You are on page 1of 2

FILIPINO9 ARALIN 1.

2 PANGHUHUSGA (PTASK#2)
Pangalan: CUNANAN
SALVA
VERGARA
ROLDAN
GUZMAN
GOMEZ

Baitang at Pangkat: GROUP 8

PAGPAPAHALAGA:

Ang pambabatikos o panghuhusga sa kapwa ay di makatarungan para sa tumatanggap nito, lalo na kung wala
itong sapat na batayan. Dahil wala ngang batayan, ang mga mapanirang pahayag ay maaaring malayo sa
totoong nangyayari sa taong hinuhusgahan o sa tunay niyang pagkatao. Kung sakaling dumaraan siya sa isang
pagsubok, sa halip na matulungan siyang malampasan ang aniyang pinagdaraanan. Lalo pa itong magiging
mahirap para sa kaniya.

MAPANGHAMONG TANONG:
“Bakit mahalagang pag-aralan ang nobela bilang isang akdang pampanitikan at mga
tunggaliang makikita rito?”

PANGKALAHATANG PANUTO:

Ugaliin Ang pagbabasa ng panuto. Basahin at unawin ito nang Mabuti. Mula sa mga sasaguting mga sumusunod ay
inaasahan ang partisipasyon ng bawat isa upang mabuo ang isang mahusay na pagsusuri sa akdang pampanitikan.

Panuto: Upang matiyak kung talagang naunawaan ang araling natalakay, magsaliksik tungkol sa iba pang nobela
sa Asya. Suriin ito at tukuyin ang mga pangyayaring nagpapakita ng iba’t ibang tunggalian.

Mga Pagpipilian:

ØDekada 70 – Lualhati Bautista


ØMaindayog na Pagsasanay – Punla 9
ØPapel – Catherine Lim (Punla 9)
ØAng Ama – Punla 9

Pumili ng isang akda at Gumawa ng maikling buod tungkol dito. Pagkatapos ay sumulat ng mga pangyayaring
nagpapakita ng mga tunggalian batay sa akda o maaaring may kaugnayan lamang sa paksa nito upang maipakita
ang nabanggit na tunggalian kung hindi ito makikita sa nobela.

Pamantayan:

Pagkamalikhain –5
Kaayusan –5
Gramatika –5
Pagsusuri –5
Partisipasyon -5
Kabuuan - 20

PAMAGAT NG AKDA Ang Ama


May-akda: Mauro R. Avena
Bansang Pinagmulan: Singapore
Buod: Mula sa maikling kwentong 'Ang Ama' makikita natin sa panimula ang
pagkakaroon ng Ama na hindi kayang bitawan ang bote ng alak o sa madaling
salita ay lasinggero. Nababahidan din siya ng pagiging iresponsable sa
kaniyang anim na anak at sa kaniyang asawa. Ngunit, nang ito ay mawalan ng
trabaho at nilunod na lamang ang kaniyang sarili sa alak, bigla na lamang
ngumawa si Mui Mui, ang kaniyang walang taong gulang na anak at hinampas
ito, dahilan para mapunta ito sa kabilang parte ng kanilang bahay at
mamayapa. Nang mangyari ang mga iyon, nakaramdam siya ng labis na poot
at pagsisisi sa kaniyang nagawa sa kaniyang anak. Sa huli, maipapakita pa rin
ang pagmamahal niya sa kaniyang anak, at nangako siya na hindi na muli
mauulit ang mga pangyayaring hindi dapat nangyari.
TUNGGALIAN: PATUNAY NA NAGANAP ANG TUNGGALIAN
Tao laban sa Tao Base sa panitikan, sa panimula pa lamang ay naibabahagi na ang pananakit
niya ng kaniyang sariling dugo. Gayunpaman, siya nga ay nakikipag-laban,
ngunit sa paraan na hindi matatanggap ng kahit sino man
Tao laban sa Kalikasan N/A
Tao laban sa Lipunan N/A
Tao laban sa Sarili Sa huli, makikita natin ang kaniyang pagsisisi sa kaniyang nagawang pagbu-
bugbog at pagiging iresponsableng Ama, kung kaya naman ay naipapakita rin
dito ang pakikipaglaban niya sa kaniyang sariling emosyon at kamalian.

Gabay na katanungan:

1. Bakit mahalagang pag-aralan ang nobela bilang isang akdang pampanitikan at mga
tunggaliang makikita rito? Mahalagang pag-aralan ang panitikan na ito, sapagkat nagpapakita
ito ng mga matatalinhagang salita na naglalaman ng malalim na kahulugan sa ating reyalidad.
Halimbawa na lamang ang tunggalian ng tao laban sa tao, kung saan makikita natin sa
panitikan na ito ang pagbu-bugbog ng Ama sa kaniyang mga anak at asawa.

2. Ano ang mga bagay na natutuhan o naging puna sa araling ito? Ang aking mga natutunan sa
aralin na ito ay maging taong hindi nahihiyang maghingi ng tawad sa taong nagawan ko ng
kasamaan, sapagkat, hindi pa laging huli ang lahat upang magbago at malaman ang mga
pagkakamali na nagawa mo noon.

You might also like