naming magagawa ang lahat

ng ito kung hindi dahil sa suporta ng mga indibidwal na aming babangitin. Hindi ganoon kadali

ang pag gawa ng isang pamanahonang-papel pero dahil sa dedikasyon at pagmamahal

nakawangis kami ng isang sulatin na tiyak na magugustohan ng lahat ng mga mambabasa.

Lubos ang aming pasasalamat unang-una sa Poong Maykapal na siyang lumikha ng lahat

ng maybuhay at walang buhay dito sa mundong ibabaw, ikaw ang nag bigay ng lakas at

katalinohan upang mapagtagumpayan naming ang lahat ng pag-subok at mga suliranin ng

dumarating sa aming buhay, kong wala ka po, wala din po kami ngayon sa mundong ito,

maraming salamat po.

Sa aming mga magulang maraming salamat po sa walang sawang pagmamahal, pag-

intindi, at pag-suporta sa amin, kahit na kayo ay nahihirapan na pero patuloy niyo parin pong

kinakaya ang lahat-lahat upang maibigay at maipadama sa amin ang inyong pagmamahal na

walang hanggan, an gaming tagumpay po ay tagumpay niyo rin. Ang pamanahong-papel na ito

ay aming inaalay sa inyo. Salamat po.

Walang humpay din ang gaming pasasalamat sa taong tumulong at humubog sa amin

upang makagawa kami ng sulatin na ito, lubos an gaming pasasalamt sa iyo Bb. Rhona Baldono,
hindi po naming mapagtatagumpayan ito kung wala po ang iyong lubos nap ag uanwa upang

ipaintindi po sa amin kong ano ang tamang proseso upang makawa kami ng pamanahong-

papel.

At sa huli ay nagpapasalamat kami sa aming mga sarili, ang aming dedikasyon ay siyang

patunay na walang imposible basta na totulong- tulong kahit gaano paman kabigat at karami

ang gawain tiyak na matatapos din.

-Mananaliksik
Kabanata I

Panimula

Ang makatapos sa kolehiyo ay isang tagumpay na tiyak ikakarangal ng lahat at mas

lalong ikararangal ng isang mag-aaral bilang isang nilalang dito sa mundong ibabaw. Ang mag

karoon ng degree ay isang kayamanan na Kaylan man hindi mapapalitan ng anong bagay at

kaylan man isang kayaman na hindi mananakaw. Maraming mga magulang ang nagsusumikap

upang maitaguyod ang kanilang pamilya at upang mapagtapos ang kanilang mga anak ,dahil ito

lamang ang kayaman na kanilang maipamamana na hindi makukuha ng kahit sinuman. Ang mga

magulang ay nagsusumikap at kumayayod upang mapag tapos lamang ang kanilang mga anak

sa kolehiyo dahil para sa kanila ang makitang maganda ang buhay ng kanilang mga anak ay siya

ring tagumpay nila.

Ang pag-aaral sa kolehiyo ay hindi ganoon kadali lalong-lalo na kung ang isang problema

ng mag-aaral ay pinasyal. Madami ang humihinto nalang sapa g aaral dahil sa walang

pangtostos at walang pang bayad sa matrikula. Maraming mga pagsubok bilang isang mag-aaral

ng kolehiyo, ika nga “matira, matibay”. Tama! Ang pag- aaral sa kolehiyo ang nangangailangan

ng matibay ng tiwala sa sarili at dapat ikaw ay madiskarte, hindi na sa taas ng grado ang laban,

ang importante na ikaw ay pumasa sa lahat ng asignatura.

Alam natin na hindi biro ang pag-aaral sa kolehiyo,. Kailangan na ikaw ay may sapat na

mapagkukunan ng salapi na pangmatrikula sa bawat semester sa loob ng apat o limang taon ng


pag-aaral depende sa kursong kunukuha. Dugo’t pawis ng mga magulang ang nagiging puhunan

upang matustusan ang lahat ng gastusin sap ag aaral. Subalit paano naman taong mga

kabataang ulila at mga kabataang kapos sa buhay na gusting makapag tapos ng pag-aaral?

Base sa datos ng Commission on Higher Education (CHED) noong 2015, 70 sa bawat 100

na nasa ika- 1 bilang na mga mag-aaral ang nakakapagtapos sa elementarya. Mula 70, 60 ang

nakakapag-enrol sa sekondarya at 50 lamang ang nakakapagtapos. Mula 50, 30 lamang ang

nakakapag-enroll sa kolehiyo at mula sa 15, lamang nag matagumpay na nakakapagtapos.

(news.yahoo.ph)

Wala naming imposible kung sinasamahan ang isang bagay ng pagsisikap, patititwala sa

sarili, motibasyon at inpirasyon. Ayon kay Jim Rohn (2010). If you really want to do something,

you will find a way. If you don’t, you’ll find excuse. Isa ito sa epektibong motibasyon upang

makamit ang mga mithiin at pangarap.

Sa tulong na din ng mga iba’t-ibang ahensya na pang edukasyon, natutulongan din ang

mga mag-aaral upang na mapagtagumpayan ang buhay.


Layunin sa Pag-aaral

Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay impormasyon hingil sa mga iskolar na

matagumpay na makakapagtapos sa kurong Hotel and Management sa Abuyog Community

College ngayong taong panuruan 2020-2021. Sasagutin sa pag-aaral na ito ang sumusunod na

mga katanungan:

1. Ano ang propayl ng mga respodente ayon sa mga:

a. Kasarian;

b. edad;

c. urin scholar;

d. Kursong kinuha;

e. kasarian.

2. Ano-ano ang mga suliranin ng mga mag-aaral ng kolehiyo?

3. Nagiging matagumpay ba ang mga mag-aaral na nagiging iskolar ng CHED?

4. May positibong naidudulot ba ang pagiging iskolar ng CHED?

5. Ano-ano ang mga solusyon upang mas mapataas ang mga grado ng mga mga-aaral na eskolar

ng CHED?
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag- aaral na ito ay makapagbigay ng sapat na impormasyon at

motibasyon sa mga mag-aaral, magulang, guro, administrasyon ng paaralan at sa mga

mananaliksik.

Mag-aaral Ang pag-aaral na ito ay lubos na makaka-tulong sa mga mag aaral upang

mas mapalawak nila ang kanilang isipan at mas mag pursige sap ag-aaral.

At mapag isip-isp nila na ang lahat ng mga pag subok sa buhay maging sa

paaralan man ay kayang mabigyan ng solusyon at mapagtagumpayan.

Magulang Makapagbi-bigay ng impormasyon sa mga magulang kong paano nila

bibigyang pansin ang pag aaral ng kanilang mga anak upang matulongang

makapagtapos ng kolehiyo at upang mas mapagpusige nila ang kanilang

mga anak na mag patuloy sa pag-aaral at mag tapos kahit na nahaharap

sa

ano mang kahirapan.

Administrayon Layunin ng pag aaral na ito na maiparating sa administrasyon ng paaralan

na mas unawain ang mga mag aaral at bigyang pansin ang mga mag-aaral

na talagang nangangailangan ng pag kalinga at tulong pinasyal upang sila


ang mag mabigyan at matulongan na makatanggap ng tulong mula sa

gobyerno.

Mananaliksik Ang pag aaral na ito ay lubos na makakatulong sa mga mananaliksik

upang

makakuha ng datus at impormasyon sa parihong pag-aaral,

iminumongkahi rin na mas palawakin pa ang pag-aaral na ito upang mas

mapatibay at mas mabigyang pansin ang mga ganitong suliranin.

Saklaw ng Pag-aaral

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay ang isang daan at dalawampu (120) mag-aaral na

iskolar na kumukuha ng kursong Hotel and Management sa Abuyog Community College.

Pagtutuonan ng pag-aaral na ito ang mga nagging solusyon at positibong epekto ng pagiging

iskolar sa kanilang pag-aaral, at paano ang mga solusyon nagging epekto upang ang mga mag-

aaral ay makapag tapos ng pag-aaral.

Hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang mga hindi skolar at mga hindi HRM na mga mag-

aaral. Ang isang daan at dalawampu na mag-aaral ay ang lahat ng mga graduate sa taong 2020-

2021.

Ang pag-aaral na ito ay nagpapahayag ng ilang rekomendasyon upang maisakatuparan

ang lahat ng mga nais iparating ng pag-aaral na ito.


Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na itoay isinasagawa ayon sa pamaraang deskriptive. Deskriptiv-

analitik and disenyo ng pangangalap ng mga datos at impormasyon hinggil sa mga salik o

factors na kaugnay ng paksa ng pananaliksik.


Kabanata II

Datos Ukol sa Kalusugan ng mga Estudyante

Pag-organisa at pagta-tally ng mga nakalap na impormasyon mula sa resulta ng sarbey

ng mga mag-aaral ang tanging paraan na ginagamit ng mga mananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay magsisimula sa ika- 18 ( labing walo) ng pebrero, taong dalawang

libo’t dalawampo’t isa (2021) at magtatapos sa ika 20 ( dalawapo) ng Pebrero, taong dalawang

libo’t dalawmpo’t isa (2021)

Mga Nalikom na Datos

Ang mga respondent ng pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral ng Abuyog

Community College, HRM 4th Year na mga estudyante.

Napag alaman ng mga mananaliksik na sa isang daan at dalawampo (120) na mag aaral

siyamnapo lamang ang nakakapag tapos ng matiwasay at nakakapagtapos sa takdang taon. Ang

mga dahilan ng mga hindi nakakapag tapos ay ang mga sumusunod:


a) walang pangatos sa mga bayarin sa paaralan;

b) walang suporta ang mga magulang emosyonal at pinansyal;

c) walang inspirasyon sap ag-aaral;

d) walang sapat nakakayahan o skills.

Kabanata III

Lagom

Batay sa mga nakuhang datos, ito ay nangangahulogan lamang na ang mga pangunahing

suliranin ng mga kabataan ay ang tulong pinansyal, hindi biro ang pag-aaral sa kolehiyo dahil

nangangailangan ito ng malaking halaga dahil sa napakaraming gastosin dahil sa dami ng mga

gawain at mga proyekto.

Pangalawa ay ang supporta ng mga magulang, napakalaking tulong ang supporta ng mga

magulang hindi lamang sa pinansyal kundi na rin emosyonal na suporta. Hindi lamang pera ang

kailangan ng mga estudyante kundi kasama rin dito ang emosyonal na pangangailangan,

napakaraming mga suliranin ang kinakaharap ng mga kabataan ngayonkaya naman ang mga

magulang ay nararapat lamang na palaging nakaagabay sa kanilang mga anak.

Pangatlo ay dahil sa walng inspirasyon ang mga mag-aaral, napahalaga na habang nag

aaral ay mayroong inspirasyon, dahil ito and driving force kung bakit ginaganahan ang mga bata

pumasok araw-araw, ngunit dapat isaalang-alang na ang inspirasyon ay inspirasyon lamang at

dapat ay may hangganan.


At ang panguli ay dahil sa walang sapat na kakayahan o skills, misan nag kakamali ang

mga estudyante sa pag-pili ng kanilang kurso o minsan napipilitan silang yun ang kuning kurso

dahil sa kagustohan ng mga magulang o di kaya dahil sa mga kaibigan. Kaya naman nararapat

lamang na alamin kung ano ang mga kakayahan mo bilang isang-mag- aaral upang hindi

mahirapan sa mga bagay-bagay na iyong pinapasukan.

Layunin

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod:

1. Upang malaman kung ano ang mga suliranin ng mga mag-aaral at bakit hindi nakakapag-

tapos ng pag-aaral;

2. Matukoy kung an gang positibong epekto ng pagiging isang iskolar;

3.Matukoy kung ano ang negatibing epekto ng pagiging isang iskolar;

4. Mapag-alam kung papano mabibigyan linaw ang mga negatibong epekto bilang isang iskoar.

Mga Tanong Sasagutin

1. Ano ang epekto ng papaging isang CHED iskolar?

2. Nakatulong ba sayo ang pagiging isang CHED iskolar?

3. Kung oo ang iyong kasagotan, sa papaanong paraan nakatulong ang CHED iskolar na

programa?

4. Ano-ano ang mga balakid na iyong kinakaharap maliban sa pinansyal na lurinanin?

5. Ito ba ay may malaking epekto sa iyong pag-aaral?

6. Sa tingin mob a ang iyong kuro na kinuha ay kaya mong mapagtagumpayan?

7. Ano ang mga paraan mo upang makapag tapos ng kolehiyo?


8. Sa tingin mo ba ang mga paraan na iyan ay mga kakatulong upang mapagtagumpayan moa

ng mga suliranin sa iyong pag-aaral? bakit?

9. Sino-sino ang iba pang sumusuporta sa iyo?

10. paano ka ginaganahan mag aral?

Respondents

Ang pipiliing magiging respondent sap ag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng Abuyog

Community College HRM 4th Year na mga estudyante at ito ay nasa bilang na isang daanpo’t

dalawampo. Ang mga respondents ay sasagutin ang mga katanongan patungkol sap ag-aaral

nila at papano nakakatulong ang pagiging isang skolar.

Paraan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng kwalitatibing paraan ng metodolihiya. Ito ay nasa

diskursong pananaliksik sa deskriptong pamamaraan sapagkat halos lahat ng impormayong

gagamitin sa pagpapatibay sa pag-aaral na ito ay nakalap sa pamamagitan ng sarbey.

Datos Pano Nalikom


Gumagamit ng survey ang mga mananaliksik upang makakalap ng mga impormasyon na

gagamitin sap ag-aaral- Kinakailangan din ng sarbey-kwestyuner upang malaman kung ano ang

tunay na saloobin ng mga respondent ukol sa kanilang kalagayan. Ang kwestyuner ay nasa uri

ng question and answer portion ngunit hindi sasagot ng “oo” at “hindi” at sa uri ng multiple

chices kaya ito ay madali lamang masasagutan.

Konklusyon

Ang pananaliksik na ito ay isang deskriptong pananaliksik na nagtatangkang mabatid ang

pisyolohikal, emosyonal, at sosyolohikal na aspeto kung bakit hindi nakakapagtapos ng pag-

aaral at kung papano nakakatulong ang pagiging isang iskolar upang mapagtagumpayan ang

pag-aaral sa kolehiyo. At kung paano ang pagkabahala ng mga mag-aaral sa kolehiyo partikular

na ang mga magsisipagtapos at kung anu-ano ang maaring paraan upang hindi na umabot sa

malubhang kalagayan.

Nangangahulogan lang na kinakailangan ng matinding pag-aaral para sa ganitong mga

suliranin ng mga kabataang nag-aaral sa kolehiyo,kinakailangan ng matiding pag-unawa at

pagbibigay suporta upang mapagtagumpayan nila at makamit ang mga mithiin lalong-lalo na

ang makapag-tapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Kinakailangan ang lubos na suporta at

pagmamahal ng mga magulang, at mabigyan ng gobyerno ng sapat na pondo para sa mga mag-

aaral ng kolehyo upang marami na ang mabigyan ng magandang buhay.


Mungkahi

Iminumongkahi ng pag-aaral na ito na bigyang pansin ng gobyerno ang mga mag-aaral

lalong-lalo na ang mga mag-aaral sa kolehiyo. Bigyan ng sapat na pundo at sangtong pagkalinga

sa mga kabataan pag-asa ng bayan. Dahil kung marami ang makakapag tapos sap ag-aaral

marami ang taong magiging matagumpay at magiging matiwasay ang buhay.

At para sa mga mag-aaral na mga iskolar ng bayan narito ang ilan sa mga

rekomendasyon ng mananaliksik upang mapagyaman at mapagbuti pa ng mga iskolar hindi lang

sa Abuyog Community College kundi sa iba pang mag-aaral na iskolar sa iba’t-ibang unibersidad

at mga lokal na kolehiyo:

1. Makilahok at makiisa sa mga pagpupulong na ibinibigay ng nag-papaaral upang malaman

ang updates sa mga bagong patakaran o isyu;

2. Nararapat lamang na magalang ang bawat iskolar ng bayan sa kahit sino mang tao o ano man

ang stado ng buhay;

3. Ipagpatuloy ang pag-aaral kahit ano paman ang suliranin na kinakaharap at;

4. Nararapat lamang na bilang mag-aaral ikaw ay may tiwala sa iyong sarili.


Listahan ng mga Sanggunian

https://ph.news.yahoo.comcollege-education-poorstudents-09706071html

https://tl.wikipedia.org/wiki/Administrayon

https://tl.wikipedia.org/wiki/dedikasyon

https://tl.wikipedia.org/wiki/determinasyon

https://tl.wikipedia.org/wiki/kompetisyon

https://tl.wikipedia.org/wiki/imatrikula

https://tl.wikipedia.org/wiki/iskolar

https://tl.wikipedia.org/wiki/mithiin

https://tl.wikipedia.org/wiki/respondente

https://tl.wikipedia.org/wiki/saklaw

https://tl.wikipedia.org/wiki/scholarship

You might also like