You are on page 1of 23

PANAHON NG

REBOLUSYONARYONG PILIPINO
O PANAHON NG PROPAGANDA
(1872-1898)
Ito ang panahon kung saan namulat ang
makabayang damdamin ng mga Pilipino dahil
sa mga sumusunod na dahilan:
a) Ang pagpapahintulog sa
pakikipagkalakalan ng pandaigdigan nang
buksan ang Suez Canal sa Gitnang
Silangan, na nagpabilis ng transportasyon
sa pagitan ng Asya at Europa.
b) Ang pagpasok ng diwang liberal sa
Pilipinas mula sa iba’t ibang bahagi ng
Europa at Espanya.
c) Ang pagiging Gobernador-Heneral ni
Carlos Maria dela Torre na nagkaroon ng
pantay na pagtingin sa mga mamamayan
d) At ang pagkakagarote sa tatlong paring
martni na sina Mariano Gomez, Jose
Burgos, at Jacinto Zamora.
e) Tumitinding krisis at kahirapan dahil
sa kolonyalismo at pyudalismo.
Sa panahong ding ito naitatag ang Kilusang
Propaganda na ang layunin ay ang mga
sumusunod:
a) Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin
sa mga Pilipino at Espanyol sa ilalim ng
batas.

b) Gawing lalawigan (o probinsiya) ng


Espanya ang Pilipinas
c) Panumbalikin ang pagkakaroon ng
kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya; at

d) Ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino sa


pamamahayag, pananalita, pagtitipon, at
pagpapahayag ng kanilang mga karaingan.
Ang Kilusang Propaganda 
ay isang kilusan
sa Barcelona, Espanya noong 
1872 hanggang 1892.
Sinimulan ito dahil sa pagbitay
sa tatlong pari na
sina Mariano Gomez, Jose
Burgos, at Jacinto
Zamora (Gomburza).
Itinatag ito ng mga
Pilipinong ilustrado sa Madrid 
para sa
layuning pampanitikan at kultural sa
halip na politikal na layunin.
Sina Jose Rizal, Graciano Lopez
Jaena, Marcelo H. del Pilar, Mariano
Ponce at ang magkapatid na Luna--
Juan at Antonio--ang ilan sa mga
Mga Kasapi ng kasapi dito.
Kilusang Propaganda
“Ang La Solidaridad ang pahayagan ng
mga propagandista na unang inilathala
sa Barcelona, Espanya noong Pebrero 15,
1889. Sa pahayagang ito nalathala ang
mga katiwalian sa kolonya ng Pilipinas.
Natapos ang paglilimbag noong 1895.
May mga sipi na palihim na iniluwas sa
Pilipinas at lihim namang binabasa sa
mga nakapinid na mga pintuan.”
Mga Layunin:
• kilalanin ng mga Kastila
ang Pilipinas bilang bahagi
at lalawigan ng bansang Espanya
• pantay na pagtingin sa bawat Pilipino at
Kastila sa harapan ng batas
• pagkakaroon ng kinatawan sa Cortes
Generales ang Pilipinas
• pagkakaroon ng sekularisasyon sa mga
parokya ng Pilipinas
• Kalayaan sa pagpupulong nang
matiwasay, pagpapalathala, at pagsasabi
ng mga pang-aabuso at ano mang
anomalya sa pamahalaan
Nilalayon ng kilusang ito na humingi sa
pamahalaang Kastila ng mga reporma sa
mapayapang pamamaraan
Sa pamumuno nila Rizal, Del Pilar, Luna,
at Jaena, ginamit ang wikang Tagalog sa
pagsulat ng mga akdang pampanitikan
upang gisingin at pag-alabin ang
damdaming makabayan gamit ang mga
tula, sanaysay, kwento, atbp.
Ang mga halimbawang akdang
pampanitikan ay ang mga sumusunod:
Mga Akda:
•Noli Me Tangere, El
Filibusterismo
•Mi Ultimo Adios (Ang Huli
kong Paalam)
•Sobre La Indolencia de Los
Filipinas (Hinggil sa
Jose Rizal Katamaran ng mga Pilipino);
“Laong-laan/D at
Itinatag ang Diariong
Tagalog (unang pahayagang
Tagalog) noong 1882.
Mga Akda:
•Dasalan at Tocsohan
•Ang Cadaquilaan ng Diyos
Marcelo H. del •Caiingat Cayo
Pilar “Plaridel”
Unang pumatnugot sa
pahayagang La
Solidaridad.
Mga Akda:
•Fray Botod
•La Hija del Praile
Graciano Lopez
Jaena
•Esperanzas
“Diego Lauro”
Tumulong sa pagtatag ng Kilusang
Propaganda at naging heneral sa Pilipinas
Mga Akda:
• Noche Buena
• Se Diviertien (Naglilibang Sila)
• La Tertulia Filipina (Sa Piging ng mga
Pilipino
• Por Madrid
• La Casa de Huespedes (Ang
Antonio Luna Pangaserahan); at
“Taga-Ilog” • Impresiones
Nagin mananaliksik ng
Kilusang Propaganda.
Mga Akda:
•Mga Alamat ng Bulakan
•Pagpugot kay Longhinos
•Sobre Filipina; at
Mariano Ponce
“Naning/Tikbalan
•Ang Mga Pilipino sa Indo-
g Kalipako” Tsina
Isang Iskolar, mananaliksik, at
nobelista sa Kilusang Propaganda.
Mga Akda:
•Ninay
•A Mi Madre (Ang Aking Ina)
•Sampaguitas y Otras Poesias
Varias
Pedro Paterno •La Loba Negra (Ang Babaeng
“Justo Desiderio Lobong Itim)
Magalang”
“Hindi nagtagumpay ang mga propangandista dahil
kinulangan sila ng pondo (hindi na nag bigay ng pera
ang ibang miyembro), hindi sila pinakinggan ng mga
prayle, hindi pagkakaunawaan sa mga kasapi at
pinuno, at mas pinansin ng Espanya ang kanilang
panloob na usapin na dapat nilang tugunan.”

Mga Sanggunian:
 "Rizal and the Propaganda Movement“ (nagmula sa Wikipedia)
Aklat sa Komunikasyon at Pananaliksik p. 47-48
QUIZ
1. Ano ang paksa natin ngayon?
2. Ano ang tawag sa kilusang itinatag ng mga Pilipino sa
Barcelona, Espanya?
3. Ano ang pahayagang ginamit ng mga miyembro ng kilusan?
4. 4-6 Magbigay ng tatlong miyembro ng kilusan?
7. Sino ang mga ginarote na mga tao na naging rason kung
bakit itinatag ang Kilusan?
8. Magbigay ng isang layunin ng Kilusan.
9. Sino ang nagsulat sa Noli Me Tangere?
10. Ano ang tawag sa mga Pilipinong nakapag-aral?
QUIZ
1. Ano ang paksa natin ngayon? Panahon ng Propaganda
2. Ano ang tawag sa kilusang itinatag ng mga Pilipino sa
Barcelona, Espanya? Kilusang Propaganda
3. Ano ang pahayagang ginamit ng mga miyembro ng kilusan? La
Solidaridad
4-6 Magbigay ng tatlong miyembro ng kilusan?
7. Sino ang mga ginarote na mga tao na naging rason kung bakit
itinatag ang Kilusan? GOMBURZA
8. Magbigay ng isang layunin ng Kilusan.
9. Sino ang nagsulat sa Noli Me Tangere? Jose Rizal
10. Ano ang tawag sa mga Pilipinong nakapag-aral? Ilustrado

You might also like