You are on page 1of 10

Pangkatang

Gawain sa FILIPINO
Pag-Uulat ng Pangkat 4
Magandang Araw! Kami ang pangkat 4 upang
iulat namin ang aktibidad na iniatang sa amin ng
aming Guro.

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 3


1.Paano sinimulan ng nagsasalita sa akda ang
kaniyang salsaysay?

Sinimulan ng nagsasalita sa akda ang kaniyang


salaysay sa pamamagitan ng pagbati at
pagpapakilala sa kaniyang sarili. Naka-saad dito Ang
kaniyang Pangalan, edad, tirahan at Kung ano ang
sitwasyon niya.
2.Paano isinalaysay ni Amelia ang kaniyang
pang-araw-araw na gawain?

Isinalaysay ni Amelia ang kaniyang pang-araw-araw na gawain sa


pamamagitan ng pag gamit ng mga salitang naglalarawan.
Ginagamitan niya ito ng mga salitang naglalarawan upang mas
mabilis na maunawaan at maipakita niya ng maayos sa mga
mambabasa ang kaniyang ginagawa sa araw araw. Ang halimbawa
nito ay “mabilis at maayos niya itong natapos”, dito masasabi
nating natapos niya ang isang gawain sa mabilis at maayos na
paraan.
3. Aling bahagi ng kuwento ang
naglalarawan ng twist ng akda?

Ito ay sa bandang hulihan dahil dito makikita o


mababago bigla ang emosyon ng mga tao. Maaaring
naitayo ng isang akda ang emosyon ng mga
mambabasa nito, kaya lalagyan niya ng pagbabago
sa kaniyang kwento o likha na magpapagulat sa
kaniyang mga mambabasa.
4. Ipaliwanag ang double blade ng pamagat ng
akdang, “Ako Po’y Pitong TaongGulang.”
Ang double blade na ginamit sa dagling pinakamagatang “Ako po’y
pitong taong gulang” ay nagpapahiwatig na kahit bata pa lamang ang
tauhan na si Amelia ay namulat na siya sa masaklap na reyalidad na
mahirap ang buhay at dahil wala siyang mga magulang ay
kinakailangan niyang magtrabaho upang siya ay mabuhay. Isa pang
hindi inaasahan naming mambabasa ay hindi siya mismo ang sumulat ng
dagli na ito sapgakat hindi siya nagkaroon ng kaalaman kung paano
sumulat dahil hindi siya pinayagang makapag-aral.
5)Saan nakatuon ang
akdang binasa? Ipaliwanag.

nakatuon ang akdang binasa sa buhay ng isang pitong taong


gulang na si amelia na nasabing ipinamigay siya ng kaniyang
magulang sa isang mayamang pamilya na nakatira sa lungsod.
Binanggit din ang pagkakasunod sunod na pangyayaring
nagaganap sa munting buhay ni amelia, ang kaniyang paghihirap
sa loob ng bahay ng mayamang pamilya.
6) “Nakalulungkot pong isipin na hindi ako
ang mismong sumulat nito.” Ano
ang ipinahihiwatig ng pahayag?

ANG PINAPAHIWATIG NITO NALUNGKOT SI AMELIA HINDI SIYA


MISMO ANG SUMULAT NITO DAHIL NGA HINDI SIYA NABIGYAN NG
PAGKAKATAONG MAKAPAG ARAL KAYA HINDI SIYA MARUNONG
MAG SULAT AT LUBHANG NALUNGKOT SIYA DAHIL IBA ANG
SUMULAT NA DAPAT SIYA MISMO ANG SUMULAT.
PANGKAT APAT
Aira Lei Dela Pena
Krisha Mae Zurbano
Franco Pagdonsolan
Keith VIllabroza
Cazimir Veine Gonzales
Kishean Auditor
Ejay Postrado
Fatima Pura
Rose-Ann Garrido
MARAMING SALAMAT
SA PAKIKINIG SA AMING
ULAT!
PANGKAT APAT

You might also like