You are on page 1of 1

Repleksyon sa Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway B. ArceoPaano ba mapapatunayan na tunay ang pagmamahal?

Ang isa bang pagkakamali aysapat na dahilan para iwanan ang minamahal?Ito marahil ang nais sagutin ni Bb. Arceo sa kanyang akdang Uhaw ang Tigang na Lupa. Isinulat sa mata ng isang bata,nais ng akda na patunayan sa atin na sa panahonngayon,mayroon pa ring tunay na pagmamahal,at mayroon pa ring halaga sa lipunan angpamilya.Sa mata ng batang karakter,ang kanyang pamilya ay perpekto-ang kanyang inaay mabait,sadyang di galitin,at di masyadong masalita.Ang kanyang ama ay huwaran sapamilya-masipag,mabait at maaruga.Para sa bata,ang kanyang pamilya ay masaya atpara bang wala nang suliranin,ngunit di nya naiisip na isang bagay pala ang titibag sakanyang mga impresyon.Tunggalian sa akda ang pagsulpot ng kerida ng kanyang ama-na isikreto ngmatagal na panahon hanggang sa natuklasan ito nang natagpuan ang kanyangtalaarawan.Sa gitna ng pagsubok na ito ang kanyang ina ay nanahimik at kung iisipin nagsawalang-kibo,huwaran dahil kadalasang di kakayanin ng isang babae na harapin nangpasibo ang ganitong mga bagay.Sa pagkakasakit ng kanyang asawa nagawa pa nyangarugain ito ng buong puso,at nang ito ay gumaling naibigay na rin nya ang kanyangpagpapatawad.Marahil ay nagtagumpay ang akda dahil nagawa nitong makawala sa tradisyunalna mga kaganapan sa buhay.Maaring isipin natin na ang ginawang pagpapatawad sa inasa kasalanan ng asawa ay pantasyang malabo nang maging realidad,ngunit sa totoo langay kahanga-hanga man kung ito ay maganap.Palagian na nating naririnig sa balita atnapapanuod sa mga telenobela ang kuwento ng mga pamilyang nasisira dahil sapakikiapid,ngunit kung iisipin natin ay malungkot na repleksyon lang ito sa kung anumanang nagaganap sa lipunan natin.Marahil,kung ang mga mag-asawa ay magagawa lamangna tibayin ang pagsasama para sa kapakanan ng pamilya,mas mabibigyan natin ngmagandang kinabukasan ang mga musmod,na madalas naiiwang nagtataka atnagrerebelde sa dahilang wala silang ina o ama.Dito makikita natin ang akda bilang isang feel-good na akda na kapag mataposmong basahin ay mapapaisip ka at mapapahanga.Ang kuwento,sa kabuuan ay inspirasyonsa atin na may mga bagay na posible pang mangyari.Sa mata ng isang bata,lahat aymaganda,lahat ay inosente,lahat ay mapagmahal

You might also like